Share

The Billionaire Ruse
The Billionaire Ruse
Author: Mhiekyezha

KABANATA 1

Author: Mhiekyezha
last update Last Updated: 2025-05-12 10:22:58

Tahimik na nagdadasal si Isabelle na nakaupo sa labas ng emergency room ng San Augustine Hospital. Yakap-yakap niya sa kaniyang bisig ang limang taong gulang niyang kapatid na si Shawn Luis. Katulad din niya, bakas sa mukha nito ang pag-aalala para sa kalagayan ng ina.

Nawalan kasi ng malay ang Mama Ana nila kaninang umaga habang naghahanda siya para pumasok sa eskwelahan. Alas diyes ang unang klase niya ngayong araw, kaya alas otso pa lang ay umaalis na siya para hindi gahulin sa oras, may kalayuan kasi ang Eagle State University sa bahay nila. Halos isang oras din mahigit ang gugugulin niya sa biyahe.

Bago pa siya makasakay sa pinara niyang tricycle ay narinig niya ang malakas na palahaw ni Shann na siyang nagpakabog sa puso niya. Dali-dali siyang bumalik sa loob ng bahay, doon niya nakita ang Mama Ana niya na nakahiga sa sahig at wala na itong malay. Nagkalat din ang mga basag na plato sa sahig na marahil hawak nito.

Ipinagpasalamat na lang niya, na mabait pa rin ang Diyos sa kanila sa kabila ng nangyayari ay gumawa ito ng paraan para tulungan sila. Dahil kung sila lang ng kapatid niya ang naroon, tiyak niya na hindi niya kakayanin ang mama niya na buhatin.

Ang tricycle driver na pinara niya para sana maghahatid sa kaniya patungo sa sakayan ng terminal jeep, ang tumulong na buhatin ang mama niya palabas ng bahay. May sasakyan din ang napadaan sa lugar nila at nag-alok ng tulong sa para dalhin sila sa pinakamalapit na ospital.

Nadala kaagad ang Mama Ana niya sa ospital at mabilis na inasikaso ng mga nars at doktor na dinala sa loob ng emergency room.

Pero dalawang oras na ang nakalipas ay wala pa ring balita kung ano ang dahilan kung bakit nawalan ng malay ang mama nila. Parang naiiwan sa ere ang paghinga niya sa takot. Lumalakas ang kabog sa dibdib niya sa labis na kaba at magkahalong pag-aalala.

Hindi niya alam kung ano ang nangyayari mula sa loob. Ang tangi niya lang hiling, na huwag lumabas ang doktor na may dalang masamang balita sa kanila. Hindi kakayanin ng puso niya ang ganoon. Ayaw niyang ang pakiramdam na iiwanan na naman sila katulad ng ginawa ng Papa Lucio nila sa kanila.

Napalunok si Isabelle ng sumagi sa isipan niya ang ama na nang-iwan sa kanila.

Halos limang na taon na rin ang lumipas pero ang eksena na nasaksihan niya noon, sariwang-sariwa pa rin sa alaala niya. Hinding-hindi niya makakalimutan ang galit na mukha ng Papa Lucio niya nung ipinagtapat ng Mama Ana niya ang pagdadalangtao nito.

High school pa lang si Isabelle at kauuwi pa lang niya galing sa eskwelahan. Masaya siya noon dahil bukod sa in-announce kanina na siya ang valedictorian sa buong klase, ngayon din ang araw ang uwi ng Papa Lucio niya galing sa business trip nito mula sa Macao. Pag-aari kasi nila ang Infinity Textile na nag-e-export ng mga knitted socks, jacket, dress at iba’t ibang uri na panlamig na kasuotan. Halos isang buwan din niya na hindi nakita ang ama.

“Si papa ho?” tanong niya kaagad kay Hanz ang butler nila.

Hindi naman sila sobrang yaman pero hindi rin naman sila papahuli.

“Nasa study room si Señor kasama ang mama—”

“Salamat, Kuya Hanz.” Hindi na niya pinatapos ang sasabihin nito dahil kaagad na siyang tumakbo paakyat sa hagdan.

Habol pa niya ang paghinga na huminto sa tapat ng study room. Huminga siya nang malalim at kinuha sa loob ng bag ang report card niya para ipakita sa ama.

"W-What did you say?" Tila kulog ang boses ng Papa Lucio niya nang pihitin niya ang pinto pabukas.

