مشاركة

More Than a Business Deal

مؤلف: Boss Chef
last update تاريخ النشر: 2026-10-13 08:10:55

CHAPTER 2

Alas-diyes pa lang ng umaga, pero pakiramdam ko, kalahati na ng araw ko ang ginugol ko sa pagtatrabaho.

Nakatutok ako sa computer, abala sa pag-aayos ng ilang detalye sa hotel proposal nang biglang tumunog ang cellphone ko. Pagkakita ko sa pangalan ni Clara sa screen, agad kong sinagot ang tawag.

“Hello, Clara?”

“Good morning, Lyra. Busy ka ba?”

“Medyo. Why?”

“May ilang changes daw na gustong makita ni Sir Jaxith sa layout. Pwede ka bang pumunta sa office niya mamayang alas-onse?” Napatingin ako sa orasan bago muling ibinalik ang tingin sa screen ng computer.

“Ngayon na naman? Akala ko Thursday pa ang deadline.”

“I know, pero may business trip siya bukas. Gusto niyang ma-review muna ang proposal bago siya umalis.” Napapikit ako sandali at napabuntong-hininga.

Of course. Bakit ba ako nagulat?

“Okay, fine. Dadalhin ko na lang ang updated copy.”

“Thank you! See you later.”

Pagkababa ko ng tawag, sumandal ako sa upuan at saglit na ipinikit ang mga mata ko.Hindi naman sa ayaw kong makipagkita kay Jaxith. Trabaho ko iyon, at malaking oportunidad para sa kumpanya namin ang proyektong ito. Alam kong kailangan kong ibigay ang best ko.

Pero kung araw-araw niya akong tatawagin para sa mga pagbabagong maaari namang ilagay sa isang email, paano ko matatapos ang iba ko pang trabaho?

Minsan, talaga namang sinusubok ang pasensya ko ng mga taong may kapangyarihang magpabago ng schedule ng iba.“May meeting ka na naman?”

Napadilat ako nang marinig ang boses ni Nina. Nakatayo siya sa tabi ng mesa ko habang may hawak na kape.

“Unfortunately, yes.” 

“Sa billionaire?”

Tumingin ako sa kanya.

“May iba pa ba akong client na kilala sa pagbibilang ng bawat minutong nahuhuli ako?”Napatawa siya.“Grabe ka naman. Baka naman perfectionist lang talaga.”

“Same difference.” Umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko at ngumisi. “At least, gwapo.”

“Nina!”

“What? Hindi naman ako nagsisinungaling.” Umiling ako habang isinasara ang folder ng proposal. “Ang importante, makuha natin ang project. Hindi kung gwapo ang client.”

“Sige na nga. Pero kapag may nangyari sa inyong dalawa, gusto kong ako ang unang makaalam.” “Walang mangyayari.”

“That's what they all say.” Hindi na ako sumagot. Kinuha ko ang bag ko at tumayo bago pa siya makapagdagdag ng kung anu-ano sa imahinasyon niya.

Ang huling bagay na kailangan ko ngayon ay isang katrabahong gagawing personal entertainment ang buhay ko. Lalo na kung ang pinag-uusapan ay si Jaxith Valdemore.

Pagdating ko sa Valdemore International, dumiretso ako sa reception area. Nakilala na ako ng receptionist kaya hindi na ako kinailangang magpakilala nang matagal.

Ilang minuto lang ang lumipas bago ako nakarating sa office ni Jaxith.Bukas ang p***o, pero kumatok pa rin ako.

“Come in.”

Pagpasok ko, nakita ko siyang nakatayo sa tabi ng malaking bintana habang may kausap sa cellphone. Nakasuot siya ng puting polo na nakatiklop ang manggas hanggang siko, at kahit nakatalikod siya nang bahagya, kapansin-pansin pa rin ang tuwid niyang tindig.

Itinaas niya ang isang daliri bilang senyas na sandali lang.Tumango ako at umupo sa bakanteng upuan sa harap ng mesa niya.Habang hinihintay siyang matapos, hindi ko maiwasang pagmasdan ang paligid.

