Share

Kabanata 4

Kabanata 4

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng harap-harap-an ko ng matitigan ang guwapo ngunit madilim na mukha ng binatang nagpapagulo lagi sa isip ko. Kusa rin akong nanigas at pinag-ugatan ng paa. At hndi ko alam kung humihinga pa ba ako ng mga oras na iyon dahil hindi ko alam ang una kong mararamdaman sa nangyayari.

Galit, pagkalito, pagkataranta— hindi ko talaga alam. A-At… mas lalong hindi nakakatulong sa sitwasyong kinakalagyan ko ang maikling distansya ng mga mukha namin ng Zario Emmanuel Del Ferrio, na isang maling galaw na lang ng isa sa amin, mahahalikan na naman namin ang isa't-isa…

Bumilis sa ekstra-ordinaryong paraan ang puso ko sa pagp-panict. Sinubukan kong pumiglas sa madiin niyang pagkakahawak sa isa kong braso para sana makagawa ng distansya sa pagitan namin, para mailabas ko lahat ng galit ko sa kanya dahil hindi ko kayang makipag-argumento sa kanya ng ganito kalapit ang mukha namin sa isa't-isa.

Pero ng gawin ko iyon, awtomatikong dumiin ang kapit niya sa braso ko ng mapansin niya. Napangiwi ako sa sa dalang sakit ng madiin niyang kapit, pakiramdam ko, mababali niya na ang kanang braso ko kung lalakasan niya pa ang puwersa niya.

Tinaasan ko siya ng tingin at tinitigan siya ng masama, "A-Anong kailangan mo sa 'kin?! Bakit mo 'ko hinila rito?! A-At… p'wede ba?! Bitawan mo nga ako! Nasasaktan ako!" sinubukan ko ulit magpumiglas sa kanya sa pagbabaka-sakaling baka makawala na ako sa pangalawang pagkakataon. Pero ang kinahinatnan, mas lalo lang dumiin ang kapit niya sa maliit kong braso. 

Tumili na ako sa matinding kaba sa balak sa akin ng lalaki at sa kawalan ng paraan kung paano siya matatakasan.

Mabilis niyang ginamit ang isa niyang kamay pang-tapal sa bibig ko. Mas lalo akong na-taranta at nag-pumiglas, pero kahit ano talagang gawin ko, hindi talaga ako makawala sa ga-bakal niyang hawak.

Sinandal niya ako sa katabing pader at hinarangan ang isang daan pa-hallway para matakpan ako ng malapad niyang katawan sa mga posibilidad na may dumaan at may makakita sa ginagawa niya sa akin!

Tinitigan ako ni Zairo Emmanuel Del Ferrio gamit ang nag-aapoy niyang mga mata, "So your fvcking beautiful up close," garalgal niyang anas bago bumababa paunti unti ang mga mata niya sa katawan ko. Na halos lahat kita, dahil sa dress code namin ngayong gabi.

At mas lalong dumagdag ang kaba at takot sa dibdib ko para sa sarili ng tumagal ang titig niya sa katawan ko. Pagka-kuwan, dinilaan niya ang ibabang pulang labi bago itaas ulit sa akin ang mapungay niyang tingin.

Napalunok ako ng mariin. Hindi ko na alam ang gagawin ko... gusto ko ng maiyak na ewan sa takot at sa halo-halong mga nararamdaman. Pinipigilan ko lang talaga ang sarili na gawin iyon dahil ayaw ko ipakita sa lalaking kaharap na mahina at kaya niyang gawin lahat ng gusto niya sa akin.

"Why are you so fvcking perfect? Hmm? Tell me? Why are you born with this perfect curve and face? You make me so..." nilapit niya ang ulo sa gilid ng tainga ko, "fvcking howrny, that I want to fvck you right now."

Nag-taasan ang lahat ng balahibo ko sa katawan sa narinig. Nag-pumiglas ulit ako at sinubukang sumigaw ulit.

Nginisian ako ng binata, "It's no use. Stop it—"

Hindi na natapos ni Zairo Emmanuel Del Ferrio ang sasabihin niya ng kagatin ko ang palad niya. Natanggal ang pagkakatakip niya sa bibig ko kaya ginamit ko ang tiyansang iyon para sumigaw ng tulong. 

"—Fvck!"

"Tulong! Tulungan niyo po ako! Tulong!" buong litid kong sigaw habang nagpupumiglas makawala sa parang tore sa tangkad na kaharap.

Pero hindi pa man ako nakakatagal sa pagsisi-sigaw, bumalik na agad ang malaki niyang kamay sa bibig ko. Sumigaw pa rin ako kahit natatakpan niya na ang bibig ko sa huling pagbabakasali na may makarinig sa akin pero— wala talaga.

Mas lalo akong sinuksok ni Zairo Emmanuel Del Ferrio sa madilim na gilid kung nasaan kami. Tinitigan niya ako ng madilim.

