بيت / Romance / The Billionaire I Met in Paradise / CHAPTER 31 : Ang Unang Hakbang

مشاركة

CHAPTER 31 : Ang Unang Hakbang

مؤلف: Jasmine Hart
last update تاريخ النشر: 2026-08-14 09:23:09

Bumukas ang pinto at tila huminto ang ikot ng mundo para sa kanilang dalawa.

Bahagyang itinulak ni Tristan ang kanyang shades pataas patungo sa kanyang buhok habang nakatitig kay Jaime. Napalunok siya. Ang simpleng mini dress na itim na sleeveless ay lalong nagpalitaw sa mala-porselanang kaputian ng dalaga. Walang labis at walang kulang ang simpleng ayos nito—sapat lang para maging napakaganda sa kanyang mga mata. Pakiramdam ni Tristan ay biglang sumikip ang kanyang polo shirt sa bilis ng kabog
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق

أحدث فصل

  • The Billionaire I Met in Paradise   CHAPTER 42 Sa Bawat Kurba ng Daan

    Naiwang nakatayo si Tristan sa dining veranda habang nakatitig sa papalayong likod ni Jaime. Napakamot na lamang siya sa kanyang ulo, patuloy na hindi makapaniwala sa katatapos lang na sinabi ng doktora.Marunong mag-drive ng big bike?!Napangiti nang malapad si Tristan habang napapailing. Ang akala niya ay simpleng seryoso, malamig, at pormal na doktor lang si Jaime, ngunit unti-unti nitong ipinapakita ang iba't ibang kulay ng kanyang personalidad—mga bagay na lalo lamang nagpapatindi sa pagkamangha at pagkahumaling niya rito."Mapapabili pa ata ako ng bagong big bike nito, ah..." natawang bulong ni Tristan sa sarili habang pinalilipas ang pananabik sa kanyang dibdib.Hindi na siya nag-aksaya ng panahon at mabilis na naglakad patungo sa sarili niyang suite para magpalit ng damit. Pumili siya ng isang simpleng white t-shirt, maong shorts, at sunglasses—isang napakasimpleng suot ngunit nagmumukha pa ring modelong lalabas sa magazine dahil sa kanyang matangkad at magandang tindig.Pagka

  • The Billionaire I Met in Paradise   CHAPTER 41 :Ang Sumpa ng Pagkasanay

    "Baka masanay naman ako niyan, Engineer Valerio," panunukso ni Jaime habang pinagmamasdan ang maingat na paglalagay ni Tristan ng pagkain sa kanyang plato.Inangat ni Tristan ang kanyang tingin mula sa plato at binigyan ang doktora ng isang napakatamis at makahulugang ngiti."Mas okay nga 'yun kung sakali man," malambing na wika ni Tristan, nakatitig nang diretso sa mga mata ng dalaga. "At least sanay ka nang nasa tabi mo ako palagi."Natigilan si Jaime at halos mabilaukan sa sariling laway sa bilis ng tibok ng kanyang puso. Agad niyang kinuha ang baso ng mango juice at uminom doon para itago ang matinding pag-init ng kanyang mga pisngi."Napakakapal talaga ng mukha mo, Valerio," irap ni Jaime, sabay subo ng kaunting omelette. "Isang araw ka pa lang magaling sa allergy mo, nagpapakawala ka na agad ng mga ganiyang banat.""Hindi 'yun banat, Jaime," seryosong correction ni Tristan habang pinapanood ang bawat galaw ng dalaga. "Kapanatagan ang nararamdaman ko kapag kasama kita. At kung pa

  • The Billionaire I Met in Paradise   CHAPTER 40: Ang Paglaya ng Puso

    Sa loob ng mahigpit at mainit na yakap ni Tristan, unti-unting bumagsak ang huling pader ng katapangan ni Jaime. Ang mga luhang pilit niyang pinipigilan sa harap ng kanyang ex-fiancé ay tuluyan nang bumuhos, isinisiksik ang kanyang mukha sa dibdib ng bilyonaryo habang tahimik na dumadaing ang kanyang puso sa lahat ng sakit na itinago niya nang ilang linggo.Hindi nagsalita si Tristan. Sa halip, mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa dalaga, habang ang isang kamay niya ay marahang humahagod sa buhok nito para iparamdam na ligtas siya.Nang maramdaman ni Tristan na bahagya nang kumakalma ang paghinga ng doktora, dahan-dahan niyang iniharap ang mukha nito sa kanya. Gamit ang kanyang mga hinlalaki, pinunasan niya ang mga basang pisngi ni Jaime."Napakatapang mo, Jaime," pabulong at malambing na sabi ni Tristan, nakatitig nang diretso sa magagandang mata ng dalaga. "Ginawa mo ang tama. Malaya ka na sa kanya."Tumingala si Jaime at napatitig sa mga mata ng binata. Wala siyang nak

