Kinabukasan ay sinimulan na ni Cherry Lou ang paghahanap ng trabaho. Isinabay siya ni aling Joyce sa pag alis hanggang sa makarating sila sa pinapasukan nitong kumpanya bilang janitress.
Dahil hindi siya allowed na makapasok sa building ay pinaglakad lakad na muna siya ng ginang sa labas at sinabing magkita na lang uli sila mamayang uwian para sabay na rin silang makabalik ng bahay.Kinuha niya ang pagkakataon na iyon upang masimulan ang paghahanap ng trabaho. Tinandaan na lamang niya ang bawat kalsada na madaanan niya upang hindi siya maligaw sa pagbalik niya mamaya kay aling Joyce.Lumipas ang oras na maghapon siyang naghanap pero wala siyang napala sa buong araw at dahil hapon na nga at ang alam niya ay ala singko ang labas ni aling Joyce ay bumalik na siya sa labas ng building kung saan siya iniwan kanina ng ginang.Habang naglalakad na pabalik si Cherry ay hindi niya maiwasan ang mag isip unang araw pa lang ng paghahanap niya ng trabaho ay parang nahihirapan na siya.Tinitipid niya ang pinabaong pera sa kanya ng kanyang inay. Kailangan niyang may pagkakitaan agad. Naisip niyang nakakahiya kina aling Joyce at Tinay kung titira siya sa bahay ng mga ito ng hindi man lang makapag abot sa magtiyahin.Binuksan niya ang kanyang bag at kinuha ang kanyang pitaka, sinilip niya kung magkano na lang ang laman non ng dagli ay nabitiwan niya dahil sa pagkagulat.Malakas na busina mula sa kanyang likuran ang nakapagpagulat sa kanya. Pagkaharap niya ay walang anu-ano ay pagalit niyang hinampas ang hood ng mamahaling sasakyan na nakatigil sa kanyang harapan."Hoy ikaw na reckless na driver ka. Akala mo sayo itong kalsada kung makabusina ka ay wagas ah! Papatayin mo ba ko sa gulat ha!?" singhal niya sa driver ng kotse habang pinupulot ang nahulog niyang pitaka.Sa loob naman ng kotse ay abala si Anthony sa pagbabasa ng chats ng mga kaibigan niya. Nang bigla na lang malakas na nag preno ang kanyang driver na si Fred at nagbusina ng matagal."What the f*ck! Ano nangyare Fred?" tanong niya sa driver niya ng mapatingin siya sa harapan ng kotse na may babaeng nagdadadakdak sa labas ng kanyang sasakyan.Napakamot naman sa batok si Fred ng lingunin siya nito. "Boss, muntikan ko na kaseng masagasaan yung babae ng bigla siyang tumawid. Buti na lang ay malakas ang preno ng kotse at hindi siya nahagip. Sorry boss!" hinging paumanhin ng driver niya sa kanya.Napabuntong hininga si Anthony sa sinabi ng driver at muling sinulyapan ang babae sa labas na kinatok na ang salamin ng sasakyan.Napatitig siya sa mukha ng babae at para siyang nabato balani. Bigla na lang ay nag slow motion sa paningin niya ang babae habang pabulyaw na kinakausap nito ang driver niya na si Fred at galit na umalis."Boss, okay na. Nakaalis na yung babae. Grabe ang tapang ng babaeng yon, ang ganda pa man din sana kaso mukhang amazona." natatawa pang sambit ng driver ni Anthony Buenavidez.Nabaling ang tingin ni Anthony kay Fred at nang ibinalik niya ang tingin sa babae ay bigla na lamang itong nawala. Nakuha pa niyang lumabas ng sasakyan at nagbakasakaling matanaw pa niya ang babae ngunit nawala na lang itong parang bula.Bagsak ang balikat na pumasok siya sa backseat ng kotse at nagmuwestra kay Fred na magpatuloy na sa pagmamaneho.Nakabalik naman na si Cherry sa labas ng building na pinagtatrabahuhan ni aling Joyce at dahil malapit na mag alas singko ay hindi naman nagtagal ang paghihintay niya."Kumusta ang araw mo Cherry?" tanong ng ginang ng malapitan siya."Hindi po maganda eh! Muntik pa po akong mabundol ng sasakyan kanina." nanlalambot niyang