Damang-dama ang tensyon sa loob ng VIP room ng Z’ Oasis Hotel and Casino. Hindi pa nakakalipas ang kinse minuto mula nang mag-umpisa ang Texas Hold’em poker, ngunit ang mga pusta ay umabot na sa milyon. Ang mga manlalaro ay nagmumula sa iba't ibang antas ng buhay, at ang bawat hakbang ay may kasamang pagtaya ng kanilang kapalaran.
Umalingaw-ngaw ang malakas na tawa ni Madam Claudia habang kinukuha ang mga chips sa gitna. Bagamat unang panalo pa lamang, tila ba alam na niya ang magiging resulta. Hindi rin kataka-taka—sa anim na manlalaro, hindi bababa sa kalahating milyon ang pusta, kasama na si Melinda Caballero.
“Mukhang hindi mo araw uli, Melinda,” biro ni Claudia kay Melinda, na tila ba nauubos na ang chips sa harap nito.
Halos kalahating milyon ang ipinusta ni Melinda, at sa takbo ng laro, mukhang mauubos ito sa loob ng maikling panahon.
Napaismid si Melinda habang nakatingin sa chips niya na nasa tapat na ngayon ni Madam Claudia. Halos kalahating milyon din ang ipinusta niya, at wala pa man kalahating oras mukhang mauubos kaagad iyon, nang ganoon-ganoon lang.
Hindi puwede!
Kailangan niyang manalo ngayon kung hindi ay hindi niya mababayaran ang ilang milyon na inutang niya sa may-ari ng Z’ Oasis Hotel and Casino nung nakaraan niyang laro. Nasa twenty million din ang nahiram niya. Hindi rin naman siya pupuwedeng kumuha na lang sa joint account nilang mag-asawa dahil mahahalata nito ang malaking gastos niya.
Pumikit siya at huminga nang malalim.
Hindi siya puwedeng magpadala sa inis niya, baka tuluyan masira ang mood niya sa paglalaro.
Kapagkuwan dumilat siya at ngumiti na may mapanglaro sa labi.
“Kumabig ka lang nang kaunti, Claudia, masaya ka na kaagad? Well, I’m not surprised at all. Kung hindi ka lang naman nagpakasal sa matandang si Don Miguel, I don’t think makahahawak ka ng isang libo at makakapunta sa ganitong lugar.”
Namula ang mukha ni Claudia sa pagkakarinig ng mga tawanan sa lamesa.
Totoo na pumayag siyang magpakasal kay Don Miguel dahil sa yaman nito. Dati siyang nagtatrabaho bilang server sa isang club sa Manila, at ang pagkakataong ito na handang pakasalan siya ay kahit matanda, papatusin niya basta't may pera.
Huminga siya nang malalim para pigilan ang inis kay Melinda.
Matagal na siyang asar sa babae dahil napakayabang nito. Kung tutuusin ay pareho lang naman sila na pera lang ang habol sa mga lalaki. Ang kaibahan lang niya, mas matanda lang ang nakuha niya kumpara kay Melinda.
"Of course! Maliit man o malaki, ang importante ay panalo pa rin. Hindi naman kailangan banggitin ang pagpapakasal ko kay Miguel para inisin ako, Melinda. Well, kung sa ikakasaya mo ay okay lang! Pero ang tanong ngayon, may pang-pusta ka pa ba?" Her teasing tone relished the impending victory.
Melinda raised her head and smiled proudly.
"Of course, I have a lot! What do you think we're doing here? Coming without money? Remember, you're the only one without a VIP and black cards. Be glad, Claudia, because you could enter the VIP room because of Miguel’s card!"
Pigil na pigil ang inis ni Claudia.
Mayabang pa rin si Melinda kahit natatalo na!
"That's nice, Melinda. At least hindi naman sayang ang ayos ko ngayong gabi para lang matalo."
Nagpakawala si Claudia ng malakas na halakhak habang naghihintay sa tatlong card na siyang magpapasya sa kanilang kapalaran.
