Se connecterNgunit sa sandaling iyon, habang tinititigan ni Jaime ang tikas at paraan ng pananalita ng lalaki, biglang nag-sink in sa kanyang isip ang isang bagay: Hindi lang basta-basta guest ang lalaking ito. Ang paraan ng pagpapalakad nito, ang pag-address ng mga staff, at ang kumpiyansa sa sarili—lahat ay nag-iisang senyales na siya ang nagmamay-ari o may mataas na posisyon dito.
Sa pagkaalarma at pag-iwas sa anumang komplikasyon, agad na umurong ang loob ni Jaime.
"Ah, Sir, hindi na. Bibili na lang ako. Salamat," malamig niyang sabi, sabay mabilis na tumalikod para maglakad palayo.
Napakunot ang noo ni Tristan sa narinig. "Ah Okay"
Ngunit bago pa makalayo ang dalaga, lumingon ulit si Jaime sa kanya. Agad namang nabuhayan si Tristan, lumawak ang ngiti sa kanyang labi, at naghandang sumagot. "Yes?"
"Saan pala ang mini-shop dito?" tanong ni Jaime, pilit na pinapanatili ang pagiging pormal.
"Ah, sa may left side ng reception. Gusto mo samahan k—"
"Ah, hindi na. Salamat," mabilis na putol ni Jaime sa sasabihin nito, sabay talikod ulit at nagmartsa paalis, na nag-iwan kay Tristan na nakatayo at mapapailing na lang sa hangin.
Natawa si Tristan nang mahina habang pinapanood ang mabilis na pag-alis ni Jaime. Umiling-iling siya at napangiti sa sarili.
"Grabe naman 'yun… sasamahan na nga kita, ayaw mo pa," bulong niya habang nakatingin sa direksyon kung saan nawala ang dalaga.
Ngunit sa halip na mainis o masiraan ng loob, biglang may pumasok na ideya sa isip ng bilyonaryo. Isang ngiting may bahagyang pagkapilyo ang gumuhit sa kanyang mga labi. Kung ayaw magpatulong ng dalaga sa maayos na paraan, aba, gagawa siya ng sarili niyang paraan para makuha ang atensyon nito.
Agad niyang dinukot ang kanyang cellphone mula sa bulsa at mabilis na idinial ang numero ng mini-shop ng resort.
“Hello, Sir Tristan?” Ang boses ng isang staff ang sumagot sa kabilang linya.
"Makinig kang mabuti," seryosong utos ni Tristan, ngunit may halong amusement sa tono. "Kapag may nagpunta diyan na babae sa mini-shop na naghahanap ng Type-C charger… sabihin mo na walang stock. Baka next next week pa ang dating. Naintindihan mo?"
Sandaling natigilan ang staff sa kabilang linya bago sumagot, "A-Ah, opo, Sir Tristan. Noted po. Walang stock at next next week pa darating."
"Good. Sige," maikling wika ni Tristan bago ibaba ang tawag.
Isinuksok niya pabalik ang telepono sa kanyang bulsa at muling s******p sa natitirang kape. Habang nakatingin sa malayo, tahimik siyang natawa. No choice ka kundi bumalik sa akin, Jamie Casandra Reyes, aniya sa sarili, habang handa na sa susunod na hakbang ng kanyang maliit at lihim na laro.
Ilang minuto ring lumakad si Jamie habang sinusundan ang mga senyas patungo sa mini-shop ng resort. Medyo naiinitan na siya at lalong naiinis sa sarili dahil sa nangyari kanina. Kailangan na kailangan niya ang charger dahil patay na ang kanyang cellphone at wala siyang paraan para makontak ang pamilya o maiayos ang mga naiwang responsibilidad sa Maynila.
Nang makarating siya sa tapat ng maliit ngunit elegante at air-conditioned na tindahan, mabilis siyang pumasok. Lumapit siya sa babaeng bantay sa counter na may ngiti pa sanang sumalubong sa kanya.
"Good morning po, Ma'am! Welcome po sa Isla Del Carmen mini-shop. Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?" tanong ng staff.
"Hi. Naghahanap sana ako ng Type C charger," diretsong wika ni Jamie, pilit pinapanatili ang kalmado at pormal na boses.
Nagkunwaring nag-isip ang staff at tiningnan ang mga istante. "Ah, Type C charger po ba, Ma'am? Ay, naku, wala na po…pasensya na po. Kaka-check ko lang dito sa system at inventory namin, eh..."
Sumimangot si Jamie. "Ay ganon wala na?"
"Wala na po, Ma'am, eh. Naubos na po kasi kamakailan," pagpapatuloy ng staff habang inaalala ang bilin ng boss. "Baka raw po siguro... next next week pa ang dating ng bagong shipment namin."
Nanlaki ang mga mata ni Jamie sa narinig. "Next next week?!" Bulong niya sa sarili, halos hindi makapaniwala. Paano siya tatagal ng isang linggo rito nang walang cellphone? Paano kung may tumawag o kailanganin siya?
