Accueil / Romance / The Billionaire I Met in Paradise / CHAPTER 32: Ang Friend Request

Partager

CHAPTER 32: Ang Friend Request

Auteur: Jasmine Hart
last update Date de publication: 2026-08-15 12:25:03

"Lambingin?" paulit-ulit na tanong ni Jaime habang itinataas ang isang kilay at ibinababa ang kanyang tinidor. "Close ba tayo para lambingin mo ako? Saka hindi kaya tayo friends."

Natawa nang malakas si Tristan sa diretso at palabang sagot ng dalaga. "Grabe siya… hindi raw kami friends," pabulong at natatawang ilag nito.

Dahan-dahan nitong kinapa ang bulsa, dinukot ang kanyang telepono, at mabilis na binuksan ang Facebook app. Nang lumabas ang search bar, mabilis niyang itinype ang pangalang Ja
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Dernier chapitre

  • The Billionaire I Met in Paradise   CHAPTER 33: Ang Alaga ng Doktora

    "Valerio!"Pinandilatan ni Jaime si Tristan nang napakalaki, habang ang binata ay tatawa-tawa pa rin kahit halatang nanghihina na ang boses."Tara na muna sa loob," utos ni Jaime. Hindi na siya nagdalawang-salita pa—mabilis niyang hinila ang bisig ni Tristan at inalayan itong pumasok sa loob ng Villa 4.Pagpasok na pagpasok ay agad niyang binuksan ang mga ilaw at dinala ang binata sa malambot na sofa. "Upo ka diyan. Huwag kang gagalaw."Si Tristan naman ay pikit-matang napasandal sa sofa, nakatingin lang sa bawat kilos ng doktora. Sa kabila ng umiikot niyang ulo, hindi niya mapigilang mapangiti habang pinapanood kung paano ito mag-alala at magmadali para sa kanya.Mabilis na kinuha ni Jaime ang kanyang medical kit. Binuksan niya ito, inilabas ang thermometer, at walang abog-abog na isinusok ito sa kilikili ni Tristan para makuha ang eksaktong temperatura nito. Pagkatapos ay naglakad siya patungo sa refrigerator, kumuha ng malamig na bottled water at paracetamol mula sa kanyang kit."O

  • The Billionaire I Met in Paradise   CHAPTER 32: Ang Friend Request

    "Lambingin?" paulit-ulit na tanong ni Jaime habang itinataas ang isang kilay at ibinababa ang kanyang tinidor. "Close ba tayo para lambingin mo ako? Saka hindi kaya tayo friends."Natawa nang malakas si Tristan sa diretso at palabang sagot ng dalaga. "Grabe siya… hindi raw kami friends," pabulong at natatawang ilag nito.Dahan-dahan nitong kinapa ang bulsa, dinukot ang kanyang telepono, at mabilis na binuksan ang Facebook app. Nang lumabas ang search bar, mabilis niyang itinype ang pangalang Jaime Casandra Reyes. Nang makita ang profile pic ng doktora—na napakasimpleng larawan lang nito habang nakangiti—agad niyang pinindot ang Add Friend."Check mo FB mo," nakangising utos ni Tristan, sabay lapag ng telepono sa ibabaw ng mesa. "In-add kita. I-accept mo na para 'friends' na tayo… para ang poproblemahin ko na lang ngayon, paano tayo magiging close."Nanlaki ang mga mata ni Jaime at mabilis niyang kinuha ang sariling telepono sa kanyang bag. Pagkabukas ng screen, nandoon na nga ang noti

  • The Billionaire I Met in Paradise   CHAPTER 31 : Ang Unang Hakbang

    Bumukas ang pinto at tila huminto ang ikot ng mundo para sa kanilang dalawa.Bahagyang itinulak ni Tristan ang kanyang shades pataas patungo sa kanyang buhok habang nakatitig kay Jaime. Napalunok siya. Ang simpleng mini dress na itim na sleeveless ay lalong nagpalitaw sa mala-porselanang kaputian ng dalaga. Walang labis at walang kulang ang simpleng ayos nito—sapat lang para maging napakaganda sa kanyang mga mata. Pakiramdam ni Tristan ay biglang sumikip ang kanyang polo shirt sa bilis ng kabog ng kanyang dibdib.Si Jaime naman ay napahawak nang mahigpit sa gilid ng pinto. Tinitigan niya si Tristan—sa simpleng black Lacoste polo shirt, maong jeans, at puting sneakers, litaw na litaw pa rin ang pagiging matipuno at ang likas na karisma nito. Ibang-iba ito sa pormal na Engineer Valerio na madalas niyang makita, pero mas lalo itong naging nakakaakit.Matagal silang nagkatitigan, parehong natulala at tila nawalan ng sasabihin. Ang hanging umihip sa pagitan nila ay napuno ng kakaibang tens

