Share

Chapter 12

Pinagpahinga na muna ni aling Joyce ang magkaibigan upang makapag isip na rin ng maayos si Annika. Pero umaasa ang ginang na sana ay makumbinsi nila ni Cherry si Annika habang nag iisip pa sila nang maaari nitong gawin o idahilan sa pamilya ng hindi mag aalala ang mga magulang ng dalaga.

Nasa sala ang ginang at inaayos ang mga tikluping damit nila ni Cherry ng mapansin niyang palapit sa kanya ang dalaga.

"Tiyang, pwede ko po ba kayong makausap?" mahinang sambit ni Cherry kay aling Joyce na halos pabulong.

Ayaw ni Cherry na marinig ni Annika ang sasabihin niya sa ginang. Kakalabas lang niya sa kanilang silid at iniwan niyang mahimbing na sa pagkakatulog ang kaibigan ng makita niya ang tiyahin na nakaupo sa may sala.

"Nakatulog na ba si Annika?" balik tanong naman ng ginang sa kanya.

Tumango siya at naglakad palabas ng bahay at sumunod si aling Joyce sa kanya. Hindi naman sila lumayo pa ng bahay, sapat lang ang distansya na hindi maririnig ni Annika ang sasabihin niya kay aling Joyce.

"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status