Simple lang ang kulay ng mga dingding. Walang mamahaling dekorasyong nakadispley o kung anu-anong bagay na karaniwang makikita sa opisina ng isang bilyonaryo.

Malinis din ang mesa niya, maliban sa laptop, ilang dokumento, at isang tasang kape.Napatingin ako sa mga dokumentong maayos na nakasalansan sa isang tabi.

Mukhang pati papel dito, kailangang pumila nang maayos.

Napailing ako sa sarili kong naisip.

Lyra, tumigil ka nga.Hindi ka nandito para husgahan ang opisina ng tao.

Natapos ang tawag niya makalipas ang ilang sandali.“Sorry to keep you waiting.”

“Okay lang po, Sir.”

Umupo siya sa tapat ko at iniabot ang kamay para kunin ang folder na dala ko. “May oras ka bang mag-review tayo ngayon?”

“May oras naman po. Basta huwag ninyo akong patayuin nang tatlong oras habang nagtatanong.” Saglit siyang natigilan.

Ako rin. Doon ko lang napagtanto ang sinabi ko. “Joke lang po,” mabilis kong dagdag. Bahagyang umangat ang sulok ng labi niya. “I see. Marunong ka palang magbiro.”

“Depende po sa kausap ko.” Tumingin siya sa akin nang ilang segundo bago ngumiti. Hindi ko alam kung bakit, pero mas nakakagulat iyon kaysa sa lahat ng sinabi niya noong una kaming magkita.

Siguro dahil nasanay na akong makita siyang seryoso, na para bang may nakatagong checklist sa isip niya na kailangang masunod ng lahat ng tao sa paligid niya.

“All right,” sabi niya habang binubuksan ang folder. “Let's get started.” Agad kong inilabas ang tablet ko at ipinakita ang updated layout.

Ipinaliwanag ko ang mga pagbabagong ginawa namin sa lobby, kabilang ang mas maluwag na seating area, ang paglipat ng reception desk, at ang pagpapalit ng ilang materyales para mas tumagal ang mga ito kahit maraming bisita ang gumagamit.

Habang nagsasalita ako, tahimik siyang nakikinig.

Hindi siya basta tumatango lang para ipakitang nakikinig siya. Paminsan-minsan, nagtatanong siya tungkol sa mga detalyeng gusto niyang linawin.

At sa totoo lang, mas gusto ko iyon kaysa sa mga kliyenteng oo lang nang oo pero sa huli ay may panibagong reklamo.

“Why did you move the reception desk?” tanong niya habang nakatingin sa layout.

“Mas magiging maayos po ang daloy ng mga tao. Kapag masyadong malapit sa entrance ang desk, posibleng magsiksikan ang mga bisita kapag sabay-sabay ang check-in.”

Tiningnan niya ulit ang layout.“Good point.” Napatingin ako sa kanya. “Good point?” Bahagya siyang kumunot-noo. “May problema ba?”

“Wala po. Nagulat lang ako. Akala ko, may lima pa kayong dahilan para hindi magustuhan.”

Natawa siya nang mahina. “Do you always assume the worst about your clients?”

“Not really.” Nagkatinginan kami. “Sa inyo lang po.” Pagkasabi ko noon, gusto kong bawiin ang sarili kong mga salita. Bakit ba kasi hindi ako marunong mag-isip bago magsalita?

Napatigil ako sa pag-aayos ng tablet ko habang hinihintay ang magiging reaksyon niya.Pero sa halip na magalit, sumandal lang siya sa upuan at pinagmasdan ako na para bang pinag-iisipan kung seryoso ba ako o sadyang mahilig lang mang-asar.

“At least, honest ka.” Napakamot ako sa gilid ng noo ko. “Sorry po.”

“Don't say sorry.” Napatingin ako sa kanya. “Mas gusto ko ang taong nagsasabi ng totoong iniisip niya kaysa sa taong sumasang-ayon lang para mapasaya ako.” Hindi ko agad alam kung ano ang isasagot.