  • The Billionaire I Met in Paradise   CHAPTER 39:The Cut That Heals

    Parang binuhusan ng malamig na tubig si Jaime. Biglang tumigil ang ikot ng mundo niya habang umuulit sa kanyang isip ang pangalang pilit niyang tinatakasan. "Anong... anong ginagawa niya rito?" nanginginig at basag na boses na tanong ni Jaime, habang dahan-dahang napapakuyom ang kanyang mga kamay. "Paano niya nalaman na narito ako?" "Hindi ko alam, Jaime. Pero hindi kita hahayaang harapin siya nang nag-iisa," seryosong sagot ni Tristan. Dahan-dahan niyang hinawakan ang malamig na kamay ng doktora at marahang pinisil ito upang iparamdam ang kanyang suporta. "Dito ka lang sa suite. Ako ang bababa at kakausap sa kanya." "Hindi, Tristan," mabilis na umiling si Jaime habang pilit na ginagapang ang lakas ng loob sa kanyang dibdib. "Kailangan ko siyang harapin. Kailangan niyang marinig mula mismo sa akin na tapos na ang lahat at wala na siyang babalikan pa." Tinitigan ni Tristan ang matapang ngunit nasasaktang mga mata ng dalaga. Tumango siya at hindi na nagdalawang-isip pa. "Sige. Pe

  • The Billionaire I Met in Paradise   CHAPTER 38 :The Unwanted Arrival

    Kinaumagahan, dahan-dahang idinilat ni Jaime ang kanyang mga mata habang sumisilip ang liwanag ng araw sa pagitan ng mga kurtina ng suite. Nang lumingon siya sa kanyang tabi, wala na ang mga unan na ginawa niyang hangganan kagabi. Nakatagilid na nakatitig sa kanya si Tristan, nakapatong ang ulo sa sariling braso habang may napakagandang ngiti sa mga labi. "Good morning, Doc," malambing na bati ng binata. Mabilis na napaupo si Jaime at napaayos ng kanyang gulo-gulong buhok. Agad niyang pinalitan ng seryosong mukha ang kanyang gulat at mabilis na inabot ang noo ni Tristan gamit ang likod ng kanyang kamay. Malamig na ang balat nito at wala na ni isang bakas ng pantal o pamumula sa kanyang leeg at mukha. "Magaling ka na," wika ni Jaime, sabay huminga nang malalim. "Wala ka nang lagnat at normal na ang temperatura mo." "Magaling na nga ako," tugon ni Tristan habang dahan-dahang umuupo at nakatitig nang diretso sa mga mata ni Jaime. "Pero parang ayaw ko pang gumaling kung ibig sa

  • The Billionaire I Met in Paradise   CHAPTER 37: Sa Ilalim ng Mismong Bubong

    "Hays… sana pala araw-araw akong may allergy," pabulong at malambing na wika ni Tristan habang nakasandal ang ulo sa sofa at nakatitig sa dalaga. "Para araw-araw mo rin akong inaalagaan."Biglang napatigil si Jaime sa pagkuha ng thermometer mula sa kanyang bag. Dahan-dahan siyang lumingon kay Tristan habang nakataas ang isang kilay at bakat sa mukha ang pagkasungit, bagaman mabilis na namumula ang kanyang mga tainga."Tristan Valerio!" gigil na suway ni Jaime sabay lapit sa binata. "Huwag mo nga akong madaadaang sa mga banat mong 'yan! May balak ka talagang pumatay ng sarili mong mga brain cells, 'no? Ang allergy ay hindi ginagawang biro. Kapag nag-anaphylactic shock ka, hindi ka lang basta lalamigin—puwede mong ikamatay 'yun!"Ipinatong ni Jaime ang thermometer sa noo nito hanggang sa mag-beep ito.37.1°C."Ayan, wala ka nang lagnat pero ang yabang mo pa rin," irap ng doktora habang itinabi ang gamot.Dahan-dahang inabot ni Tristan ang kamay ni Jaime at marahang pinisil ang mga daliri

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status