"Can you please shut the fvck up, while I'm being nice? And... stop pretending you didn't like this, miss. I know the type of girls like you. You're just acting hard to get," madiin niyang sabi.

Na kusang ikina-laglag ng panga ko sa isip-isip ko. Dahil sa literal na gulat dahil sa mga akusasyong lumabas sa bibig ng lalaki. Dahil... paano niya nasasabi ang mga ganoong masasakit na salita na para bang kilalang-kilala niya ako?

Nagsalita ulit siya ng mapatitig na lang ako sa kanya sa sobrang gulat ko. Ngumisi ulit siya ng nakakaloko, "The way your eyes look at me every night. I can't be mistaken. You want my attention, right? And how about my money that I give to your Manager? Why are you not accepting them all? Bakit, Miss? hmm? Nakukulangan ka pa ba? Magkano ba gusto mo? Magkano ka ba?"

Deretso sa puso ko ang mga iyon na para bang matutulis na punyal. At sa puntong iyon, mabilis akong kinain ng matinding pait at sama ng loob. At ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan dahil gusto ko magmukhang matapang sa harapan niya— bumigay na. Nags-laglag-an na dahil sa sobrang sakit ng mga salitang binitiwan niya.

Dati, hindi ko alam na ganito pala kasakit ang mapagbintang-an mukhang pera, at lalong lalo na ang mapagbintang-ang bayarang babae. Nakakaliit ng pagkatao. Nakakababa ng kompyansa. At mas lalong nakakawalang gana mabuhay...

Akala ko dati, tanggap ko na sa sarili ko ang trabahong ito, akala ko, natutunan ko nang takpan ang dalawang tainga ko sa sasabihin ng mga tao sa akin sa trabahong meron ako ngayon, pero ngayong gabi— napagtanto kong hindi pa pala.

Hindi ko pa tuluyang tinatanggap sa sarii ko na ito ang kinahinatnan ng malas kong buhay. Dahil hindi ako iiyak sa gag0ng lalaking nasa harapan ko ngayon kung oo. Hindi ko rin papansinin ang mga masasakit na salita niya at tatangapin lang ang mga iyon na parang wala lang. Kaso hindi— hindi ko pa rin pala tanggap sa sarili ko na ganitong trabaho ang inabot ko imbis na ang pagiging Professional Chef.

Pero... ano naman kasing magagawa ko? Ito lang ako. Ulirang babae. Mahirap pa sa mahirap. At ibenenta pa ng kaisa-isang kamag-anak sa isang strip club kapait ng malaking salapi.

Kaya... tatanungin ko ang lalaking nakatitig sa akin ngayon, anong magagawa ng isang taong tulad ko sa buhay na meron ako? Sa tingin niya ba gusto ko pasukin ang ganitong buhay, na gabi-gabi binabalandra sa dagat ng mga kalalakihan ang katawan? Sa t-tingin niya ba... mas pipiliin kong ipasok ang sarili ko sa ganitong trabaho na araw-araw nababastos ako? Sa tingin niya gusto ko ang pinagtitinginan, pinag-uusap-an, at pinagpa-pantasya-han ng mga lalaking lasing gabi-gabi?

Hindi. Hindi ang sagot dahil kung bibigyan lang ako ng pagkakataong mag-desisyon para sa sarili ko, wala ako sa harapan niya ngayon. Kaso wala, wala akong karapatan para mamili sa magiging direksyon ng buhay ko dati kaya ako nandito ngayon.

A-At isa pa… sino ba siya sa akala niya para husgahan ako? May alam ba siya sa mga bigat na dala ko? Wala. Wala siyang miske isang alam... kaya bakit... b-bakit ang dali-dali na lang sa lalaking 'to na husgahan ang isang tulad ko na pinipilit na lang kumapit sa pinakadulo ng bangin araw-araw para mabuhay?

Lahat ng mga tanong sa isip ko, gusto kong ibato sa kanya. Gusto kong isigaw lahat sa kanya para malaman niya ang totoo galing sa akin. Pero kahit anong tulak ko sa dila ko para magsalita... wala. Ubos na ang lakas ko sa pag-iyak. At saka... para sasaan pa ang pagpapaliwanag sa taong katulad niya kung sa isip niya tapos niya na akong husgahan? Nasabi niya na 'di ba? Nasaktan niya na ako.

At kung tama rin ang pagkakarinig ko kanina, ang tingin ko daw sa kanya ay gusto magpapansin. Gusto kong tumawa ng maalala iyon, pero sa kalagayan ko, hindi ko magawa. Dahil paano niya nabubuhat ang sarili niyang bangko ng ganoong kataas, gayung, siya nga itong nahuhuli kong nakatitig sa akin? At iniiwasan ko nga siya tinitignan?

Anong akala niya? Na lahat ng mga babae, lalo na ang mga katulad ko, gusto at kayang lumuhod sa paanan niya? Sasaksakin niya na lang ako kung ganoon. Dahil kahit kailan, hindi ako iibig sa katulad niyang hukluban at gago.

