MasukATHENA’S POV
Kung may isang bagay akong ayaw sa pag-uwi, iyon ay iyong pakiramdam na kailangan ko munang maghanda bago tuluyang pumasok sa sarili kong bahay.
Dalawampu’t limang taong gulang na ako, pero hanggang ngayon, kailangan ko pa ring mag-ingat sa bawat kilos ko kapag nandito ako. Hindi naman ganito dati.
Pero matagal na iyong panahon.
Simula nang mawala si Mommy, unti-unting nagbago ang lahat. Nagbago si Daddy. Nagbago ang bahay namin. At nang dumating si Marina sa buhay namin, mas lalo kong naramdaman na parang wala na akong lugar dito. Siya ang asawa ni Daddy, kaya halos lahat ng gusto niya ay nasusunod. Ako naman ang naiwan para maglinis, magluto, mag-asikaso, at sumunod sa mga utos niya.
Hindi ko na nga alam kung anak pa ba talaga ako rito o libreng kasambahay na may family discount.
Kaya natuto akong ngumiti. Mas madaling ngumiti kaysa ipaliwanag kung bakit masakit. At kung titigil ako sa pagbibiro tungkol sa buhay ko, baka mapansin kong hindi na pala talaga ako okay.
Pagpasok ko sa bahay nang umagang iyon, nakita ko agad si Nanay Pinky na naghihintay sa sala. Pagkakita niya sa akin, mabilis siyang lumapit.
“Athena!”
“Good morning po, Nanay.”
Hindi man lang niya pinansin ang bati ko. Hinawakan niya agad ang braso ko at sinuri ang mukha ko. “Saan ka nanggaling? Kanina pa kita hinihintay.”
“May inasikaso lang po.”
“Anong inasikaso?”
Napangiti ako. “Secret.”
“Athena.”
“Okay, hindi na secret. Mahabang kwento.”
Napailing siya. “Kumain ka na?”
Umiling ako. “Halika. Ipapaghain kita.”
“Love you, Nanay.”
“Lagi mong sinasabi ’yan kapag gutom ka.”
“Hindi po. Minsan kapag kailangan ko rin ng pera.”
Napatawa siya nang bahagya, at kahit ilang segundo lang iyon, parang gumaan ang pakiramdam ko.
“Anak,” sabi niya pagkatapos, “pinapatawag ka ng Daddy mo.”
Napatingin ako sa hallway. “Ngayon?”
Tumango siya. “Nasa study?”
“Oo.”
“Galit ba?” Hindi siya agad sumagot.
Napabuntong-hininga ako. “Okay. So galit.”
“Mag-ingat ka.”
“Wish me luck.”
“Athena…”
“Joke lang po.” Ngumiti ako bago naglakad papunta sa study ni Daddy.
Kumatok ako nang dalawang beses bago pumasok.
Nasa likod ng malaking desk niya si Daddy. May ilang dokumento sa harap niya, pero hindi niya iyon tinitingnan. Nakatingin siya sa akin na parang may mabigat siyang sasabihin.
“Umupo ka.” Umupo ako sa tapat niya at hinintay siyang magsalita.
“Alam mo ba kung anong nangyari kay Marina?”
“Opo.”
“Then explain.” Napabuntong-hininga ako. Ilang beses ko nang ipinaliwanag ang nangyari.
“Nagkaroon po kami ng pagtatalo ni Marina. Sinigawan niya ako at hinawakan sa buhok. Sinampal niya rin ako. Nang sinubukan kong umiwas sa kanya, natapunan po ang sahig ng dala kong pagkain. Hindi ko na po alam kung paano eksaktong nangyari pagkatapos, pero nadulas siya sa basang sahig at nahulog sa hagdan.”
Nanatiling malamig ang mukha ni Daddy. “You expect me to believe that?”
“Iyon po ang totoo.”
“She lost the baby because of you.” Napayuko ako.
Hindi ko siya itinulak. Ilang beses ko nang sinabi iyon. Pero kahit anong paliwanag ko, parang wala ring nagbabago.
“Hindi ko po siya itinulak.”
“Pero kung naging maingat ka, hindi ito nangyari.”
Tahimik akong napatingin sa kanya. Gusto kong sabihin na hindi naman lahat ng nangyayari sa bahay na ito ay kasalanan ko, pero alam kong walang mangyayari kung makikipagtalo ako.