Sa unang pagkikita namin, ang tingin ko sa kanya ay isang lalaking sanay na lahat ng tao ay sumusunod sa gusto niya. Iyong tipo ng taong kapag may sinabi, walang puwang para sa pagtutol.

Pero ngayon, habang nakikinig siya sa mga paliwanag ko at isinasaalang-alang ang mga suhestiyon ko, unti-unting nagbabago ang pananaw ko.

Hindi naman ibig sabihin na mabait na siya sa lahat ng pagkakataon. At lalong hindi ibig sabihin na nakalimutan ko na ang inis ko sa kanya.

Pero kahit ayaw kong aminin, may mga bagay pala siyang hindi ko inaasahan. At nakakainis na kailangan ko pang matuklasan ang mga iyon sa gitna ng trabaho.

Halos isang oras din kaming nag-review bago ko tuluyang isinara ang tablet ko. “So, okay na po ba ang proposal?”

“May ilang minor adjustments pa, pero maganda na ang progress.” Napabuntong-hininga ako sa ginhawa. “Good. At least, hindi masasayang ang puyat ko.” Napatingin siya sa akin. “How late did you work last night?”

“Mga alas-dose po.”

“That's late.”

“Para sa inyo siguro, hindi. Baka alas-tres na kayo natutulog.”

“Actually, eleven.” Napataas ang kilay ko. “Really?”

“Why? Do I look like someone who doesn't sleep?”

“No po.” Sandali akong nag-isip. “Mukha lang kayong taong may alarm para sa bawat minuto ng buhay niya.” Ilang segundo niya akong tinitigan bago tuluyang natawa. Hindi iyong simpleng ngiting nakita ko kanina. Kundi isang totoong tawa na nagpabago sa seryoso niyang ekspresyon.At sa hindi ko malamang dahilan, natigilan ako.

May kakaiba pala sa mukha niya kapag hindi nakakunot ang noo niya at hindi mukhang may problema sa buong mundo. Mas mukha siyang tao kaysa sa isang lalaking kayang bumili ng kalahati ng siyudad. Napailing ako sa sarili ko.

Okay, Lyra. Relax. Tumawa lang ang tao. Hindi iyon isang life-changing event. “May lunch ka na ba?” tanong niya. “Not yet. Why?”

“May restaurant sa ibaba. We can discuss the remaining details there.”

Nag-alinlangan ako. “Meeting pa rin po ba iyon?” Tumingin siya sa akin na para bang pinag-iisipan ang tanong ko.“Do you prefer to continue here?”

Sa totoo lang, mas gusto kong kumain kaysa manatili sa opisina niya hanggang sa kumalam ang sikmura ko. “Actually, mas gusto kong kumain bago ako mahilo sa gutom.”

Bahagya siyang ngumiti bago tumayo. “Then let's eat.” Kinuha ko ang bag ko at sumunod sa kanya palabas ng opisina.

Habang naglalakad kami patungo sa elevator, napansin kong may ilang empleyadong napapatingin sa amin. May dalawa pang nagbulungan nang madaanan namin sila. Hindi ko na lang pinansin.

Sanay naman akong may mga taong mahilig gumawa ng kuwento mula sa simpleng bagay. Pero sana lang, huwag nilang isiping may espesyal na nangyayari sa pagitan namin.Dahil wala naman.Client ko siya.At empleyado lang ako ng kumpanyang gustong makuha ang proyekto niya.

Walang ibang ibig sabihin iyon.Paulit-ulit ko iyong sinabi sa sarili ko habang hinihintay naming bumukas ang elevator.Hindi ko lang alam kung bakit kailangan kong ulitin nang paulit-ulit.

Pagdating namin sa restaurant sa ibaba ng gusali, pumili kami ng mesa sa isang tahimik na bahagi.

Mabilis na dumating ang waiter para kunin ang order namin. Pagkatapos umorder ni Jaxith, ibinaling niya ang atensyon sa akin.

“So, Lyra. Tell me something about yourself.” Napahinto ako sa pag-aayos ng napkin sa kandungan ko.

“About myself? Why?”

