Sa labas ng Intensive Care Unit (ICU), naghihintay si Isabelle nang may pag-aalala at pagkabahala. Ang kaniyang mga mata ay puno ng luha, at ang kaniyang dibdib ay nag-aalab sa kaba.
Lumabas na ang mga resulta sa ginawang mga test sa mama niya, at ito ay nagpapatunay na kailangan nang operahan ito sa lalong madaling panahon.
Subalit ang perang kailangan niya ay hindi pa rin nasosolusyunan. Walang malinaw na pag-asa na binigay ang Z Legacy Foundation sa kaniya kaya hindi niya rin iyon puwedeng asahan. Kung saan niya kukunin ang ganoong halaga ay hindi pa niya alam.
“Ate,” mahinang tawag ni Shann sa kaniya.
Kaagad niyang niyakap ang kapatid para doon umamot ng kaunting lakas. Pakiramdam niya, hindi na niya kaya ang ganitong sitwasyon.
“Ayos ka lang ba, ate?”
“Oo, ayos lang si ate, Shann.” Halos wala nang boses ang lumalabas sa kaniyang bibig dahil mula pa kanina ay umiiyak na siya.
Tila naman naramdaman ng kapatid niya ang bigat na nararamdaman niya kaya hindi na ito nagtanong pa ng kung ano-ano. Magkayakap lang silang dalawa sa labas ng ICU. Dalawang beses lang puwedeng dumalaw sila sa mama nila habang nasa ICU pa ito. Si Shann naman ay hindi puwedeng pumasok sa loob dahil bata pa ito. Wala rin naman siyang mapag-iwanan sa kapatid niya dahil silang tatlo lang naman ang magkakasama.
Nasa ganoong ayos sila nang may marinig siyang pagtawag sa pangalan niya.
“Isay!”
Kaagad siyang napalingon sa pinanggalingan ng boses.
Wendy? Napakunot-noo siya ng makita niya na humahangos na tumatakbo ito papunta sa kaniya.
Papaanong nandito na sa Bataraza ang kaibigan niya?
Napabitiw siya mula sa pagkakayakap niya kay Shann at tumayo para salubungin si Wendy.
“Wendy, pa-paano mo nalaman na… na nandito—"
“Ano ka ba naman, Isay!” hindi na iyon patanong kung hindi pagalit na sigaw nito sa kaniya. “May balak ka bang sabihin sa ‘kin ang tungkol dito?” may halong pagtatampo na wika nito sa kaniya.
Nagsimula na rin mangilid ang mga luha sa mata nito ng yakapin silang dalawa ni Shann. Kahit man siya ay parang naiiyak na rin.
“Akala ko ba mag-best friend tayo? Bakit hindi mo man lang ako tinawagan na ganito na pala ang nangyari kay Ninang?” tanong nito sa kaniya matapos siyang yakapin. Si Shann ay nakatingin lang sa kanila ni Wendy.
Si Wendy Valdez ang kaisa-isa niyang kaibigan at naging magkaklase sila sa simula noong elementarya hanggang high school. Noong nag-college sila nagkahiwalay ng eskwelahan dahil mas pinili nitong sundan ang yapak ng lolo nito na doktor kaya sa Manila na ito nag-aral, habang siya naman ay mas pinili sa Eagle State University dahil sa scholarship na natanggap niya mula sa Craig’s Hope Scholarship Program. Kahit gusto niya rin mag-doktor ay isinangtabi niya ang pangarap niya.
“Hindi… hindi ko na rin kasi alam kung ano…” Hindi niya makumpleto ang sasabihin dahil nagsisimula na naman manginig at gumaralgal ang boses niya.
Hinawakan ni Wendy ang balikat niya at bumaba iyon sa likod niya para aluhin siya. Hinayaan lang siya nito na umiyak nang umiyak.
“P-papaano mo pala nalaman ang nangyari kay mama?” Kapagkuwan na tanong niya.
“Kay Brandon.”
Kumunot ang noo niya. “Sinong Brandon?”
“What? Hindi mo kilala si Brandon, seriously, Beb?”
Umiling siya. “Hindi nga—”
“Oh, my G!” Napatakip pa ng bibig si Wendy na tila bang may mali siyang naisagot. “You’re kidding me, right?”
