LOGINChapter 9
Faith’s POV
Habang lumulutang ang isipan ko sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyan, biglang nag-ring ang cellphone ko. Pagtingin ko sa screen si Stella. Mabilis kong sinagot.
“Hello, Stella?”
Hindi pa siya nakapag salita nang marinig ko ang mahinang hikbi ng batang umiiyak sa kabilang linya. Napakislot ang puso ko.
“Ate...” garalgal ang boses ni Stella. “Si Jairee po... nilalagnat. Napainom ko na po ng gamot pero hinahanap na po kayo. Hindi tumitigil sa pag-iyak…”
Para namang kinurot ang puso ko. Ngayon lang ako ginabi ng ganito, at si Jairee… ang anak kong tatlong taong gulang, naghahanap na ng yakap ko.
“Sige, ibigay mo sa kanya ang telepono,” sabay tayo ko, handa nang umalis.
“Hello, baby?” pinilit kong gawing kalmado ang boses ko kahit ang dibdib ko'y kumakabog.
“Mommy… go home na ik
Faith POV Araw ng Sabado ngayon, it's our family day. Wala naman sana kaming balak lumabas dahil magiging abala kami bukas. Pero kailangan pala naming puntahan ang venue ng reception para sa binyag nina Amelia at Ameer. Kaya maaga kaming naghanda na mag-anak. "Everyone's ready?" ani Austin nang makalabas kami ng silid, kasabay ng paglabas ng magkakapatid sa kabila kasama ang kanilang mga yaya. "Yes, Daddy!" masiglang sagot ni Jairee. "So pogi naman ng kuya," puri ko sa bata. Lalo siyang naging cute sa curly hair niya at suot na shades. Nang tingnan ko si Ameer, saka ko napansin na magkapareho pala sila ng suot ng kuya niya. Napangiti ako. Alam ko na kaaagad kung sino ang may pakana, ang magaling nilang ama na hindi ko man lang napansin ang pagbili ng damit nila. "Ikaw talaga... ang dami mong ginagawa na hindi ko nalalaman ha," mahinahon pero pakunwari kong banta habang kinurot ko siya sa tagiliran. Natawa lang siya habang pababa kami ng hagdan. "Meron pa akong ginagawa na hindi
Faith POVKasabay ng paghilom ng tahi ko, ay ang paghilom ng sakit na dulot ng mga pagsubok na pinagdaanan naming mag-asawa.Sa tulong nina Ate Elvie at Kim, hindi ako gaanong nahirapan sa paggaling. Si Kim ang naglilinis ng sugat ko pagkatapos akong paliguan ni Austin, dahil hindi ko talaga kaya tingnan ito. Si Ate Elvie naman ang mahigpit na nagpapaalala ng lahat ng bawal, dahil sabi niya, mas mahirap daw ang binat ng na-CS kaysa sa nanganak nang normal. Sinunod ko lahat ng bilin nila, at lubos akong nagpapasalamat. Nawala man ang mga magulang ko, pero sa presensya nila, parang nagkaroon ako ng bagong pamilya.Hindi naman sila nagtagal sa mansion dahil kailangan din nilang umuwi sa pamilya nilang umaasa sa kanila. Nangako sila na babalik para sa binyag at unang birthday ng kambal. Nangako rin si Austin na dadalaw kami sa kanila kapag kaya ko na ulit bumiyahe nang malayo.Ang bahay na binili ko sa Zambales ay ibinigay na namin kina Ate Elvie, ayon na rin sa kagustuhan ni Austin. Sa u
Faith POVWELCOME HOME BABY AMEER FRANCE, BABY AMELIA FRANCES AND MOMMY FAITH!Iyan ang nakasulat sa malaking banner na bumungad sa amin pagkarating sa mansion. May inihanda palang munting salo-salo ang mga kasambahay, na sabik makita ang kambal."Ang lakas ng dugo ni sir Austin. Aba’y kamukhang-kamukha niya ang kambal," ani Manang Elvie, puno ng pagkagiliw ang boses."Kaya nga ma'am, bale ikaw lang po ang nagdala ng siyam na buwan," biro pa ni Rosie na agad sinabayan ng tawanan."Kung sino raw ang kamukha ng sanggol, siya raw ang nag-enjoy nang husto habang ginagawa ang mga babies," sigaw ng isang pamilyar na tinig mula sa kusina.Napalingon ako agad. "A-Ate Elvie?!""Surprise!!" aniya, sabay labas ni Kim mula sa likuran niya."Kim!" agad siyang lumapit at niyakap ako nang mahigpit, ingat na ingat dahil kapapanganak ko lang.Pagbitaw namin ay napatingin ako kay Austin."She’ll take care of you, hon," wika niya saka ako inaakbayan. Inihilig ko ang ulo ko sa dibdib niya, saka siya tini
