Share

The Way You Look at Me

Author: Boss Chef
last update Petsa ng paglalathala: 2026-10-13 08:12:24

CHAPTER 3

Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko bigla na lang naging mas mahaba ang oras kapag naghihintay ako ng tawag mula kay Jaxith Valdemore.

Hindi naman sa hinihintay ko siya. Busy lang talaga ako, paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko habang nakatitig sa cellphone ko tuwing may natatanggap akong notification.

Tatlong araw na ang nakalipas mula nang mag-lunch kami. Pagkatapos niyon ay naging madalas ang pag-uusap namin tungkol sa hotel project. Minsan, tumatawag siya para magtanong tungkol sa design. Minsan naman, simpleng mensahe lang tungkol sa schedule ng meeting.

Tungkol lang sa trabaho.

Pero may mga pagkakataon na pagkatapos naming pag-usapan ang proyekto, hindi agad niya ibinababa ang linya. At hindi ko alam kung bakit hindi rin ako ang unang nagtatapos ng usapan.

"Lyra!"

Napalingon ako nang marinig ang boses ng kaibigan kong si Nina. "Yeah?"

"Kanina pa kita tinatawag. May kausap ka ba?"

"Wala," mabilis kong sagot habang ibinababa ang telepono.

Tumingin siya sa cellphone ko, may mapanuring ngiti sa mga labi. "Kung wala, bakit nakangiti ka riyan?"

Agad akong nagseryoso at inayos ang salamin ko. "No, I'm not."

"Talaga ba? Baka naman may sarili kang definition ng ngiti," panunukso niya sabay sandal sa gilid ng cubicle ko. "Nina, wala ka bang trabaho?"

"Meron naman. Pero mas kawili-wiling pag-usapan ang love life mo."

"Wala akong love life."

"Okay, sabi mo eh. Pero si Jaxith Valdemore, ano ba siya sa buhay mo? Charity project?"

"Client ko siya, Nina."

"At gwapo siya."

Napabuntong-hininga ako at napangiti na rin nang bahagya. "Oo na, gwapo na siya. Pwede na ba akong magtrabaho?"

Tumawa nang malakas si Nina bago tuluyang bumalik sa sarili niyang lamesa.

Hindi ko na siya pinansin, pero nang tumingin ako ulit sa screen ng computer ko, bigla kong naalala ang huling pag-uusap namin ni Jaxith kagabi. Tumawag siya bandang alas-nuwebe para itanong kung maaari naming ilipat ang ilang furniture pieces sa bagong layout. Natapos ang usapan namin nang halos alas-diyes na ng gabi.

Bago niya ibinaba ang tawag, bigla siyang nagtanong kung kumain na ba ako.

Isang simpleng tanong lang naman iyon. Isang kaswal na pag-aalala mula sa isang kliyente. Pero bakit hanggang ngayon, parang may kung anong kuryenteng humahaplos sa puso ko tuwing naalala ko ang boses niya?

Napabuntong-hininga ako nang malalim upang iwaglit ang isiping iyon at ipinagpatuloy ang trabaho.

Kinabukasan, nakatakda ang site inspection sa hotel.

Maaga akong dumating sa construction site dala ang mga updated plans at sample materials. Hindi pa tapos ang buong gusali, pero unti-unti nang nabubuo ang lobby at ang mga pangunahing bahagi nito. Amoy semento at pintura pa ang paligid, at maririnig ang ingay ng mga nagpupukpok na manggagawa.

Habang maingat kong sinusuri ang hawak kong layout, narinig ko ang pamilyar at baritonong boses ni Jaxith sa likuran ko.

"You're early."

Lumingon ako at nakita ko siyang naglalakad patungo sa direksyon ko, suot ang kanyang puting long sleeves na nakatupi hanggang siko at isang gray na hard hat. "Ikaw din naman, maaga."

"May meeting ako rito pagkatapos nito," sagot niya habang humihinto sa tabi ko.

"At ako naman, may trabaho."

Tumingin siya sa hawak kong folder, pagkatapos ay tumingin sa akin na may pilyong kislap sa mga mata. "Okay, then."

Natawa ako nang mahina. Unti-unti na akong nasasanay na kausap siya. Hindi ko na kailangang timbangin nang husto ang bawat salitang sasabihin ko bago ako magsalita sa harap niya. Nababawasan na ang takot ko.