Kaya ang lumabas na lang sa bibig ko ay, “I’m sorry, Daddy.” Hindi dahil kasalanan ko.Kundi dahil gusto ko nang matapos ang usapan.
Ilang segundo siyang tahimik bago niya inilapag ang isang folder sa harap ko.
“Simula ngayon, aalis ka na rito.”
Napakunot ang noo ko. “Po?”
“Pupunta ka sa Manila.”
“Bakit?”
“May kailangan kang asikasuhin doon.”
“Anong kailangan?” Tumingin siya sa akin.
“Magpapakasal ka.” Napakurap ako.
“Ha?”“Sa isang Montenegro.” Akala ko nagbibiro siya. Natawa pa ako nang kaunti, pero nang hindi siya sumabay, unti-unting nawala ang ngiti ko.
“Daddy… seryoso ka?”
“Oo.”
“Papakasalan ko?”
“Oo.”
“Isang Montenegro?”
“Athena.”
“Sorry po. Nagugulat lang ako.” Kinuha ko ang folder at binuksan. Nandoon ang ilang legal documents at impormasyon tungkol sa isang pamilya na halos wala akong alam.
Hanggang sa makita ko ang pangalan.
Lucien Xavier Montenegro. “Who is he?”
“Anak siya ng pamilya Montenegro.”
“Okay… obvious po iyon.” Hindi siya sumagot.
Napatingin ako sa kanya. “Kilala ba niya ako?”
“Alam niya ang tungkol sa arrangement.”
“Arrangement?”
“Oo.”
“Pumayag ba siya?” Hindi sumagot si Daddy.
Napahawak ako sa noo ko. “Ah. So hindi.”
“This marriage is important.”
“Bakit?”
“Dahil konektado ito sa inheritance mo.”
Napatingin ako sa kanya. “My inheritance?” Tumango siya.
“May mga ari-arian na naiwan sa pangalan mo. Pero may mga kondisyon bago mo iyon tuluyang makuha.”
“Kasama roon ang pagpapakasal?”
“Yes.” Napabuntong-hininga ako. Twenty-five na ako. Hindi naman ako tutol sa idea ng marriage someday. Pero ang problema, hindi ko naman kilala ang lalaking sinasabi niyang pakakasalan ko.
“Bakit ngayon lang sinabi sa akin?”
“Dahil ngayon ka pa lang handa.” Napatingin ako sa kanya nang diretso.
“Daddy, kung handa akong magpakasal, sana man lang alam ko kung sino ang papakasalan ko.”
“You’ll meet him in Manila.” At iyon na. Wala nang pagpipilian. Desisyon na niya iyon bago pa man ako tinawag sa study.
Paglabas ko ng kwarto, dumiretso ako sa sarili kong kwarto at inilapag ang folder sa kama.
Hindi ko siya kilala at hindi ko pa siya nakikita kahit kailan, pero bukas, pupunta ako sa Manila para makilala ang lalaking kailangan kong pakasalan. Kahapon, problema ko lang kung paano ko haharapin si Daddy at si Marina. Ngayon, kailangan kong makipagkita sa isang billionaire na posibleng maging asawa ko.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng damit nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Unknown number.
Sinagot ko iyon. “Hello?”
“Athena Cortez?”
“Yes?”
“Lucien Montenegro.”
Napahinto ako nang marinig ang boses niya. So ito pala siya. Hindi ko alam kung bakit, pero sa unang pagkakataon na narinig ko nang malinaw ang boses niya, napansin kong mababa at malamig iyon—at nakakainis aminin, pero maganda.
Tahimik akong umupo sa gilid ng kama. “I heard you’re going to Manila.”
“Opo.”
“I don’t want this marriage.” Napatingin ako sa maleta ko.
“Okay.” “I don’t want you staying in my house.”
“Okay.”
“And I don’t want you involved in my life.”
Napahawak ako sa noo ko. “Okay.”
May ilang segundong katahimikan. “You understand?”
“Very clearly.”
“Then don’t come to Manila.”
Napatingin ako sa paligid ng kwarto ko. Sa mga damit na nakaayos sa maleta. Sa folder na naglalaman ng pangalan niya.
Hindi ko alam kung bakit, pero napangiti ako.
“Unfortunately, Mr. Montenegro…” Tumayo ako at hinila ang maleta ko.
“Wala rin naman akong ibang mapupuntahan.”