“Because we've spent two meetings discussing my hotel. I know what you think about the design, but I don't know anything about the person behind it.” Hindi ako agad nakasagot.

Hindi naman kakaiba ang tanong niya. Normal lang na gustong makilala ng isang tao ang katrabaho niya. Pero iba ang dating kapag si Jaxith Valdemore ang nagtatanong.

Siguro dahil masyado akong nasanay na makita siya bilang isang lalaking puro trabaho lang ang iniisip.

“Well, wala namang masyadong interesting sa akin,” sagot ko. “I work, I pay my bills, and I try not to disappoint my boss.”

“That sounds exhausting.”

Napatawa ako nang bahagya. “Mas nakakapagod po kapag walang pambayad sa bills.” Pagkasabi ko noon, bigla akong natahimik.

Hindi ko alam kung na-offend ba siya o kung may nasabi akong hindi niya nagustuhan.

Minsan kasi, nakakalimutan kong hindi lahat ng tao ay kailangang mag-alala sa susunod na bayarin.

Pero sa halip na magbago ang ekspresyon niya, tumango lang siya.

“Fair enough.”

Wala siyang dagdag na tanong. Hindi rin siya nagbigay ng payo tungkol sa pera o nagsabing dapat kong pagsikapang umasenso.

At hindi ko alam kung bakit, pero mas na-appreciate ko iyon. Hindi ko kailangan ng taong magpapaliwanag sa akin kung gaano kahirap ang buhay. Alam ko iyon.

Ang kailangan ko lang minsan ay isang taong makikinig nang hindi ako huhusgahan. Dumating ang pagkain namin, kaya pansamantala naming itinigil ang pag-uusap.

Habang kumakain, napunta ang usapan sa trabaho, sa mga lugar na gusto naming puntahan, at sa mga simpleng bagay na ginagawa namin kapag wala kaming ibang kailangang asikasuhin.

Doon ko nalaman na hindi pala mahilig si Jaxith sa malalaking party. Mas gusto niyang manatili sa bahay kapag wala siyang business commitments.

“Seriously?” tanong ko. “Ikaw iyong tipo ng taong may access sa pinakamagagandang hotel sa mundo, tapos mas gusto mong manatili sa bahay?”

“There's nothing wrong with staying home.”

“Wala naman. Nagulat lang ako. Akala ko, every weekend nasa ibang bansa ka.”

“Not everyone enjoys traveling every weekend.”

“Fair enough.”

Uminom ako ng tubig bago muling nagsalita. “What about you?”

“Ako? I like walking around. Minsan, pumupunta ako sa bookstore kahit wala naman akong planong bumili.”

“Why?”

Napangiti ako habang iniisip ang sagot. “Hindi ko alam. Gusto ko lang tumingin sa mga libro. Pero kapag may nagustuhan ako, bihira akong umalis nang hindi ko iyon binibili.”

Bahagya siyang ngumiti. “That sounds expensive.”

“Mas mura naman kaysa sa relo ninyo.” Napatingin ako sa relo niya bago ibinalik ang tingin ko sa kanya.

Sandali siyang natahimik, pagkatapos ay natawa at umiling.

“You really don't hold back, do you?”

“Kapag komportable na po ako, hindi na masyado.”

“Then I suppose I should be careful around you.”

“Definitely.” Pareho kaming natawa.

At sa unang pagkakataon mula nang makilala ko siya, hindi ko naramdaman na kailangan kong bantayan ang bawat salitang lalabas sa bibig ko.

Hindi ko kailangang pag-isipan nang sampung beses kung tama ba ang sagot ko o kung baka may masabi akong ikagagalit niya.

Maaari akong magsalita nang natural. Maaari akong tumawa nang hindi iniisip kung paano niya iyon iintindihin. At kahit simpleng bagay lang iyon, hindi ko maikakailang naging magaan ang pakiramdam ko.

Siguro dahil sa unang pagkakataon, hindi ko naramdaman na kailangan kong makipagsabayan sa kanya.

Hindi ko kailangang magpanggap na mas matalino ako kaysa sa kanya. Hindi ko rin kailangang ipakita na kaya kong makipagsabayan sa mundong kinagisnan niya.

