Share

KABANATA 5

Author: Mhiekyezha
last update Last Updated: 2025-05-14 10:27:45

Hindi pa man nakakalapit nang husto ang tricycle na sinasakyan ni Isabelle, parang gusto na niyang ipahinto. Mula kasi sa malayo, tanaw na niya ang mahabang pila sa labas ng tanggapan ng Z Legacy Foundation.

“Manong, sigurado ho ba kayo na ito ang tanggapan ng Z Legacy Foundation?” kaagad na tanong niya nang huminto ang tricycle sa tapat nito.

“Oo, ‘Neng, ganiyan talaga kahaba ang pila palagi diyan!”

“Ganoon ho ba, ito ho.” Iniabot ni Isabelle ang kaniyang bayad at bumaba na sa tricycle.

“Shann, dito ka lang, magtatanong muna ako sa guard para hindi tayo pumila nang matagal.”

“Opo, Ate Isay.”

Lumapit si Isabelle sa guard na nakatayo sa labas ng Z Legacy Foundation.

“Sir, itatanong ko lang kung dito ho ba ang Z Legacy Foundation?”

Tiningnan si Isabelle ng guard na para bang sinusuri siya nito.

“Anong pangalan mo, Ma’am?” tanong nito sa kaniya, habang tumitingin sa logbook na nasa ibabaw ng lamesa.

“Ah, Sir, hindi pa po ako nagpunta rito, ngayon pa lang.”

“Ah, ganoon ba?” Isinara ng guard ang logbook na tinitingnan kanina.

“Oho. Magtatanong lang naman ako kung ‘yong pila sa labas ay ang pila para sa Z Legacy Foundation?”

“Iyon nga ang pila. Kaso, hanggang dalawang daan lang ang ina-accommodate namin araw-araw.”

Napalunok si Isabelle. “Ang ibig sabihin ho ba ay….”

“Ang ibig kong sabihin, nahuli ka. Kahapon pa lang naibigay na namin ang dalawang daan na stub number kaya kung may stub ka, hindi ka na pipila diyan sa labas.”

“Ano ho ginagawa ng pila sa labas kung kahapon pa lang tapos na ang pila?”

“Ang mga nakapila sa labas ay mga nagbabakasakali lang.”

“Nagbabakasali po na ano?”

“Nagbabakasali na ma-accommodate sila ngayon. Hanggang alas singko kasi ng hapon ang close namin. At kung matapos nang mabilis ang mga nabigyan ng stub ay puwede pa kaming kumuha mula sa mga nakapila. Kung gusto mo, bibigyan kita ng number para bukas,” suhestiyon pa nito sa kaniya.

“Para bukas ho?”

“Oo. May stub pa naman natira ngayon. Ano kukunin mo ba?”

Tiningnan ni Isabelle ang oras sa suot niyang relo kapagkuwan ay tumango. “Sige ho.”

Alas dos pa lang ng hapon at puwede naman siya maghintay hanggang alas singko kung sakali man.

Ibinigay ng guard ang stab number sa kaniya para bukas. Nasa pang isang daan at siyamnapu’t walo siya sa pila para bukas. Kung hindi pa pala siya pumunta kaagad, baka tapos na rin ang pila para bukas. Baka ang makuha pa niyang stub ay para pa sa sunod na araw pa.

“Pasulat na lang ang pangalan mo rito.”

“Ano ho ba ang kailangan kong dalhin para bukas?”

“Bukod sa valid ID ay kailangan may dala kang ballpen, facemask, at mga reseta ng mga gamot ng pasyente o hindi naman kaya ay medical record para alam kung ano ba ang kakailanganin mo na tulong.”

“Paano ho kung kailangan ng financial assistance?”

“Bukas mo na malalaman iyon. Sa loob kasi ginagawa ang mga transaksyon at sila rin ang nakakaalam kung ano ba ang dapat gawin. Basta, ang sa’min naman dito, kailangan may dala ng mga sinabi ko. Sa loob mo na malalaman kung ano-ano ang requirements nila para sa financial assistance,” mahabang paliwanag ng guwardiya sa kaniya.

“Maraming salamat.”

