Plush carpets absorbed whispered deals in the opulent penthouse atop the Z' Oasis Hotel and Casino, while crystal glasses glistened against the walls.
Sa lugar na iyon, na binabalutan ng malamlam na liwanag dahil sa kapal ng kurtina na siyang humaharang sa liwanag ng araw papasok sa loob ng kuwarto, nakatayo ang isang lalaki na kilala lamang bilang si Mr. Z. His enigmatic presence weighed heavily in the room. Hawak nito sa isang kamay ang baso na may laman na alak. Si Lucca Mallari ang assistant ni Mr. Z ay tila tinatantiya kung papaano babasagin ang katahimikan. "Mr. Z." "Speak, Lucca." "Melinda's here, playing our VIP Texas poker." "And?" "She's losing, Mr. Z." Mr. Z's eyes blink, calculating. Melinda Caballero—the high-stakes player—is a pawn in their game. Mr. Z manages the money flow like a master conductor, and the money flows like a river. "Give her more," he ordered, his voice full of urgency. "Make sure it is larger than before." Lucca nodded and took the cell phone out of his pocket, his fingers trembling slightly from the weight of the decision. "Give her money, and make sure it is more than she borrowed before." Matapos maibaba ni Lucca ang tawag, siya naman parang nag-aalangan kung papaano sasabihin ang isa pang balita. "There is another piece of news." Mr. Z is silent, with no expression in his eyes. Since he didn't ask, Lucca continued to speak. "Maxine has something to tell you, and she is outside." "Let her in," Mr. Z said, his tone devoid of emotion. Mabilis na sinunod ni Lucca ang sinabi ni Mr. Z. Kaagad na binuksan niya ang pinto at pinapasok ang matangkad na magandang babae. “Mr. Z.” Walang emosyon na tumingin si Mr. Z kay Maxine. “Speak up.” "Rocco sent word. Ms. Caballero’s mother was taken to the hospital.” Direct to the point kaagad si Maxine. “And?” "There is no news yet because the doctor is still examining Ms. Caballero's mother." A long field of silence prevailed in the room. Maxine Graziano is one of the people he trusts, ever loyal to him. "Keep a close eye on Isabelle," he instructed his voice low and measured. "Find a way to talk to her." punong-puno ng awtoridad ang tono ng boses ni Mr. Z. Maxine nodded, her footsteps fading as she left the room. Hindi na napansin ni Isabelle kung anong oras siya nakaidlip, pero isang marahan na tapik sa balikat ang naramdaman niya. Mabilis na iminulat niya ang mga mata at umayos ng pagkakaupo nang hindi nagigising ang kapatid niya na nakatulog na rin. “Ano ho iyon?” tanong niya kaagad sa magandang nurse na kaharap. “Hi, Ma’am, pasensya na, kung ginising kita.” Ngumiti nang alanganin ang nurse at parang nahihiya. “Nahulog kasi ‘tong laruan ng kapatid mo.” Iniabot sa kaniya ng nars ang laruan na robot. “Ayos lang, Nurse Grace, salamat,” wika niya na sandaling tiningnan ang nameplate na nakasabit sa puting uniporme nito. Isang mahabang patlang na katahimikan ang pumagitan sa kanila. Pakiramdam niya na may iba pang sadya ang nars na kaharap niya. “May kailangan ho ba kayo sa’min? May balita na ho ba sa mama namin?” Hindi pamilyar ang mukha ng nars na kaharap niya. Kaya alam niya, na hindi ito ang isa sa tumulong para i-assist ang doktor para suriin ang mama niya, pero iyon lang naman ang nakikita n’yang dahilan kung bakit sila lalapitan ng nars, maliban na lang kung kakilala nila ito. Lumingon-lingon pa muna si Nurse Grace at humakbang pa ng isa bago yumuko. “Pasensya na ulit, pero hindi kasi iyon ang dahilan kung bakit ako narito.” Kung hindi tungkol sa