Pagkarating niya sa maynila ay bumaba siya sa mismong terminal ng bus sa Cubao.
Ang sabi ng kanyang inay bago pa man siya makasakay ng bus ay tumawag ang kaibigan nito at ang sabi ay susunduin na lamang daw siya sa mismong terminal at baka maligaw pa raw siya at kung saan pa mapadpad sa maynila.Kaya ganoon na nga ang ginawa niya at mahigit isang oras na nga siyang naghihintay sa terminal ay wala pa ring lumalapit sa kanyang babae na magpapakilala raw na Joyce at magtatali raw ng panyong puti sa palapulsuhan nito upang makilala niya ang kaibigan ng ina.Wala kase siyang cellphone kaya iyon ang naisip ni Joyce na pagkakakilanlan niya sa babae. Si Cherry naman ay babanggitin lang ang pangalan ng kanyang ina.Mataman siyang nagpasulyap-sulyap sa mga taong pumapasok ng terminal at nagbabakasali na may babaeng lumapit na sa kanya at magtanong.Naupo na siya sa waiting area ng mga pasaherong papaalis. Kanina pa kase siya nakatayo at nangangalay na ang kanyang mga paa sa kakatayo sa paghihintay.Nakakaramdam na rin siya ng gutom dahil lagpas alas tres na ng hapon ng makarating ang bus na sinakyan niya sa terminal ng bus at hindi siya makaalis sa kanyang pwesto dahil baka magkasalisihan pa sila ni aling Joyce.Tubig, sandwich at nilagang itlog lang ang kinain niya kanina sa loob ng bus na inalok sa kanya kanina ng tindero na pumasok sa bus upang magbenta.Nakakaramdam na rin siya ng panunubig at parang hindi na nga niya kaya na pigilan pa ang pantog niya."Bahala na nga!, hindi ko na talaga kayang pigilan pa at ihing ihi na talaga ako. " ang sabi niya sa sarili.Tumayo na siya at inaayos na ang mga dala niyang gamit upang magtungo na sana ng banyo."Iha sandale, sandale iha... " wika ng isang babaeng nakatingin sa pwesto niya. Nagpalinga linga siya ng tingin dahil hindi siya sigurado kung siya nga ang tinatawag ng ginang.Hindi niya kase masigurado sa sarili kung ito na ba ang kaibigan ng kanyang inay. Wala kase itong suot na puting panyo sa kamay."A- Ako po ba?" tanong ni Cherry sa babae na hinihingal na tumigil sa harapan niya. Mukhang nagmamadali ang babae na halatang may hinahabol ito."O-oo i-ikaw nga. Ikaw si Cherry Lou di ba?" tanong ng ginang na may pagkamataba ang pangangatawan.Hindi siya sumagot at tinignan lang ang babae na naupo na sa gilid niya."Ako si Joyce ang kaibigan ni Lourdes, nang inay mo." ang sabi ng babae pero hindi pa rin siya sumagot at nakamata lang siya sa ginang.Tumingin siya sa palapulsuhan nito na napansin ata ng babae kaya binuksan ang zipper ng bag at naglabas ng puting panyo at itinali sa palapulsuhan. Nginitian ng babae si Cherry Lou na ikinabalik ngiti rin ng dalaga."Aling Joyce?" tanong niya sa babaeng nasa harapan niya na malawak ang ngiti."Ikaw nga ang anak ni Lourdes. Cherry di ba? tama ba, Cherry ang ngalan mo iha? Kahawig mo kase ang iyong inay kaya madali kitang nakilala. Na i describe rin niya sa akin ang kulay ng suot mong damit." nagagalak naman na wika ni aling Joyce."Opo, Cherry nga po ang pangalan ko. Buti naman po nakarating na kayo, kanina pa po kase ako ritong naghihintay sa inyo." wika naman niya sa kaibigan ng kanyang ina."Pagpasensyahan mo na Cherry, naabutan ako ng trapik eh! May pinatapos pa kase