Grellen's POVNagising ako sa sulok habang nakaupo. Nagsasalita ang emcee sa baba, medyo muffled pa ang utak ko kaya 'di ko masyadong maintindihan ang sinasabi nila. Pinilit kong tumayo though pagewang-gewang ako.Shetpak talaga 'yong bumira sa 'kin! Shuta 'yon, ah! Nakatalikod lang ako kaya 'di ko nakita eh. But anyway, I need to find Madam. Huli ko siyang nakita kasama si William. If I remember correctly, they entered in one of the rooms here. 'Yong nasa gitna.I checked the door. It's not locked. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at sumilip sa loob but unfortunately, wala na akong naabutan. So, nahuli ako sa pansitan? Tapos na sila?Whatever they did, hindi ko mapapatawad si William! Buwisit siya! Bumaba na lang ako at hindi tumigil sa paghahanap. Wala siyang ibang pupuntahan kundi rito. Unless, she already left? Not possible. There's no way she could leave without me. Takot kaya 'yong magmaneho ng kotse. Pwera na lang kung kinaray na siya ni P*keyama pero impossible dahil pag
Grellen's POVTalo ko pa ang umebak dahil sa tagal kong nag-emote sa loob ng CR. Good thing, walang kumakatok sa pinto kundi pagsasabunutan ko talaga sila.Hindi na ako bumalik pa sa third floor. I've had enough for today. Sapat na ang mga nasaksihan kong sweetness sa pagitan ng amo kong babae at ng ex ko (kahit wala namang kami) na kinabog pa ang anaconda sa tindi nitong manuklaw.Tumambay ako sa labas at lumanghap ng sariwang hangin. I sat on the corner beside the fountain. Naupo muna ako roon at matiyagang naghintay. Nakaka-boring lang ng konti pero keribells lang--aray ko! May lamok!I was trying to caught it with my hands pero masyado itong mailap. Buwisit. Parang si William lang. Mailap kunin sa una but at the end of the day, may aahasin din palang iba. 'Yon pang babaeng... may puwang sa buhay ko.Ang akala ko talaga, never akong magkakagusto sa isang babae. All this time, I've been searching for a man who can show me the love I was longing from my father. 'Yong pagmamahal na hi
Grellen's POV"Where have you been? Kanina pa ako naghihintay rito!" Bungad ni Madam nang magkita kami sa lobby ng hotel.Maka-singhal 'to akala mo pinaghintay siya ng one hour sa baba. Parang tumayo lang siya ng isang minuto roon! Edi siya na ang reyna ng mga inip!"Nasu-suffocate kasi ako sa dami ng tao sa loob kaya nagpahangin muna ako sa labas," tapat kong sabi. Paano ako hindi mauubusan ng hininga eh kasama niya buong gabi si P*keyama? Ang saya-saya niya pa habang sinasayaw siya ng putragis! Kung tutuusin dapat hindi siya pumayag na makipag-ballroom sa lecheng ahas na 'yon dahil ako ang una niyang inalok!'Langya ka talaga, William! Sinira mo ang gabi ko!"Nagpaiwan si William sa third floor at may kakausapin pa raw siya," kuwento ni Madam kahit hindi ko naman tinatanong.Wow. So isang gabi pa lang niyang nakapiling ang antipatikong 'yon pero William na ang tawag niya, samantalang noong una may pa-Inspector Fukuyama pa siyang nauuso.Ang sherep megwele!"Tara na, Madam! Baka maa
Grellen's POV Magdamag akong hindi nakatulog gawa ng nalaman kong mga rebelasyon. Ang professional relationship nina Barbara at William ay mas malalim pa pala sa inaakala ko. In her eyes, William isn't just a friend. He was her childhood sweetheart. The man she believes her soulmate, na ika nga niya'y minahal niya at her very young age. Once again, naunahan akong muli ni William and I can't blame myself for acting so slow since my opponent is the time here. Kung nakilala ko lang siya nang mas maaga, baka wala kay William ang atensyon niya ngayon. You know what, I wish you were that girl, Barbara. Sana ikaw na lang ang bata na tinuring kong prinsesa noon. Wala sanang William na nanghihimasok sa buhay nating dalawa. I'm not a fool. Hindi ko na mababago ang nakaraan at tatanggapin ko ito nang maluwang sa dibdib ko. Ang hindi ko kayang tanggapin ay ang posibleng kahinatnan ni Madam kapag tuluyan siyang nasolo ni William. Minsan akong nabaliw sa pagmamahal ko kay William kaya hindi k