mama nila, ano ang kailangan nito sa kanila? “Ano ho ang kailangan niyo sa amin?” “’Wag mo na akong i-ho o opo man. Bata pa naman ako.” “Pasensya na ho kayo— I mean, pasensya na, nasanay na kasi ako,” paghingi pa niya ng paumanhin sa kaharap na nars. Nakasanayan na kasi siya na sa tuwing nakikipag-usap sa hindi niya kilala ay gumagamit siya ng ‘po’ o hindi kaya naman ay ‘ho’ bilang paggalang lalo na’t hindi naman niya alam kung mas matanda ang kaharap. Ngumiti si Nurse Grace. “Wala ‘yon, ano ka ba? Well, anyway, kaya talaga ako nandito dahil may hihingin ako na pabor.” “Pabor? Anong klaseng pabor?” “Hindi naman siguro siya manghihingi ng pera sa amin?” Muli niyang sinipat ang nars na kaharap. Nakasuot ito ng puti na uniporme na bumagay sa maputi at makinis na balat. May magandang ngiti ito na kaaya-aya na tila animo’y isang commercial model ng toothpaste. Matangkad at kulay blue ang mga mata. Hindi niya alam kung may suot itong contact lens sa mata. Kung hindi lang ito mahusay magsalita ng tagalog, iisipin niya na isa itong banyaga. Ang kutis at taas nito ang nagsasabi na iba ito sa pangkaraniwan. "Catch anything that doesn't sit well with you?" “Huh?” Isang malamyos na tawa ang pinakawalan ni Nurse Grace at tinapik siya sa balikat. “Kasi tinitingnan mo ‘ko.” Napayuko si Isabelle sa pagkapahiya. Napansin pala siya nito. Kahit na wala naman siyang ginagawa na masama para bang may ginawa siya. “Pasensya na. Pero ano bang pabor ang hihingin mo?” “Kung pera ay hindi kita matutulungan dahil iyon din ang problema ko sa ngayon,” Nakulong sa lalamunan niya ang huling salita. “Ipanatag mo ang sarili mo. Hindi naman ako manghihiram ng pera kung iyon ang inaalala mo.” “Hindi." Natataranta na kaila niya. "Hindi iyon ang iniisip ko. Ano lang, kuwan kasi. -" wala siyang mahanap na salita para ipaliwanag ang nais niyang sabibin. Ganoon ba siya ka-obvious? Hindi niya alam kung papaano nito nabasa ang iniisip niya. “Bueno, Kaya ako nandito kasi birthday ng pasyente ko. Naghanda siya ng mga pagkain para ipamigay sa mga tao na nandito sa hospital, kaya...” Bumaba ang tingin niya sa hawak nito na brown paper bag. Hindi niya alam pero parang nakaramdam siya ng gutom sa mga oras na iyon. Si Shann na nakaidlip din sa mga braso niya ay tila awtomatikong nagising at tumingala sa kaniya. Pero pa silang nagkatinginan sa isa’t isa bago itinuon ang mga mata sa paper bag na dala nito. “Para po ba sa’min ‘yan?” Si Shann ang nagtanong kay Nurse Grace. Iniabot ang isang paper bag kay Shann at hinaplos nito ang buhok. “Oo, para sa inyo ‘to ng ate mo. Nagugutom ka na ba?” “Opo. Maraming salamat, magandang nars.” “Totoo ba ‘yang sinasabi mo, cutie boy?” Napangiti si Isabelle ng mapansin niya na biglang namula ang tainga ni Shann at yumuko na tumango sa kaharap na magandang nars. “Dahil sinabihan mo ‘kong maganda. Ito pa ang isa para inyo—” “Hindi na. Sapat na ang isa para sa’min.” Mabilis na niyang tinanggihan ang akmang iaabot ni Nurse Grace ang isa pang paper bag kay Shann. Alam naman niya na para sa lahat iyon at sa tingin niya hindi maganda na tumanggap sila ng dalawang beses, kahit pa ang totoo ay kailangan din naman talaga nila iyon. “Ayos lang, kayo lang naman ang nandito at isa pa, para makabalik na rin ako sa pasyente ko.” Muli nitong inabot ang paper bag na may pagkain. “Tatanawin ko na utang na loob kung kukuhanin n’yo na ‘to. Please…” Pareho silang nagkatinginan ni Shann at muling itinuon ang mga mata kay Nurse Grace. Malaking bagay ang pagkain