Ngumiti lang si Melinda kahit ang totoo ay may kaba sa dibdib niya.
Papaano nga kung matalo siya?
Huminga siya nang malalim habang pinipintahan ang card niya kapagkuwan ay napangiti siya.
Straight Flush spade ang hawak niya.
Ewan na lang niya kung makatatawa pa si Claudia nang malakas sa hawak niyang baraha. Kinuha niya ang mga chips na nagkakahalaga ng isang milyon at inilagay sa gitnang lamesa bilang pusta niya.
Kung mananalo siya, mababawi niya ang kalahating milyon kay Claudia at may panalo pa siya.
“Mukhang maganda ang card mo, Melinda.”
Ngumiti lang si Melinda na hindi nagkomento sa sinabi ni Claudia.
Nang isa-isa ng ibinaba ang baraha, alam ni Melinda na mananalo na siya.
Kumuha rin ng isang milyon si Claudia habang nakangiti sa kaniya.
Ibinaba na niya ang baraha na hawak niya.
“Straight flush spade,” wika ni Melinda habang nakangiti kay Claudia.
Nagkibit-balikat lang ito sa kaniya na binaba rin ang card na hawak nito.
“Royal flush diamond!” Kumindat pa si Claudia sa kaniya na may ngiti na pagkapanalo.
Papaano na natalo ang card niya?
Huminga siya nang malalim at pilit na labanan ni Melinda ang emosyon para lang hindi makita ni Claudia ang panghihinayang niya.
Nakangiti lang siya habang patuloy sa paglalaro ng poker. Sa tuwing pakiramdam niya na mananalo na ang card na hawak niya ay siya naman natatalo ni Claudia.
“Paano ba ‘yan, Melinda, panalo ulit ako,” masayang-masaya si Claudia habang ang mga chips sa harapan nito ay parami nang parami.
Kahit malamig ang buga ng aircon ay para bang pinagpapawisan siya sa sobrang kaba. Limang milyon ang dala niya at ilang beses na siyang natatalo. At kung magpapatuloy iyon, papaano niya ipapaliwanag sa asawa ang pera na nawawala sa account nila?
“Melinda, I guess you change your money at the cage cashier if you still have any,” mapang-uyam ni Claudia habang nakatingin sa limang daang libo na naiwan sa lamesa niya. "Habang nakatitig ako sa chips mo, parang sinabi nila na kunin ko sila mula sa’yo!" Nagpakawala pa nang malakas na halakhak si Claudia.
“Huwag kang magpakasaya, Claudia, hindi pa naman gaano kalaki ang nakabig mo! Wala pa tayo sa exciting part.”
Isang halakhak ang pinakawalan ni Claudia. “Akala ko nga nasa ending part na tayo, Mareng Melinda.”
Napaikot na lang ang mata ni Melinda sa ginawang pagtawag sa kaniya ni Claudia. Gustong-gusto na niyang barahin ito, kung kailan pa sila naging magkumare? Sa pagkakaalam niya ay wala siyang naging inaanak sa mga anak nito.
The Z’ Oasis VIP room was a cauldron of tension. The plush velvet chairs seemed to swallow the players, their eyes darting between the cards and each other. Claudia’s voice, dripping with sarcasm, cut through the air like a blade. The dim lighting cast elongated shadows on the green felt table, emphasizing the high stakes. The other players leaned in, their expressions mixing curiosity and greed.
Melinda’s knuckles tightened around her remaining chips. Her eyes sparkled as she placed five hundred thousand pesos in the center of her last money.
Win or lose, she couldn't bear the thought of becoming the laughingstock among her friends.
Pikit-mata habang hinihiling niya na sana maganda ang makuha niyang card. Last money na niya iyon. At kung matatalo siya, mas lalo siyang pagtatawanan ni Claudia. Ang laro na ito ay hindi na tungkol sa pera at pusta. Kung hindi dignidad at pangalan na ang nakataya sa kaniya.
