Compartilhar

CHAPTER 2

Autor: aeryscript
last update Última atualização: 2025-11-27 06:18:33

XAVI'S POV

Kumunot lang ang noo niya at napailing bago umalis ng kwarto nang hindi nagpapaalam. Sungit.

Bumaba ako nang makaligo sa banyo ng aking kwarto. Ginamit ko ang napakaraming pampaganda gaya ng mamahaling mga scrub at lotion. Kompleto ang laman ng banyo at ang toothbrush ay electric. Marami ring mga bagong damit sa closet at mga sapatos na hindi ako sigurado kung kaya ko bang gamitin dahil matataas ang ilan.

“Did you like it?”

Nakangiti akong humarap kay Papa na pumasok sa kusina. Kakain kami at tatlo lang kami dahil may gagawin daw si Damien sa kwarto niya.

“Ang ganda po at ang daming gamit!” excited akong nagkwento nang umupo na siya sa tabi ni Mama.

“We really picked everything for you. I'm happy that you like it, Claudia,” nakangiting sabi ni Papa.

Si Mama ay tahimik lang na nakamasid sa amin, kita ang saya sa mukha niya. Hindi pa rin ako masaya na nasa panibagong bahay at pamilya na naman kami, hindi nawawala ang takot sa akin sa mga pwedeng mangyari sa amin. Takot ako sa mga sasabihin ng tao sa amin. Pero ayaw kong sirain ang saya na nararamdaman ko sa pinaparamdam na pagtanggap ngayon sa amin ni Papa, at ang pagtrato ni Damien ay naiintindihan ko dahil hindi ganoon kadali na tumanggap na lang ng tao na papalitan ang nanay nila.

Masaya kaming kumain at nagkwentuhan, sinasabi rin ni Papa ang mga plano niya para sa akin na ikinatuwa ko. Ang saya siguro kung siya ang tunay kong tatay.

“Malapit na ang application season ng university ni Damien. I want you to apply to every university you want, but I wish you would choose Damien's para may kasama ka.”

Then fear blooms again. College na ako, nakakatakot dahil alam kong iba na kapag kolehiyo. At isa pa panibagong mga tao at pakikisama na naman. Nakakatakot dahil baka hindi na naman ako bagay sa eskwelahan na pinasukan ko.

“I’m sure my Clavi will pass, nakapag-apply na siya sa mga sikat na state universities,” ani Mama. Alam kong proud sa akin si Mama pagdating sa academics, binibigay ko ang lahat dahil iyon na lang ang bagay na kinikitaan ko ng usad sa buhay ko.

Kinabukasan ay nilibot ko ang buong mansyon, walang tao, dahil si Mama ay nagtatrabaho bilang Manager ng isang restaurant, si Papa ay nagtatrabaho rin sa kanilang kompanya, at ang mga anak ni Papa ay hindi ko alam.

“Miss Claudia, gusto n’yo po bang ipaghanda ko kayo ng meryenda?” tanong ng isang kasambahay habang ako ay lumalangoy sa napakalaking pool.

Hinarap ko ito. “Hindi na po, Ate.”

“Nako, Rosa na lang po ang itawag n’yo sa akin.”

Hindi s’ya katandaan, mukhang nasa late 20s siya pero magandang morenang babae.

Ngumiti ako sa kaniya. “E ‘di, Claudia na lang din ang itawag mo sa akin.”

“Hindi naman po pwede.”

“Pwede! Don't worry, hindi naman ako Mancini,” sabi ko at umahon sa pool, inabo ko ang pink na roba ko na nasa bench at umupo roon.

Ngumiti lang siya sa akin. “Claudia… Tawagin n’yo lng po ako kapag may ipag-uutos kayo.”

Tumango na lang ako at pinanood siyang pumasok sa kabahayan. Sumandal ako sa pinagkakaupuan at binuklat ang bitbit na libro. Simula pagkabata ko ay nakasanayan ko nang magbasa ng libro dahil iyon ang nakuha ko sa kasama ni Mama dati noong may muwang na ko. Marami siyang libro at lagi niya akong binabasahan ng kung ano-anong kwentong pambata. Halos dalawang taon din silang nagsama at halos araw-araw kaming nagbabasa at nabibit ko iyon nang maghiwalay sila at bigyan ako ng limang libro na habang ngayon ay nasa akin pa rin.

"Who are you?” matigas at galit na tanong ng isang binata na lumabas sa kabahayan.

Napaayos ako ng upo at inayos rin ang pagtakip ng roba sa akin. Kamukha niya si Papa at Damien pero mukhang mas matanda pa siya kay Damien.

“Claudia po,” takot kong sagot.

