로그인Ilang sandali pa, isang marahang katok ang pumukaw sa kanyang atensyon mula sa labas ng door ng villa.
Napakunot-noo si Jamie. Wala siyang in-order na pagkain. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa pagkaka-upo.Mabigat ang mga hakbang habang tinatahak ang daan patungo sa entrance door.
Nang buksan niya ito nang bahagya, walang tao sa pasilyo. Ang naroroon lamang ay isang eleganteng basket ng sariwang prutas at isang malamig na welcome drink na nakapatong sa maliit na mesa sa tabi ng door . May nakasabit na maliit na puting kard sa hawakan nito.
Kinuha niya ang kard, at binasa ang nakasulat:
“Welcome to Isla del Carmen. Take a deep breath; the island has a way of healing broken things. — From Management.”
Nakatitig si Jamie sa mensahe. Sa gitna ng lamig na nararamdaman ng kanyang puso, isang kakaibang init ang pumulas sa kanyang dibdib. Isang simpleng kilos mula sa hindi kilalang tagapamahala ng resort, ngunit sapat para ipaalala sa kanya na sa gitna ng pag-iisa at pagkadurog, may mga taong handang mag-abot ng kaunting liwanag.
KINABUKASAN. Maagang natapos ang almusal ni Tristan sa pribadong dining area ng resort. Habang hawak ang isang tasa ng mainit na kape, abala siya sa pagbabasa ng pahayagan nang sumapit ang alas-diyes ng umaga. Dahil lampas na sa oras ng karaniwang almusal, halos tahimik na ang paligid at tanging ilang staff na lamang ang nagliligpit ng mga mesa. Ilang hakbang na lamang at balak na sana niyang ibaba ang diyaryo upang magtungo sa kanyang opisina nang biglang bumukas ang main entrance.
Isang pamilyar na anino ang pumasok. Sí, Jaime.
Naka-simple ngunit eleganteng summer dress ang dalaga, nakatali nang maluwag ang mahabang buhok, at bakas pa rin sa mukha ang malamig na ekspresyon at banayad na pamamaga ng mga mata.
Sa isang iglap, nawala sa isip ni Tristan ang pagpunta sa opisina. Mabilis niyang ibinaba ang hawak na diyaryo, umupo pabalik sa silya, at palihim na sumenyas sa waiter na dumaan malapit sa kanya.
"Yes, Sir Tristan? May kailangan pa po ba kayo?" tanong ng waiter.
"P-Pa-refill ng kape," mabilis na utos ni Tristan, kahit halos kalahati pa ang laman ng kanyang tasa. Ang totoo, kailangan niya lamang ng dahilan para manatili.
Dumaan si Jaime sa tabi ng kanyang mesa. Halos isang dangkal lamang ang layo ng kanilang mga silya dahil sa kaayusan ng dining area. Bitbit ang sarili nitong light breakfast, naglakad ang dalaga patungo sa isang bakanteng mesa malapit sa dulo.
Tahimik si Jaime. Tila wala siyang nakita. Ni hindi siya lumingon; ni minsan ay hindi nagbago ang direksyon ng kanyang mga mata kahit alam niyang may tao sa katabing mesa. Para bang naging invisible si Tristan sa paningin niya—isang estrangherong walang halaga sa gitna ng sarili nitong mundo ng katahimikan at sakit.
Nakatitig si Tristan habang naglalakad ang dalaga, bahagyang napangiti sa sarili dahil sa tindi ng pagwawalang-bahala sa kanya. Sa unang pagkakataon, may isang babaeng hindi man lang siya sinulyapan kahit na siya ang nagmamay-ari ng buong lugar na ito.
Habang seryosong humihigop ng kape at palihim na pinapanood ang bawat galaw ng dalaga, nakita ni Tristan na biglang tumayo si Jaime mula sa pagkakaupo.
Sa pag-aakalang tapos na itong kumain at aalis na, mabilis ding tumayo si Tristan mula sa kanyang silya, sabay na ayos ng suot na polo shirt.
"Okay," bulong ni Tristan sa sarili habang napapailing. "Tapos na rin ang pagpapanggap. Mag-work ka na, Tristan. Oras na para asikasuhin ang resort."
Ngunit habang hakbang-pabalik na sana si Tristan para tuluyang magtungo sa kanyang opisina, laking gulat niya nang makitang si Jaime ay bumalik sa mesa. Umiinom ng kape habang nakatitig sa kawalan at sa magandang tanawin ng dagat sa labas.
Napatigil si Tristan sa ere. Napakamot siya sa kanyang batok habang dahan-dahang umuupo pabalik sa kanyang sariling silya.
"Ah, hindi pa pala tapos…" mahinang wika niya sa sarili, bahagyang natawa sa sariling kapalpakan. "It's a prank, Tristan."