Kailangan ko lang maging sarili ko.

Pero iyon din ang dahilan kung bakit unti-unti akong kinakabahan. Dahil mas madali sanang mainis kay Jaxith kung nanatili siyang malamig, seryoso, at mahirap pakisamahan.

Mas madali sanang ituring siyang isang mayabang na bilyonaryo kung hindi siya marunong makinig, tumawa, o makipag-usap tungkol sa mga simpleng bagay.

Pero habang tumatagal ang usapan namin, mas nahihirapan akong makita lang siya bilang isang mahirap pakisamahang kliyente.

At hindi ako sigurado kung gusto ko ang pagbabagong iyon.

Pagkatapos ng lunch, sabay kaming bumalik sa opisina niya.

Pagdating namin sa labas ng p***o, inayos ko ang bag ko at humarap sa kanya.

“Thank you for lunch, Jaxith.”

Pagkasabi ko noon, pareho kaming bahagyang natigilan dahil hindi ko namalayang tinawag ko na siyang Jaxith. At siya din dahil mukhang hindi rin niya inaasahan iyon.

“You're welcome, Lyra.”

Ngumiti ako nang bahagya.

“And thank you rin sa feedback sa proposal. Ipapadala ko ang final version bago ang deadline.”

“I know you will.” Simple lang ang pagkakasabi niya, pero may kakaibang init sa tono ng boses niya.

Hindi iyon ang karaniwang sagot ng isang boss na basta umaasang matatapos ng empleyado ang trabaho. May tiwala sa paraan ng pagkakasabi niya.

Parang hindi niya kailangang ulit-ulitin ang mga tagubilin dahil naniniwala siyang kaya kong gawin ang ipinagagawa niya.

At hindi ko maikakailang nakapagbigay iyon sa akin ng kakaibang gaan sa pakiramdam. Hindi dahil kailangan ko ang approval niya. Kundi dahil pinaghirapan ko ang proyektong iyon, at nakakagaan sa loob na may taong nakakapansin sa ginagawa mo.

Tumalikod na sana ako nang tawagin niya ako.

“Lyra?”

Lumingon ako.

“Yes?”

“Next time, you can call me Jaxith.” Napakurap ako. “I thought mas gusto ninyo po ang formal.”

“At work, yes. But you don't have to call me 'sir' every time we're talking.”

Napangiti ako.

“Okay, Jaxith.”

Bigla siyang natahimik. Saglit lang iyon, pero sapat para mapansin ko. Hindi ko alam kung bakit, pero parang hindi niya inaasahang susundin ko agad ang sinabi niya.

“See you tomorrow, Lyra.”

“See you.”

Tuluyan na akong lumabas ng opisina.

At sa bawat hakbang ko palayo sa kanya, unti-unti ring bumabalik sa isip ko ang nangyari sa lunch,ang paraan ng pakikinig niya, ang pagtawa niya sa mga biro ko.

At ang simpleng pakiramdam na hindi ko kailangang magpanggap na ibang tao para lang makasundo siya.

Paglabas ko ng building, saka ko napansing nakangiti ako habang naglalakad papunta sa sakayan.

Agad kong pinigilan ang sarili ko.

Ano ba, Lyra?

Lunch lang iyon.

Isang normal na lunch kasama ang client mo.

Walang espesyal na nangyari.

Hindi ka niya niyaya para makipag-date. Hindi rin naman siya nagpakita ng kung anong malinaw na senyales na may iba siyang intensyon.

Nag-usap lang kayo.

Kumain.

Nagtawanan.

That's all.

At gusto kong maniwala roon.

Dahil sa ngayon, mas mahalagang matapos ko nang maayos ang proyekto kaysa isipin kung ano ang ibig sabihin ng bawat ngiti niya.

Hindi ko siya gusto.

Not yet.

Pero habang nakasakay ako pauwi, may isang bagay akong hindi na kayang itanggi.Gusto ko siyang mas makilala.

