MasukMabilis at mabigat ang mga hakbang ni Jaime habang pumapasok sa departure area ng NAIA. Mugto ang kanyang mga mata, basang-basa pa ng luha ang mga pisngi, at halos walang pakialam sa mga taong nadaraanan niya. Ang tanging naroroon sa kanyang isipan ay ang makaalis na sa bangungot na iniwan ni Jerome.
Habang nagmamadaling naglalakad patungo sa pila para sa boarding gate, hindi niya napansin ang lalaking biglang lumiko sa kanyang direksyon.
Boggh!
Malakas ang naging banggaan nila. Muntik pang mabitawan ni Jaime ang kanyang bitbit na bag habang tumama ang kanyang balikat sa matigas na dibdib ng isang estranghero.
"S-Sorry," mabilis na wika ni Jaime, garalgal ang boses. Ni hindi na niya inabala pang tingnan ang mukha ng nabangga dahil abala siya sa pagpupunas ng kanyang mga mata gamit ang likod ng kanyang kamay.
"S-sorry din," mahinahon at malalim na tugon ng lalaki.
Ang lalaking iyon ay walang iba kundi si Tristan James Romano—isang tat lumpu't dalawang taong gulang na bilyonaryong inhinyero na pabalik mula sa Siargao para sa isang importanteng business trip sa sarili niyang patok na pasilidad, ang Isla Del Carmen Resort.
Nang sandaling magtama ang kanilang landas, tila napako ang mga mata ni Tristan sa dalaga. Kahit balot ng pagod at luha ang mukha nito, agad niyang napansin ang kakaibang ganda ni Jaime. Ngunit higit sa kagandahan, ang nakapukaw sa atensyon ng inhinyero ay ang labis na pighati at kawalan ng pag-asa sa mga mata nito. Kitang-kita niya ang panginginig ng mga labi ng dalaga at ang kababawan ng paghinga nito na tila ba malapit nang sumabog sa iyak.
Habang naghihintay sa boarding area, sinadya ni Tristan na umupo sa bakanteng upuan malapit sa tabi ni Jaime. Nais sana niyang magsalita, mag-alok ng tulong, o kaya ay magtanong kung ayos lang ba ito, ngunit pinili niyang manahimik. Respeto na rin sa tahimik na pagluluksa ng babae sa kanyang tabi.
Makalipas ang ilang minuto, umalingawngaw na ang boses sa intercom.
“Now boarding for flight to Siargao, all passengers are requested to proceed to Gate 3.”
Agad na tumayo si Tristan mula sa kanyang silya at kinuha ang kanyang coat at hand-carry bag. Ngunit laking gulat niya nang makitang tumayo rin si Jaime sa tabi at sumabay sa linya patungo sa eroplano. Isang destinasyon lang ba ang tinatahak namin? Tanong niya sa sarili. Hindi na niya ito masyadong inintindi at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad papasok sa aircraft.
Ngunit ang hindi inaasahan ni Tristan, nang marating niya ang kanyang puwesto sa business class section, ay napalingon siya sa katabing upuan.
Isang malalim na gulat ang gumuhit sa kanyang mukha.
Ang babaeng umiiyak sa airport—ang babaeng nag-iwan ng kakaibang kirot at pag-aalala sa kanyang dibdib—ay nakaupo na ngayon mismo sa tabi ng kanyang upuan. Sila pala ay magkatabi sa buong biyahe patungong Siargao.
Habang lumilipad ang eroplano sa kalangitan, napansin ni Tristan ang patuloy na pananahimik ng dalaga sa kanyang tabi. Kitang-kita niya ang pamumula ng mga mata nito at ang bakas ng tuyong luha sa pisngi. Gusto niya itong damayan, kaya't kinuha niya ang pagkakataong magsalita nang inalok ang bottled water na ibinigay ng flight attendant.
"Ms. Water, baka gusto mo?" alok ni Tristan na may bakas ng pag-aalala sa boses.
"No, thanks," malamig na tugon ni Jaime nang hindi man lang lumingon o tiningnan ang mukha ng katabi. Nakapako lamang ang tingin niya sa bintana, tila walang pakialam sa buong mundo.
Hindi nagpatinag si Tristan. Dahil sa matinding pag-aalala, nagtanong ulit siya nang may malambot na tono, "Are you okay?"
Tumango lang si Jaime bilang tugon—isang simpleng tango na walang kasamang salita, walang emosyon, at tila sinasabing huwag na siyang piliting magsalita pa. Respeto na rin sa desisyon ng dalaga, nanahimik na si Tristan at hinayaan itong mapag-isa sa sarili nitong mundo ng pighati.
Makalipas ang ilang oras ng tahimik na biyahe, lumapag na ang eroplano sa Siargao. Agad na tumayo si Jaime mula sa kanyang upuan nang walang paalam, walang lingon-lingon, at dire-diretsong naglakad palabas ng eroplano na may blangko at walang emosyong mukha.
