Share

Kabanata 10

Kabanata 10

Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog sa byahe paalis ng syudad, basta ang alam ko lang, pagka-mulat ng mga mata ko, gabi na sa daan.

Nag-inat ako bago silipin ang katabi kong upuan kung may naka-upo naba; Meron. Babae na may katandaan na. Hindi ko lang gaano maaninag ang mukha niya dahil patay ang lahat ng ilaw dito sa bus.

Natutulog ito kaya hindi ko na tinagalan ang pagtitig sa babae at binalik ko na lang ang tingin ko sa daan. Nakaramdam ako ng matinding lungkot ng matanaw ko sa malayo ang mga naglalakihang imprastraktura na tanging namumukod tangi sa gabing ito dahil sa mga ilaw na nang-gagaling doon.

Sumakit na naman ang puso ko ng maalala ko, kasabay ng pagtanaw ko sa lugar na iyon, ang lahat-lahat ng nangyari sa akin.

Sariwang sariwa pa talaga sa akin ang lahat. Ramdam ko pa rin ang pait sa buo kong sistema kapag naiisip ko kung paano paglaruan ng mga tao sa lugar na iyon ang buhay ko sa mga palad nila, na tila ba'y ang buhay ko ay isang bola na puwede nilang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status