ang boss namin sa akin kaya na late ako nang labas sa trabaho." hinging paumanhin pa sa kanya nito."Ayos lang po aling Joyce. Pwede po bang magbanyo po muna ako, kanina pa po kase ako ihing ihi. Sasabog na nga po ata ang pantog ko."Aniya kay aling Joyce na itinuro sa kanya ang banyo na malapit lang naman sa terminal."Iwan mo na lang dito yang ibang bag mo at ako na magbabantay. Hintayin na lamang kita rito Cherry." utos ni aling Joyce sa kanya."Sige po, salamat po." wika niya pa bago siya naglakad na papuntang banyo.Nang matapos siyang makapagbanyo ay hinilamusan na rin niya ang kanyang mukha at inayos ang buhok niya bago siya lumabas.Pagbalik niya sa pwesto niya ay naroon pa rin naman si aling Joyce na naabutan niyang umiinom na ng mineral water. Inalok pa siya ng tubig pero tinanggihan niya dahil mayron pa naman siyang tira na nasa loob ng kanyang bag."Okay ka na? Tara na at baka gabihin na tayo sa pag uwe. Magluluto pa ko pagkarating natin sa bahay." pag aaya na nito sa kanya na tinanguan naman niya.Tinulungan naman siya ni aling Joyce na magbitbit ng isa pa niyang bag na dala. Kulang isang oras din ng makarating sila sa lugar nila aling Joyce.Papasok sila sa eskinita na ang daming batang naglalaro at ilang kalalakihan na tambay na nag iinom sa labas ng bahay. Na pinansin pa silang dalawa ni aling Joyce ng mapadaan sila sa mga lalaking tambay."Aling Joyce ang ganda naman ng kasama mo. Pamangkin mo rin ba yan? Ipakilala mo naman kami oh!" ang sabi ng isa sa mga lalaking tambay."Hoy Elmer, ikaw nga ay magtigil at tantanan kami nitong kasama ko. Gusto mong makarating kay Chona ang sinabi mo ha?" wika ng babae na ikinatakot ng lalaki na under de saya ata ng asawa nito. Kaya nawala ang ngisi nito sa labi. Nagtawanan naman ang mga kasama ng lalaki na binuska pa ang kumausap kay aling Joyce.Nagpatuloy sila sa paglakad ng hawakan ang kamay niya at hilahin na siya ng ginang.Naninibago siya sa lugar. Hindi siya sanay sa ganoong tanawin. Ang mga bahay ay dikit-dikit at ang iingay ng mga kapit bahay.Malayo sa lugar nila sa probinsiya na layu layo ang kabahayan at kahit na paano ay masasabing maayos ang bahay nila kumpara sa mga bahay na nakikita niya at nadaraanan nila ni aling Joyce.Nang huminto na ang babae sa tapat ng isang barung-barong na bahay ay pinapasok na siya nito roon."Pasensiya ka na Cherry ha. Alam kong naninibago ka sa lugar. Ibang iba sa probinsya ninyo hindi ba?Ganito talaga rito sa maynila kapag mahirap ka. Mahirap lang kami kaya nasa squatter area ang bahay ko at maliit lang pero malinis naman hindi ba? Dalawa lang din kami ng pamangkin ko rito mula ng mabiyuda ako ay siya na ang nakasama ko sa bahay na 'to. Hindi ka naman siguro maarte ano?" wika ni aling Joyce sa kanya.Umiling siya "Naku hindi po! Ayus lang po sa akin. Ang importante po ay may matitirhan po ako rito habang naghahanap po ng trabaho at nag iipon ng pang tuition fee ko po sa pasukan." agad niyang sagot sa ginang."Mabuti kung ganon, double deck lang ang tulugan namin ni Tinay sa baba ako at sa taas siya natutulog. Okay lang ba sayo na sa mahabang upuan ka na lang matulog o sa sahig? may manipis akong single foam diyan na pwede mong magamit." saad pa ng ginang