As the cards turned, fate wavered. But when the final card hit the table, Melinda’s heart sank. She lost in Texas Hold’em poker. Her hard-earned money vanished in an instant. The weight of defeat settled heavily upon her. Papaano niya ipapaliwanag kay Lucio na natalo siya sa sugal?
Unfazed by her victory, Madam Claudia continued chatting with the other players, her nonchalance starkly contrasting Melinda's heavy heart.
Huminga nang malalim si Melinda at lumingon-lingon sa paligid kapagkuwan ay napangiti.
“Excuse me,” wika niya na tumayo sa upuan.
“Oh, Melinda, where are you going to?” tanong ni Claudia na kunwari ba nagulat.
Ngumiti siya. "I'll trade more chips so we can play more.”
Bago pa siya makasagot si Claudia, taas-noo na naglakad siya palapit sa lalaki na nakatayo sa may sulok.
“Hi, Mr. Morales,” bati niya sa manager ng Z’ Oasis Hotel and Casino.
Ngumiti lang ito sa kaniya.
“Hmm… can I talk to you privately?”
Tumango ito at tumalikod kaya sumunod na siya. Humantong sila sa opisina nito at pumasok sa loob.
“Have a seat, Mrs. Caballero.”
Umupo siya sa visitors chair at hindi na nagpaligoy-ligoy pa. “I need money at least fifteen million.”
“A fifteen million?”
“Yes.”
Nakatingin lang siya nang may tinawagan ito na kung sino. Basta narinig niya ay um-okay si Mr. Morales kaya pinigil niya ang ngiti.
“Mr. Mallari gave an instruction.”
“And?”
“He said we will give you more than you want. However, you need to pay in one week.”
“One week?” gulat niyang tanong.
Tumango si Mr. Morales at sumenyas sa isang lalaki na nakatayo sa tabi ng pinto. Pumasok iyon sa isang silid at kapagkuwan ay lumabas din kaagad na may dala ng isang itim na attaché case.
"Open it," utos ni Mr. Morales sa lalaki na kaagad din naman na sumunod. Binuksan nito ang hawak na attaché case na may limpak-limpak na pera.
Parang nanlaki ang mga mata ni Melinda sa nakita.
Kung mananalo naman siya ngayon ay mababayaran niya naman ito, pati na rin ang mga hiniram niya noong nakaraan pa na Linggo. Pero, kung matalo siya mas lalaki ang pagkakautang niya? Kung hindi naman din siya babalik doon, iisipin ni Claudia na wala siyang pera at iyon ang ayaw niyang mangyari?
“Can you tell Mr. Mallari to give me one month to return his money with interest?”
“Hindi ko maipapangako, Mrs. Caballero, kung mapagbibigyan ‘yang hiling mo. However, I will give you a way. Makukuha mo ang higit na fifteen million kung magagawa mo ang sasabihin ko. Wala ka ng magiging utang kay Mr. Mallari at ang pera na ibibigay ko sa’yo ngayon ay magiging sa’yo na.”
Umahon ang interest ni Melinda sa narinig. Ang utang niya na aabot na ata sa fifty million kasama ang hinihiram niya kung sakali.
“A-anong…” Napalunok siya at napahinga nang malalim. Basta pera umaahon ang interest niya. “Anong opsyon ang maaari mong ibigay?”
“Kilala mo ba ang mga Montenegro?”
Kumunot ang noo ni Melinda sa narinig.
Sino ba ang hindi sa bayan nila ang nakakakilala sa mga Montenegro?
Kahit matagal na ang panahon at iilan lang ang nakakaalam ng totoo ay hindi pa rin niya iyon nakakalimutan ang naging kuwentuhan sa bayan nila.
Pero, ano naman ang kinalaman ng mga Montenegro sa opsyon nito?
Nakatingin lang si Mr. Morales sa kaniya na tila bang hinihintay nito ang sagot niya.
