May isang buwan na rin magmula ng tumuntong ng manila si Cherry Lou. At sa isang buwan na yun ay marami na rin siyang pinalagpas na pambabastos sa kanya sa club na madalas ay binabalewala na lang niya.May naipon na siya dahil sa mga tip ng costumer na natatanggap niya bukod sa sinasahod niya sa pagiging waitress na kada linggo ay naipapadala niya sa pamilya niya sa probinsiya at nakakapag ambag na rin siya kina aling Joyce at Tinay para sa bahay.Malapit na ang kanyang ikalabing walong kaarawan kaya naman nag iipon siya ng panghanda man lang para sa araw ng kanyang kapanganakan.At higit sa lahat ay masaya siya na malapit na niyang iwan ang pag wi waitress sa club na inilihim niya sa kanyang ama't ina.Ang alam kase ng kanyang inay ay naipasok siyang Janitress sa pinapasukang trabaho ng kaibigan nitong si aling Joyce. Kilala kase niya ang ina na hindi papayag na mag trabaho siya sa club kaya kinuntsaba niya pa noon ang kaibigan ng ina na naiintindihan naman siya.Hindi kase niya alam
Ika labing walong kaarawan ni Cherry Lou na sila lang ni aling Joyce ang nag celebrate nang araw na iyon.Nagpadala lang siya sa kanyang pamilya ng pera upang may ipanghanda ang mga ito para sa maliit na salu salo para sa kanya.Tuwang tuwa ang kanyang mga kapatid na ng makita niya sa videocall ang iniluto at biniling cake ng inay niya para sa kanyang kaarawan.Naluluha naman siyang natutuwa rin sa kanyang nakikita sa pamilya niya na kumpleto roon habang siya ay nasa malayo naman. Mas naramdaman niya pa ang pagka miss sa pamilya.Madalang lang kase ang may pa cake at maraming handa kapag may birthday sa kanilang mag anak. Kaya naman ang makitang masaya ang mga nakababatang kapatid ay sobrang kagalakan na sa kanyang puso.Nagpapasalamat siya kay aling Joyce na sinamahan siya nitong mamasyal kahit na alam niyang nalulungkot pa rin ito sa pagkawala ng pamangkin at pinipilit na magmukhang okay sa kanyang harapan.Kung nabubuhay pa rin sana si Tinay ay mas masaya sana ang kanyang kaarawan.
"Annika.." pagtawag ni Cherry sa pangalan ng kaibigan na nakatayo sa isang sulok ng terminal ng bus."Cherry Lou.." bigkas rin ni Annika sa kanyang pangalan."Kanina ka pa ba rito o kakarating mo lang din?" tanong ni Cherry kay Annika."Kanina kanina lang. Siguro ay kulang kalahating oras na rin ng dumating ang bus na sinakyan ko patungo rito. Natuluyang nalowbat ang phone ko kaya hindi na ko nakapag chat sayo." sagot ni Annika sa kanya."Mabuti at dito ka sa puwestong ito naghintay, madali kitang nakita. Pagbaba ko pa lang ng jeep namataan na agad kita." ani ni Cherry na tinanguan ni Annika na tipid na ngumiti pa sa kaibigan."Nagugutom ka ba? Gusto mo ba kumain na muna tayo sa fastfood na malapit dito?" muling tanong ni Cherry."Hindi pa naman ako gutom Cherry Lou baka pwedeng dalhin mo na ko sa bahay nyo. Napagod ata ako sa byahe, mas gusto kong magpahinga. Okay lang ba!?" ani ni Annika na mukha ngang namumutla pa."Oo naman okay lang! Tara, doon tayo sasakay sa sakayan ng jeep pau
"Cherry, gusto kong mawala ang bata sa aking sinapupunan. Hindi ko matatanggap kailanman ang pagkakaroon nang anak sa mga hayop na bumaboy sa akin. Mga demonyo sila Cherry, mga hayop sila!. Kaya itong nasa tiyan ko hindi dapat matuloy at hindi dapat mabuhay dahil anak ito ng mga lalaking umabuso sa pagkakababae ko. Ayoko sa pinagbubuntis ko cherry, ayoko!" umiiyak na wika sa kanya ni Annika."Pero Annika, anak mo rin yan. Maghunos dili ka! Kasalanan sa nasa itaas yang iniisip mo. Huwag kang gumawa ng bagay na pagsisihan mo balang araw. Kakayanin mong lagpasan ito ha!. Huwag mong idamay ang magiging anak mo Annika sa ginawa sa'yo ng ama niyan. Walang kasalanan sayo ang ipinagbubuntis mo." ani ya sa kaibigan na malabo na ang pag iisip."Nasasabi mo yan Cherry Lou dahil hindi sayo nangyari 'to! Hindi ka nabuntis ng mga walang awang demonyong gumahasa rin sayo. Maswerte ka dahil hindi mo nararanasan ang dinanadanas ko ngayon. Bakit ako pa! Sana hindi na lang kita sinamahan maghanap ng tra
Pinagpahinga na muna ni aling Joyce ang magkaibigan upang makapag isip na rin ng maayos si Annika. Pero umaasa ang ginang na sana ay makumbinsi nila ni Cherry si Annika habang nag iisip pa sila nang maaari nitong gawin o idahilan sa pamilya ng hindi mag aalala ang mga magulang ng dalaga.Nasa sala ang ginang at inaayos ang mga tikluping damit nila ni Cherry ng mapansin niyang palapit sa kanya ang dalaga."Tiyang, pwede ko po ba kayong makausap?" mahinang sambit ni Cherry kay aling Joyce na halos pabulong.Ayaw ni Cherry na marinig ni Annika ang sasabihin niya sa ginang. Kakalabas lang niya sa kanilang silid at iniwan niyang mahimbing na sa pagkakatulog ang kaibigan ng makita niya ang tiyahin na nakaupo sa may sala."Nakatulog na ba si Annika?" balik tanong naman ng ginang sa kanya.Tumango siya at naglakad palabas ng bahay at sumunod si aling Joyce sa kanya. Hindi naman sila lumayo pa ng bahay, sapat lang ang distansya na hindi maririnig ni Annika ang sasabihin niya kay aling Joyce."