Ngumisi muna ulit si Zairo Emmanuel Del Ferrio bago basagin ang katahimikang namuo sa amin.

"Now you're crying, huh? What's next Miss? You will beg me to do nothing to you as if you are a fvcking virgin marry?" pinapandilatan niya ako ng mata habang sinasabi ang mga katagang iyon.

Datapwat, hindi ako nagpatinag sa nabubuhay pa ring matinding takot sa loob-loob ko, at lakas loob kong tinanggal ang palad niya sa bibig ko para tapatan ang tingin niya.

Mabilis ko munang pinalipad ang kamay ko sa makinis niyang pisngi bago galit na nag-umpisa, "Una sa lahat Mr. Del Ferrio, hindi ako nagpapansin sa 'yo sa mga tingin ko. Dahil umpisa pa lang, ikaw ang nakatitig sa akin."

Sa sinabi kong iyon, ang nakatigilid na mukha ng lalaki, bumalik sa pagkakaharap sa akin. Mabagal muna niyang dinilaan ang dumugong gilid ng labi niya bago napapantastikuhang nagpakawala ng tawa.

"Huh, what?" hindi makapaniwalang aniya pa.

Mariin ko siyang tinitigan bago patayin ang unting distansya ng mga mukha namin sa isa't-isa para marinig ng lalaki ang bawat sasabihin ko para tumatak iyon sa utak niya, "Pangalawa Mr. Del Ferrio, sa tingin mo ba makukuha mo lahat ng babae sa pera at itsura mo? Puwes. Nagkakamali ka, dahil ang kagaya ko, walang interest sa 'yo. At pangatlo-"

"-Hindi kita type." pagdidiinan ko talaga.

Mabilis nagdilim ang ekspresyon ng kaninang mapaglarong mukha ng lalaking kaharap sa narinig mula sa akin.

Madilim niya akong tinitigan at nginisian ng naiinis, "What did you say?"

Imbis na sagutin siya, nakipag-titigan lang ako sa kanya ng mata sa mata habang ang dalawang ibabang mata ko ay nanunubig pa dahil sa kaninang pag-iyak.

Hindi ako nagpakita sa kanya ng kahit anong takot at taas noo siyang nilabanan ng tingin. Dahil ang pinakanatutunan ko sa pagiging-bayarang babae, na minamaliit at hinahamok niya, ay isang maging palaban at matapang.

Hindi na ako yung dating Kylie na iniwan ni Tita Susan dito sa strip club na parang tuta. May nagbabago rin sa mga kagaya kong mahina, hindi kami laging mananatili sa ganoon lang.

Pinilit ni Zairo Emmanuel Del Ferrior tinanggal ang dilim sa mukha niya, kahit na halata naman sa kanyang nainsulto ko siya sa sinabi ko.

Nginisian niya ulit ako ng lalaking lalaki bago ilapit ang parang strawberry sa pula niyang mga labi sa labi ko.

Sa ginawa niya, parang hinabol na naman ng kabayo ang puso ko dahil sa hindi nito normal na pagbilis sa pagtibok.

"Oh, yeah woman? Do you think you have other choice in your hands than to be mine, hmm?" tukso niya. At dahil nga sa sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa, ramdam ko na rin ang mainit na hangin na lumalabas sa matangos niyang ilong.

Datapwat, diniskarga ko agad ang isiping iyon, at nang bago pa man siya tuluyang makagawa ng kahit ano sa akin, buong lakas kong tinuhod ang pinaka maselan niyang parte.

Awtomatiko siyang napayuko at napakapit sa gitnang parte niya.

"Fvcking shit!!" ungol niya at iininda pa rin ang ginawa ko.

Binabaan ko siya ng tingin habang nangyayari iyon, "Ito ang tandaan mo Zairo Emmanuel Del Ferrio, hindi lahat makukuha mo sa pera at dahas mo."

Tinaasan ako ng lalaki ng nakakamatay na tingin, "You...!"

Nagpatuloy ako sa pagsasalita ko,"Huwag mong asahan na lahat ng bagay aayon sa 'yo, dahil kahit ang mga kagaya mong halimaw... may katapat rin. At S-Sana lang.... ito na ang huling makikita kita," pagkatapos ko sabihin iyon, mabilis akong tumakbo palabas ng madilim na gilid na iyon. Nang tahip-tahip ang nararamdaman.

"You b1tch! Just you wait! I'll fvcking get back at you!" rinig kong sigaw ng lalaki ng buong litid niya.

Napapikit ako sa isip isip ko roon, dahil s-sana... ito na talaga ang huling pagkikita namin... sana hindi niya na ako guluhin. Sana natauhan na siya sa mga sinabi ko... dahil kung hindi... 

Hindi ko na alam kung paano makakatakas ulit sa bagsik niya...

Itutuloy...

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Nica Benigay
ag gnda ng story
goodnovel comment avatar
Nica Benigay
update plsss
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status