na dala nito, dahil kahit papaano ay hindi na niya mababawasan ang limang libo na dala niya sa wallet. Sahod niya iyon sa pinapasukan na coffee shop bilang part-timer. Tinitipid-tipid niya lang para sa mga susunod na gastusin. “Maraming salamat,” pasasalamat niya na inabot ang isa pang paper bag. “Ako nga ang dapat magpasalamat sa inyo dahil hindi na ‘ko mahihirapan para mag-ikot-ikot pa.” “Maraming salamat, Nurse Grace, makikisuyo na rin sa pasyente mo, pakisabi happy birthday, at sana gumaling siya sa kung ano man ang karamdaman niya.” “Naku, ‘wag kang mag-aalala, makakarating sa kaniya ang mensahe mo. Ano’ng panglan mo?” “Isay. Isabelle Caballero ang buong pangalan ko.” Inilahad niya ang kamay sa harapan nito na kaagad naman tinanggap ni Nurse Grace. Parang ibig pa niyang mahiya dahil sobrang lambot ng kamay nito kumpara sa kaniya. “Grace. Grace Asinto. Bago lang ako rito sa San Augustine. Galing kasi ako sa Baguio at inirekomenda lang ako ng Tiya Sario ko sa may-ari nitong ospital. Ikaw? Hindi ba, tinatanong mo ‘ko kanina kung ano ang balita sa mama mo? Ano’ng nangyari?” tanong ni Nurse Grace sa kaniya na hindi pa nakontento umupo pa sa tabi nila. “Na...” Tumikhim muna siya para alisin ang tila bato na nakaharang sa kaniyang lalamunan. “Nasa loob ang mama namin. Nawalan kasi ng malay kanina.” “Anong sabi ng doktor?” Kaagad na umiling siya. “Wala pang balita. Nasa loob pa ang doktor na sumusuri kay mama. Hindi nga namin alam kung bakit sobrang tagal.” Huminga nang malamin si Nurse Grace at hinawakan ang isa niyang kamay. “For sure, magiging maayos din ang mama mo. At kung may kailangan ka, puwede mo ‘kong lapitan, ipagtanong mo lang pangalan ko sa nurse station.” “Salamat, Nurse Grace.” “Walang ano man. Basta, kapag kailangan mo ng tulong huwag kang mahihiyang lumapit sa ‘kin.” “Oo. Salamat.” Nang umalis na si Nurse Grace ay nasundan na lang ni Isabelle ito ng tingin habang naglalakad palayo sa kanila. “Ate, ang ganda ni Nurse Grace, no?” “Ha?” “Sabi ko, maganda at mabait si Nurse Grace.” Yumuko si Isabelle sa kapatid na hanggang ngayon ay namumula pa rin. “Ikaw, ha? Bata ka pa para magka-crush.” Mas lalong namula ang kapatid niya sa tudyo niya. Kapag ganito ang kapatid niya mas lalong nagiging kamukha ng Papa Lucio niya. May lahing Italyano ang papa niya kaya likas ang pagiging maputi nito na minana ni Shann. Siya naman ay nagmana sa Mama Ana niya na morena. “Ate, hindi! Hindi ko naman crush si Ate Grace at saka may nobyo na iyon,” mahinang-mahina ang boses nito. “Ano? Nobyo?” gulat niyang tanong. “Papaano mo naman nasabi na mayroon siyang nobyo, gayun kakakilala pa lang natin sa kaniya? Ikaw talaga!” Ginulo niya ang buhok ni Shann. “Ate, naman! Huwag ang buhok ko,” tila angal nito sa kaniya. “Arte mo! Hindi ka pa binata kaya hindi ka puwedeng magka-crush, naiintindihan mo ba ‘ko?” “Opo! Hindi ko naman crush si Nurse Grace at saka ayon ang nobyo niya, oh!” Turo ni Shann na sinundan niya rin ng tingin. Nakatayo si Nurse Grace habang may kausap ito na lalaki sa dulo ng papalikong pasilyo. Hindi niya makita ang itsura ng kausap ni Nurse Grace dahil naka-side view ito sa gawi nila. Pero ang taas nito ay kapansin-pansin dahil hindi pangkaraniwan kumpara sa mga lalaking kaklase niya. Hinuha niya nasa anim na talampakan ito o marahil higit pa. Nakasuot ito ng jacket na itim at sombrero na itim na siyang tumatakip sa buong mukha nito. Ewan ba niya, kung bakit parang napako ang mga mata niya sa kausap ni Nurse Grace gayun