"Wala na bang ibang branch o kaya ay extra dito sa resort? Kahit second-hand o pahiram muna?" pakiusap ni Jamie. Halata na ang pagka-frustrate sa boses.
Umiling nang marahan ang staff, nagpipigil ng ngiti dahil alam nitong parte lang ito ng utos ng kanilang bigating amo. "Wala na po talaga, Ma'am. Sorry po talaga."
Wala nang nagawa si Jamie kundi bumuntong-hininga nang malalim. Padabog niyang hinawakan ang strap ng kanyang bag, umiiling sa kamalasan, at lumabas ng mini-shop nang may mabigat at problemadong hakbang.
Dismayadong naglakad pabalik si Jamie patungo sa dining area habang mahigpit na hawak ang kanyang patay na cellphone. Palinga-linga siya sa paligid, bakas sa mukha ang matinding pagka-frustrated dahil sa nalaman sa mini-shop. Wala siyang choice; kailangan niyang humanap ng paraan para umandar ang telepono niya kahit papaano.
"Looking for me?"
Isang pamilyar, may kalmadong boses ang biglang umalingawngaw mula sa kanyang likuran.
Napakunot ang noo ni Jamie at mabilis na lumingon. Nakita niya ang lalaking kanina pa niyang kinaiinisan—si Tristan. Subalit hanggang sa mga sandaling ito, sa kabila ng ilang beses nilang pagkikita simula sa airport, sa waiting area, sa eroplano, hanggang sa pagsakay sa parehong shuttle, ni minsan ay hindi pumasok sa isip ni Jamie o na-recognize man lang kung sino ito. Para sa kanya, isa lang itong istorbong estranghero.
Dahil wala na siyang ibang pagpipilian at desperado na sa charger, nilunok ni Jamie ang kanyang pride. Lumapit siya rito nang may pormal na ekspresyon.
"Sir… out of stock po 'yung charger sa mini-shop," bungad ni Jamie, medyo alanganin ngunit direkta. "Puwede ko bang mahiram muna 'yung spare charger mo?"
Isang makahulugang ngiti ang sumilip sa mga labi ni Tristan. Nasa mga kamay din kita sa wakas, naisip niya.
"Yeah, sure," mabilis na tugon ni Tristan. Agad siyang lumingon sa isang malapit na staff at sinenyasan itong kumuha ng charger sa kanyang opisina.
Makalipas lamang ang dalawang minuto, mabilis na bumalik ang staff dala ang isang brand-new Type-C charger at iniabot ito kay Tristan.
Ngumiti naman si Jaime, isang napakalambing at tapat na ngiti na pumatay sa anumang natitirang pagsusungit sa kanyang mukha. Ibinaba niya ang hawak na tasa ng kape at tinitigan si Tristan, na hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sa kanya nang may matinding pagmamahal. Sa kabila ng gulo-gulong buhok, kawalan ng make-up, at nakarobang suot, naramdaman ni Jaime na sa mata ng bilyonaryong ito, siya ang pinakamagandang babae sa buong mundo. "Ewan ko sa 'yo, napakagaling mo talagang mambola," pabulong na wika ng doktora, bagama't hindi mailap ang kislap ng katuwaan at kilig sa kanyang mga mata. "Pero seryoso…. salamat sa breakfast. Sobrang bango ng kape at pancakes." "Hindi 'yan bola, Boss Doc. Katotohanan lang," sagot ni Tristan, sabay hila pa nang kaunti sa kamay ni Jaime para halikan ang likod ng mga daliri nito. "Sige na, kain ka na habang mainit pa. Pagkatapos mong kumain, mag-ayos ka na para makapasyal pa tayo nang konti bago natin asikasuhin ang pag-uwi natin bukas." Bahagya
Nagising si Jaime sa sunod-sunod ngunit marahang katok mula sa pintuan ng kanyang villa.Bumangon siya habang nag-uunat; bahagyang nanlalabo pa ang mga mata sa antok. Nang tiningnan niya ang oras sa kanyang telepono sa nightstand, halos manlaki ang kanyang mga mata—alas nuwebe na ng umaga."Diyos ko, alas nueve na?!" pabulong na gulat ni Jaime.Dahil nakasuot lang siya ng manipis na silk nightie, mabilis niyang inabot ang kanyang roba sa tabi ng kama at isinuot ito, marahang itinalikod at itinali ang sinturon sa kanyang baywang habang mabilis na patungo sa pinto.Nang dahan-dahan niyang binuksan ang pinto, natigilan siya.Nakatayo sa kanyang harapan si Tristan. Nakaligo na ito, maayos ang bagsak ng basa-basa pang-buhok, at nakasuot ng simpleng puting linen shirt na nakatupi hanggang siko at maong shorts. Amoy na amoy ang fresh at panlalaking pabango nito na agad na humalik sa ilong ni Jaime. Napakagwapo ng bilyonaryo sa ilalim ng maliwanag na sikat ng araw ngayong umaga.Subalit magin
Nang matapos ang tugtog ng acoustic performer sa maliit na stage ng bar, pinalitan ito ng isang malumanay at romantikong melody na nanggagaling sa mga speaker sa paligid. Ang tunog ng gitara ay sumasabay sa banayad na paghampas ng mga alon sa pino at malamig na buhanginan. Dahan-dahang ibinaba ni Tristan ang kanyang baso at tumayo mula sa bar stool. Inilahad niya ang kanyang palad sa harap ni Jaime, habang ang kanyang mga mata ay nagniningning sa ilalim ng kulay ultramarine na langit at mga nakasinding yellow fairy lights. "May I have this dance, Boss Doc?" pabulong at nakatagilid na ngiti ng bilyonaryo. Natawa nang mahina si Jaime sabay iling habang nakatitig sa nakalahad na kamay ng binata. "Tristan… walang sumasayaw sa buhanginan. Saka hindi ako marunong sumayaw." "Sino'ng nagsabing kailangang marunong?" sagot ni Tristan. Bago pa makatutol uli ang doktora, dahan-dahan na niyang hinawakan ang dalawang kamay nito at marahang hinila pataas. "Akayin lang kita. Tiwala lang."