Hindi bilang si Jaxith Valdemore, ang bilyonaryong client na kayang magpabago ng schedule ko sa isang tawag lang. Kundi bilang ang lalaking nasa likod ng pangalan, pera, at reputasyong iyon.

At kung hindi ako mag-iingat, baka ang proyektong ito na dapat sana ay tungkol lang sa trabaho ang maging dahilan kung bakit mas mahirap nang panatilihing propesyonal ang lahat.

Dahil minsan, ang pinakamapanganib na pagbabago ay hindi iyong biglaan.

Kundi iyong dumarating nang dahan-dahan, hanggang sa isang araw, mapapansin mo na lang na hindi na pala katulad ng dati ang nararamdaman mo.

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • The Billionaire Boss Wants To Pamper Me    The Truth He Never Told

    Chapter 9Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatitig kay Jaxith pagkatapos niyang sabihin iyon.My decision to leave her at the altar destroyed someone else's life, too.Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko ang mga salitang iyon. Pero kahit anong pilit kong intindihin, hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin.Someone else's life. Sino?At ano ang kinalaman niya roon?"Jaxith," mahina kong tawag. "What are you talking about?"Bumaba ang tingin niya sa cellphone na hawak niya. Ilang segundo siyang nanatiling tahimik bago tuluyang pinatay ang tawag."There's something I should have told you earlier."Napatawa ako nang walang saya. "Earlier? Kailan? Noong nag-lunch tayo? Noong tinatanong mo ako tungkol sa personal life ko? O noong pinaparamdam mong gusto mo akong makilala?"Napatingin siya sa akin. Hindi ko planong sabihin ang lahat ng iyon. Pero kapag nasasaktan ako, minsan nauuna ang mga salit

  • The Billionaire Boss Wants To Pamper Me    The Woman He Almost Married

    Chapter 8 Hindi ko alam kung alin ang mas nakakagulat.Ang malaman na may babaeng nagngangalang Celeste na naging bahagi ng buhay ni Jaxith, o ang marinig mismo mula sa kanya na muntik na silang magpakasal. For a moment, parang nawala ang lahat ng ingay sa lobby.Naririnig ko pa rin ang mga taong nag-uusap, ang tunog ng elevator, at ang mahinang pagtunog ng mga cellphone sa paligid. Pero wala sa mga iyon ang kayang agawin ang atensyon ko mula sa dalawang taong nasa harapan ko.Celeste looked confident.Jaxith looked furious.And me? I felt stupid for reasons I couldn't explain. "Celeste," malamig na sabi ni Jaxith. "I told you, not here." She tilted her head. "Why? Natatakot ka bang malaman niya ang totoo?" "Enough." I had never heard Jaxith speak that way before.Wala ang karaniwan niyang kalmadong tono. Wala rin ang ngiting madalas niyang gamitin kapag gusto niya akong asarin. His voice was firm enough to make Celeste pause, but only for a second. Then she looked at me again.

  • The Billionaire Boss Wants To Pamper Me    The Woman in the Photograph

    Chapter 7 Ilang beses kong tiningnan ang larawan bago ko tuluyang ibinaba ang phone ko.Hindi dahil malinaw na malinaw ang mukha ng babae sa tabi ni Jaxith.Kundi dahil sa paraan ng pagkakahawak niya sa braso nito.Komportable.Parang matagal na silang magkakilala. Parang hindi na nila kailangang mag-isip kung paano kikilos sa isa't isa.At ang pinakakinaiinisan ko sa lahat?Wala naman akong karapatang maapektuhan.Wala kaming relasyon ni Jaxith. Hindi niya ako niligawan. Hindi rin siya nangakong ako lang ang gusto niyang makasama.Lunch lang ang pinagsaluhan namin.Isang simpleng lunch na ako mismo ang pumayag.So why did the picture bother me?“Lyra?”Napalingon ako kay Nina, na nakatayo sa tabi ng desk ko habang may hawak na folder.“Are you okay?”“Yeah.”She studied my face. “You don't look okay.”“I'm just tired.”Hindi siya agad naniwala. Pero sa halip na pilitin akong magsalita, inilapag niya ang folder sa mesa ko.“Fine. Pero kung kailangan mong mag-rant, nandito lang ako.”