sa kanya."Wala pong problema aling Joyce, sa mahabang upuan na lamang po ako mahihiga." aniya sa ginang na inayos ang mga bag niya sa gilid ng upuan."Bukas samahan mo kong bumili ng pwede mong paglagyan ng mga damit mo para maayos tignan ang mga yan." ani pang muli ni Joyce."Sige po aling Joyce." sagot naman niya."Magpahinga ka na muna at magluluto na ako ng hapunan natin. Maya-maya lang ay narito na rin ang pamangkin ko. Ipapakilala kita sa kanya mamaya pagkarating niya.""Tulungan ko na po kayong magluto." wika niya."Hindi na kaya ko naman na 'to. Isa pa simple lang naman at madali ang iluluto ko. Ginisang petsay sa sardinas lang. Ang sabi naman sa akin ng inay mo ay kumakain ka ng ganito.""Opo, madalas naman din po kase na yun ang kinakain namin sa probinsya. Kapag matagal pa ang sahod ni itay." sagot naman niya."Ang hirap maging mahirap ano Cherry? Kaya ikaw mag aral ka ng mabuti at magtapos ka ng sa gayun ay maiahon mo sa hirap ang pamilya mo. Wag ka munang kumarengkeng diyan at maagang mag asawa at mag anak. Isipin mo ang kinabukasan mo." pangaral na sa kanya ni aling Joyce.Nailing siyang bahagya at napangiti ng tipid sa sinabi sa kanya ng babae.Natapos ng magluto si aling Joyce ng maisipan nitong tawagan ang kanyang ina. Hinayaan siyang kausapin niya ang inay at itay niya. Sinabi niyang maayos siyang nakarating ng maynila at sinabi niyang mabait si aling Joyce at ayos lang din siya sa bahay ng kaibigan ng ina.Hindi niya na pinatagal ang usapan at baka maubos ang load ni aling Joyce ay nakakahiya naman."Aling Joyce, salamat po!" aniya sa ginang ng iabot niya ang cellphone nito pagkatapos niyang makipag usap sa inay niya."Cherry, matalik kong kaibigan ang iyong ina. pamangkin na rin ang ituturing ko sayo. Kaya wag ng aling Joyce ang itawag mo sa akin Tiya na lang." magiliw na saad pa ng babae ng abutin nito ang cellphone mula sa kanya.Malawak siyang napangiti kay aling Joyce at tumango.Nagkukwentuhan pa silang dalawa ni aling Joyce tungkol sa kanyang ina ng bumukas ang pinto at iniluwa noon ang isang simpleng babae."Mabuti at dumating ka na Tinay, akala ko ay gagabihin ka pa ng husto sa labas." wika ni Joyce sa pamangkin.Nagmano ang babae sa tiyahin pagkalapit at nginitian siya ni Tinay ng tumingin ito sa kanya."Ang pamangkin ko Cherry si Tinay." pagpapakilala ni Joyce sa dalawa."Tiya naman ang bantot ng Tinay. Tinay ka ng tinay eh ang ganda ng pangalan ko pinapapanget mo lagi. Cristina ang pangalan ko Cherry." angal ng pamangkin sa tiyahin na inilahad ang kanang kamay sa harapan niya na tinanggap niya."Cristina na kung cristina. Nandito ka na rin naman kumain na tayo. Maupo ka na rito Tinay at may trabaho ka pa mamaya. Cherry, ikaw na ang maghain at si Tinay ang maghuhugas ng pinagkainan mamaya." utos ni Joyce sa kanya.Agad siyang tumalima sa ipinagagawa nito sa kanya. Dahil sa totoo lang ay nahihiya siya sa magtiyahin kahit pa na magaan sa loob na kasama ang dalawa.Sa harap ng lamesa ay muli silang nagkwentuhan."Naghahanap ka ng mapapasukang trabaho? Ilang taon ka na ba?" tanong ni Tinay kay Cherry."Disisyete,mag disiotso na dalawang buwan mula ngayon. Gusto ko po kaseng tulungan sila itay at makapag ipon na rin bago magpasukan