Kitang-kita niya ang pagdilim ng mukha ng papa niya habang ang Mama Ana naman niya ay sandali lamang nagulat at naglabas ng ngiti sa labi. Nakaupo ang mama niya sa receiving chair habang ang Papa Lucio niya ay nakatayo at nakatukod ang dalawang kamay sa lamesa.

"I'm pregnant, Lucio.” Alanganin ang ngiti habang inaanunsyo ng Mama Ana niya ang magandang balita. “We'll have another baby. After fifteen years, biniyayaan ulit tayo ng Pangino —"

Malakas na hinampas ng Papa Lucio niya ang lamesa na siyang nagpapitlag din sa kaniyang kinatatayuan.

Hindi niya alam kung tama pa ba na manatili siya roon na nakikinig sa pag-uusap ng magulang niya o kailangan na niyang umalis?

“Stop! Stop, Analyn! You should abort that child.”

"What? Are you serious, or what?" Hindi makapaniwala ang Mama Ana niya sa gustong mangyari ng Papa Lucio niya.

Siya naman ay parang nanigas ang mga paa at hindi magawang igalaw paalis sa kinatatayuan. Gusto na niyang umalis dahil masama ang nakikinig sa usapan ng mga matatanda pero, naroon ang kagusuhan niya na pakinggan ang ano man sasabihin ng ama niya.

Nakatitig lang ang mga mata niya sa Papa Lucio niya.

Sa tanang ng buhay niya ni minsan, hindi pa niya nakita ang ama na magalit nang ganoon. Madalas ay palagi itong mahinahon makipag-usap at nakangiti sa ina na may pagmahahal. Ngayon, ay parang ibang tao na ito. Hindi na ito ang ama na nakagisnan niya. Para bang may sumapi na masamang nilalang sa ama niya kaya nagkakaganiyan.

"Analyn, abort the child,” mahina pero mariin ang pagkakasabi niyon ng Papa Lucio niya parang pahingal pa ang pagbigkas nito na tila naghahabol ng hininga.

“What? Talaga bang gusto mong ipalaglag ang anak natin? Seryoso ka ba?” Gulat na gulat ang Mama Ana niya na napatayo pa sa kinauupuan nito.

Lumakad ito palapit sa Papa Lucio niya pero natigil din nang akmang hahakbang palayo ito sa mama niya.

Siya man ay hindi makapaniwala sa inaasta ng papa niya. Papaano nagawang sabihin iyon gayun sariling anak nito ang pinagbubuntis ng mama niya? Kapatid na niya iyon!

Sa huli ay pinili na lang ng Mama Ana niya na manatili sa kinatatayuan nito. “Lucio, ano bang pinagsasabi mo? Pagod ka ba? Kung pagod ka, saka na lang tayo mag-uusap—”

"Abort that child, Analyn! Or, else!"

Ang akmang pagtalikod ng Mama Ana niya ay natigil at humarap sa papa niya.

Naguguluhan siya sa nangyayari. Ang alam niya, pareho nila na hinihiling ng Papa Lucio niya, na sana magkaroon pa siya ng kapatid kahit isa lang.

Iyon nga, ang naging dahilan nila noon kung bakit mas pinili nilang i-celebrate ang fifteen birthday niya sa Milan, Italy, para bumisita sa simbahan ng Duomo Milano. Naniniwala kasi ang ama niya na kapag may hiniling sa simbahan niyon ay magkatotoo.

“Lucio, binibiro mo ba ‘ko? Kung binibiro mo ako, ay hindi magandang biro iyan! Anak mo ito! Natin. Anong pumasok sa isip mo para sabihin ang mga ganiyang bagay. Hindi ka ba natatakot sa Diyos? Ginawa natin ‘to! Dugo’t laman mo ‘to! Natin!”

Pumikit nang mariin ang Papa Lucio na hindi nakaligtas sa mga mata niya ang nangilid na luha sa magkabilang gilid ng mga mata nito.

Mahabang patlang ng katahimikan ang namayani sa pagitan ng magulang niya bago nagsalita ang papa niya na ikinatigil ng mundo niya.

"You make the final decision, Analyn. We'll end things if you don't abort the child."

‘Yon ang eksaktong salita na sinabi ng Papa Lucio niya na binalewala ng Mama Ana niya.

Itinuloy pa rin nito ang pagbubuntis sa pag-asa na mababago ang isip ng papa niya. Ngunit, matigas ang puso ng Papa Lucio niya. Talagang pinanindigan nito ang sinabi sa mama niya. At simula noon, gabing-gabi na kung umuwi ang papa niya mula sa trabaho nito.