  • The Billionaire Boss Wants To Pamper Me    Just Lunch, Nothing More

    Chapter 6 Akala ko, ang pinakamahirap na bahagi ng araw ko ay ang makasama si Jaxith Valdemore sa isang lunch na hindi ko naman talaga kailangang puntahan.Nagkamali ako.Ang pinakamahirap pala ay ang magpanggap na ordinaryong lunch lang iyon kahit ilang minuto pa lang kaming magkasama, pakiramdam ko ay unti-unti nang nawawala ang kakayahan kong kumilos nang normal.“So, where are we going?” tanong ni Jaxith habang magkasabay kaming naglalakad papunta sa elevator.“Somewhere quiet.”“Quiet?”“Yes. Yung lugar na hindi ako kailangang sumigaw para lang marinig ang sarili kong iniisip.”He chuckled. “Am I that distracting?”Hindi ako agad sumagot.Dahil ang totoo, oo.Pero hindi ko iyon sasabihin sa lalaking mukhang masayang-masaya tuwing nahuhuli niya akong hindi makasagot sa mga tanong niya.“Your ego is showing again, Mr. Valdemore.”“Should I hide it?”“Please. Nakakaabala sa public.”Napatawa siya. At gaya ng mga nakaraang pagkakataon, nahuli ko na naman ang sarili kong nakatingin s

  • The Billionaire Boss Wants To Pamper Me    I Know You Like Me

    Chapter 5Kinabukasan, iisa lang ang plano ko: magtrabaho nang maayos, tapusin ang revisions, at kumilos na parang walang kakaibang nangyari kagabi. Simple lang, hindi ba?Pero mukhang hindi nakikisama sa akin ang mundo.Alas-nuwebe pa lang ng umaga, tatlong beses ko nang binasa ang message ni Jaxith bago ako pumasok sa trabaho.Jaxith: Don't skip breakfast today.Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang sabihin iyon. Hindi niya naman ako nanay, at lalong hindi niya trabaho ang siguraduhing kumakain ako sa tamang oras.Pero napangiti ako.Nakakainis talaga."May magandang balita ba?" tanong ni Nina habang inilalapag ang kape sa mesa niya.Agad kong binitawan ang cellphone ko. "Wala.""Kung wala, bakit ka nakangiti?""Masama bang ngumiti?""Hindi. Pero kapag ikaw ang nakangiti nang ganyan, siguradong may kinalaman 'yan sa isang lalaking ayaw mong aminin na gusto mo.""Alam mo, kung hindi lang kita kaibigan, matagal na kitang sinumbong sa HR dahil sa pang-aabala.""Go ahead. Sasabih

  • The Billionaire Boss Wants To Pamper Me    One Night, Two Honest Hearts

    Chapter 4Hindi ko alam kung kailan nagsimulang maging bahagi ng araw ko si Jaxith Valdemore. Dati, sapat na sa akin ang makumpleto ang mga requirements ng project, makausap ang mga client, at makauwi nang hindi sumasakit ang ulo dahil sa dami ng kailangang gawin. Pero nitong mga nakaraang araw, nahuhuli ko ang sarili kong tinitingnan ang cellphone ko kahit wala naman akong hinihintay na mahalagang mensahe. At kung may bagong notification, hindi ko maiwasang tingnan kung pangalan niya ang nakalagay.Nakakainis. Lalo na dahil alam kong wala naman akong karapatang umasa sa kahit ano.Trabaho lang ang nag-uugnay sa amin. Siya ang may-ari ng hotel na ginagawa namin, at ako ang interior designer na responsable sa itsura nito. Kapag tapos na ang project, matatapos na rin ang mga dahilan para magkita kami. Kaya habang maaga pa, dapat ilagay ko sa isip ko kung bakit ako naroon.Trabaho. Hindi pag-ibig."Lyra!"Napalingon ako kay Nina na halos mapasigaw sa tabi ng mesa ko."Ano ba? Bakit ka su

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status