At iyon mismo ang dapat kong bantayan sa sarili ko. Dahil kapag nasanay ka na sa presensiya ng isang tao, minsan hindi mo namamalayang hinahanap-hanap mo na siya kapag wala siya sa tabi mo.

"May problema ba sa lighting?" tanong niya habang nakatingin sa ceiling plans na hawak ko.

"Konti lang," sagot ko habang itinuturo ang isang bahagi ng papel. "May gusto akong baguhin sa posisyon ng ilang ilaw para hindi masyadong matapang ang liwanag sa seating area."

"Why?"

"Para mas comfortable ang mga guests. Hindi naman lahat ng pumupunta rito ay gustong maramdaman na nasa loob sila ng isang showroom. Mas maganda kung may warm at cozy vibe."

Tumingin siya sa akin nang matagal, tila sinusuri ang mukha ko, bago dahan-dahans sumang-ayon. "Tama ka."

Napangiti ako nang malawak. "Wow. Pangalawang beses na yata iyan."

Kumunot ang kanyang noo, pero may ngiti sa kanyang mga labi. "Anong pangalawang beses?"

"Ang pag-agree mo sa mga suhestiyon ko."

Nagpatuloy kami sa pag-iikot sa malawak na lobby. Paminsan-minsan ay tinatanong niya ako tungkol sa mga materyales at sa magiging arrangement ng mga furniture. Nagustuhan ko na hindi siya nagmamadali sa bawat sagot ko; kapag hindi siya sang-ayon, ipinapaliwanag niya ang kanyang panig nang may respeto, at kapag may maganda akong ideya, bukas-palad niya itong tinatanggap.

Mas gusto ko ang ganitong Jaxith kaysa sa suplado at seryosong lalaking nakilala ko noong unang boardroom meeting namin.

Habang naglalakad kami patungo sa kanang bahagi ng lobby, may isang construction worker na lumapit sa amin bitbit ang ilang sample tiles. Inilapag niya ang mga ito sa isang pansamantalang lamesa at nagsimulang magpaliwanag. Napansin kong nanginginig ang boses ng lalaki, halatang kinakabahan sa seryosong aura ni Jaxith.

"Sir, ito po iyong replacement tiles na pinili namin para sa hallway."

Tumingin si Jaxith sa mga tile, seryoso ang mukha. "Bakit ito ang pinili ninyo?"

Napayuko ang worker, lalong naging uneasy. "Mas durable po kasi ito, sir. At mas madali ring linisin ayon na rin sa bilin ng engineering team."

Sandaling pinagmasdan ni Jaxith ang mga tile bago dahan-dahang tumango. Lumambot nang bahagya ang ekspresyon ng kanyang mukha. "Good. Make sure na tama ang pagkakalatag at installation. Ayokong may masirang tiles bago pa man magbukas ang hotel."

"Opo, sir. Masusunod po," nakahingang-maluwag na sagot ng worker bago mabilis na nagpaalam.

Nang makaalis ang lalaki, hindi ko napigilang mapatitig kay Jaxith.

"What?" tanong niya nang mapansin ang tingin ko.

"Nothing."

"You're looking at me, Lyra."

Ikiniling ko ang ulo ko at ngumiti nang bahagya. "Bakit, bawal po bang tumingin?"

"Depende sa dahilan," makahulugan niyang sagot habang humahakbang nang isang beses paitaas sa akin.

Napatigil ako, bahagyang natigilan sa naging sagot niya at sa biglang paglapit niya. Upang itago ang kabog sa dibdib ko, agad akong nag-iwas ng tingin. "Curious lang naman ako."

"About what?"

"Akala ko kasi noong una, masungit ka sa lahat ng tao."

Bahagyang umangat ang sulok ng labi niya hanggang sa maging isang buong ngiti. "At ngayon?"

"Medyo na lang pala," biro ko.

Isang malutong na tawa ang kumawala sa kanya. "That's progress."

Hindi ko na rin napigilang tumawa kasabay niya. Sa mga sandaling iyon, pakiramdam ko ay hindi na ako basta isang empleyado o contractor lang na kailangang magpakitang-gilas sa harap ng isang mayamang kliyente. Pakiramdam ko, nakikita niya ako bilang ako. At mukhang ganoon din ang tingin niya sa akin.

Pagsapit ng tanghali, nagpasiya muna kaming magpahinga sa isang pansamantalang opisina sa loob ng construction site upang umiwas sa tindi ng sikat ng araw.