sa kolehiyo. Mahirap ang buhay sa probinsiya at hindi sapat ang sinasahod ni itay para mapagtapos niya ako ng pag aaral, kaya magsasariling sikap ako." nangingimi niyang sagot kay Tinay."May alam akong maaari mong pasukan. Yun ay kung okay lang sayo na maging waitress sa bar na pinapasukan ko. Matangkad ka, maganda ang mukha at maganda na ang hubog ng katawan, hindi nga halata sayo na disisyete ka lang. Mukha ngang magkaedad na tayo kung titignan." wika ni Tinay na ikinapag isip ni Cherry."Tinay, wag mo ngang maipasokpasok sa ganyang trabaho si Cherry. Masyado siyang inosente para sa ganoong klase ng trabaho." paninita ni Joyce sa pamangkin."Tiyang na kay Cherry naman kung magpapabuyo siya sa tukso roon. Pero kung makukuntento naman siya sa maliit na sasahurin niya sa pagwiwaitress ay makakaiwas siya sa tukso. Ang sa akin lang naman ay pagtulong hindi pagpapahamak. Wala naman masama sa trabaho ko ah!" pabalang na sagot naman ni Tinay sa tiyahin."P-pwede bang pag isipan ko na muna, Cristina." tanging naisagot ni Cherry."Pag-isipan mo. Magsabi ka lang kapag kailangan mo ng tulong." wika pa ni Tinay."Wala ka pa sa edad na disiotso Cherry kaya hindi pa kita pwede irekomenda sa pinapasukan kong trabaho bilang janitress. Pero magtatanong- tanong pa rin ako kung may alam ang mga kasamahan ko na maaari ang katulad mong menor de edad pa." ani naman ng ginang."Naiintindihan ko po!" wika ni Cherry.Kinabukasan ay sinimulan na ni Cherry Lou ang paghahanap ng trabaho. Isinabay siya ni aling Joyce sa pag alis hanggang sa makarating sila sa pinapasukan nitong kumpanya bilang janitress.Dahil hindi siya allowed na makapasok sa building ay pinaglakad lakad na muna siya ng ginang sa labas at sinabing magkita na lang uli sila mamayang uwian para sabay na rin silang makabalik ng bahay.Kinuha niya ang pagkakataon na iyon upang masimulan ang paghahanap ng trabaho. Tinandaan na lamang niya ang bawat kalsada na madaanan niya upang hindi siya maligaw sa pagbalik niya mamaya kay aling Joyce.Lumipas ang oras na maghapon siyang naghanap pero wala siyang napala sa buong araw at dahil hapon na nga at ang alam niya ay ala singko ang labas ni aling Joyce ay bumalik na siya sa labas ng building kung saan siya iniwan kanina ng ginang.Habang naglalakad na pabalik si Cherry ay hindi niya maiwasan ang mag isip unang araw pa lang ng paghahanap niya ng trabaho ay parang nahihirapan na siya. Tinitipid n
"Cherry, ito oh! suotin mo na. Yan ang uniporme nating mga waitress dito." utos ni Tinay kay Cherry pagkapasok nila sa locker room.Kinuha naman ni Cherry ang iniabot sa kanya ni Tinay. "Mauna ka na magbihis sa loob ng banyo." utos ni Tinay sa kanya. Tumango siya at nagtungo na nga sa banyo. Sakto namang may lumabas roon na kakatapos lang atang magpalit ng damit. Napansin siya nito at ngumiti sa kanya.Nagbalik ngiti naman siya sa babae. "Bago ka?" tanong sa kanya ng babae."Oo, kasama ako ni Tinay. Cherry nga pala!" sagot at pagpapakilala niya sa sarili."Ah! ako si Maricel, waitress ka din dito?" muling tanong nito sa kanya pagkatapos magpakilala.Tumango siya. "Nice meeting you, Maricel. Magpapalit lang muna ako." aniya na ipinakita pa ang hawak niyang uniporme nila."Ay sorry, sige magpalit ka na muna." wika ni Maricel at nilapitan na si Tinay.Sa loob ng banyo ay tinignan ni Cherry ang isusuot niyang uniform na binigay sa kanya ni Tinay. Napansin niya kase ang suot ni Maricel