Sa kabila ng pagod at pag-aalala, hindi napigilan ang kaniyang munting pag-asa na mabuhay sa puso niya. Kahit siya’y halos pang huli sa pila, may pag-asa pa rin. Ang pang isang daan at siyamnapu’t walo sa pila na ibinigay sa kaniya para bukas ay tila isang munting liwanag sa gitna ng kaniyang madilim na pinagdadaanan.

Huminga siya nang malalim.

Bukas, sa loob ng tanggapan, magkakaroon siya ng pagkakataon na malaman ang mga detalye at kung paano makakakuha ng tulong para sa kaniyang ina. Hindi niya alam kung paano bubuo ng tatlong milyong piso, pero sa pagkakataong ito, mayroong mga tao na handang makinig at tumulong.

“Isang hakbang pa lang ito, Isabelle. Huwag kang mawawalan ng pag-asa. Baka sa loob ng Z Legacy Foundation, makakamtan mo ang kinabukasan na inaasam-asam mo para sa iyong ina. Para sa tatlong milyon.”

Binalikan niya si Shann kung saan niya ito pinaghintay ngunit wala ang kapatid niya.

“Shann!” tawag niya.

“Ate!” Sumilip si Shann na nasa dulo ng pila may kausap ito na babae. Kumaway pa ito sa kaniya.

Sino ‘yon? Binilisan niya ang paglalakad niya.

Si Nurse Grace pala! Aniya ng humarap din ito sa gawi niya. Ibang-iba ito kumpara nung makita niya ito kanina sa ospital. Nakasuot ito ng pencil cut skirt na kulay brown at long sleeve na puti.

“Hi, Isay.”

“Hello, Nurse Grace.”

“Akala ko kanina namamalik-mata ako nang makita ko si Shann kaya nilapitan ko na baka kasi mawala pa ang kapatid mo.”

Tumingin siya kay Shann na iniyuko nito ang ulo.

“Sorry, Ate Isay, iniisip ko kasi na baka kailangan natin pumila kaya pumunta na ako rito.”

Ginulo niya ang buhok ni Shann. “Ayos lang, pero hindi na natin kailangan pumila.”

Kumunot ang noo ni Nurse Grace. “Bakit? Anong problema?”

“Galing na ako sa guard pero hindi na kami umabot para sa ngayon na pila. Iyong nakapila rito, ay mga nagbabakasakali na ma-assist sila ngayon.”

Sandaling tumingin si Nurse Grace kapagkuwan ay hinawakan siya sa kamay. “Sumama kayo sa’kin.”

“Huh? Saan?”

“Basta.”

Wala ng nagawa si Isabelle kung hindi ang hawakan na rin ang kamay ng kapatid niya para sumama sila kay Nurse Grace.

“Good afternoon, Ma’am—”

“Kuya, magandang hapon, ako si Nurse Grace at sila ay kamag-anak ko, ayos lang ba na isama ko na sila papasok sa’kin?”

Parang naguguluhan pa ang guwardiya na tumingin sa kanila bago muling ibinalik nito ang mga mata kay Nurse Grace kapagkuwan ay tumango.

“Salamat, Kuya Guard,” pasasalamat ni Nurse Grace at hinila na siya papasok sa loob.

Nang pumasok sila sa loob ay iniwan sila ni Nurse Grace dahil may kakausapin ito na maaaring makatulong sa kanila.

Ilang minuto pa sila naghintay ni Shann bago lumabas si Nurse Grace na may kasama ng social worker.

“Isabelle, si Ma’am Cathy, siya ang mag-a-assist sa iyo.”

Kaagad na iniabot ni Isabelle ang isang kamay niya sa social worker. “Ako ho si Isabelle Caballero. Isay na lang ho ang itawag niyo sa akin.”

“Hello, Ma’am Isabelle, ako naman si Cathy, at ako ang mag-a-assist sa iyo ngayon. Tara na, sa loob.”

Tumingin siya kay Shann bago lumingon sa social worker. “Ayos lang ho ba na isama ko ang kapatid ko—”

“Ako na muna magbabantay kay Shann, Isabelle. Sumama ka na kay Ma’am Cathy para matulungan ka na niya.”

“Ayos lang ba iyon sa’yo?” alanganin niyang tanong.

Kahit papaano ay nahihiya siya kay Nurse Grace dahil masyado ng kalabisan kung pagbabantayin pa niya ito kay Shann.