May mga pagkakataon na nagigising siya sa hatinggabi na nakakaringgan niya na umiiyak ang mama niya. Madalas nang nag-aaway ang mga ito.

Habang lumalaki ang tiyan ng mama niya, bihira na kung umuwi ang papa niya. Kahit siya ay madalas na iwasan ng papa niya sa hindi niya malaman na dahilan. Papaanong pati siya, na sarili rin nitong anak naging parang estranghero?

May mga pagkakataon na hindi na umuuwi ito. Ang apat na beses sa isang Linggo ay naging tatlong beses na lang. Hanggang isang araw ay tuluyan na nga silang iniwan. Pinilit ng Papa Lucio niya na pirmahan ng mama niya ang papeles na dala-dala nito.

“Sinabi ko na sa’yo hinding-hindi ko aakuin ang anak mo sa iba!”

“Ano ba’ng pinagsasabi mo? Hindi na kita maintindihan, Lucio!”

Umiyak nang umiyak ang mama niya at wala na ‘tong nagawa kung hindi ang pirmahan ang papeles na dala ng papa niya. Siya, naman ay hindi makapaniwala sa sinabi ng papa niya.

Papaano naging anak ng iba ang nasa sinapupunan ng mama niya?

Ni minsan ay hindi niya nakita ang ina na lumabas man lang sa bahay nila.

Dumanas ng prenatal depression ang mama niya sa unang semester ng pagbubuntis nito na kamuntikan malagay sa alanganin ang buhay ni Shann.

Palagi kasing tulala at laging wala sa sarili ang Mama Ana niya. Madalas nakikita niya ito na yakap-yakap ang T-shirt ng papa niya habang nakaupo sa may sala na tila naghihintay kung kailan babalik ang papa niya. Hindi na rin ito kumakain sa tamang oras.

“Ate,” mahinang tinig ang umagaw sa pagbabalik-tanaw niya.

Kaagad na pinunasan niya ang luha sa mga mata niya. Pilit na ngumiti si Isabelle sa kapatid.

“Ano ‘yon?” malambing niyang tanong. “Nagugutom ka na ba?” kaagad niyang tanong sa kapatid dahil pareho nilang nakalimutan na mag-agahan kanina.

Kaagad na umiling ang nakakabata niyang kapatid na si Shawn Luis.

“Hindi pa po, Ate Isay.”

Hinaplos niya ang pisngi nito at ngumiti.

“Akala ko, nagugutom ka na eh, sabihin mo kay Ate Isay kung nagugutom ka na, ha? Bibili kaagad tayo ng pagkain.”

"Opo, Ate."

Kinabig niya ito at niyakap nang mahigpit.

“Promise mo ‘yan! Kung nagugutom ka na magsabi ka kaagad.”

"Opo, Ate Isay, sasabihin ko kaagad. Promise, po."

Yumuko siya at tiningnan ito bago isinandig sa balikat niya ang ulo nito.

Mabait at malambing ang kapatid niya. Sa edad ni Shann ay matapang ito kung tutuusin kumpara sa kaedaran nito. Hindi man sa literal na paraan, kung hindi sa kung papaano nito hinarap ang buhay na may positibong pananaw habang pakikipaglaban ito sa sakit.

Baby pa lang ito nang malaman nila na may congenital heart disease ang kapatid niya.

Halos panawan na siya ng ulirat dahil sa edad na disisais patong-patong ang naging problema niya noon.

Ang mama niya na may perinatal depression at ang kapatid naman niya na may hole between the chamber of his heart. Sadyang sinubok siya ng panahon ng mga sandaling iyon. Pareho niyang inaalagaan ang dalawa.

Awang-awa siya sa mama niya pero mas nakakaawa ang sinapit ng kapatid niya. Marahil ang kapatid niya, ang lahat ng sumalo sa mga paghihirap ng kalooban ng mama niya sa papa niya.

Gusto man niyang humingi ng tulong sa papa niya ay hindi naman niya magawa dahil bumalik pala ito sa dati nitong pamilya. Doon lang niya nalaman na may unang pamilya ang Papa Lucio niya bago pa sila.

Ang sampung milyon na binigay ng papa niya ay halos naubos sa gamutan at operasyon ng kapatid niya. At sa mama niya na halos ilang beses kung bumalik sa ospital para i-therapy.