Grellen's POV 5:30 PM "Durless Residence. Good afternoon!" pambungad ko hawak ang household telephone na nasa salas. "I'd like to speak to Barbara. ASAP." KIlala ko ang boses na ito. Kinalma ko ang aking sarili at piniling kausapin siya with due respect. "I'm sorry, Madam Durless can't come to the phone right now. But hey, I have good news to share with you so clear your damn ears and listen to me very carefully." Ginaya ko ang pagkakasabi ni Butiking Brenda last time at pabalagbag kong binaba ang telepono. Muntik na ngang malaglag 'yong handset ng telepono sa lakas n'on. Kainis! Panira ng mood ang pucha! Paano ba naman, tumawag ang magaling na William at hinahanap agad si Madam! Pagalit pa ang tono at hiniritan ako ng ASAP! ASAP your face! Lakas maka-demand ng 'as soon as possible', ano siya, presidente? Utot niya blue! "Grellen, who's that?" Nagulat ako nang nasa likod ko na pala si Madam. Mabilis kong pinagtakpan ang kalokohan ko. "S-Si Butiking Brenda, tumawag. Nanghihi
Grellen's POVThat night, Madam called me thru the intercom. I was summoned to her room just as she reminded during the dinner. Kabado man ay hindi ko dapat 'yon ipahalata 'pag kaharap ko na siya. I need to explain my side, too. Liban pa, I have this thought about William that she has to know.After akong mabuhusan ng wine ni Madam sa mukha ay mabilis akong nagpalit ng damit at nagtago sa sulok upang pakinggan ang pag-uusap nila. To make the story short, they just talk about themselves. Puro ka-sweet-an at pambobola lang ang lumalabas sa bibig ni William.Don't get me wrong, I'm not jealous for treating her like that. Wapakels na ako kay P*keyama. Ang concern ko ay si Barbara lang, nothing else.When she tried to mention about the case of missing girls in the circus, William suddenly switched the topic. He recalled every scenario of their childhood past in order to draw the case off track.It's as if he wouldn't want to discuss about it, which is odd since his job is to investigate no
Barbara's POVThree hours before the dinner...I received a package in courtesy of Mr. Frank. According to him, the sender is unknown. Tinanong niya ang delivery boy pero wala siyang mabanggit na pangalan. Maski sa label ay walang naka-indicate aside sa receiver.Binalaan ako ni Mr. Frank na huwag munang buksan but something's bothering me which makes me wanna open up.Nasa kuwarto ako nang ihatid niya ang package at nag-insist si Mr. Frank na magstay hanggang sa makita ko ang nilalaman nito."Bago ko makalimutan, nasa'n si Grellen at bakit kayo ang tumanggap ng package? Trabaho niya dapat ito," kwestyonable kong tanong."Huli ko siyang nakitang pumasok sa kanyang quarters," the old man replied. Tumingala ang matanda at napaisip. "Isa sa pinagtataka ko ay ang kilos ng delivery boy. Hindi niya kilala ang nagpadala ng package ngunit ibinilin niyang huwag ipapaalam kay Grellen ang tungkol dito."Huh? What if nagkataong si Grellen ang nasa gate noong mga oras na 'yon? Alangan namang umatr
Grellen's POVWeekend. Hindi gaanong busy sa mansyon. Mag-isa akong tumatambay sa gazebo at nagpapalipas ng oras. Si Angelique ang nag-asikaso kay Madam dahil 'yon ang utos niya kanina pagbaba niya.I can't help but to think why did she have to ask Angelique eh andito naman ako? Kung sa paliligo niya at pagbihis, syempre trabaho 'yon ni Angelique. Mula kaninang umaga hanggang ngayong hapon, si Angelique lagi ang bukambibig niya.For what I remember, I heard my name from her mouth once and that's when she asked me to answer the phone call made by her sister. Pinapasabi ni Brenda kay Madam na pauwi siya from States at pansamantala munang titira sa mansyon for two weeks. Bukas daw ang kanyang arrival.At pagkatapos kong ikuwento 'yon kay Madam ay agad niya akong pinaalis. Hindi naman siya 'yong parang galit. But something's wrong with her. I just don't know what it is. Maayos naman kaming nagkausap kagabi, ah. It's clear to me that she already forgive me for my immaturity in front of Wil