“That’s not my problem.”
“Opo. Alam ko.”“Then stay there.” Napatingin ako sa p***o ng kwarto ko.
“Sorry, pero mukhang hindi na po puwede.”
“Why?”
“Dahil pinaalis na ako ng Daddy ko.” Hindi siya sumagot.
“So see you tomorrow?”
“Don’t.” Napangiti ako.
“See you tomorrow, Mr. Montenegro.” Pinatay ko ang tawag bago pa siya makasagot.
Napatingin ako sa cellphone ko. “Ang sungit.”
Napailing ako at itinuloy ang pag-iimpake.
Hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin sa Manila. Hindi ko alam kung anong klaseng lalaki si Lucien Montenegro. At higit sa lahat, hindi ko alam kung paano ako makikipamuhay sa isang lalaking malinaw na ayaw sa akin. Pero pupunta pa rin ako.
Dahil kung may isang bagay akong natutunan sa buhay, iyon ay ang hindi lahat ng desisyon ay nasa kamay ko. Minsan, kailangan mo lang harapin ang gulo at alamin kung saan ka dadalhin nito.
At sa pagkakataong ito, ang gulong iyon ay may pangalan.Lucien Xavier Montenegro.
ATHENA’S POV “Wifey, aalis na ako.” Napatingin ako kay Lucien habang inaayos niya ang relo niya. “Ang aga mo naman.” “May meeting ako.” “Meeting lang ba talaga o may ibang babaeng naghihintay sa’yo?” Napataas ang kilay niya bago lumapit sa akin. “Nagseselos ka na naman?” “Excuse me. Nagtatanong lang ako.” “Then stop imagining things, Athena.” Hinalikan niya ako sa noo bago tuluyang tumalikod. Pero bago siya makalayo, hinawakan ko ang kamay niya. “Lucien.” He looked at me. “Hmm?” “Uuwi ka mamaya?” Bahagyang lumambot ang tingin niya. “Of course. I told you I would.” Napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit, pero malaking bagay sa akin ang simpleng pangakong iyon. “Okay. I’ll wait for you.” He leaned down and kissed my forehead again. “Good girl.” “Hoy! Hindi ako aso!” Mahina siyang natawa bago tuluyang umalis. Napailing ako habang nakangiti. Ang yabang talaga ng lalaking iyon. ‘Mahal mo naman Self!’ ⸻ LUCIEN’S POV “Sir, may bisita po kayo.” Hindi ako agad nag-anga
ATHENA’S POVHindi ko alam kung bakit kinakabahan ako habang nakaupo sa passenger seat ng sasakyan ni Lucien. Kanina pa kami tahimik mula nang sabihin kong gusto kong makipagkita kay Marina. Pumayag siyang samahan ako, pero halatang hindi siya komportable sa ideya.“Athena.”Napalingon ako sa kanya. “Hmm?”“Kapag may sinabi siya na hindi mo maintindihan, huwag kang agad maniwala.”“Alam ko naman.”“I’m serious.”Napabuntong-hininga ako. “Lucien, hindi naman ako basta-basta maniniwala sa kanya. Gusto ko lang malaman kung ano ang gusto niyang sabihin.”Sandali niya akong tinitigan bago hinawakan ang kamay ko.“Okay. Pero nandito ako. You don’t have to face her alone.”Napangiti ako nang kaunti. “Alam mo, minsan ang sweet mo.”“Sometimes?”“Don’t push it.”Mahina siyang natawa at hinalikan ang likod ng kamay ko bago muling tumingin sa daan.Grabe. Paano ako mananatiling galit sa mundo kung ganito ang asawa ko?Pagdating namin sa Café Aurelia, agad kong nakita si Marina na nakaupo sa isan
MARINA’S POV“Hindi ko hahayaang basta na lang tayo itapon ni Lucien Montenegro na parang wala tayong halaga!”Napabagsak ko ang folder sa mesa habang nakatayo sa harap ni Arthur. Kanina pa ako naiinis sa balitang tuluyan nang binawi ni Lucien ang suporta niya sa kumpanya namin.Simula nang dumating ang babaeng iyon sa buhay namin, puro problema na lang ang dala niya. Dati, madali siyang utusan at kontrolin. Ngayon, dahil lang naging asawa siya ng isang bilyonaryo, akala mo kung sino na.“Arthur, may balak ka bang gawin o hahayaan mo na lang tayong mawalan ng negosyo?” tanong ko.Napabuntong-hininga siya. “Hindi ko puwedeng pilitin si Lucien. Desisyon niya ang partnership.”“Pero puwede mong kausapin si Athena!”“Hindi siya ang nagpapatakbo ng kumpanya.”“Pero asawa siya ng nagpapatakbo!”Napatingin siya sa akin, halatang napipikon na rin.“Marina, tama na. Hindi lahat ng problema natin ay kasalanan ni Athena.”Napatawa ako nang mapait.“Talaga? Kung hindi dahil sa kanya, hindi tayo m