Magkasalubong ang mga kilay, at matapang ang kaniyang mukha. “You're the daughter of Solene?”

“Yes po.”

His expression softened, at nang makalapit siya sa akin ay naglahad siya ng kamay. “I’m Silas, the eldest.”

Nakangiti ko iyong tinanggap. Ang laki ng kamay niya! Kahit na lumambot ang ekspresyon niya ay naroon pa rin ang tapang ng kaniyang mukha, parang si Papa at Damien.

“Nice to meet you po.”

“Such a pretty girl. Anyway, aalis na ako. May kinuha lang ako.” Nakangiti niyang ginulo ang basa kong buhay. “Nice meeting you, li’l sis.”

“Ingat po kayo,” sabi ko pareho namin natanaw si Damien na nasa loob ng kwarto niya at nakatutok sa laptop niya.

“Ikaw din,” natatawang sabi niya at umalis na.

Napanguso ako dahil hindi ko maintindihan ang pagtawa niya pero magaan ang loob kosa kaniya at masaya dahil tingin ko ay tanggap niya ako dahil sa pagtawag niya sa akin ng li’l sis.

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa at nang ma-bored at tumalon akong muli sa pool at chill na lumangoy. Iba pa rin kapag tubig dagat. ‘Yong lamig ng tubig at init ng araw, ‘yong alat ng tubig at buhangin sa pampang. Nakaka-miss.

Umahon ako at saktong nakaharap sa gawi ng kwarto ni Damien. Mula sa glass wall ng kaniyang kwarto kung saan siya nakaupo kaharap ng kaniyang laptop ay nagtama ang aming mga mata.

Gusto ko siyang makasundo dahil siya ang kasama ko rito sa bahay at sa magiging school ko. Pero paano kung mukhang ayaw naman niya sa akin?

I need to make a move.

Ngumiti ako at kumaway sa kaniya. Nagsalubong ang mga kilay niya at napailing na bumaling muli sa kaniyang laptop.

Suplado talaga.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • The Billionaire Stepbrother's Forbidden Claim    CHAPTER 8

    XAVI'S POV“Let him be,” bulong ko sabay talikod para hindi namin maagaw ang attention nila. Tinusok ni Eloise ang tagiliran ko. “Ay, sus! Someone's jealous.” Napailing ako hindi na sila pinansin para hindi na tumagal ang pang-aasar nila. I ordered dine in like what we had planned. Hindi ako nagpaapekto kahit pa may sumisilip na mapang-asar na mga ngiti sa mga labi nila.Umakbay sa akin si Reese. “It's fine, babe. Study ang pinunta natin dito,” bulong niya sa akin habang paakyat sa second floor ng cafe.Natatawa akong napailing sa kaniya. Reese is in a different major, so we don't usually spend time together. She's a good friend, but her habits are worse than those of Eloise and Vianca. Mas sanay siya sa mga bar at mas malapit sa mga lalaki. She’s sexually active, so she knows how to handle guys and how to get what she wants.Nang makahanap kami ng table ay agad nila akong inasar-asar. Hindi ko tuloy mapigilang mahiya dahil sa lakas ng boses nila na maaaring marinig nila Damien sa i

  • The Billionaire Stepbrother's Forbidden Claim    CHAPTER 7

    XAVI’S POVNatanaw kong kinuha na ni Damien and order niya at lumabas ng cafe. Umayos ako ng pagkakaupo hanggang sa buksan niya ang pintuan ko. Inabot niya ang kape ko at sumandal sa gilid ng sasakyan habang humihigop ng kaniya.Tahimik lang siyang umiinom ng kape habang sumisilip-silip sa kaniyang phone. He went quiet. Hindi ko mapigilan na magsalita at basagin ang katahimikan sa amin. “Hindi man lang tayo nakapagpaalam kay Yuri.”Hindi siya nagsalita o tumingin man lang sa akin. I looked at him and just saw an emotionless Damien. Lasing lang ba ako kanina at parang naramdaman ko ang pag-alaga niya sakin? “Isasabay mo ba ako bukas pagpasok mo?” tanong ko.I saw him let out a loud sigh. “You have your driver,” he said with an irritated expression. “Finish your coffee. Maaga pa ako bukas.” He threw his coffee and went into the driver's seat.Sumikip ang dibdib ko sa malamig niyang pakikitungo. So I was just drunk earlier. Hindi totoo ang mga iyon.Lumabas ako at tinapon ang kapeng