sagot."Naku mabuti at hindi ka nasaktan! Sa susunod magdodoble ingat ka na Cherry ha. Halika na at dadaan pa tayo sa palengke." pag aaya na ng ginang sa kanya.Araw pala ng sweldo ni aling Joyce kaya namili sila ng ilang grocery para sa bahay at bigas at ulam na rin nila. Ibinili rin siya nito ng plastic cabinet na lagayan niya ng mga gamit niya.Siya naman ay bumili ng pang hygene niya tulad ng napkin, shampoo, toothpaste at toothbrush na rin pati sabon niya sa katawan. Kumuha na rin siya ng deodorant at face powder. Kailangan niya yun upang kahit na paano ay presentable naman siyang tignan sa mga ina-apply-an niyang trabaho.Nang nasa counter na sila ay si aling Joyce ang nagbayad ng lahat ng pinamili niya."Ako na ang magbabayad. Kapag may trabaho ka na at nakasweldo at kapag nakaluwag ka na ay saka mo na lamang bayaran sa akin." nakangiting wika pa sa kanya ng ginang."Salamat po, Tiyang." naluluha niyang sabi."Sus na bata ka! Wag kang umiyak. Alam kong hindi malaking halaga ang pinabaon sayo ng iyong inay at tinitipid mo yon, kaya nauunawaan kita. Tiis ka pa muna at kapag nag disi otso ka na ay ipapasok kita sa agency namin. Maraming tulad mo na working student sa agency. Trabaho sa araw, aral sa gabi ang ginagawa nila. Gayahin mo yun ha. Makakapagtapos ka na ng pag aaral makakatulong ka pa sa pamilya mo. Sipagan mo lang talaga." litanya pa ni aling Joyce sa kanya.Tumango si Cherry at malawak na ngumiti sa ginang. "Opo Tiyang, susundin ko po ang payo n'yo."Pagkauwi nila ay agad nilang inayos ang mga pinamili. Nagluto si aling Joyce habang siya ay inaassemble ang lagayan niya ng mga damit.Nang gabi ding iyon ay kinausap siya ni Tinay. Tinatanong siya kung nakapag isip na ba siya sa alok nitong mamasukan siya bilang waitres sa club na pinapasukan nito.Waitress sa gabi si Tinay sa tanghali naman ay nasa parlor ito nagmamanikurista na dagdag kita rin daw kaysa maghihiga maghapon at tumambay at makipagtsismisan sa kapitbahay wala naman daw income.Yun ang sabi sa kanya ni Tinay. Nagbibigay din kase ito ng pera sa ama na pinang iinom lang naman daw at ibinibigay sa madrasta niya ang sabi ni aling Joyce.Kapatid ni aling Joyce ang ama ni Tinay. Kinuha si Tinay ng tiyahin dahil sinasaktan raw ito ng pangalawang asawa ng ama nito."Sure kang safe ako dun, Tinay?" tanong niya."Oo naman, mabait ang manager namin don. Hindi ako tatagal sa pagtatrabaho doon Cherry kung hindi. Alam kong kating kati ka ng magkaroon ng pagkakakitaan kaya inaalok kitang mag waitres. Andun naman ako, magkasama tayo. Wala kang dapat na ipangamba, Trust me." Panghihikayat muli sa kanya ni Tinay.Napatango si Cherry sa kausap. Indikasyon na pumapayag na siya. Naisip niyang habang hinihintay niyang mag disiotso siya ay pansamantala na muna siyang mamasukan bilang waitress. Dalawang buwan na lang naman at magdedebut na rin siya.Pinaalalahanan siya ni aling Joyce at ginarintiyahan din naman ng ginang na mabait nga ang manager ni Tinay dahil nakilala na nito ang boss ng pamangkin at ilang katrabaho ni Tinay sa club.Ang bilin lang sa kanya ng mga ito ay wag magpapasilaw sa pera dahil maraming mayayaman na costumer sa club na kapag may natipuhan ay aalukin ng malaking halaga.Tumango-tango siya sa mag tiyahin at lakas loob na sumama kay Tinay sa club.Sa likod sila dumaan ni Tinay at pagkapasok nila ay kusina pala ng mismong club ang napasukan nila.Bumati si Tinay sa mga kakilala nito at ipinakilala siya. Bago sila umalis ng bahay sinabi ni Tinay na kapag tinanong siya kung ilang taon na ay sabihin na disi otso na siya. Sumang