Grellen's POV Seven years later... Day off ng lola niyo kaya naisipan kong mag live home concert sa aming mansyon. Sumayaw, sumunod sa Sexbomb Ibomba mo! Ibomba mo! Sumayaw, sumunod sa Sexbomb Ibomba mo! Ibomba mo! Ibomba natin 'yan, sish! Mag-isa lang ako sa salas. Humahataw, gumigiling at kumekembot habang naka-live sa Peysbuk! Pinupupog din ako ng tawa at papuri sa comment section. Maski 'yong mga kaibigan kong Hapon at mga kasamahan ko sa headquarters, tuwang-tuwa sa ginagawa kong katarantaduhan sa social media. Shocks, I'm famous! Hahaha! So 'yon, konting update lang. Maraming nagbago for the past seven years. Limang taon na kaming kasal ni Barbara at meron na kaming isang anak - si Glen Allen. Glen is six years old at kamukha ko raw, sabi ng nakararami. Trulalu itey, huwag ka! Ilong lang ang nakuha ni Glen sa bruha kong asawa, the rest sa akin minana. Actually, buntis ngayon si Barbara sa pangalawa naming anak at naka-schedule siyang manganak after two months. Babae
Barbara's POV "G-Grellen... Y-you're alive..." I scanned his body from head to toe and then I realized, it's really him! Buhay si Grellen, buhay na buhay! "Sorry for playing tricks on you. It was my whole idea," nahihiya niyang saad. Pumatak ang mga luha ko at maagap kong sinalo iyon gamit ang kamay ko. "Bakit hindi mo sinabing buhay ka? All this time, alam nila Roland na hindi ka namatay sa pagsabog?" May bahid ng pagtatampo sa boses ko. "Sorry, I hide the truth from you because I don't want you to chase me. Disappointed ako noon sa sarili ko dahil hindi kita pinanagutan. As a result, namatay ang anak natin. I keep reminding myself how much I deserve to live without you. Gusto kong mapunta ka sa tamang tao na kaya kang panindigan whatever the circumstances may occur. Hindi sapat ang humingi ako ng tawad sa lahat ng kasalanan ko kaya..." "Kaya ano? Bumalik ka para iparamdam sa akin na wala tayong chance? Na gusto mo akong ipamigay sa ibang lalaki? Anong klase ka? Ang tagal kitang
Barbara's POVSix months later...Mag-isa akong kumakain ng almusal sa hardin kasama ang dalawang espesyal na tao sa buhay ko. They were surrounded by white and red roses. Ang ganda nilang pagmasdan sa malayo.Georgia Barbara Rin BurnettGrell Allen "Grellen Radcliff" Burnett"Six months, seems like six days to me. Anim na buwan na akong nangungulila sa 'yo, Grellen. Nakakalungkot na hindi ko man lang narinig mula sa bibig mo na mahal mo rin ako." It's too late to find out na kanina pa pala ako umiiyak. "Kung nasa'n man kayo ng anak natin, sana masaya na kayo. I pray for the peace of your souls. Thank you for everything, Grellen."Anim na buwan mula nang mangyari ang insidente sa Marina Campania na ikinasawi ng tatumpung katao, including Mr. Burnett, Dori, Gil Michael Burnett and lastly, si Grellen.Though, only his death is not confirmed since they never found any sign of Grellen's body. Wala ring nag-match sa dental records
Grellen's POV "The game is over for you, my dear brother. Checkmate ka na. So if I were you, drop that toy of yours and surrender yourself before I do it for you." Steady lang si Kuya. Bingi-bingihan? Hindi na naawa kay Brenda na mamatay-matay na sa nerbyos dahil sa baril na nakatutok sa kanyang leeg. Sabagay, kung 'yong sarili niya ngang mga magulang, pinapatay niya, e. Ano na lang si Brenda na kababata ko lang, 'di ba? I shall proceed to the next move. For the final plan, darating ang chopper na magsusundo sa amin pabalik ng Codaco bago mag-alas dose ng madaling araw. Speaking of 12 midnight, if I still remember, 'yon ang oras na nakasulat sa papel na nahanap ko sa apartment ni William. Ang magpapatunay na may transaksyon siya sa isang black market auction. Angelina Barbara Liv Durless N$3.5M Marina Campania June 01 at 12:00AM Kung hindi ako nagkakamali, nag-start ang auction kaninang alas-diyes ng gabi. I also can't be wrong about the time that was written on the paper. It'
Grellen's POV Muli akong nakarinig ng dalawang magkakasunod na putok ng baril at kitang-kita ng dalawang mata ko ang pagbagsak ng katawan ni Dori sa sahig. "Dori!" Hindi man ako lumapit ay alam kong tapos na si Dori. A fatal blow on his chest twice, there's no way he's still breathing at that rate. Ang tanging nagawa ko lang nang mga oras na 'yon ay yakapin ang naghihingalong si Dad. Nakakapit siya sa braso ko, pinipilit dumilat kahit nararamdaman niyang gusto na nitong pumikit. "Dad, please! Don't leave me, lumaban ka! Ngayon mo pa ba ako iiwan, ha? Tanggap ko nang 'di tayo magkadugo at hindi magbabago ang pagtingin ko sa 'yo bilang tatay ko! I love you, Dad! Please, I'm begging you! Don't you dare shut your eyes off!" umiiyak na sabi ko. He coughed, pinipilit nitong magsalita. "I-It's okay, s-son. T-tama lang na kabayaran 'to sa p-perwisyong b-binigay ko sa 'yo... At kay B-Barbara. B-Basta lagi mong tatandaan, m-mahal... Na mahal ka namin ng Mommy mo, anak..." Nawalan ng lakas