Umiling siya. “Hindi ko nga kilala—”
“Oh, my G!” Pigil na pigil ang palirit nito. Hinawakan pa ni Wendy ang dalawa niyang kamay at tinititigan siya sa mga mata na tila bang inaaarok nito kung nagsasabi siya ng totoo. “Totoo ba ‘yan?”
“Hindi ko nga—”
Muli na naman na titili sana ito na kaagad niyang pinigilan. Tinakpan niya ang bibig nito para hindi kumawala ang ingay nito. Nakakahiya dahil nasa ospital sila.
“Shhh… Ano ka ba? Mapapagalitan tayo sa ginagawa mo,” saway niya sa kaibigan. Inalis na rin niya ang kamay sa bibig nito. Pasalamat na lang siya dahil walang gaanong tao na naroon sa gawi nila. “At puwede ba patapusin mo muna ang mga sinasabi ko! Tili ka nang tili, diyan!”
“Sorry naman, ikaw kasi eh! Parang may amnesia lang. Papaano mo nakalimutan ang ganoong itsura ni Brandon?”
“At bakit ako? Hindi ko nga kilala ‘yang tinutukoy mo!”
Wendy's breath hitched as her gaze swept over her.
"Remember, Isabelle," she began, her voice tinged with nostalgia. "The guy next door of mine in Alexandra Groove Heights. He was more than just a neighbor; he was a walking contradiction—a blend of rugged masculinity and boyish charm. His abs, sculpted like a Greek god's, peeked out from beneath his well-fitted shirts, and those dimples were like little secrets etched into his cheeks, waiting to be discovered. But it wasn't just his looks that intrigued me; it was how he carried himself. His confident stride and the way he held eye contact all screamed charisma. Iyong may brace na medyo makapal ang kilay na mala-Jeron Ramirez.” Pagtukoy pa ni Wendy sa sikat na artista.
Kumunot ang noo niya sa pagpapaliwanag nito.
“Care to explain? Sino nga ‘yon? Panay na lang ang Brandon mo. Hindi ko matandaan dahil, ilang taon na rin naman na wala ako roon.”
“Si Brandon! iyong kaibigan natin noon! The team captain sa Veritas Montessori Academy. At iyong gifted. Iyong malaki at you know….”
Isabelle’s confusion deepened. “What do you mean, ‘you know’?”
Ngumunguso-nguso pa ang kaibigan niya na para bang may gustong ipahiwatig. “Duh! Iyong daks! Seriously, Beb, where are your memories?” Wendy teased.
Natahimik siya at pilit na hinahagilap sa isip niya ang Brandon na tinutukoy nito. Bukod kay Wendy, wala na siyang iba pang naging kaibigan pa.
Sa Eagle State University naman ay bibihira rin siya nakikipag-usap sa mga kaklase niya dahil busy siya. Working student siya at the same time, may grades siya na kailangan i-maintain para sa scholarship niya. Kaya pati pakikipagkaibigan ay hindi na niya masyadong napagtuunan, tapos, introvert pa siya. So, ang ending school-bahay-coffee shop lang ang naging routine niya.
“Hindi ko talaga matandaan, Beb,” wika niya kapagkuwan na dumaan ang ilang sandali. “Alam mo naman, bukod sa’yo wala naman akong naging kaibigan sa VMA hindi ba?”
Napatapik si Wendy sa kaniyang noo at umiling-iling na para bang na-disappointed ito.
Huminga pa ito nang malalim at naniningkit ang mga mata. “Remember, Jarry? Iyong sa gilid ng mansion niyo nakatira? Iyong may kuya na guwapo na chinito. Iyong crush ko, remember?”
“Jarry Quijano? Iyong kuya niya si Kuya Jinx.”
“Oo, si Jarry! Hindi ba, may kaibigan iyon na kapitbahay ko, iyong pumunta sa States, si Brandon nga! Iyong machubis dati. Tapos, naging kaklase natin noong second year, iyong naging team captain.”
“Machubis…”
“Iyong mataba! Iyong nangaroling tayo nun na hinabol ng aso dahil bukas pala ang gate ni Mrs. Laxamana—”
“Ah, si Luis!”
“Luis?” takang tanong nito. “Hindi ba, Brandon ang pangalan nun?”
“Brandon Luis, kasi ang buong pangalan nun. So, papaano naman niya nalaman ang tungkol kay mama?”