Habang naglalakad si Tristan patungo sa arrival area kung saan naghihintay ang kanyang personal driver para sunduin siya, muli niyang napansin si Jaime. Nagulat siya nang makita itong sumakay sa pampublikong shuttle van na direktang patungo sa Isla Del Carmen Resort—ang resort na pag-aari mismo niya.
Dahil sa matinding kuryosidad at patuloy na pag-aalala sa babae, mabilis na lumapit si Tristan sa kanyang driver at sinenyasan ito. "Mauna ka na sa resort, sakay ng kotse at dalhin ang mga bagahe ko sa resort. Sasabay ako sa shuttle."
Nagulat man ang driver, sumunod ito agad. Sumakay si Tristan sa parehong shuttle kung saan naroon si Jaime.
Mula sa airport hanggang sa pagdating nila sa resort, naging tahimik ang buong biyahe. Ni minsan ay hindi nagsalita si Jaime, at kahit anong sulyap o pagtatangkang mapansin ni Tristan ay binabalewala lamang ng dalaga. Para bang nag-iisa lang siya sa loob ng sasakyan, habang ang kanyang isip at puso ay patuloy na nakakulong sa bangungot na iniwan niya sa Maynila.
Pagbaba ng shuttle sa grand at open-air lobby ng Isla Del Carmen Resort, dire-diretsong naglakad si Jaime patungo sa front desk. Ang hangin ng isla na may halong alat ng dagat ay hindi man lang nakapagpabawas sa lamig ng ekspresyon ng kanyang mukha.Tumigil siya sa tangkad ng counter at seryosong tumingin sa receptionist.
"Check in for Jamie Casandra Reyes," malamig at pormal niyang wika, habang inilalagay sa marmol na mesa ang kanyang ID at credit card para sa reservation na kanina pa lamang niyang na-book online habang nasa eroplano.
Ilang hakbang lamang ang layo ni Tristan mula sa kanya. Abalaring inaayos ng manager ng resort ang pagdating nito. Agad na yumuko at bumati ang front desk staff nang mapansin ang pagdating ng may-ari.
"Good evening, Sir Tristan! Welcome home po," bati ng staff na may kasamang magalang na ngiti.
"Good evening," tugon ni Tristan habang ang mga mata ay palihim na sumusulyap kay Jaime na kasalukuyang kinukuha ang kanyang room key.
"Baka masanay naman ako niyan, Engineer Valerio," panunukso ni Jaime habang pinagmamasdan ang maingat na paglalagay ni Tristan ng pagkain sa kanyang plato.Inangat ni Tristan ang kanyang tingin mula sa plato at binigyan ang doktora ng isang napakatamis at makahulugang ngiti."Mas okay nga 'yun kung sakali man," malambing na wika ni Tristan, nakatitig nang diretso sa mga mata ng dalaga. "At least sanay ka nang nasa tabi mo ako palagi."Natigilan si Jaime at halos mabilaukan sa sariling laway sa bilis ng tibok ng kanyang puso. Agad niyang kinuha ang baso ng mango juice at uminom doon para itago ang matinding pag-init ng kanyang mga pisngi."Napakakapal talaga ng mukha mo, Valerio," irap ni Jaime, sabay subo ng kaunting omelette. "Isang araw ka pa lang magaling sa allergy mo, nagpapakawala ka na agad ng mga ganiyang banat.""Hindi 'yun banat, Jaime," seryosong correction ni Tristan habang pinapanood ang bawat galaw ng dalaga. "Kapanatagan ang nararamdaman ko kapag kasama kita. At kung pa
Sa loob ng mahigpit at mainit na yakap ni Tristan, unti-unting bumagsak ang huling pader ng katapangan ni Jaime. Ang mga luhang pilit niyang pinipigilan sa harap ng kanyang ex-fiancé ay tuluyan nang bumuhos, isinisiksik ang kanyang mukha sa dibdib ng bilyonaryo habang tahimik na dumadaing ang kanyang puso sa lahat ng sakit na itinago niya nang ilang linggo.Hindi nagsalita si Tristan. Sa halip, mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa dalaga, habang ang isang kamay niya ay marahang humahagod sa buhok nito para iparamdam na ligtas siya.Nang maramdaman ni Tristan na bahagya nang kumakalma ang paghinga ng doktora, dahan-dahan niyang iniharap ang mukha nito sa kanya. Gamit ang kanyang mga hinlalaki, pinunasan niya ang mga basang pisngi ni Jaime."Napakatapang mo, Jaime," pabulong at malambing na sabi ni Tristan, nakatitig nang diretso sa magagandang mata ng dalaga. "Ginawa mo ang tama. Malaya ka na sa kanya."Tumingala si Jaime at napatitig sa mga mata ng binata. Wala siyang nak