Muli niyang binaba ang tasa at napasandal. Ang bilyonaryong sanay na laging nauuna at nagdidikta ng mga desisyon ay heto ngayon, nagpapasikut-sikot ang kilos dahil lamang sa isang babaeng tila walang kamalay-malay—o sadyang walang pakialam—sa presensya niya.
"Jaime Cassandra Reyes…" mahinang bulong ni Tristan sa kanyang sarili habang palihim na pinagmamasdan ang dalaga mula sa kabilang mesa. "...bakit ba ang lungkot-lungkot ng mga mata mo? Lingon ka lang, nandito lang ako… pangako, hindi kita iiwan."
Isang marahang ngiti ang sumilip sa mga labi ni Tristan habang binibigkas ang mga salitang iyon, kahit pa alam niyang tanging ang hangin lamang ang nakakarinig.
Maya-maya pa, napansin niyang lumingon si Jaime sa isang malapit na staff ng resort.
"Excuse me, Ms. May bilihan ba ng charger dito?" tanong ni Jaime, bakas ang bahagyang pagkaabala sa mukha.
"Nako, Ma'am, bago lang po ako dito, eh. Try niyo po sa reception mag-ask," magalang na tugon ng staff.
Narinig ni Tristan ang usapan nila. Nang hindi na niya napigilan ang sarili, biglang siyang nagsalita habang nakatingin sa direksyon ng dalaga.
"Ms., anong charger ba ang kailangan mo?"
Natigilan si Jaime. Dahan-dahan siyang lumingon sa pinanggalingan ng boses, at nakita ang lalaking nakaupo sa kabilang mesa na nakatingin na ngayon sa kanya nang may seryoso ngunit mapag-alalang mga mata. Tumayo si Jaime, hinawakan ang kanyang bag, at pormal na sumagot, "Type C charger po sana, Sir."
"Meron sa mini-shop ng resort, o kaya kung gusto mo, meron akong extra sa office ko sa taas. Ipakuha ko kung kailangan mo—" Akmang tatawag si Tristan ng staff.
Ngumiti naman si Jaime, isang napakalambing at tapat na ngiti na pumatay sa anumang natitirang pagsusungit sa kanyang mukha. Ibinaba niya ang hawak na tasa ng kape at tinitigan si Tristan, na hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sa kanya nang may matinding pagmamahal. Sa kabila ng gulo-gulong buhok, kawalan ng make-up, at nakarobang suot, naramdaman ni Jaime na sa mata ng bilyonaryong ito, siya ang pinakamagandang babae sa buong mundo. "Ewan ko sa 'yo, napakagaling mo talagang mambola," pabulong na wika ng doktora, bagama't hindi mailap ang kislap ng katuwaan at kilig sa kanyang mga mata. "Pero seryoso…. salamat sa breakfast. Sobrang bango ng kape at pancakes." "Hindi 'yan bola, Boss Doc. Katotohanan lang," sagot ni Tristan, sabay hila pa nang kaunti sa kamay ni Jaime para halikan ang likod ng mga daliri nito. "Sige na, kain ka na habang mainit pa. Pagkatapos mong kumain, mag-ayos ka na para makapasyal pa tayo nang konti bago natin asikasuhin ang pag-uwi natin bukas." Bahagya
Nagising si Jaime sa sunod-sunod ngunit marahang katok mula sa pintuan ng kanyang villa.Bumangon siya habang nag-uunat; bahagyang nanlalabo pa ang mga mata sa antok. Nang tiningnan niya ang oras sa kanyang telepono sa nightstand, halos manlaki ang kanyang mga mata—alas nuwebe na ng umaga."Diyos ko, alas nueve na?!" pabulong na gulat ni Jaime.Dahil nakasuot lang siya ng manipis na silk nightie, mabilis niyang inabot ang kanyang roba sa tabi ng kama at isinuot ito, marahang itinalikod at itinali ang sinturon sa kanyang baywang habang mabilis na patungo sa pinto.Nang dahan-dahan niyang binuksan ang pinto, natigilan siya.Nakatayo sa kanyang harapan si Tristan. Nakaligo na ito, maayos ang bagsak ng basa-basa pang-buhok, at nakasuot ng simpleng puting linen shirt na nakatupi hanggang siko at maong shorts. Amoy na amoy ang fresh at panlalaking pabango nito na agad na humalik sa ilong ni Jaime. Napakagwapo ng bilyonaryo sa ilalim ng maliwanag na sikat ng araw ngayong umaga.Subalit magin
Nang matapos ang tugtog ng acoustic performer sa maliit na stage ng bar, pinalitan ito ng isang malumanay at romantikong melody na nanggagaling sa mga speaker sa paligid. Ang tunog ng gitara ay sumasabay sa banayad na paghampas ng mga alon sa pino at malamig na buhanginan. Dahan-dahang ibinaba ni Tristan ang kanyang baso at tumayo mula sa bar stool. Inilahad niya ang kanyang palad sa harap ni Jaime, habang ang kanyang mga mata ay nagniningning sa ilalim ng kulay ultramarine na langit at mga nakasinding yellow fairy lights. "May I have this dance, Boss Doc?" pabulong at nakatagilid na ngiti ng bilyonaryo. Natawa nang mahina si Jaime sabay iling habang nakatitig sa nakalahad na kamay ng binata. "Tristan… walang sumasayaw sa buhanginan. Saka hindi ako marunong sumayaw." "Sino'ng nagsabing kailangang marunong?" sagot ni Tristan. Bago pa makatutol uli ang doktora, dahan-dahan na niyang hinawakan ang dalawang kamay nito at marahang hinila pataas. "Akayin lang kita. Tiwala lang."