“Eh, kasi, nagkita kami kahapon sa village, kauuwi lang daw niya galing States, eh, ako naman umuwi muna dahil may party nga sa Sabado.”
“O, tapos?”
“Tapos, ito na nga, pumunta raw siya sa bahay niyo, kaso ang atribida mong half-sister, sinabi na nag-asawa ka na! Eh, ‘di ba, may gusto iyon sa kay Brandon.”
Kumunot ang noo niya sa sinabi ni Wendy. May gusto si Willow kay Brandon? Kailan pa? Mas matanda ang kapatid niya sa ama ng anim na taon sa kanila. Possible ba na magkagusto ang isang babae sa mas bata sa edad nito?
“Hindi ko alam…”
Napalatak na lang ito sa sagot niya. “Eh, ito na nga, sakto naman na pupunta ako sa may gym kahapon nang nakasabay ko sila ni Jarry. Tapos, kinausap niya ako. Hindi ko pa nga maalala siya, dahil… grabi! Ibang-iba na siya. Guwapo na, beb. Super.”
“Type mo na agad?” tanong niya ng mapansin niya na para bang excited pa itong i-describe si Luis.
Hinampas siya nang mahina sa balikat at tumawa ito nang mahina. “Syempre, hindi no! Ano naman tingin mo sa akin? At saka loyal ako kay Jinx.”
“Kuya!” pinagdiinan niya ang salitang iyon. “Kuya Jinx. Ayaw ko na lang mag-talk.”
“Huy, grabi ka! So, anyway, ito na nga! Hinahanap ka nga niya sa akin, sabi ko, wala ka na sa inyo at sa iba ka na nakatira. Nagkuwentuhan kami tapos, gusto ka niyang makita, kaya sabi ko, nagtatrabaho ka pa sa may coffee shop na malapit sa Eagle State University. Basta, marami siyang tanong tungkol sa’yo. Feeling ko nga, may gusto iyon sa’yo. So, ayon na nga, hinihingi nga niya ang number mo, sabi ko, itatanong ko muna sa’yo, kung okay lang. Eh, kanina, tinawagan niya ako, pumunta pala sa may coffee shop at hinanap ka niya roon. May nakapagsabi na hindi ka makakapasok ngayon dahil may emergency nga raw. Kaya, tinawagan niya ako na tawagan ka raw. Hindi ka naman sumasagot sa tawag ko. Kaya, pumunta ako sa inyo, tapos, iyong kapitbahay niyo na si ano… iyong may tindahan sa tapat ng bahay niyo ang nagsabi na nandito ka.”
“Ah… Bakit naman niya ako hinahanap? At si Willow ang nakausap niya sa bahay?” nagtataka na tanong niya. Dahil ang kapatid niyang si Willow ay hindi iyon nagbubukas ng gate nila o ng pinto ng bahay nila dahil ang katwiran nito may mga katulong sila na gagawa niyon.
Umikot ang mata nito pagkarinig sa pangalan ng half-sister niya. “Kahit gaano pa katamad ang ate mo na iyon, basta si Brandon ang pinag-uusapan lalabas at lalabas iyon, no?”
“Mabait naman iyon—”
“Anong mabait? Iyang ate mo?” umiling-iling pa ng ulo si Wendy na hindi matanggap ang sinabi niya. “Eh, teka nga, ano bang balita kay Ninang?”
Napahinga siya nang malalim. “Kailangan niyang maoperahan sa mas lalong madaling panahon. Kaya lang….”
“Kaya lang ano?”
“Kaya lang tatlong milyon ang kailangan ko, hindi ko nga alam saan kukunin ang ganoong halaga.”
Hindi nakaimik si Wendy sa sinabi niya, siya naman ay nangilid uli ang mga luha sa mga mata niya.
“Sinubukan ko naman lumapit sa Z Legacy Foundation kaya lang, walang assurance kung matutulungan nila ako. Kanina, kinausap ako ni Dok Santiago, sabi kailangan maoperahan na si Mama… dahil, dahil kung hindi….” Suminghot siya at napahikbi. Itinakip na niya ang dalawang kamay sa mukha at sunod-sunod na niyang napaiyak.
“Oh, my, Isay!” Niyakap siya ni Wendy.