Naupo ako sa isang bakanteng silya sa tabi ng bintana at inilabas mula sa aking bag ang baon kong egg sandwich. Akmang kakagat na ako nang mapansin kong nakatitig si Jaxith sa hawak ko.

"Iyan ang lunch mo?" tanong niya, nakakunot ang noo habang nakatingin sa simpleng sandwich.

"Yes. Bakit, may problema ba?"

"Wala naman," aniya, sabay kuha ng sarili niyang hard hat at inilapag ito sa lamesa. "Akala ko kasi, bibili tayo sa labas."

Napatigil ako sa pagsubo at napatingin sa kanya nang diretso. "Tayo?"

Tumingin siya sa akin, walang bakas ng pag-aalinlangan sa kanyang mga mata. "Bakit, may problema ba sa salitang iyon?"

"Wala naman... Nagulat lang ako," nauutal kong sagot habang marahang ibinababa ang pagkain ko.

Umupo siya sa silyang katapat ko, ipinatong ang mga braso sa lamesa, at tumitig sa akin. "May malapit na restaurant dito. Masarap ang pagkain doon. We can go there right after the inspection."

"Akala ko ba busy ka at may meeting ka pa pagkatapos nito?" untag ko sa kanya.

"Busy naman talaga ako."

"Then bakit mo ako inaayang lumabas?"

Sandali siyang natigilan, tila nag-iisip ng tamang idadahilan. Ngunit pagkalipas ng ilang segundo, tinitigan niya ako nang diretso sa mga mata at sumagot sa pinakaseryoso ngunit malambing na tono.

"Because I want to have lunch with you, Lyra. No work reasons. I just want to spend time with you."

Parang may sumabog na fireworks sa loob ng dibdib ko sa prangka niyang pag-amin. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko; ang dila ko ay parang napako sa bubong ng aking bibig.

"Ah... iyon lang?" ang tanganging lumabas sa bibig ko pagkatapos ng mahabang katahimikan.

Bahagya siyang natawa sa naging reaksiyon ko, umiling-iling habang nakangiti. "That's all I get? Isang 'ah' lang?"

"Ano bang gusto mong sabihin ko?" depensa ko, nararamdaman ang unti-unting pag-init ng aking mga pisngi.

"Anything. Isang oo o hindi lang, sapat na."

Mabilis kong ibinaling ang tingin ko sa aking sandwich upang maiwasang makita niya ang abot-taingang ngiti na pilit kong itinago. "Sige. Pero ikaw ang taya."

"Deal," mabilis niyang sagot.

Natawa ako sa reaksiyon niya. "Ang bilis mong pumayag, ah."

"Should I reconsider?" biro niya, itinataas ang isang kilay.

"Huwag na! Baka bawiin mo pa, sayang ang libre," natatawa kong sabi.

Tumawa siya nang malakas, at sa pagkakataong ito ay hindi na niya pinilit na itago ang napakagwapo niyang ngiti. May kung anong mainit na pakiramdam ang gumalaw sa kaibuturan ng puso ko. Hindi ko alam kung kailan o paano nagsimulang maging ganito kadali ang makipag-usap sa kanya, pero alam kong may nagbabago na at hindi lang ito nangyayari sa akin.

Pagkatapos ng inspection ay sabay nga kaming pumunta sa isang tahimik na restaurant malapit sa hotel. Habang hinihintay namin ang mga iniorder naming pagkain, unti-unting napadpad ang usapan namin sa mas personal na mga bagay.

"Close ka ba sa family mo?" tanong niya habang pinaglalaruan ang baso ng tubig sa harap niya.

"Opo. Well, most of the time," sagot ko habang inaalala ang ingay sa bahay namin. "May mga araw din naman na mas gusto kong mapag-isa o kaya ay mapayapa ang paligid. Pero mahal ko sila."

"Understandable," tango niya.

"Ikaw?" balik-tanong ko. "Close ka ba sa pamilya mo?"

Hindi siya agad sumagot. Tumingin siya sa labas ng bintana at sandaling nagbago ang timpla ng kanyang mukha, naging seryoso at may bakas ng lungkot. "It's... complicated."

Ayokong maging usisera o maging dahilan ng pagkabahala niya, kaya agad ko siyang binigyan ng ngiti. "Okay lang. Hindi mo kailangang magkwento kung hindi ka pa handa o kung ayaw mo."