Huminga siya nang malalim at pilit na pinapakalma ang sarili. “Hindi ko personal na kilala ang mga Montenegro pero alam ko ang naging usap-usapan sa bayan na ‘to tungkol sa pamilya nila dati.”
Tumango-tango si Mr. Morales at tinitigan siya na tila bang tinitimbang nito kung sasabihin ba sa kaniya ang dapat niyang gawin o hindi?
Kanina pa paulit-ulit na tinatawagan ni Leon si Isabelle, pero puro mahabang ring lang ang isinasagot ng linya bago tuluyang maputol.Kakarating lang niya mula ospital at ngayon lang niya nahawakan ang cellphone—naiwan niya kasi ito sa drawer ng silid kanina. Hindi na rin niya nagawang utusan sino man sa tauhan niya dahil ang mga mata ni Roman ay hindi nito inaalis sa kanila. Tila ba, may pagdududa ito. Agad siyang sumulyap sa screen. Walang bagong notification. Walang reply sa alinman sa mga naunang message niya. Ni “seen” wala. Muli siyang nagpadala ng message. 'Mahal, anong ginagawa mo? Busy ka ba?' Ilang sandali pa siyang naghintay ngunit katulad kanina ay wala pa rin itong reply. Napakunot ang noo niya. This isn’t normal. Hindi kailanman ginawa ni Isabelle na balewalain siya nang ganito kahit gaano ito ka-busy. Kahit na nasa OJT ito ay nakakapag-message naman ito sa kaniya. Usually, paggising pa lang niya ay may bungad nang mensahe ito—minsan simpleng good morning, minsan s
Nagising si Isabelle na mabigat ang ulo, parang may nakadagan sa dibdib niya. Holiday at long weekend naman kaya gusto niyang magkulong sa kuwarto, matulog nang matulog hanggang makalimutan niya ang lahat. Ewan, pero nakakaramdam siya ng tampo sa asawa. “Ate, Ate!” masiglang tawag ni Shann mula sa labas ng kuwarto nila ni Leon. Sunod-sunod na katok ang umalingawngaw. “Ate, gising na. ’Di ba sabi mo, pupunta tayo sa ospital at maghapon tayong magbabantay…” Napangiwi si Isabelle at agad hinila ang unan para itakip sa mukha. Gusto niyang magbingi-bingihan, gusto niyang magpanggap na tulog pa siya. Tinatamad siyang bumangon at lumabas. “Ate…” muling katok ni Shann, mas banayad pero nananabik pa rin. Humugot ng malalim na hininga si Isabelle. Ngunit bago pa siya makasagot, narinig niya ang boses ni Cosme mula sa labas. “Shann, sa tingin ko, tulog pa ate mo. Sumama ka na lang sa akin.” Napapikit si Isabelle at nakiramdam, naghintay ng sagot ng kapatid. “Pero… papaa
Natulala na lang si Isabelle nang tuluyang mawala sa kanilang linya si Leon. Hindi niya maintindihan kung bakit, sa tuwing tatawag ito sa kaniya ay may halong pagmamadali at tila walang oras para makinig. At kapag siya naman ang tumatawag, madalas hindi nito sinasagot—laging nakapatay ang cellphone, laging may idinadahilan. “Naiwan ko,” O, 'di kaya “lowbat.” Paulit-ulit na dahilan at parang nakakasawa ang ganoong palusot nito. Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago marahang inilapag ang cellphone sa nightstand. Sa katahimikan ng silid, tanging ang mabilis at hindi mapakaling tibok ng puso niya ang maririnig.“Leon… ano ba talaga ang problema?” bulong niya, halos pumikit na ang tinig.Humiga siya at hinila ang isang unan kung saan isinuksok niya ang puting polo ng asawa—ang damit na madalas nitong suotin kapag nasa bahay. Idinikit niya ang mukha roon, mariing pumikit na para bang kaya nitong ibalik ang init ng mga yakap ni Leon.Amoy niya pa rin ang pinaghalon