“Pa-paulit-ulit na sinabi ni Dok Santiago na kailangan na ni Mama na operahan siya, dahil hindi niya masasabi kung kailan tatagal si Mama kapag hindi iyon naoperahan.”
“Gusto mo ba humingi tayo ng tulong kay papa o hindi naman kay lolo?” suhestiyon ni Wendy habang nagpapahid din ito ng luha sa mata.
Naisip naman niya na lumapit sa mga Valdez kaso, ang tatlong milyon na kailangan niya ay masyadong malaki. Kahit pa na mayaman ang mga ito, impossible na pahiramin siya ng mga ito ng ganoon kalaki.
“O, kaya, lumapit ka kay Ninong Lucio,” muling suhestiyon nito sa kaniya. “Siguro naman pahihiramin ka ng papa mo, para hindi mo na iisipin ang babayaran mo pagkatapos ng operasyon.”
Natigil siya sa pag-iyak at napatingin kay Wendy.
Tama, sa Papa Lucio na lang niya, siya manghihiram ng pang opera sa mama niya. Hindi naman siguro siya pagdadamutan nito. Sa loob ng limang taon ngayon lang siya ulit lalapit sa ama.
Kanina pa paulit-ulit na tinatawagan ni Leon si Isabelle, pero puro mahabang ring lang ang isinasagot ng linya bago tuluyang maputol.Kakarating lang niya mula ospital at ngayon lang niya nahawakan ang cellphone—naiwan niya kasi ito sa drawer ng silid kanina. Hindi na rin niya nagawang utusan sino man sa tauhan niya dahil ang mga mata ni Roman ay hindi nito inaalis sa kanila. Tila ba, may pagdududa ito. Agad siyang sumulyap sa screen. Walang bagong notification. Walang reply sa alinman sa mga naunang message niya. Ni “seen” wala. Muli siyang nagpadala ng message. 'Mahal, anong ginagawa mo? Busy ka ba?' Ilang sandali pa siyang naghintay ngunit katulad kanina ay wala pa rin itong reply. Napakunot ang noo niya. This isn’t normal. Hindi kailanman ginawa ni Isabelle na balewalain siya nang ganito kahit gaano ito ka-busy. Kahit na nasa OJT ito ay nakakapag-message naman ito sa kaniya. Usually, paggising pa lang niya ay may bungad nang mensahe ito—minsan simpleng good morning, minsan s
Nagising si Isabelle na mabigat ang ulo, parang may nakadagan sa dibdib niya. Holiday at long weekend naman kaya gusto niyang magkulong sa kuwarto, matulog nang matulog hanggang makalimutan niya ang lahat. Ewan, pero nakakaramdam siya ng tampo sa asawa. “Ate, Ate!” masiglang tawag ni Shann mula sa labas ng kuwarto nila ni Leon. Sunod-sunod na katok ang umalingawngaw. “Ate, gising na. ’Di ba sabi mo, pupunta tayo sa ospital at maghapon tayong magbabantay…” Napangiwi si Isabelle at agad hinila ang unan para itakip sa mukha. Gusto niyang magbingi-bingihan, gusto niyang magpanggap na tulog pa siya. Tinatamad siyang bumangon at lumabas. “Ate…” muling katok ni Shann, mas banayad pero nananabik pa rin. Humugot ng malalim na hininga si Isabelle. Ngunit bago pa siya makasagot, narinig niya ang boses ni Cosme mula sa labas. “Shann, sa tingin ko, tulog pa ate mo. Sumama ka na lang sa akin.” Napapikit si Isabelle at nakiramdam, naghintay ng sagot ng kapatid. “Pero… papaa
Natulala na lang si Isabelle nang tuluyang mawala sa kanilang linya si Leon. Hindi niya maintindihan kung bakit, sa tuwing tatawag ito sa kaniya ay may halong pagmamadali at tila walang oras para makinig. At kapag siya naman ang tumatawag, madalas hindi nito sinasagot—laging nakapatay ang cellphone, laging may idinadahilan. “Naiwan ko,” O, 'di kaya “lowbat.” Paulit-ulit na dahilan at parang nakakasawa ang ganoong palusot nito. Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago marahang inilapag ang cellphone sa nightstand. Sa katahimikan ng silid, tanging ang mabilis at hindi mapakaling tibok ng puso niya ang maririnig.“Leon… ano ba talaga ang problema?” bulong niya, halos pumikit na ang tinig.Humiga siya at hinila ang isang unan kung saan isinuksok niya ang puting polo ng asawa—ang damit na madalas nitong suotin kapag nasa bahay. Idinikit niya ang mukha roon, mariing pumikit na para bang kaya nitong ibalik ang init ng mga yakap ni Leon.Amoy niya pa rin ang pinaghalon