Napaangat ang tingin niya sa akin, tila nagulat sa naging reaksiyon ko. "Most people would ask more questions."

"Well, most people aren't me," simple at may kumpiyansa kong sagot.

Isang dahan-dahan at totoong ngiti ang sumilay sa kanyang mukha. "That's true. You are definitely different."

Sandali kaming natahimik pagkatapos niyon. Ngunit hindi iyon ang uri ng katahimikan na nakakailang o awkward; sa halip, pakiramdam ko ay napakakomportable naming dalawa na kahit hindi kami magsalita upang punan ang bawat segundo, ayos lang.

Nang dumating ang pagkain, nagpatuloy ang kwentuhan namin tungkol sa mga simpleng bagay ang mga paborito naming pagkain, mga lugar na pangarap naming puntahan, at kung gaano kahirap balansehin ang bigat ng trabaho at ang personal na buhay.

Pagkatapos naming kumain, agad na tumayo si Jaxith at kinuha ang bill mula sa waiter.

"Ako na," prangka niyang sabi.

"Jaxith, sandali. Ako na ang magbabayad ng pagkain ko. Kaya ko naman," pigil ko sa kanya habang kinukuha ang wallet ko sa bag.

"I know you can, Lyra."

"Then-"

"Lyra, listen to me," pagputol niya sa sasabihin ko, hinawakan nang bahagya ang ibabaw ng kamay ko na nagpabitin sa hininga ko. "I invited you. Let me pay for this."

Tinitigan ko siya sa mga mata ng ilang sandali bago dahan-dahang tumango at binitiwan ang wallet ko. "Okay. Pero sa susunod, ako naman ang taya."

Napatigil siya sa pagkuha ng card sa kanyang wallet at napatingin sa akin, may kakaibang kislap sa mga mata. "Susunod? Next time?"

Napakagat-labi ako nang marealize ko ang sinabi ko. Ay, naku, Lyra! Ang daldal mo talaga! "I mean... kung may next time lang naman," bawi ko agad habang pilit na nagpapakaswal.

Ngumiti siya nang napakatamis, ang uri ng ngiti na kayang magpatunaw ng kahit sinong babae. "Then I'll look forward to it."

Hindi ko na talaga alam kung ano ang isasagot ko. Upang matakpan ang labis na pagkapahiya at kilig, mabilis kong kinuha ang bag ko at nagmamadaling naunang lumabas ng restaurant.

Narinig ko ang kanyang mahina at nakatutuksong tawa mula sa aking likuran habang sumusunod siya sa akin. "You're blushing, Lyra."

"Hindi kaya!" pasigaw kong sagot nang hindi lumingon, kahit alam kong pulang-pula na ang mukha ko.

"Okay, kung sabi mo," panggatong pa niya.

"Huwag ka ngang tumawa riyan!"

Pero mas lalo lang siyang natawa sa reaksiyon ko. At ang nakakainis pa roon? Kahit pilit kong pinipigilan, hindi ko na rin naitago ang sarili kong ngiti habang naglalakad kami pabalik sa sasakyan.

Pagkauwi ko sa bahay nang gabing iyon, paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang lahat ng nangyari sa site inspection at sa restaurant.

Kung paano siya taimtim na nakikinig sa bawat paliwanag ko, ang mga banayad niyang biro, at ang pag-aya niya sa akin na mag-lunch nang walang ibang dahilan kundi ang gusto niya akong makasama.

Hindi ko na kayang magsinungaling pa sa sarili ko. Hindi ko na kayang itanggi ang totoo.

May gusto ako kay Jaxith Valdemore.

Hindi ko pa alam kung gaano ito kalalim, at ayokong madaliin ang sarili ko. Pero malinaw na sa akin na hindi na lang ito simpleng paghanga sa isang kliyente na mahusay sa negosyo. Higit pa roon ang nararamdaman ko ngayon.

Kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng kama at saktong umilaw ang screen nito. Isang bagong mensahe ang pumasok.

Jaxith: Nakauwi ka na?

Awtomatikong sumilay ang ngiti sa mga labi ko habang nag-type ako ng reply.

Ako: Oo, kanina pa. Ikaw?

Ilang segundo lang ang lumipas, mabilis na pumasok ang kanyang sagot.

Jaxith: Kakauwi ko lang din. Thank you for today.