“Ano ka ba? Oo naman. Mabait naman ang kapatid mo at pupunta na lang kami sa kalapit na fast-food para maka-meryenda muna siya habang hinihintay ka namin.” Tinapik siya ni Nurse Grace sa balikat bago nito hinawakan si Shann. Mukha naman gusto ng kapatid niya rin sumama kaya marahan na tumango siya.

“S-Salamat.”

“Wala ‘yon, Isay! Mas malaki naman ang matutulong mo sa’kin,” mahina ang pagkakasabi nito pero umabot pa rin sa pandinig niya.

Anong tulong? Naguguluhan niyang tanong pero hindi na niya nagawang sabihin dahil tumalikod na si Nurse Grace na hawak ang kapatid niya.

Nasundan na lang ng tingin ni Isabelle ang papalayong si Nurse Grace at ang kapatid niya. Siya naman ay sumama kay Ma'am Cathy na siyang mag-a-assists sa kaniya.

Sumakay sila sa elevator patungo sa ikatlong palapag ng gusali. Sa loob ng opisina may isang tao pa ang naroon.

Kaagad siyang pinaupo ni Ma’am Cathy sa isang upuan bago ito may hinugot sa isang drawer at inilapag iyon sa lamesa.

“Recorder ‘yan, Isabelle,” tila paliwanag ni Ma’am Cathy sa kaniya. Marahil napansin nito na parang naguguluhan siya.

“Kailangan i-record ko ang pag-uusap natin bilang isa sa assessment ng foundation.”

Tumango si Isabelle. “Ayos lang ho sa ‘kin, Ma’am Cathy.”

“Maaari na ba tayong mag-umpisa?”

“Sige ho.”

“Isabelle, may boyfriend ka na ba?”

“Ho?” Nagulat si Isabelle sa tanong na iyon. Hindi niya inakala na ang kaniyang personal na buhay ay magiging bahagi ng proseso.

“Hmm… Isabelle, kailangan namin malaman pati ang personal mong buhay bilang assessment. Isa kasi iyon sa proseso ng Z Legacy Foundation. Hindi lang kami basta nagbibigay lang ng pera o gamot, kung hindi pati na rin sa pinansiyal para sa edukasyon. Kaya ang paunang interview ay isinasagawa namin para alam namin kung hanggang saan kami makakatulong. Ayos lang naman sa’yo iyon, hindi ba?”

Tumango siya. “Oho. Pasensya na nagulat lang ho ako. Pero sa unang tanong niyo ho, ay wala ho akong nobyo o manliligaw. Mas priority ko ang makapagtapos ng pag-aaral.”

Ngumiti si Ma’am Cathy sa kaniya na tila bang nasisiyahan sa sagot niya.

Sa isang tabi, may isang C.I. (Case Investigator) na nagmamasid. Siya ang mag-aaral ng kaso niya.

Habang nakikipag-usap si Isabelle sa social worker, naging malinaw sa kaniya na ang Z Legacy Foundation ay hindi lamang nagbibigay ng tulong pinansyal. Sila rin ay nagmamasid sa buong sitwasyon ng bawat aplikante. Hindi lamang basta papel at dokumento, kung hindi ang buong kwento ng buhay ng bawat isa.

Habang patagal nang patagal ang interview sa kaniya ay palabo naman nang palabo ang pag-asa niya.

Isinalaysay ni Ma’am Cathy ang mga hakbang na kinakailangan niyang gawin. Marami itong mga dokumento, mga papeles, at mga proseso. Sa bawat detalye, tila mas lalong lumalalim ang kaniyang pag-aalala.

Paano niya ito magagawa? Paano niya mabubuo ang lahat ng kinakailangan para sa operasyon ng kaniyang ina?

Nagpatuloy pa ang pagtatanong ni Ma’am Cathy sa kaniya hanggang sa mapunta ang tanong nito sa pamilya niya.

“Ang papa mo? Hindi mo ba nakakausap? O, hindi ba tumutulong sa inyo?”

Napalunok si Isabelle at pilit na huwag gumaralgal ang boses.

“Si… Si papa ho, ay…” Huminga siya nang malalim para alisin ang paninikip ng dibdib niya.

“Si papa ho ay hindi na ho umuuwi sa amin. Limang taon na rin ho ang nakakalipas mula nang maghiwalay sila ni mama.”