Natawa na naman si Jaime sa panibagong hirit ng bilyonaryo, isang tunay at malambing na tawa na nagpalambot lalo sa atmospera ng buong villa."Napakabilis mo talagang magsalita nang habambuhay, Valerio," iling ng doktora, sabay subo muli ng pasta. "Hindi ka ba natatakot na baka kapag nasanay ako sa mga luto mo, araw-arawin kita?""Mas matatakot ako kung hindi mo 'ko araw-arawin," mabilis at nakatutuksong sagot ni Tristan. Pinatong ng binata ang kanyang dalawang siko sa mesa at itinukod ang baba sa kanyang mga palad habang nakatitig nang nakangiti sa kumakain na dalaga. "Kahit tatlong beses pa sa isang araw, gagawan ko ng paraan. Basta ikaw ang kakain."Ibinaba ni Jaime ang kanyang tinidor at tinitigan ang binatang nasa harap niya. Sa ilalim ng warm light ng kainan, kitang-kita ang katapatan sa mga mata ni Tristan. Walang pag-aalinlangan, walang pagdadalawang-isip."Bakit ganyan ka tumitig?" pabulong at medyo namumulang tanong ng doktora. "Kumain ka na nga rin diyan.""Gusto lang kitan
"Pero nakita ka na niya," nakatutuksong wika ni Tristan habang nakatitig sa nagtatakang mukha ni Jaime."Ha? Paano?" Taka at gulat na tanong ni Jaime, bahagyang napaupo nang diretso mula sa pagkakasandal sa binata. "Nandito ba siya sa isla?""Sa CCTV dito sa resort..." natawang wika ni Tristan sabay iling. "Alam niyang kasama kita lagi, kaya maya't maya nanghihingi ng update. See? 'Di ba, napakatsismosa masyado? Pati love life ko binabantayan."Napanganga si Jaime sa narinig at agad na namula ang buo niyang mukha hanggang sa kanyang mga tainga. Mabilis niyang tinakpan ang sariling mukha gamit ang dalawang palad."Tristan!" pabulong na sigaw ni Jaime na halos mabulunan sa pagkapahiya. "Nanonood siya sa CCTV ng resort niyo?! Baka kung ano-ano nang nakita no'n! Nung nasa lobby tayo, nung sa restaurant... nung naglalakad tayo!"Lalong lumakas ang tawa ng bilyonaryo sa tindi ng pagkakagulat at pagkapahiya ng doktora. Inabot niya ang dalawang kamay ni Jaime at dahan-dahang inalis ang mga it
Habang dahan-dahang lumulubog ang araw at binabalot ng malamig na simoy ng hangin ang tahimik na baybayin, lalong humigpit ang pagsandal ni Jaime sa balikat ni Tristan. Ang kulay kahel at lilang liwanag sa kalangitan ay tila gumuhit ng isang panaginip na ayaw na niyang gisingin.Inabot ni Tristan ang kamay ng dalaga na nakapatong sa buhanginan at dahan-dahan itong pinagdaop sa sarili niyang mga daliri."Alam mo, Jaime…" pabulong na pauna ng bilyonaryo, ang boses ay naging napakalambing at punong-puno ng katapatan. "Noong mga unang araw na napadpad ako rito sa Siargao, akala ko para lang sa negosyo at sa bagong resort ang lahat. Pero nung gabing nakita kitang naglalakad sa dalampasigan… na-realize kong may mas malalim pa lang dahilan kung bakit ako narito."Bahagyang inangat ni Jaime ang kanyang ulo mula sa balikat ng binata at tumingin sa mga mata nito. "Ano namang dahilan?"Ngumiti si Tristan at dahan-dahang iniharap ang buong katawan sa dalaga. Inabot niya ang magkabilang pisngi ni