ATHENA’S POV Pagmulat ko ng mga mata ko, unang bumungad sa akin ang mukha ng lalaking ilang araw kong hinintay na umuwi. Si Lucien. Nakahiga siya sa tabi ko, isang braso ang nakapulupot sa baywang ko habang mahimbing na natutulog. Magulo ang buhok niya at wala ang karaniwang kunot sa noo niya. Sa unang pagkakataon, mukha siyang ordinaryong lalaki lang at hindi ang seryosong CEO na parang kayang bilhin ang buong mundo kapag nainis. Napangiti ako nang hindi sinasadya. Ang gwapo talaga ng asawa ko. Wait. Asawa ko? Napakagat ako sa labi nang maalala ang nangyari kagabi. Dahan-dahan kong inalis ang braso niya sa baywang ko. Balak ko sanang bumangon bago siya magising, pero bago pa ako makaupo nang maayos, bigla niya akong hinila pabalik. “Athena, saan ka pupunta?” Napasinghap ako nang mapadikit ulit sa dibdib niya. “Good morning din sa’yo!” reklamo ko. Bahagya niyang iminulat ang mga mata niya. “Good morning.” “Bitawan mo nga ako. Kukuha lang ako ng tubig.” “May
ATHENA’S POVTahimik lang ako habang nasa biyahe kami pauwi. hindi ko alam kung paano haharapin ang lalaking katabi ko.Si Lucien.Ang asawa kong Ilang araw na nawala, bumalik na parang walang nangyari, at ipinagtanggol ako sa harap ng mga taong matagal nang nagpaparamdam sa akin na wala akong halaga.Pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang sakit ng mga araw na hindi ko alam kung nasaan siya.“Athena.”Napalingon ako sa kanya. “Hmm?”“You’ve been quiet.”“Pagod lang ako.”Matagal niya akong tiningnan bago muling ibinalik ang tingin sa daan.Pagdating namin sa bahay, agad akong umakyat sa kuwarto at inilapag ang bag ko sa ibabaw ng kama.“Can I come in?”Napangiti ako nang bahagya. Ngayon, marunong nang kumatok?“Pasok.” Pumasok siya at isinara ang pinto.Nakakainis! Bakit ba kahit galit ako sa kanya, napapansin ko pa rin na gwapo siya?“Are you still angry with me?” tanong niya.Napaupo ako sa gilid ng kama. “Sa tingin mo?”“I deserve that.”Napatingin ako sa kanya. Hindi ko inaasahang
LALAINE’S POV Nakatayo pa rin ako sa gilid ng venue nang tuluyang mawala sa paningin ko ang sasakyang sinakyan nina Lucien at Athena. ‘I’m choosing my wife.’ Napahigpit ang hawak ko sa clutch bag ko. Ang dali para sa kanya na sabihin iyon. Isang pangungusap lang, pero parang binura niya ang lahat ng taon na inilaan ko sa paghihintay sa kanya. “Lalaine.” Napalingon ako kay Sophia. “Let’s go. You don’t have to stay here.” “I’m fine.” Mabilis kong sagot iyon, pero hindi ko rin kayang tingnan siya sa mga mata. “Hindi mo kailangang magpanggap sa akin,” mahinang sabi niya. Napatawa ako nang mapait. “What do you want me to say, Sophia? Na masakit? Na nakakahiya? Na pagkatapos ng lahat, ako pa rin ang babaeng hindi niya kayang piliin?” Hindi siya sumagot agad. Sa halip, hinawakan niya ang kamay ko. At doon ko naramdamang nanginginig pala ang mga daliri ko. “Halika na,” sabi niya. Tumango ako at nagsimulang maglakad, pero bago kami tuluyang makalayo sa main hall, may narinig kami