“(Grazie a Dio! Sei vivo, nipote mio.)” (Thank God! You’re alive, my nephew.) Mahigpit ang yakap ni Roman nang sa wakas ay makita si Mr. Z.Halos mangilid ang luha sa mga mata niya nang bumitiw siya mula sa pagkakayakap. Ngunit si Mr. Z ay nanatiling walang reaksyon, malamig ang tingin habang nakatuon lamang sa Uncle Roman niya.Pagkatapos, agad lumipat ang atensyon ni Roman kay Maxine, na nasa likuran, nakaalalay sa ama nitong si Zahir.“(Oh, signorina Graziano. Sono felice di vederti ancora al fianco di mio nipote, a prenderti cura di lui.)” (Oh, Ms. Graziano. I’m glad to see you still by my nephew’s side, taking care of him.)Nagulat si Maxine, ngunit nagpakita ng magaan na ngiti at tinanggap ang yakap ni Roman.“(Papà, la prossima volta non andare da nessuna parte. Mi preoccupo troppo.)” (Dad, next time don’t go anywhere. I worry too much.) seryosong sabi ni Roman, bahagyang nakakunot ang noo habang hinarap ang kanyang ama.Si Mr. Zahir, ngayon ay nasa edad na seventy-three, ay ha
“Ma’am Isabelle, hindi ba kayo kakain?” muling tanong ni Manang Ising, nakasilip mula sa may pinto ng kuwarto nila ni Leon.Sa kanila na ito ngayon tumutuloy mula nang umalis si Leon, para may makasama siya sa bahay at hindi tuluyang lamunin ng katahimikan ang gabi.Pasado alas otso na, at para kay Isabelle, parang lalo lang bumabagal ang pag-ikot ng oras kapag wala ang asawa niya. Ang bawat minuto ay parang oras, at ang bawat gabi ay parang walang katapusang paghihintay. Inuubos niya ang oras sa Ojt, school at sa pagtatanim ng halaman sa harapan. “Ma’am?” tawag ulit ng matanda.Umiling siya, pinilit magpakawala ng maliit na ngiti habang nakatutok sa laptop at sa mga pahina ng thesis na pilit niyang tinatapos. “Mamaya na ho, baka tumawag si Leon…”“Ma’am, bilin ni Sir—kumain kayo sa tamang oras. Gusto n’yo ba dalhan ko na lang kayo dito?”Umiling muli si Isabelle, mahina pero mariin. “Huwag na ho, Manang Ising. Ako na ang bahala sa sarili ko.”“Ma’am…” may pag-aalangan pa rin sa tini
Iyak nang iyak si Isabelle habang yakap-yakap ang asawa. Ayaw niyang bumitaw, parang kung kakalas siya ay baka tuluyan na itong mawala sa piling niya.Dalawang linggo na rin ang lumipas mula nang makalabas siya ng ospital. Sa mga panahong iyon, hindi siya pinayagang lumabas ni Leon. Hands on ito sa lahat—pag-aalaga sa kaniya, kay Shann, at maging kay Mama Ana. Hindi na niya maintindihan kung papaano nahahati ng asawa ang sarili araw-araw, pero ang alam niya lang, hindi siya pinapabayaan nito.Pasalamat siya dahil mali ang tingin niya noon. Buong akala niya, isang walang patutunguhang lalaki ang napasagot niya—isang sanggano lang na walang maipagmamalaki. Pero mali siya. Iyon pala, mas marami itong kayang gawin kaysa sa inaakala niya. Hindi man nakaupo sa loob ng opisina gaya ng iba, pero madiskarte si Leon. Marunong sa lupa, sa pagtatanim, at lahat ng bagay na napapakinabangan.Binibenta nito ang mga tanim na gulay sa Z’ Oasis Hotel and Casino. Noon lang niya nalaman na si Leon pala a