ayon naman siya rito."May kasama ka Cristina, ano yan bagong recruit mo? Ang ganda ha! Pasok na pasok sa banga. Ganyan na ganyan mga tipo ng mga mayayaman na costumer." wika ng isang lalaking tauhan sa kusina."Hep, hindi siya magpopokpok dito sa club. Ipapasok ko lang siya bilang waitress. Kayo ha, baka mamaya matakot itong si Cherry mag back out pa, mga loko kayo. Kailangan niya ng matinong trabaho." singhal ni Tinay sa lalaking nagsalita kanina."Ay ganun ba! Sorry Tinay, Cherry. Akala ko kase papasok kang dancer o g.r.o dito sa club." hinging paumanhin nito sa kanila."Mang Rolly, pakiplasteran nga ang bibig ni Alvin." sinamaan pa ng tingin ni Tinay yung Alvin."Sige diyan na kayo at ipapakilala ko pa si Cherry kay Madam Leah." paalam pa ni Tinay at hinila na siya palalabas ng kitchen at dinala siya sa managers room."Dito na tayo. Yung bilin ko sayo ha!" paalala muna ni Tinay sa kanya bago kumatok."Bukas yan, pasok." sagot ng nasa loob.Pinihit ni Tinay ang seradura ng pintuan at kiming pumasok na hila-hila ang kamay ni Cherry."Madam Leah, kaibigan ko po si Cherry." pakilala sa kanya ni Tinay. Tinitigan siya ng isang babaeng sopistikada, maganda at sexy pa rin ito kahit na mahahalata na rin na nasa edad mid thirties o forties na ang babae."Mag a apply ba siya Tinay?" maawtoridad na tanong ng manager.Kinakabahan na kanina pa si Cherry pero mas lalo siyang kinabahan ng makaharap na ang manager nila Tinay, na napansin naman nito sa kanya."Looks young and innocent. Galing probinsiya?" komento ng Madam Leah na sa kanya nakatingin."Yes madam Leah, galing pong probinsiya si Cherry kakaluwas lang kahapon at sa amin po siya ngayon nakikitira. Gusto po sanang magtrabaho bilang waitress dito sa club madam." wika ni Tinay na ikinatango tango niya sa harapan ng manager nila Tinay."Ilang taon ka na Cherry? At bakit gusto mong mag waitress sa club?" seryosong tanong ng babae sa kanya."Eighteen na po madam. Nahihirapan po kase akong makahanap ng ibang trabaho dahil high school graduate pa lang po ako. Inalok po ako ni Tinay na mamasukan dito bilang waitress. Ang sabi naman po niya ay mababait kayo rito kaya po narito ako ngayon, dahil gusto ko pong makatulong sa mga magulang ko." sagot niya sa tanong nito sa kanya."Alam mo bang masyado kang maganda para maging isang waitress lang sa club? Kapag naayusan ka at suotan ng sexy na damit ay maraming maglalaway sayo at pag aagawan ka sa labas." litanya ni madam Leah sa kanya."W-waitress po madam ang inaaapply-an kong trabaho rito hindi po pagiging g.r.o. Kung hindi po ako pasado aalis na po ako." prangka niyang sagot sa babae."I like you Cherry. Nakikita kong may paninindigan ka! Okay tanggap ka na. Tinay ikaw na ang bahala sa kaibigan mo. Bigyan mo siya ng uniporme ninyo at ikaw na ang magturo sa kanya ng gagawin." saad ng manager at utos pa nito.Hinawakan ni Tinay ang kamay ni Cherry na nanlalamig at namamawis. Nagkatinginan sila at nagkangitian."Thank you Madam Leah, lalabas na po kami ni Cherry." wika ni Tinay."Salamat po, Madam." segunda naman na saad ni Cherry na yumukod pa atsaka nagpahila na kay Tinay palabas ng manager's room."Cherry, ito oh! suotin mo na. Yan ang uniporme nating mga waitress dito." utos ni Tinay kay Cherry pagkapasok nila sa locker room.Kinuha naman ni Cherry ang iniabot sa kanya ni Tinay. "Mauna ka na magbihis sa loob ng banyo." utos ni Tinay sa kanya. Tumango siya at nagtungo na nga sa banyo. Sakto namang may lumabas roon na kakatapos lang atang magpalit ng damit. Napansin siya nito at ngumiti sa kanya.Nagbalik ngiti naman siya