  • The Billionaire I Met in Paradise   CHAPTER 30: The Twelve O'Clock Threat

    "Tristan!"Mabilis na itinulak ni Jaime ang dibdib ng binata habang nanlalaki ang mga mata, ngunit imbes na magalit ay tuluyan nang bumuhos ang kanyang tawa. Namumula man ang dalawang pisngi, hindi na maikakaila ang sigla at saya na biglang nagbalik sa kanyang mga mata—isang bagay na matagal nang nawala sa kanya."Napakayabang mo talaga!" dagdag pa ng doktora habang pilit na pinatitigas ang kanyang mukha. "Umalis ka na nga rito! Magpapalit pa ako ng damit at marami pa akong kailangang gawin ngayon."Natawa rin si Tristan at bahagyang itinaas ang dalawang kamay bilang tanda ng pagsuko, ngunit halatang ayaw pa rin gumalaw sa kinaroroonan."Sige na, aalis na ako, Doc," nakangising wika ng bilyonaryo habang dahan-dahang humahakbang pabalik sa may pintuan ng villa. "Pero mag-ayos ka na diyan dahil babalikan kita rito mamayang tanghali.""At bakit mo naman ako babalikan?" tanong ni Jaime habang nakapamaywang, nakataas ang isang kilay.Isang makahulugang ngiti ang ibinigay ni Tristan bago ha

  • The Billionaire I Met in Paradise   CHAPTER 29 :Ang Tahanan sa Gitna ng Bagyo

    Namula nang husto ang mukha ni Jaime hanggang sa kanyang leeg nang marinig ang tuwirang pagtukoy ni Tristan sa nangyari. Agad siyang napapikit at napaatras pa hanggang sa tuluyang sumayad ang kanyang likod sa pader ng sala."H-hindi ko sinasadya 'yon!" depensa ni Jaime, habol ang hininga at pilit itinatago ang nanginginig na mga daliri habang mahigpit na hawak ang tasa ng kape. "Nakahandusay ako sa kama, nahilo ako, tapos ikaw naman… bakit kasi hindi ka umiwas o lumayo?!"Natawa nang malakas si Tristan, isang malalim at nakakaakit na tawa na lalong ikinainis ng doktora."Ako pa ang may kasalanan ngayon, Doc?" nakangising tanong ni Tristan habang nakadekwang ang mga kamay sa bulsa. "Ikaw na nga itong biglang humila sa akin pababa sa kama, tapos isisisi mo pa sa akin na hindi ako umiwas? Saka malay ko bang hihilahin mo ’ko pa punta sa’yo.""Manahimik ka, Engineer Valerio!" mabilis na sigaw ni Jaime, sabay tapat ng hintuturo sa mukha ng binata, halatang hiyang-hiya na. "Aksidente lang 'y

  • The Billionaire I Met in Paradise   CHAPTER 28 : Ang Pag-ungkat sa Kagabi

    Wala nang nagawa si Jaime kundi ang bumuntong-hininga nang tuluyang makapasok si Tristan sa kanyang villa. Nakahalukipkip siya sa likod ng pinto, pilit tinatakpan ang mukha at ginugulo ang buhok sa sobrang inis at hiya na rin sa mga nangyari kagabi.Si Tristan naman ay parang sariling bahay ang pinasok; tuwang-tuwang naglakad patungo sa sofa at maayos na inilapag sa mesa ang tray na naglalaman ng mainit na kape at gamot para sa hangover.Hindi na tumingin si Jaime sa direksyon ng binata. Mabilis siyang tumalikod habang sapo ang masakit na ulo."Maghilamos lang ako..." maikling wika ni Jaime bago mabilis na nag-isa-isang naglakad patungo sa banyo, pilit na tinatakasan ang presensya ng bilyonaryo na walang ginawa kundi ang guluhin ang araw niya maging sa umaga.Pagpasok na pagpasok ni Jaime sa banyo, agad niyang isinara ang pinto at isinandal ang kanyang likod dito. Napapikit siya nang mariin habang dinadama ang malamig na tiles sa kanyang likuran at ang patuloy na pagtibok ng kanyang u

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status