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Jaime. Biglang tumigil ang ikot ng mundo niya habang umuulit sa kanyang isip ang pangalang pilit niyang tinatakasan. "Anong... anong ginagawa niya rito?" nanginginig at basag na boses na tanong ni Jaime, habang dahan-dahang napapakuyom ang kanyang mga kamay. "Paano niya nalaman na narito ako?" "Hindi ko alam, Jaime. Pero hindi kita hahayaang harapin siya nang nag-iisa," seryosong sagot ni Tristan. Dahan-dahan niyang hinawakan ang malamig na kamay ng doktora at marahang pinisil ito upang iparamdam ang kanyang suporta. "Dito ka lang sa suite. Ako ang bababa at kakausap sa kanya." "Hindi, Tristan," mabilis na umiling si Jaime habang pilit na ginagapang ang lakas ng loob sa kanyang dibdib. "Kailangan ko siyang harapin. Kailangan niyang marinig mula mismo sa akin na tapos na ang lahat at wala na siyang babalikan pa." Tinitigan ni Tristan ang matapang ngunit nasasaktang mga mata ng dalaga. Tumango siya at hindi na nagdalawang-isip pa. "Sige. Pe
Kinaumagahan, dahan-dahang idinilat ni Jaime ang kanyang mga mata habang sumisilip ang liwanag ng araw sa pagitan ng mga kurtina ng suite. Nang lumingon siya sa kanyang tabi, wala na ang mga unan na ginawa niyang hangganan kagabi. Nakatagilid na nakatitig sa kanya si Tristan, nakapatong ang ulo sa sariling braso habang may napakagandang ngiti sa mga labi. "Good morning, Doc," malambing na bati ng binata. Mabilis na napaupo si Jaime at napaayos ng kanyang gulo-gulong buhok. Agad niyang pinalitan ng seryosong mukha ang kanyang gulat at mabilis na inabot ang noo ni Tristan gamit ang likod ng kanyang kamay. Malamig na ang balat nito at wala na ni isang bakas ng pantal o pamumula sa kanyang leeg at mukha. "Magaling ka na," wika ni Jaime, sabay huminga nang malalim. "Wala ka nang lagnat at normal na ang temperatura mo." "Magaling na nga ako," tugon ni Tristan habang dahan-dahang umuupo at nakatitig nang diretso sa mga mata ni Jaime. "Pero parang ayaw ko pang gumaling kung ibig sa
"Hays… sana pala araw-araw akong may allergy," pabulong at malambing na wika ni Tristan habang nakasandal ang ulo sa sofa at nakatitig sa dalaga. "Para araw-araw mo rin akong inaalagaan."Biglang napatigil si Jaime sa pagkuha ng thermometer mula sa kanyang bag. Dahan-dahan siyang lumingon kay Tristan habang nakataas ang isang kilay at bakat sa mukha ang pagkasungit, bagaman mabilis na namumula ang kanyang mga tainga."Tristan Valerio!" gigil na suway ni Jaime sabay lapit sa binata. "Huwag mo nga akong madaadaang sa mga banat mong 'yan! May balak ka talagang pumatay ng sarili mong mga brain cells, 'no? Ang allergy ay hindi ginagawang biro. Kapag nag-anaphylactic shock ka, hindi ka lang basta lalamigin—puwede mong ikamatay 'yun!"Ipinatong ni Jaime ang thermometer sa noo nito hanggang sa mag-beep ito.37.1°C."Ayan, wala ka nang lagnat pero ang yabang mo pa rin," irap ng doktora habang itinabi ang gamot.Dahan-dahang inabot ni Tristan ang kamay ni Jaime at marahang pinisil ang mga daliri
Bahagyang natigilan si Jaime sa seryosong tono ng binata. Iniiwas niya ang kanyang tingin at pilit na ibinalik ang pagiging propesyonal para itago ang bahagyang panginginig ng kanyang puso."Trabaho ko 'to bilang doktor, Valerio," sagot ni Jaime, sabay irap, kahit halatang mas malambot na ang boses nito. "Tsaka ayoko lang na may mamamatay na pasaway habang kasama ko. Dagdag abala pa sa bakasyon ko.""Talaga ba?" Nakangising biro ni Tristan habang pinapanood ang bahagyang pamumula ng mga tainga ng doktora. "Akala ko pa naman nag-aalala ka talaga sa akin bilang fiancée ko.""Tristan, isa pa!" Banta ni Jaime na itinutok ang kanyang index finger sa mukha ng binata. "Kapag hindi ka pa tumahimik diyan, ooperahan kita ng walang anesthesiaNatawa nang mahina si Tristan at dahan-dahang ipinikit ang kanyang mga mata habang kumukumpas ang kamay sa hangin, tanda ng pagsuko. "Grabe naman siya, mang-oopera agad."Ilang minuto ang lumipas nang pumasok ang attending physician ng ospital kasama ang du