Hindi rin biro ang magkaroon ng perinatal depression. Ang akala niya, kaya nagkakaganoon ang mama niya dahil nagpapaawa sa papa niya para balikan ito.

Kung hindi lang niya ito nakita noon na balak magpakamatay ay hindi pa ito madadala sa ospital at mapapatingnan sa doktor.

“Magiging katulad ko ba si mama, ate?” malungkot na tanong ni Shann.

Natigilan si Isabelle.

Possible ba na may sakit din sa puso ang mama niya?

“Ate!”

Yumuko si Isabelle at h******n ang ulo ng kapatid.

“Hindi. Baka napagod lang si mama kaya ganiyan,” walang kasiguraduhan niyang sagot. Hindi na niya gustong mag-isip ng negatibo sa ngayon. Ayaw niyang isipin na may sakit ang mama niya ng katulad kay Shann.

‘Wag naman sana! Piping hiling ni Isabelle at ipinikit ang mga mata.

Hindi niya kakayanin kung pati ang mama niya mawawala sa kanila. Mahirap ang maging mahirap, pero mas mahirap kapag walang magulang ang gumagabay sa anak habang lumalaki. Bagaman nariyan pa ang ina niya para sa kaniya ngunit may pagkakataon na hinihiling niya sa Diyos na sana kasa-kasama niya pa rin ang ama lalo na sa mga panahon na pakiramdam niya na nag-iisa siya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 107

    Kanina pa paulit-ulit na tinatawagan ni Leon si Isabelle, pero puro mahabang ring lang ang isinasagot ng linya bago tuluyang maputol.Kakarating lang niya mula ospital at ngayon lang niya nahawakan ang cellphone—naiwan niya kasi ito sa drawer ng silid kanina. Hindi na rin niya nagawang utusan sino man sa tauhan niya dahil ang mga mata ni Roman ay hindi nito inaalis sa kanila. Tila ba, may pagdududa ito. Agad siyang sumulyap sa screen. Walang bagong notification. Walang reply sa alinman sa mga naunang message niya. Ni “seen” wala. Muli siyang nagpadala ng message. 'Mahal, anong ginagawa mo? Busy ka ba?' Ilang sandali pa siyang naghintay ngunit katulad kanina ay wala pa rin itong reply. Napakunot ang noo niya. This isn’t normal. Hindi kailanman ginawa ni Isabelle na balewalain siya nang ganito kahit gaano ito ka-busy. Kahit na nasa OJT ito ay nakakapag-message naman ito sa kaniya. Usually, paggising pa lang niya ay may bungad nang mensahe ito—minsan simpleng good morning, minsan s

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 106

    Nagising si Isabelle na mabigat ang ulo, parang may nakadagan sa dibdib niya. Holiday at long weekend naman kaya gusto niyang magkulong sa kuwarto, matulog nang matulog hanggang makalimutan niya ang lahat. Ewan, pero nakakaramdam siya ng tampo sa asawa. “Ate, Ate!” masiglang tawag ni Shann mula sa labas ng kuwarto nila ni Leon. Sunod-sunod na katok ang umalingawngaw. “Ate, gising na. ’Di ba sabi mo, pupunta tayo sa ospital at maghapon tayong magbabantay…” Napangiwi si Isabelle at agad hinila ang unan para itakip sa mukha. Gusto niyang magbingi-bingihan, gusto niyang magpanggap na tulog pa siya. Tinatamad siyang bumangon at lumabas. “Ate…” muling katok ni Shann, mas banayad pero nananabik pa rin. Humugot ng malalim na hininga si Isabelle. Ngunit bago pa siya makasagot, narinig niya ang boses ni Cosme mula sa labas. “Shann, sa tingin ko, tulog pa ate mo. Sumama ka na lang sa akin.” Napapikit si Isabelle at nakiramdam, naghintay ng sagot ng kapatid. “Pero… papaa