Natawa na naman si Jaime sa panibagong hirit ng bilyonaryo, isang tunay at malambing na tawa na nagpalambot lalo sa atmospera ng buong villa."Napakabilis mo talagang magsalita nang habambuhay, Valerio," iling ng doktora, sabay subo muli ng pasta. "Hindi ka ba natatakot na baka kapag nasanay ako sa mga luto mo, araw-arawin kita?""Mas matatakot ako kung hindi mo 'ko araw-arawin," mabilis at nakatutuksong sagot ni Tristan. Pinatong ng binata ang kanyang dalawang siko sa mesa at itinukod ang baba sa kanyang mga palad habang nakatitig nang nakangiti sa kumakain na dalaga. "Kahit tatlong beses pa sa isang araw, gagawan ko ng paraan. Basta ikaw ang kakain."Ibinaba ni Jaime ang kanyang tinidor at tinitigan ang binatang nasa harap niya. Sa ilalim ng warm light ng kainan, kitang-kita ang katapatan sa mga mata ni Tristan. Walang pag-aalinlangan, walang pagdadalawang-isip."Bakit ganyan ka tumitig?" pabulong at medyo namumulang tanong ng doktora. "Kumain ka na nga rin diyan.""Gusto lang kitan
"Pero nakita ka na niya," nakatutuksong wika ni Tristan habang nakatitig sa nagtatakang mukha ni Jaime."Ha? Paano?" Taka at gulat na tanong ni Jaime, bahagyang napaupo nang diretso mula sa pagkakasandal sa binata. "Nandito ba siya sa isla?""Sa CCTV dito sa resort..." natawang wika ni Tristan sabay iling. "Alam niyang kasama kita lagi, kaya maya't maya nanghihingi ng update. See? 'Di ba, napakatsismosa masyado? Pati love life ko binabantayan."Napanganga si Jaime sa narinig at agad na namula ang buo niyang mukha hanggang sa kanyang mga tainga. Mabilis niyang tinakpan ang sariling mukha gamit ang dalawang palad."Tristan!" pabulong na sigaw ni Jaime na halos mabulunan sa pagkapahiya. "Nanonood siya sa CCTV ng resort niyo?! Baka kung ano-ano nang nakita no'n! Nung nasa lobby tayo, nung sa restaurant... nung naglalakad tayo!"Lalong lumakas ang tawa ng bilyonaryo sa tindi ng pagkakagulat at pagkapahiya ng doktora. Inabot niya ang dalawang kamay ni Jaime at dahan-dahang inalis ang mga it
Habang dahan-dahang lumulubog ang araw at binabalot ng malamig na simoy ng hangin ang tahimik na baybayin, lalong humigpit ang pagsandal ni Jaime sa balikat ni Tristan. Ang kulay kahel at lilang liwanag sa kalangitan ay tila gumuhit ng isang panaginip na ayaw na niyang gisingin.Inabot ni Tristan ang kamay ng dalaga na nakapatong sa buhanginan at dahan-dahan itong pinagdaop sa sarili niyang mga daliri."Alam mo, Jaime…" pabulong na pauna ng bilyonaryo, ang boses ay naging napakalambing at punong-puno ng katapatan. "Noong mga unang araw na napadpad ako rito sa Siargao, akala ko para lang sa negosyo at sa bagong resort ang lahat. Pero nung gabing nakita kitang naglalakad sa dalampasigan… na-realize kong may mas malalim pa lang dahilan kung bakit ako narito."Bahagyang inangat ni Jaime ang kanyang ulo mula sa balikat ng binata at tumingin sa mga mata nito. "Ano namang dahilan?"Ngumiti si Tristan at dahan-dahang iniharap ang buong katawan sa dalaga. Inabot niya ang magkabilang pisngi ni