Ako: Bakit? Dahil ba hindi kita inaway o sinungitan sa buong duration ng meeting natin?

Jaxith: That too. But mostly, thank you for the company.

Natawa ako nang mahina habang yakap-yakap ang unan ko gamit ang isang braso.

Ako: Sige na, magpahinga ka na. Good night, Jaxith.

Jaxith: Good night, Lyra. See you soon.

Nakatitig lang ako sa screen ng telepono ko ng ilang sandali matapos kong matanggap ang huling mensahe niya.

Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa amin sa mga susunod na araw. Hindi ko rin alam kung saan hahantong ang lumalagong nararamdaman kong ito. Pero ang isang bagay na sigurado ako ngayon—hindi ako natatakot sa posibilidad na may mabuo sa pagitan naming dalawa.

Dahil kung may isang katotohanang napakalinaw sa akin sa gabing ito, iyon ay ang katotohanang hindi lang ako ang naghahanap ng dahilan para manatili kaming magkausap. Siya rin.

At baka ito na nga ang simula ng isang bagay na pareho naming hindi inaasahan. 

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire Boss Wants To Pamper Me    The Woman He Almost Married

    Chapter 8 Hindi ko alam kung alin ang mas nakakagulat.Ang malaman na may babaeng nagngangalang Celeste na naging bahagi ng buhay ni Jaxith, o ang marinig mismo mula sa kanya na muntik na silang magpakasal. For a moment, parang nawala ang lahat ng ingay sa lobby.Naririnig ko pa rin ang mga taong nag-uusap, ang tunog ng elevator, at ang mahinang pagtunog ng mga cellphone sa paligid. Pero wala sa mga iyon ang kayang agawin ang atensyon ko mula sa dalawang taong nasa harapan ko.Celeste looked confident.Jaxith looked furious.And me? I felt stupid for reasons I couldn't explain. "Celeste," malamig na sabi ni Jaxith. "I told you, not here." She tilted her head. "Why? Natatakot ka bang malaman niya ang totoo?" "Enough." I had never heard Jaxith speak that way before.Wala ang karaniwan niyang kalmadong tono. Wala rin ang ngiting madalas niyang gamitin kapag gusto niya akong asarin. His voice was firm enough to make Celeste pause, but only for a second. Then she looked at me again.

  • The Billionaire Boss Wants To Pamper Me    The Woman in the Photograph

    Chapter 7 Ilang beses kong tiningnan ang larawan bago ko tuluyang ibinaba ang phone ko.Hindi dahil malinaw na malinaw ang mukha ng babae sa tabi ni Jaxith.Kundi dahil sa paraan ng pagkakahawak niya sa braso nito.Komportable.Parang matagal na silang magkakilala. Parang hindi na nila kailangang mag-isip kung paano kikilos sa isa't isa.At ang pinakakinaiinisan ko sa lahat?Wala naman akong karapatang maapektuhan.Wala kaming relasyon ni Jaxith. Hindi niya ako niligawan. Hindi rin siya nangakong ako lang ang gusto niyang makasama.Lunch lang ang pinagsaluhan namin.Isang simpleng lunch na ako mismo ang pumayag.So why did the picture bother me?“Lyra?”Napalingon ako kay Nina, na nakatayo sa tabi ng desk ko habang may hawak na folder.“Are you okay?”“Yeah.”She studied my face. “You don't look okay.”“I'm just tired.”Hindi siya agad naniwala. Pero sa halip na pilitin akong magsalita, inilapag niya ang folder sa mesa ko.“Fine. Pero kung kailangan mong mag-rant, nandito lang ako.”

  • The Billionaire Boss Wants To Pamper Me    Just Lunch, Nothing More

    Chapter 6 Akala ko, ang pinakamahirap na bahagi ng araw ko ay ang makasama si Jaxith Valdemore sa isang lunch na hindi ko naman talaga kailangang puntahan.Nagkamali ako.Ang pinakamahirap pala ay ang magpanggap na ordinaryong lunch lang iyon kahit ilang minuto pa lang kaming magkasama, pakiramdam ko ay unti-unti nang nawawala ang kakayahan kong kumilos nang normal.“So, where are we going?” tanong ni Jaxith habang magkasabay kaming naglalakad papunta sa elevator.“Somewhere quiet.”“Quiet?”“Yes. Yung lugar na hindi ako kailangang sumigaw para lang marinig ang sarili kong iniisip.”He chuckled. “Am I that distracting?”Hindi ako agad sumagot.Dahil ang totoo, oo.Pero hindi ko iyon sasabihin sa lalaking mukhang masayang-masaya tuwing nahuhuli niya akong hindi makasagot sa mga tanong niya.“Your ego is showing again, Mr. Valdemore.”“Should I hide it?”“Please. Nakakaabala sa public.”Napatawa siya. At gaya ng mga nakaraang pagkakataon, nahuli ko na naman ang sarili kong nakatingin s