sa babae. "Bago ka?" tanong sa kanya ng babae."Oo, kasama ako ni Tinay. Cherry nga pala!" sagot at pagpapakilala niya sa sarili."Ah! ako si Maricel, waitress ka din dito?" muling tanong nito sa kanya pagkatapos magpakilala.Tumango siya. "Nice meeting you, Maricel. Magpapalit lang muna ako." aniya na ipinakita pa ang hawak niyang uniporme nila."Ay sorry, sige magpalit ka na muna." wika ni Maricel at nilapitan na si Tinay.Sa loob ng banyo ay tinignan ni Cherry ang isusuot niyang uniform na binigay sa kanya ni Tinay. Napansin niya kase ang suot ni Maricel
"Kumusta ang unang sabak sa pagwiwaitress, Cherry?" bungad na tanong sa kanya ni aling Joyce ng makauwi na sila ng bahay ni Tinay."Good morning po, Tiyang." bati niya muna sa ginang at dumiretso sila ng upo ni Tinay sa mahabang upuan."Ay naku tiyang, medyo nahirapan akong protektahan si Cherry sa mga costumer sa club. Masyado siyang pansinin dahil sa ganda niya." wika ni Tinay na tumayo sa pagkakaupo at kumuha ng tuwalya at inayos ang pamalit na damit upang asikasuhin ang sarili."Bakit, anong nangyari?" pag aalalang tanong ng ginang na nakatingin kay Cherry."Masasanay din po ako sa trabaho. Pansamantala lang naman din po ito kapag may ipon na po ako at kapag pwede na ko mag apply sa iba, kahit po tagalinis ng banyo ay papasukin ko po." aniya kay aling Joyce."Ikaw ang bahala Cherry, basta palagi kang mag iingat sa trabaho sa club. Hindi maiiwasan don ang inggitan iha lalo na at sinabi ni Tinay na pansinin ka roon. Sabagay sa ganda mong iyan napakaimposible talaga na walang costume
May isang buwan na rin magmula ng tumuntong ng manila si Cherry Lou. At sa isang buwan na yun ay marami na rin siyang pinalagpas na pambabastos sa kanya sa club na madalas ay binabalewala na lang niya.May naipon na siya dahil sa mga tip ng costumer na natatanggap niya bukod sa sinasahod niya sa pagiging waitress na kada linggo ay naipapadala niya sa pamilya niya sa probinsiya at nakakapag ambag na rin siya kina aling Joyce at Tinay para sa bahay.Malapit na ang kanyang ikalabing walong kaarawan kaya naman nag iipon siya ng panghanda man lang para sa araw ng kanyang kapanganakan.At higit sa lahat ay masaya siya na malapit na niyang iwan ang pag wi waitress sa club na inilihim niya sa kanyang ama't ina.Ang alam kase ng kanyang inay ay naipasok siyang Janitress sa pinapasukang trabaho ng kaibigan nitong si aling Joyce. Kilala kase niya ang ina na hindi papayag na mag trabaho siya sa club kaya kinuntsaba niya pa noon ang kaibigan ng ina na naiintindihan naman siya.Hindi kase niya alam
Ika labing walong kaarawan ni Cherry Lou na sila lang ni aling Joyce ang nag celebrate nang araw na iyon.Nagpadala lang siya sa kanyang pamilya ng pera upang may ipanghanda ang mga ito para sa maliit na salu salo para sa kanya.Tuwang tuwa ang kanyang mga kapatid na ng makita niya sa videocall ang iniluto at biniling cake ng inay niya para sa kanyang kaarawan.Naluluha naman siyang natutuwa rin sa kanyang nakikita sa pamilya niya na kumpleto roon habang siya ay nasa malayo naman. Mas naramdaman niya pa ang pagka miss sa pamilya.Madalang lang kase ang may pa cake at maraming handa kapag may birthday sa kanilang mag anak. Kaya naman ang makitang masaya ang mga nakababatang kapatid ay sobrang kagalakan na sa kanyang puso.Nagpapasalamat siya kay aling Joyce na sinamahan siya nitong mamasyal kahit na alam niyang nalulungkot pa rin ito sa pagkawala ng pamangkin at pinipilit na magmukhang okay sa kanyang harapan.Kung nabubuhay pa rin sana si Tinay ay mas masaya sana ang kanyang kaarawan.