Sa pagkukuwento ni Isabelle, hindi niya maiwasan na maging emosyonal. Ipinahayag niya ang kaniyang mga pangarap, ang pag-aalala para sa kaniyang ina, at ang pagtitiyaga sa pag-aaral. Hindi lamang isang aplikante si Isabelle; isa siyang tao na may damdamin, pangarap, at pagmamahal sa kanyang pamilya.

“Isabelle, ang tatlong milyon ay sadyang napakalaki at hindi rin namin maipapangako sa’yo na maibibigay namin ang ganoong halaga. Dahil ang Z Legacy Foundation ay para sa lahat. Alam mo naman ang ganoong kalaking halaga ay marami ng matutulungan. Ngunit, mag-aabot pa rin kami ng tulong pinansyal para sa iyong ina at sa pag-aaral mo.”

Tumango si Isabelle at pilit na ngumiti kay Ma’am Cathy.

Alam niya, ang mga salita na binitawan nito ay isang uri ng pag-reject sa tatlong milyon na kailangan niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 107

    Kanina pa paulit-ulit na tinatawagan ni Leon si Isabelle, pero puro mahabang ring lang ang isinasagot ng linya bago tuluyang maputol.Kakarating lang niya mula ospital at ngayon lang niya nahawakan ang cellphone—naiwan niya kasi ito sa drawer ng silid kanina. Hindi na rin niya nagawang utusan sino man sa tauhan niya dahil ang mga mata ni Roman ay hindi nito inaalis sa kanila. Tila ba, may pagdududa ito. Agad siyang sumulyap sa screen. Walang bagong notification. Walang reply sa alinman sa mga naunang message niya. Ni “seen” wala. Muli siyang nagpadala ng message. 'Mahal, anong ginagawa mo? Busy ka ba?' Ilang sandali pa siyang naghintay ngunit katulad kanina ay wala pa rin itong reply. Napakunot ang noo niya. This isn’t normal. Hindi kailanman ginawa ni Isabelle na balewalain siya nang ganito kahit gaano ito ka-busy. Kahit na nasa OJT ito ay nakakapag-message naman ito sa kaniya. Usually, paggising pa lang niya ay may bungad nang mensahe ito—minsan simpleng good morning, minsan s

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 106

    Nagising si Isabelle na mabigat ang ulo, parang may nakadagan sa dibdib niya. Holiday at long weekend naman kaya gusto niyang magkulong sa kuwarto, matulog nang matulog hanggang makalimutan niya ang lahat. Ewan, pero nakakaramdam siya ng tampo sa asawa. “Ate, Ate!” masiglang tawag ni Shann mula sa labas ng kuwarto nila ni Leon. Sunod-sunod na katok ang umalingawngaw. “Ate, gising na. ’Di ba sabi mo, pupunta tayo sa ospital at maghapon tayong magbabantay…” Napangiwi si Isabelle at agad hinila ang unan para itakip sa mukha. Gusto niyang magbingi-bingihan, gusto niyang magpanggap na tulog pa siya. Tinatamad siyang bumangon at lumabas. “Ate…” muling katok ni Shann, mas banayad pero nananabik pa rin. Humugot ng malalim na hininga si Isabelle. Ngunit bago pa siya makasagot, narinig niya ang boses ni Cosme mula sa labas. “Shann, sa tingin ko, tulog pa ate mo. Sumama ka na lang sa akin.” Napapikit si Isabelle at nakiramdam, naghintay ng sagot ng kapatid. “Pero… papaa

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 105

    Natulala na lang si Isabelle nang tuluyang mawala sa kanilang linya si Leon. Hindi niya maintindihan kung bakit, sa tuwing tatawag ito sa kaniya ay may halong pagmamadali at tila walang oras para makinig. At kapag siya naman ang tumatawag, madalas hindi nito sinasagot—laging nakapatay ang cellphone, laging may idinadahilan. “Naiwan ko,” O, 'di kaya “lowbat.” Paulit-ulit na dahilan at parang nakakasawa ang ganoong palusot nito. Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago marahang inilapag ang cellphone sa nightstand. Sa katahimikan ng silid, tanging ang mabilis at hindi mapakaling tibok ng puso niya ang maririnig.“Leon… ano ba talaga ang problema?” bulong niya, halos pumikit na ang tinig.Humiga siya at hinila ang isang unan kung saan isinuksok niya ang puting polo ng asawa—ang damit na madalas nitong suotin kapag nasa bahay. Idinikit niya ang mukha roon, mariing pumikit na para bang kaya nitong ibalik ang init ng mga yakap ni Leon.Amoy niya pa rin ang pinaghalon