“(Grazie a Dio! Sei vivo, nipote mio.)” (Thank God! You’re alive, my nephew.) Mahigpit ang yakap ni Roman nang sa wakas ay makita si Mr. Z.Halos mangilid ang luha sa mga mata niya nang bumitiw siya mula sa pagkakayakap. Ngunit si Mr. Z ay nanatiling walang reaksyon, malamig ang tingin habang nakatuon lamang sa Uncle Roman niya.Pagkatapos, agad lumipat ang atensyon ni Roman kay Maxine, na nasa likuran, nakaalalay sa ama nitong si Zahir.“(Oh, signorina Graziano. Sono felice di vederti ancora al fianco di mio nipote, a prenderti cura di lui.)” (Oh, Ms. Graziano. I’m glad to see you still by my nephew’s side, taking care of him.)Nagulat si Maxine, ngunit nagpakita ng magaan na ngiti at tinanggap ang yakap ni Roman.“(Papà, la prossima volta non andare da nessuna parte. Mi preoccupo troppo.)” (Dad, next time don’t go anywhere. I worry too much.) seryosong sabi ni Roman, bahagyang nakakunot ang noo habang hinarap ang kanyang ama.Si Mr. Zahir, ngayon ay nasa edad na seventy-three, ay ha
“Ma’am Isabelle, hindi ba kayo kakain?” muling tanong ni Manang Ising, nakasilip mula sa may pinto ng kuwarto nila ni Leon.Sa kanila na ito ngayon tumutuloy mula nang umalis si Leon, para may makasama siya sa bahay at hindi tuluyang lamunin ng katahimikan ang gabi.Pasado alas otso na, at para kay Isabelle, parang lalo lang bumabagal ang pag-ikot ng oras kapag wala ang asawa niya. Ang bawat minuto ay parang oras, at ang bawat gabi ay parang walang katapusang paghihintay. Inuubos niya ang oras sa Ojt, school at sa pagtatanim ng halaman sa harapan. “Ma’am?” tawag ulit ng matanda.Umiling siya, pinilit magpakawala ng maliit na ngiti habang nakatutok sa laptop at sa mga pahina ng thesis na pilit niyang tinatapos. “Mamaya na ho, baka tumawag si Leon…”“Ma’am, bilin ni Sir—kumain kayo sa tamang oras. Gusto n’yo ba dalhan ko na lang kayo dito?”Umiling muli si Isabelle, mahina pero mariin. “Huwag na ho, Manang Ising. Ako na ang bahala sa sarili ko.”“Ma’am…” may pag-aalangan pa rin sa tini
Iyak nang iyak si Isabelle habang yakap-yakap ang asawa. Ayaw niyang bumitaw, parang kung kakalas siya ay baka tuluyan na itong mawala sa piling niya.Dalawang linggo na rin ang lumipas mula nang makalabas siya ng ospital. Sa mga panahong iyon, hindi siya pinayagang lumabas ni Leon. Hands on ito sa lahat—pag-aalaga sa kaniya, kay Shann, at maging kay Mama Ana. Hindi na niya maintindihan kung papaano nahahati ng asawa ang sarili araw-araw, pero ang alam niya lang, hindi siya pinapabayaan nito.Pasalamat siya dahil mali ang tingin niya noon. Buong akala niya, isang walang patutunguhang lalaki ang napasagot niya—isang sanggano lang na walang maipagmamalaki. Pero mali siya. Iyon pala, mas marami itong kayang gawin kaysa sa inaakala niya. Hindi man nakaupo sa loob ng opisina gaya ng iba, pero madiskarte si Leon. Marunong sa lupa, sa pagtatanim, at lahat ng bagay na napapakinabangan.Binibenta nito ang mga tanim na gulay sa Z’ Oasis Hotel and Casino. Noon lang niya nalaman na si Leon pala a