  • The Billionaire Boss Wants To Pamper Me    I Know You Like Me

    Chapter 5Kinabukasan, iisa lang ang plano ko: magtrabaho nang maayos, tapusin ang revisions, at kumilos na parang walang kakaibang nangyari kagabi. Simple lang, hindi ba?Pero mukhang hindi nakikisama sa akin ang mundo.Alas-nuwebe pa lang ng umaga, tatlong beses ko nang binasa ang message ni Jaxith bago ako pumasok sa trabaho.Jaxith: Don't skip breakfast today.Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang sabihin iyon. Hindi niya naman ako nanay, at lalong hindi niya trabaho ang siguraduhing kumakain ako sa tamang oras.Pero napangiti ako.Nakakainis talaga."May magandang balita ba?" tanong ni Nina habang inilalapag ang kape sa mesa niya.Agad kong binitawan ang cellphone ko. "Wala.""Kung wala, bakit ka nakangiti?""Masama bang ngumiti?""Hindi. Pero kapag ikaw ang nakangiti nang ganyan, siguradong may kinalaman 'yan sa isang lalaking ayaw mong aminin na gusto mo.""Alam mo, kung hindi lang kita kaibigan, matagal na kitang sinumbong sa HR dahil sa pang-aabala.""Go ahead. Sasabih

  • The Billionaire Boss Wants To Pamper Me    One Night, Two Honest Hearts

    Chapter 4Hindi ko alam kung kailan nagsimulang maging bahagi ng araw ko si Jaxith Valdemore. Dati, sapat na sa akin ang makumpleto ang mga requirements ng project, makausap ang mga client, at makauwi nang hindi sumasakit ang ulo dahil sa dami ng kailangang gawin. Pero nitong mga nakaraang araw, nahuhuli ko ang sarili kong tinitingnan ang cellphone ko kahit wala naman akong hinihintay na mahalagang mensahe. At kung may bagong notification, hindi ko maiwasang tingnan kung pangalan niya ang nakalagay.Nakakainis. Lalo na dahil alam kong wala naman akong karapatang umasa sa kahit ano.Trabaho lang ang nag-uugnay sa amin. Siya ang may-ari ng hotel na ginagawa namin, at ako ang interior designer na responsable sa itsura nito. Kapag tapos na ang project, matatapos na rin ang mga dahilan para magkita kami. Kaya habang maaga pa, dapat ilagay ko sa isip ko kung bakit ako naroon.Trabaho. Hindi pag-ibig."Lyra!"Napalingon ako kay Nina na halos mapasigaw sa tabi ng mesa ko."Ano ba? Bakit ka su

  • The Billionaire Boss Wants To Pamper Me    The Way You Look at Me

    CHAPTER 3Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko bigla na lang naging mas mahaba ang oras kapag naghihintay ako ng tawag mula kay Jaxith Valdemore.Hindi naman sa hinihintay ko siya. Busy lang talaga ako, paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko habang nakatitig sa cellphone ko tuwing may natatanggap akong notification.Tatlong araw na ang nakalipas mula nang mag-lunch kami. Pagkatapos niyon ay naging madalas ang pag-uusap namin tungkol sa hotel project. Minsan, tumatawag siya para magtanong tungkol sa design. Minsan naman, simpleng mensahe lang tungkol sa schedule ng meeting.Tungkol lang sa trabaho.Pero may mga pagkakataon na pagkatapos naming pag-usapan ang proyekto, hindi agad niya ibinababa ang linya. At hindi ko alam kung bakit hindi rin ako ang unang nagtatapos ng usapan."Lyra!"Napalingon ako nang marinig ang boses ng kaibigan kong si Nina. "Yeah?""Kanina pa kita tinatawag. May kausap ka ba?""Wala," mabilis kong sagot habang ibinababa ang telepono.Tumingin siya sa cellphone

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status