na hindi naman niya nakikita ang itsura nito. Siguro, umandar na naman ang pagiging kuryoso niya. “Mali ka, Isay, umandar na naman ang pagiging tsismosa mo!” Kantiyaw niya sa sarili habang nakatingin pa rin sa lalaking kausap ni Nurse Grace. Hindi nga niya mahagilap sa alaala niya kung mayroon ba siyang inobserbahan na lalaki bukod dito. Bukod kasi sa taas nito, ay kapansin-pansin din ang katawan nito na tila hinulma dahil ang suot nitong jacket na bumagay sa katawan nito. Marami rin naman guwapo sa pinapasukan niyang eskwelahan pero ni isa sa mga ito ay wala man lang nakapukaw ng interest niya, maliban ngayon. Nang lumingon ang lalaki na kausap ni Nurse Grace ay para pa siyang nataranta na hindi alam kung saan ibabaling ang tingin. Yumuko siya at itinuon ang mga mata sa suot niyang tsinelas. Hindi na siya nangahas na iangat mukha dahil pakiramdam niya na nakatingin pa rin sa kaniya ang lalaki. Kabang-kaba siya at hindi niya tiyak kung bakit pakiramdam niya nakangiti ang lalaki sa kaniya. Nababaliw na ba siya?Kanina pa paulit-ulit na tinatawagan ni Leon si Isabelle, pero puro mahabang ring lang ang isinasagot ng linya bago tuluyang maputol.Kakarating lang niya mula ospital at ngayon lang niya nahawakan ang cellphone—naiwan niya kasi ito sa drawer ng silid kanina. Hindi na rin niya nagawang utusan sino man sa tauhan niya dahil ang mga mata ni Roman ay hindi nito inaalis sa kanila. Tila ba, may pagdududa ito. Agad siyang sumulyap sa screen. Walang bagong notification. Walang reply sa alinman sa mga naunang message niya. Ni “seen” wala. Muli siyang nagpadala ng message. 'Mahal, anong ginagawa mo? Busy ka ba?' Ilang sandali pa siyang naghintay ngunit katulad kanina ay wala pa rin itong reply. Napakunot ang noo niya. This isn’t normal. Hindi kailanman ginawa ni Isabelle na balewalain siya nang ganito kahit gaano ito ka-busy. Kahit na nasa OJT ito ay nakakapag-message naman ito sa kaniya. Usually, paggising pa lang niya ay may bungad nang mensahe ito—minsan simpleng good morning, minsan s
Nagising si Isabelle na mabigat ang ulo, parang may nakadagan sa dibdib niya. Holiday at long weekend naman kaya gusto niyang magkulong sa kuwarto, matulog nang matulog hanggang makalimutan niya ang lahat. Ewan, pero nakakaramdam siya ng tampo sa asawa. “Ate, Ate!” masiglang tawag ni Shann mula sa labas ng kuwarto nila ni Leon. Sunod-sunod na katok ang umalingawngaw. “Ate, gising na. ’Di ba sabi mo, pupunta tayo sa ospital at maghapon tayong magbabantay…” Napangiwi si Isabelle at agad hinila ang unan para itakip sa mukha. Gusto niyang magbingi-bingihan, gusto niyang magpanggap na tulog pa siya. Tinatamad siyang bumangon at lumabas. “Ate…” muling katok ni Shann, mas banayad pero nananabik pa rin. Humugot ng malalim na hininga si Isabelle. Ngunit bago pa siya makasagot, narinig niya ang boses ni Cosme mula sa labas. “Shann, sa tingin ko, tulog pa ate mo. Sumama ka na lang sa akin.” Napapikit si Isabelle at nakiramdam, naghintay ng sagot ng kapatid. “Pero… papaa