Grellen's POV Habang abala si Dad sa pagkaray sa akin sa kanyang secret quarters, inobserbahan ko ang pagpasok ng iilang katao sa pasilyo na malapit sa comfort room. Maliban sa kakaiba nilang kilos ay may hawak-hawak rin silang itim na maskara na katulad ng kay Kuya Gil. Which means, the auction begins in any moment. There's no need to hurry. As soon as I finished my dirty business with Dad, I'll catch those rats one by one. Saktong three minutes ang nakalipas mula nang kausapin ako ni Dad sa baba at ngayon ay papalakad kami sa hallway ng ikatlong palapag. I secretly dropped the shoe before Roland and I crossed to each other's feet. Ongoing pa ang communication naming dalawa kaya malamang, narinig niya ang pag-uusap namin kanina ni Dad sa baba. I cleared my throat thrice, kunwari may nakabarang plema sa lalamunan ko. It's our call sign. If I clear my throat once, I'm in trouble so I want them to send a backup. Twice, an unexpected incident occurred so I command them to stay put an
Barbara's POV Hilo ang una kong naramdaman nang magising ako. Nasa'n ako? Bukod sa bahagyang madilim ay nuknukan din ng init ang lugar, isama mo pa ang malakas na tulog ng makina ng barko. Are we in the engine room? Not sure. The room is filled with boats and other emergency equipment. Probably in a depository. "Ethan?" sabi ko sa taong nakatayo sa sulok. It's a stupid of me not to realize that the man who captured me was Grellen's friend. Maliban sa aming dalawa ay may kasama pa kami sa loob na isang lalaki na busy sa pagkalikot ng maliit na jet ski boat. Anong binabalak niya? Hinawi ni Ethan ang buhok na nakaharang sa kanyang mukha. "Sorry. Grellen instructed me a while ago." Si Grellen ang nag-utos sa kanya? Bakit? "Why would Grellen do that?" pasigaw kong tanong. The ship engine is such an earsplitting so I need to speak louder. Ethan stepped forward as he sat on the floor where I was sitting right now. "Mabilis ang mga pangyayari kaya hindi ko na nalaman pa ang dahilan kun
Barbara's POV Durless Residence - Afternoon Sa buong maghapon, wala akong ginawa kundi magmukmok sa kwarto. Ang dalawang servants ang naiwan sa mansyon. Si Brenda ay umalis kaninang umaga. Muli niyang dinahilan na meron siyang emergency appointment sa kanyang pasyente kaya kailangan niyang bumalik ng Amerika. Last night, katabi ko si Brenda sa pagtulog. Pero bago 'yon, I've had a one on one talk with Grellen where he proclaimed the word, 'goodbye.' It hurts a lot more than I thought it would. Mas masakit pa sa limang araw na wala siya sa mansyon. Everytime I think about it, parang gusto ko na namang tapusin ang buhay ko. But I made a promise to Grellen - mawala man siya sa landas ko, hinding-hindi ko na tatangkaing kunin ang buhay ko. Mula noong araw na bumalik siya sa mansyon at nagtrabaho bilang butler ko for two days, napatawad ko na siya sa naging atraso niya sa akin at sa anak ko. Nakita ko sa mga mata ni Grellen na hindi niya intensyong pabayaan kami ng sana'y magiging anak
Grellen's POV Marina Campania The time has come. Ang araw ng muli naming paghaharap. Sa araw ring ito, magwawakas ang sigalot. Sisingilin ko silang lahat sa perwisyong idinulot nila kay Barbara at hindi ko hahayaang makalabas sila nang hindi nakakabayad. Especially that William. The gathering begins tonight at six. Our destination is in Lexus City through the luxury liner built by a famous star line for my family - The Marina Campania. Base sa nakalap kong source, ongoing na ang party sa loob ng mismong barko habang lumalayag. Ang part 2 ng celebration ay gaganapin sa newest branch ng Burnett Hotel sa Lexus kung saan may magaganap na ribbon cutting ceremony the next morning. Mukha bang paabutin ko pa doon ang pasabog ko? Siyempre, hindi na. Sorry for shattering your dream vacation but the party at the Burnett Hotel in Lexus will be cancelled. Wala, ako lang ang nagsabi n'on. Charot. Nauna nang sumampa sa barko ang Team Idyut, which consisting of you know who. Ethan, Roland and