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 105

    Natulala na lang si Isabelle nang tuluyang mawala sa kanilang linya si Leon. Hindi niya maintindihan kung bakit, sa tuwing tatawag ito sa kaniya ay may halong pagmamadali at tila walang oras para makinig. At kapag siya naman ang tumatawag, madalas hindi nito sinasagot—laging nakapatay ang cellphone, laging may idinadahilan. “Naiwan ko,” O, 'di kaya “lowbat.” Paulit-ulit na dahilan at parang nakakasawa ang ganoong palusot nito. Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago marahang inilapag ang cellphone sa nightstand. Sa katahimikan ng silid, tanging ang mabilis at hindi mapakaling tibok ng puso niya ang maririnig.“Leon… ano ba talaga ang problema?” bulong niya, halos pumikit na ang tinig.Humiga siya at hinila ang isang unan kung saan isinuksok niya ang puting polo ng asawa—ang damit na madalas nitong suotin kapag nasa bahay. Idinikit niya ang mukha roon, mariing pumikit na para bang kaya nitong ibalik ang init ng mga yakap ni Leon.Amoy niya pa rin ang pinaghalon

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 104

    “(Grazie a Dio! Sei vivo, nipote mio.)” (Thank God! You’re alive, my nephew.) Mahigpit ang yakap ni Roman nang sa wakas ay makita si Mr. Z.Halos mangilid ang luha sa mga mata niya nang bumitiw siya mula sa pagkakayakap. Ngunit si Mr. Z ay nanatiling walang reaksyon, malamig ang tingin habang nakatuon lamang sa Uncle Roman niya.Pagkatapos, agad lumipat ang atensyon ni Roman kay Maxine, na nasa likuran, nakaalalay sa ama nitong si Zahir.“(Oh, signorina Graziano. Sono felice di vederti ancora al fianco di mio nipote, a prenderti cura di lui.)” (Oh, Ms. Graziano. I’m glad to see you still by my nephew’s side, taking care of him.)Nagulat si Maxine, ngunit nagpakita ng magaan na ngiti at tinanggap ang yakap ni Roman.“(Papà, la prossima volta non andare da nessuna parte. Mi preoccupo troppo.)” (Dad, next time don’t go anywhere. I worry too much.) seryosong sabi ni Roman, bahagyang nakakunot ang noo habang hinarap ang kanyang ama.Si Mr. Zahir, ngayon ay nasa edad na seventy-three, ay ha

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 103

    “Ma’am Isabelle, hindi ba kayo kakain?” muling tanong ni Manang Ising, nakasilip mula sa may pinto ng kuwarto nila ni Leon.Sa kanila na ito ngayon tumutuloy mula nang umalis si Leon, para may makasama siya sa bahay at hindi tuluyang lamunin ng katahimikan ang gabi.Pasado alas otso na, at para kay Isabelle, parang lalo lang bumabagal ang pag-ikot ng oras kapag wala ang asawa niya. Ang bawat minuto ay parang oras, at ang bawat gabi ay parang walang katapusang paghihintay. Inuubos niya ang oras sa Ojt, school at sa pagtatanim ng halaman sa harapan. “Ma’am?” tawag ulit ng matanda.Umiling siya, pinilit magpakawala ng maliit na ngiti habang nakatutok sa laptop at sa mga pahina ng thesis na pilit niyang tinatapos. “Mamaya na ho, baka tumawag si Leon…”“Ma’am, bilin ni Sir—kumain kayo sa tamang oras. Gusto n’yo ba dalhan ko na lang kayo dito?”Umiling muli si Isabelle, mahina pero mariin. “Huwag na ho, Manang Ising. Ako na ang bahala sa sarili ko.”“Ma’am…” may pag-aalangan pa rin sa tini

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 102

    Iyak nang iyak si Isabelle habang yakap-yakap ang asawa. Ayaw niyang bumitaw, parang kung kakalas siya ay baka tuluyan na itong mawala sa piling niya.Dalawang linggo na rin ang lumipas mula nang makalabas siya ng ospital. Sa mga panahong iyon, hindi siya pinayagang lumabas ni Leon. Hands on ito sa lahat—pag-aalaga sa kaniya, kay Shann, at maging kay Mama Ana. Hindi na niya maintindihan kung papaano nahahati ng asawa ang sarili araw-araw, pero ang alam niya lang, hindi siya pinapabayaan nito.Pasalamat siya dahil mali ang tingin niya noon. Buong akala niya, isang walang patutunguhang lalaki ang napasagot niya—isang sanggano lang na walang maipagmamalaki. Pero mali siya. Iyon pala, mas marami itong kayang gawin kaysa sa inaakala niya. Hindi man nakaupo sa loob ng opisina gaya ng iba, pero madiskarte si Leon. Marunong sa lupa, sa pagtatanim, at lahat ng bagay na napapakinabangan.Binibenta nito ang mga tanim na gulay sa Z’ Oasis Hotel and Casino. Noon lang niya nalaman na si Leon pala a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status