Faith POVParang kahapon lang nangyari ang lahat. Tuluyan ng napakulong si Amy. Pero hindi kinaya ng isip niya ang eksenang naganap na siya ang nakapatay sa sariling anak na so Daphnie at nawalan ng buhay sa harap niya si Justine. Ikinabaliw niya iyon, kaya sa halip na sa kulungan siya ilagay ay sa mental hospital ang kinasadlakan niya.Ngayon ay kabuwanan ko na. Naka schedule na ako for caesarian next week, dahil sa malposition ang kambal. Hindi na rin pumapasok sa opisina si Austin. Gusto niya nasa tabi ko lang siya palagi. Mula ng nagkaayos kami naging maayos at masaya na ang pagsasama namin. Si Jairee ay nagpatuloy na sa pag-aaral. Nasa Kindergarten na siya ngayon. Si Jake pa rin ang kaniyang personal bodyguard at yayo. Hindi na niya talaga binalikan ang pagiging nurse. Minsan tinanong ko siya kung gusto na ba niyang bumalik sa pagiging nurse sa hospital."Naku! Hindi na ho ma'am. Masaya na ako sa ginagawa ko ngayon. Marangal na, mas malaki pa hong dihamak ang sahod ko." Sagot niy
Faith POVDalawang araw akong nanatili sa hospital. At sa buong dalawang araw na iyon, hindi umalis sa tabi ko si Austin. Si Jairee naman ay nasa mansyon na, dahil hindi ko siya maaaring patagalin sa hospital baka makasagap pa siya ng kung anong sakit. Ngunit sa dalawang araw ding iyon… ni hindi ko kinibo si Austin. Kitang-kita ko ang pagod at paghihirap sa mukha niya, pero mas nangingibabaw ang galit na nararamdaman ko. Galit ako dahil inilihim niya ang lahat sa akin—hindi dahil sa mga nangyari. Nangyari na iyon; pareho lamang kaming biktima ng nakaraan ng aming mga magulang.At kagaya ko, kagaya niya, kamakailan lang din nila nalaman ng kakambal niyang si Axel ang buong katotohanan. Si Axel… na lumaking walang kinilalang pamilya sa loob ng tatlumpung taon.Ang mga magulang ko naman, may pagkakataon sana silang sabihin sa akin na kilala nila ang pamilya ni Austin mula pa noong una, pero pinili rin nilang manahimik. Siguro hindi rin nila inakalang aabot sa ganitong punto, na pati buha
Austin POVAyon sa kuwento ni Daddy nang matagpuan namin si Axel. Sina Amy, ang totoong aming ina na si Adeline at ang mga magulang ni Faith ay matagal nang magkakaibigan.Matagal na ring magkarelasyon sina Daddy at Mommy, nang malaman nilang ipinagkakasundo pala si Amy kay Daddy. Nakiusap si Daddy na huwag ituloy ang kasal dahil may mahal na siya. Si Amy naman ay nagpilit na ituloy ito nang malamang mayaman ang pamilya ni Daddy. Sa simula, tila yaman lamang ang habol niya, ngunit kalaunan ay natutunan niyang mahalin si Daddy. Kaya ganoon na lamang ang sakit na naramdaman niya nang makipaghiwalay si Daddy sa kanya.Lumayo siya pansamantala at nabuntis ng dating kasintahan. Doon niya rin nalaman na nabuntis din ni Daddy si Mommy. Itinago ito sa kanya sa tulong ng mga magulang ni Faith.Lingid sa kaalaman ng lahat, ang doktor ni Mommy ay kinasabwat na ni Amy. Nang manganak si Mommy, kinuha ni Amy ang isa sa amin, at iyon ay si Axel. Ang doctor rin na iyon ang pumatay kay mommy. Pinalab