Nagtigil nang ilang araw pa si Annika sa apartment nila Cherry. Ngunit hindi na tinitigilan ng magulang niya si Annika sa pagpipilit ng mga ito na bumalik na sa kanila, dahil nanghihinayang sa kanyang pag aaral ang kanyang kapatid na nasa ibang bansa. Sinabi ng kanyang ina na susunduin ito kung nasaan siya sa manila at hindi naniniwala na hindi sila magkasama ni Cherry Lou.Inihatid ni aling Joyce sa Quezon si Annika upang doon na muna magtago at nangako sa dalaga na dadalasan ang pagdalaw roon. May makakasama naman si Annika na dalawang matanda na tiyuhin at tiyahin ni aling Joyce na nasa ibang bansa ang mga anak at dalawang apo na bata pa na inaalagaan din ng matandang mag asawa dahil nasa abroad ang mga magulang ng dalawang bata.Ilang buwan ang lumipas ay sumuko na rin ang mga magulang ni Annika at hinayaan na ang dalaga sa desisyon na mag isa na muna sa buhay dahil nagsimula na rin ang pasukan at hindi na makakahabol pa sa klase si Annika.Naisipan din ni aling Joyce na lumipat u
Binalikan na nila sa ward si Annika, na natutulog pa rin. Nagpaalam si aling Joyce kay Cherry at iniwanan na muna siya ni aling Joyce kay Annika dahil aasikasuhin raw nito ang pagpapalibing sa namatay na sanggol ng kanyang kaibigan.Nang magising si Annika ay nasa tabi niya na si Cherry Lou na nakaupo sa monoblock chair at nakalugmok ang ulunan sa kanyang kinahihigaan at nakatulog ata sa pagbabantay sa kanya.Hinawi ni Annika ang buhok ni Cherry kaya naalimpungatan ang dalaga."Gising ka na pala, kanina ka pa ba nagising? nakatulog pala ako." ani Cherry na inayos ang sarili at tumayo."Kakagising ko lang." sagot ni Annika."Kumusta pakiramdam mo? May gusto ka ba? Nagugutom ka ba o nauuhaw ka?" hindi magkandaugagang tanong ni Cherry kay Annika."Nauuhaw, medyo nagugutom din ako." sagot muli sa kanya ni Annika.Pinainom ni Cherry ang kaibigan gamit ang straw at nagpaalam siya kay Annika na ibibili muna ito ng pagkain sa labas.Pagbalik ni Cherry ay inalalayan niya ang kaibigan at pakaka
Tatlong taon ang mabilis na lumipas. Hindi na nakapag aral pa ng college si Cherry dahil nag pokus na lamang siya sa kanyang trabaho.Dalawang pamilya ang umaasa sa kanya. Ang tunay niyang pamilya na nasa probinsya at sina aling Joyce at Ivan na napamahal na sa kanya ng lubusan.Dahil walang maiiwan at mag aalaga sa bata ay naisipan noon ni aling Joyce na manatili na lang sa bahay at magtinda sa umaga ng lutong almusal tulad ng pansit, sopas at spaghetti and at the same time ay mabantayan at maalagaan ang sanggol na inangkin ng tunay na anak ni Cherry.Nagtulungan sina Cherry Lou at aling Joyce sa pag aalaga sa anak ni Annika na ngayon ay tatlong taon na. Sobrang minahal nila si baby Ivan na lumalaking sweet at mabait na bata.Tuluyang nawalan ng komunikasyon ang magkaibigan. Wala rin naging balita si Cherry Lou kay Annika at hindi na siya nag aksaya pa nang oras para makipag ayos pa sa kaibigan."Baby Ivan, andiyan na ang Mama mo." dinig ni Cherry na wika ni aling Joyce sa anak anaka