"Annika.." pagtawag ni Cherry sa pangalan ng kaibigan na nakatayo sa isang sulok ng terminal ng bus."Cherry Lou.." bigkas rin ni Annika sa kanyang pangalan."Kanina ka pa ba rito o kakarating mo lang din?" tanong ni Cherry kay Annika."Kanina kanina lang. Siguro ay kulang kalahating oras na rin ng dumating ang bus na sinakyan ko patungo rito. Natuluyang nalowbat ang phone ko kaya hindi na ko nakapag chat sayo." sagot ni Annika sa kanya."Mabuti at dito ka sa puwestong ito naghintay, madali kitang nakita. Pagbaba ko pa lang ng jeep namataan na agad kita." ani ni Cherry na tinanguan ni Annika na tipid na ngumiti pa sa kaibigan."Nagugutom ka ba? Gusto mo ba kumain na muna tayo sa fastfood na malapit dito?" muling tanong ni Cherry."Hindi pa naman ako gutom Cherry Lou baka pwedeng dalhin mo na ko sa bahay nyo. Napagod ata ako sa byahe, mas gusto kong magpahinga. Okay lang ba!?" ani ni Annika na mukha ngang namumutla pa."Oo naman okay lang! Tara, doon tayo sasakay sa sakayan ng jeep pau
"Cherry, gusto kong mawala ang bata sa aking sinapupunan. Hindi ko matatanggap kailanman ang pagkakaroon nang anak sa mga hayop na bumaboy sa akin. Mga demonyo sila Cherry, mga hayop sila!. Kaya itong nasa tiyan ko hindi dapat matuloy at hindi dapat mabuhay dahil anak ito ng mga lalaking umabuso sa pagkakababae ko. Ayoko sa pinagbubuntis ko cherry, ayoko!" umiiyak na wika sa kanya ni Annika."Pero Annika, anak mo rin yan. Maghunos dili ka! Kasalanan sa nasa itaas yang iniisip mo. Huwag kang gumawa ng bagay na pagsisihan mo balang araw. Kakayanin mong lagpasan ito ha!. Huwag mong idamay ang magiging anak mo Annika sa ginawa sa'yo ng ama niyan. Walang kasalanan sayo ang ipinagbubuntis mo." ani ya sa kaibigan na malabo na ang pag iisip."Nasasabi mo yan Cherry Lou dahil hindi sayo nangyari 'to! Hindi ka nabuntis ng mga walang awang demonyong gumahasa rin sayo. Maswerte ka dahil hindi mo nararanasan ang dinanadanas ko ngayon. Bakit ako pa! Sana hindi na lang kita sinamahan maghanap ng tra
Pinagpahinga na muna ni aling Joyce ang magkaibigan upang makapag isip na rin ng maayos si Annika. Pero umaasa ang ginang na sana ay makumbinsi nila ni Cherry si Annika habang nag iisip pa sila nang maaari nitong gawin o idahilan sa pamilya ng hindi mag aalala ang mga magulang ng dalaga.Nasa sala ang ginang at inaayos ang mga tikluping damit nila ni Cherry ng mapansin niyang palapit sa kanya ang dalaga."Tiyang, pwede ko po ba kayong makausap?" mahinang sambit ni Cherry kay aling Joyce na halos pabulong.Ayaw ni Cherry na marinig ni Annika ang sasabihin niya sa ginang. Kakalabas lang niya sa kanilang silid at iniwan niyang mahimbing na sa pagkakatulog ang kaibigan ng makita niya ang tiyahin na nakaupo sa may sala."Nakatulog na ba si Annika?" balik tanong naman ng ginang sa kanya.Tumango siya at naglakad palabas ng bahay at sumunod si aling Joyce sa kanya. Hindi naman sila lumayo pa ng bahay, sapat lang ang distansya na hindi maririnig ni Annika ang sasabihin niya kay aling Joyce."
Nagtigil nang ilang araw pa si Annika sa apartment nila Cherry. Ngunit hindi na tinitigilan ng magulang niya si Annika sa pagpipilit ng mga ito na bumalik na sa kanila, dahil nanghihinayang sa kanyang pag aaral ang kanyang kapatid na nasa ibang bansa. Sinabi ng kanyang ina na susunduin ito kung nasaan siya sa manila at hindi naniniwala na hindi sila magkasama ni Cherry Lou.Inihatid ni aling Joyce sa Quezon si Annika upang doon na muna magtago at nangako sa dalaga na dadalasan ang pagdalaw roon. May makakasama naman si Annika na dalawang matanda na tiyuhin at tiyahin ni aling Joyce na nasa ibang bansa ang mga anak at dalawang apo na bata pa na inaalagaan din ng matandang mag asawa dahil nasa abroad ang mga magulang ng dalawang bata.Ilang buwan ang lumipas ay sumuko na rin ang mga magulang ni Annika at hinayaan na ang dalaga sa desisyon na mag isa na muna sa buhay dahil nagsimula na rin ang pasukan at hindi na makakahabol pa sa klase si Annika.Naisipan din ni aling Joyce na lumipat u