"Kumusta ang unang sabak sa pagwiwaitress, Cherry?" bungad na tanong sa kanya ni aling Joyce ng makauwi na sila ng bahay ni Tinay."Good morning po, Tiyang." bati niya muna sa ginang at dumiretso sila ng upo ni Tinay sa mahabang upuan."Ay naku tiyang, medyo nahirapan akong protektahan si Cherry sa mga costumer sa club. Masyado siyang pansinin dahil sa ganda niya." wika ni Tinay na tumayo sa pagkakaupo at kumuha ng tuwalya at inayos ang pamalit na damit upang asikasuhin ang sarili."Bakit, anong nangyari?" pag aalalang tanong ng ginang na nakatingin kay Cherry."Masasanay din po ako sa trabaho. Pansamantala lang naman din po ito kapag may ipon na po ako at kapag pwede na ko mag apply sa iba, kahit po tagalinis ng banyo ay papasukin ko po." aniya kay aling Joyce."Ikaw ang bahala Cherry, basta palagi kang mag iingat sa trabaho sa club. Hindi maiiwasan don ang inggitan iha lalo na at sinabi ni Tinay na pansinin ka roon. Sabagay sa ganda mong iyan napakaimposible talaga na walang costume
May isang buwan na rin magmula ng tumuntong ng manila si Cherry Lou. At sa isang buwan na yun ay marami na rin siyang pinalagpas na pambabastos sa kanya sa club na madalas ay binabalewala na lang niya.May naipon na siya dahil sa mga tip ng costumer na natatanggap niya bukod sa sinasahod niya sa pagiging waitress na kada linggo ay naipapadala niya sa pamilya niya sa probinsiya at nakakapag ambag na rin siya kina aling Joyce at Tinay para sa bahay.Malapit na ang kanyang ikalabing walong kaarawan kaya naman nag iipon siya ng panghanda man lang para sa araw ng kanyang kapanganakan.At higit sa lahat ay masaya siya na malapit na niyang iwan ang pag wi waitress sa club na inilihim niya sa kanyang ama't ina.Ang alam kase ng kanyang inay ay naipasok siyang Janitress sa pinapasukang trabaho ng kaibigan nitong si aling Joyce. Kilala kase niya ang ina na hindi papayag na mag trabaho siya sa club kaya kinuntsaba niya pa noon ang kaibigan ng ina na naiintindihan naman siya.Hindi kase niya alam
Ika labing walong kaarawan ni Cherry Lou na sila lang ni aling Joyce ang nag celebrate nang araw na iyon.Nagpadala lang siya sa kanyang pamilya ng pera upang may ipanghanda ang mga ito para sa maliit na salu salo para sa kanya.Tuwang tuwa ang kanyang mga kapatid na ng makita niya sa videocall ang iniluto at biniling cake ng inay niya para sa kanyang kaarawan.Naluluha naman siyang natutuwa rin sa kanyang nakikita sa pamilya niya na kumpleto roon habang siya ay nasa malayo naman. Mas naramdaman niya pa ang pagka miss sa pamilya.Madalang lang kase ang may pa cake at maraming handa kapag may birthday sa kanilang mag anak. Kaya naman ang makitang masaya ang mga nakababatang kapatid ay sobrang kagalakan na sa kanyang puso.Nagpapasalamat siya kay aling Joyce na sinamahan siya nitong mamasyal kahit na alam niyang nalulungkot pa rin ito sa pagkawala ng pamangkin at pinipilit na magmukhang okay sa kanyang harapan.Kung nabubuhay pa rin sana si Tinay ay mas masaya sana ang kanyang kaarawan.