Natulala na lang si Isabelle nang tuluyang mawala sa kanilang linya si Leon. Hindi niya maintindihan kung bakit, sa tuwing tatawag ito sa kaniya ay may halong pagmamadali at tila walang oras para makinig. At kapag siya naman ang tumatawag, madalas hindi nito sinasagot—laging nakapatay ang cellphone, laging may idinadahilan. “Naiwan ko,” O, 'di kaya “lowbat.” Paulit-ulit na dahilan at parang nakakasawa ang ganoong palusot nito. Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago marahang inilapag ang cellphone sa nightstand. Sa katahimikan ng silid, tanging ang mabilis at hindi mapakaling tibok ng puso niya ang maririnig.“Leon… ano ba talaga ang problema?” bulong niya, halos pumikit na ang tinig.Humiga siya at hinila ang isang unan kung saan isinuksok niya ang puting polo ng asawa—ang damit na madalas nitong suotin kapag nasa bahay. Idinikit niya ang mukha roon, mariing pumikit na para bang kaya nitong ibalik ang init ng mga yakap ni Leon.Amoy niya pa rin ang pinaghalon
“(Grazie a Dio! Sei vivo, nipote mio.)” (Thank God! You’re alive, my nephew.) Mahigpit ang yakap ni Roman nang sa wakas ay makita si Mr. Z.Halos mangilid ang luha sa mga mata niya nang bumitiw siya mula sa pagkakayakap. Ngunit si Mr. Z ay nanatiling walang reaksyon, malamig ang tingin habang nakatuon lamang sa Uncle Roman niya.Pagkatapos, agad lumipat ang atensyon ni Roman kay Maxine, na nasa likuran, nakaalalay sa ama nitong si Zahir.“(Oh, signorina Graziano. Sono felice di vederti ancora al fianco di mio nipote, a prenderti cura di lui.)” (Oh, Ms. Graziano. I’m glad to see you still by my nephew’s side, taking care of him.)Nagulat si Maxine, ngunit nagpakita ng magaan na ngiti at tinanggap ang yakap ni Roman.“(Papà, la prossima volta non andare da nessuna parte. Mi preoccupo troppo.)” (Dad, next time don’t go anywhere. I worry too much.) seryosong sabi ni Roman, bahagyang nakakunot ang noo habang hinarap ang kanyang ama.Si Mr. Zahir, ngayon ay nasa edad na seventy-three, ay ha
“Ma’am Isabelle, hindi ba kayo kakain?” muling tanong ni Manang Ising, nakasilip mula sa may pinto ng kuwarto nila ni Leon.Sa kanila na ito ngayon tumutuloy mula nang umalis si Leon, para may makasama siya sa bahay at hindi tuluyang lamunin ng katahimikan ang gabi.Pasado alas otso na, at para kay Isabelle, parang lalo lang bumabagal ang pag-ikot ng oras kapag wala ang asawa niya. Ang bawat minuto ay parang oras, at ang bawat gabi ay parang walang katapusang paghihintay. Inuubos niya ang oras sa Ojt, school at sa pagtatanim ng halaman sa harapan. “Ma’am?” tawag ulit ng matanda.Umiling siya, pinilit magpakawala ng maliit na ngiti habang nakatutok sa laptop at sa mga pahina ng thesis na pilit niyang tinatapos. “Mamaya na ho, baka tumawag si Leon…”“Ma’am, bilin ni Sir—kumain kayo sa tamang oras. Gusto n’yo ba dalhan ko na lang kayo dito?”Umiling muli si Isabelle, mahina pero mariin. “Huwag na ho, Manang Ising. Ako na ang bahala sa sarili ko.”“Ma’am…” may pag-aalangan pa rin sa tini
Iyak nang iyak si Isabelle habang yakap-yakap ang asawa. Ayaw niyang bumitaw, parang kung kakalas siya ay baka tuluyan na itong mawala sa piling niya.Dalawang linggo na rin ang lumipas mula nang makalabas siya ng ospital. Sa mga panahong iyon, hindi siya pinayagang lumabas ni Leon. Hands on ito sa lahat—pag-aalaga sa kaniya, kay Shann, at maging kay Mama Ana. Hindi na niya maintindihan kung papaano nahahati ng asawa ang sarili araw-araw, pero ang alam niya lang, hindi siya pinapabayaan nito.Pasalamat siya dahil mali ang tingin niya noon. Buong akala niya, isang walang patutunguhang lalaki ang napasagot niya—isang sanggano lang na walang maipagmamalaki. Pero mali siya. Iyon pala, mas marami itong kayang gawin kaysa sa inaakala niya. Hindi man nakaupo sa loob ng opisina gaya ng iba, pero madiskarte si Leon. Marunong sa lupa, sa pagtatanim, at lahat ng bagay na napapakinabangan.Binibenta nito ang mga tanim na gulay sa Z’ Oasis Hotel and Casino. Noon lang niya nalaman na si Leon pala a