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 104

    “(Grazie a Dio! Sei vivo, nipote mio.)” (Thank God! You’re alive, my nephew.) Mahigpit ang yakap ni Roman nang sa wakas ay makita si Mr. Z.Halos mangilid ang luha sa mga mata niya nang bumitiw siya mula sa pagkakayakap. Ngunit si Mr. Z ay nanatiling walang reaksyon, malamig ang tingin habang nakatuon lamang sa Uncle Roman niya.Pagkatapos, agad lumipat ang atensyon ni Roman kay Maxine, na nasa likuran, nakaalalay sa ama nitong si Zahir.“(Oh, signorina Graziano. Sono felice di vederti ancora al fianco di mio nipote, a prenderti cura di lui.)” (Oh, Ms. Graziano. I’m glad to see you still by my nephew’s side, taking care of him.)Nagulat si Maxine, ngunit nagpakita ng magaan na ngiti at tinanggap ang yakap ni Roman.“(Papà, la prossima volta non andare da nessuna parte. Mi preoccupo troppo.)” (Dad, next time don’t go anywhere. I worry too much.) seryosong sabi ni Roman, bahagyang nakakunot ang noo habang hinarap ang kanyang ama.Si Mr. Zahir, ngayon ay nasa edad na seventy-three, ay ha

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 103

    “Ma’am Isabelle, hindi ba kayo kakain?” muling tanong ni Manang Ising, nakasilip mula sa may pinto ng kuwarto nila ni Leon.Sa kanila na ito ngayon tumutuloy mula nang umalis si Leon, para may makasama siya sa bahay at hindi tuluyang lamunin ng katahimikan ang gabi.Pasado alas otso na, at para kay Isabelle, parang lalo lang bumabagal ang pag-ikot ng oras kapag wala ang asawa niya. Ang bawat minuto ay parang oras, at ang bawat gabi ay parang walang katapusang paghihintay. Inuubos niya ang oras sa Ojt, school at sa pagtatanim ng halaman sa harapan. “Ma’am?” tawag ulit ng matanda.Umiling siya, pinilit magpakawala ng maliit na ngiti habang nakatutok sa laptop at sa mga pahina ng thesis na pilit niyang tinatapos. “Mamaya na ho, baka tumawag si Leon…”“Ma’am, bilin ni Sir—kumain kayo sa tamang oras. Gusto n’yo ba dalhan ko na lang kayo dito?”Umiling muli si Isabelle, mahina pero mariin. “Huwag na ho, Manang Ising. Ako na ang bahala sa sarili ko.”“Ma’am…” may pag-aalangan pa rin sa tini

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 102

    Iyak nang iyak si Isabelle habang yakap-yakap ang asawa. Ayaw niyang bumitaw, parang kung kakalas siya ay baka tuluyan na itong mawala sa piling niya.Dalawang linggo na rin ang lumipas mula nang makalabas siya ng ospital. Sa mga panahong iyon, hindi siya pinayagang lumabas ni Leon. Hands on ito sa lahat—pag-aalaga sa kaniya, kay Shann, at maging kay Mama Ana. Hindi na niya maintindihan kung papaano nahahati ng asawa ang sarili araw-araw, pero ang alam niya lang, hindi siya pinapabayaan nito.Pasalamat siya dahil mali ang tingin niya noon. Buong akala niya, isang walang patutunguhang lalaki ang napasagot niya—isang sanggano lang na walang maipagmamalaki. Pero mali siya. Iyon pala, mas marami itong kayang gawin kaysa sa inaakala niya. Hindi man nakaupo sa loob ng opisina gaya ng iba, pero madiskarte si Leon. Marunong sa lupa, sa pagtatanim, at lahat ng bagay na napapakinabangan.Binibenta nito ang mga tanim na gulay sa Z’ Oasis Hotel and Casino. Noon lang niya nalaman na si Leon pala a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status