"Annika.." pagtawag ni Cherry sa pangalan ng kaibigan na nakatayo sa isang sulok ng terminal ng bus."Cherry Lou.." bigkas rin ni Annika sa kanyang pangalan."Kanina ka pa ba rito o kakarating mo lang din?" tanong ni Cherry kay Annika."Kanina kanina lang. Siguro ay kulang kalahating oras na rin ng dumating ang bus na sinakyan ko patungo rito. Natuluyang nalowbat ang phone ko kaya hindi na ko nakapag chat sayo." sagot ni Annika sa kanya."Mabuti at dito ka sa puwestong ito naghintay, madali kitang nakita. Pagbaba ko pa lang ng jeep namataan na agad kita." ani ni Cherry na tinanguan ni Annika na tipid na ngumiti pa sa kaibigan."Nagugutom ka ba? Gusto mo ba kumain na muna tayo sa fastfood na malapit dito?" muling tanong ni Cherry."Hindi pa naman ako gutom Cherry Lou baka pwedeng dalhin mo na ko sa bahay nyo. Napagod ata ako sa byahe, mas gusto kong magpahinga. Okay lang ba!?" ani ni Annika na mukha ngang namumutla pa."Oo naman okay lang! Tara, doon tayo sasakay sa sakayan ng jeep pau
"Cherry, gusto kong mawala ang bata sa aking sinapupunan. Hindi ko matatanggap kailanman ang pagkakaroon nang anak sa mga hayop na bumaboy sa akin. Mga demonyo sila Cherry, mga hayop sila!. Kaya itong nasa tiyan ko hindi dapat matuloy at hindi dapat mabuhay dahil anak ito ng mga lalaking umabuso sa pagkakababae ko. Ayoko sa pinagbubuntis ko cherry, ayoko!" umiiyak na wika sa kanya ni Annika."Pero Annika, anak mo rin yan. Maghunos dili ka! Kasalanan sa nasa itaas yang iniisip mo. Huwag kang gumawa ng bagay na pagsisihan mo balang araw. Kakayanin mong lagpasan ito ha!. Huwag mong idamay ang magiging anak mo Annika sa ginawa sa'yo ng ama niyan. Walang kasalanan sayo ang ipinagbubuntis mo." ani ya sa kaibigan na malabo na ang pag iisip."Nasasabi mo yan Cherry Lou dahil hindi sayo nangyari 'to! Hindi ka nabuntis ng mga walang awang demonyong gumahasa rin sayo. Maswerte ka dahil hindi mo nararanasan ang dinanadanas ko ngayon. Bakit ako pa! Sana hindi na lang kita sinamahan maghanap ng tra
Pinagpahinga na muna ni aling Joyce ang magkaibigan upang makapag isip na rin ng maayos si Annika. Pero umaasa ang ginang na sana ay makumbinsi nila ni Cherry si Annika habang nag iisip pa sila nang maaari nitong gawin o idahilan sa pamilya ng hindi mag aalala ang mga magulang ng dalaga.Nasa sala ang ginang at inaayos ang mga tikluping damit nila ni Cherry ng mapansin niyang palapit sa kanya ang dalaga."Tiyang, pwede ko po ba kayong makausap?" mahinang sambit ni Cherry kay aling Joyce na halos pabulong.Ayaw ni Cherry na marinig ni Annika ang sasabihin niya sa ginang. Kakalabas lang niya sa kanilang silid at iniwan niyang mahimbing na sa pagkakatulog ang kaibigan ng makita niya ang tiyahin na nakaupo sa may sala."Nakatulog na ba si Annika?" balik tanong naman ng ginang sa kanya.Tumango siya at naglakad palabas ng bahay at sumunod si aling Joyce sa kanya. Hindi naman sila lumayo pa ng bahay, sapat lang ang distansya na hindi maririnig ni Annika ang sasabihin niya kay aling Joyce."