  • The Billionaire Stepbrother's Forbidden Claim    CHAPTER 6

    DAME’S POV“Let's go,” bulong ko kay Claudia nang lapitan ko siya nang hinahanap niya ang mga kaibigan. “They were out.”“Iniwan nila ako?!” Hindi siya makapaniwala nang hindi makita ang mga kaibigan. She was too occupied talking to my friends which is fine for me since she's stays beside me. She can flirt with others all she wants but she needs to be beside me. “Yeah, they were with guys,” I said and pulled her from her waist. “Let's go home.” I quietly smelled her hair. Even soaked with chlorine, her shampoo still smells.“They left me…”Napanguso siya at nagtatampo ang boses. Parang batang iniwan ng magulang. “You need to rest, Clavi.”Mabilis niya akong nilingon. “Don't call me that! We're not close.”Tinago ko ang ngiting gustong tumakas sa mga labi ko. Just damned cute. Lasing na siya dahil nakailang shot rin siya ng margarita. “But we're close right now,” I said teasingly, closing our distance. Naglapat ang aming mga katawan pero masyado na siyang lasing para problemahin pa

  • The Billionaire Stepbrother's Forbidden Claim    CHAPTER 5

    XAVI’S POV“Did he just kiss you?” gulat na tanong ni Eloise nang makita niya akong gulat at tulala pa rin ako.Napailing ako sa aking sarili. Nilingon ko si Vianca na ngayon ay nakikipaghalikan na sa naka-bodyshot niya. “Mukhang busy pa si Vian,” ani ko, pilit na bumabawi sa gulat na naramdaman.Malakas pa rin ang pagtibok ng puso ko kaya hinila ko si Eloise para lumangoy. Nagkakasiyahan ang lahat sa masayang music ng DJ kaya nagtipon-tipon sila sa ginawang stage malapit sa pool kaya kaunti na lang ang natira sa pool. Hinubad namin ni Eloise ang shorts namin para makalangoy na. I dived in the pool and let the cold water hug my body. Ang kaninang nag-init kong katawan dahil sa gulat ay unti-unti nilalamon ng malamig na tubig.Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ni Damien at ginawa iyon. Alam niyang kahit anong gawin niya, hindi niya maitatangi na step-sister niya ako. Umahon ako nang makaramam ng pagod sa paglalangoy, si Eloise ay kanina pang umahon, hindi ko namalayan na kanin

  • The Billionaire Stepbrother's Forbidden Claim    CHAPTER 4

    XAVI'S POV Tahimik ako buong byahe, walang gana na kulitin siya dahil na rin sa pagod sa buong araw na klase. Mukhang mali na ito ang pinili kong university. Lalo ko yata siyang nagalit. Nakasimangot na nakadungaw sa labas ng bintana ang atake ko ngayon. Buti na lang hindi kami naging magkaklase sa kahit na anong course, kung hindi baka lalo na siyang nagalit. “Why are you quiet?” “Sabi mo stop talking?” Napailing siya. “That was a week ago, Claudia.” Wow. Ngayon niya lang ako tinawag sa pangalan ko. After months na kasama ako sa bahay. Well, wala naman siya lagi noon ‘di pa nagsisimula ang klase. Natawa ako sa sarili. “Bakit? Hindi ka na ba magagalit kapag kinulit na ulit kita?” “Forget what I said.” Natawa ako at bahagyang hinarap ang katawan sa kaniya habang nagmamaneho siya. “Why are you so grumpy? Wala ka bang girlfriend?” “It's none of your business.” Napairap ako sa sinabi niya. “Maganda si Eloise.” Binigyan ko siya ng mapang-asar na ngisi “I don't lik

  • The Billionaire Stepbrother's Forbidden Claim    CHAPTER 3

    XAVI'S POV“Lagi mo ba akong isasabay pagpapasok?” I asked, a hint of hope in my voice.“No, you will have your own driver,” he replied smoothly, his eyes focused on the road.Tumango ako habang pinapanood siyang mag drive. “Anong kurso mo?” My curiousity bubbled up, eager to find out more about him.Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga kaya nakaramdaman ako ng kaunting hiya. Matagal bago siya sumagot kaya akala ko hindi na niya ako papansinin.“Finance.” Ngumiti ako nang sumagot siya. Ang ganda ng uniform ng University nila, short skirt, a blouse, and a coat. Ang simple, parang corporate pero komportable. Habang kay Damien naman ay slacks, polo na may blouse, malinis din ang pagkakaayos ng buhok niya. Kapansin-pansin pa ang mamahaling relo niya habang nagmamaneho. Mukha ngang pwede na siya magtrabaho.“Don’t stare.” Agad akong nag-iwas ng tingin. “Tinitignan ko lang ang uniform mo,” tugon ko habang nakatingin sa labas ng bintana.“Just look at yours.”“Alam ko ang itsura n

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status