Share

Chapter 108. Hagdanan!

Penulis: Batino
last update Tanggal publikasi: 2026-04-04 06:01:56

Napalingon ang ilang empleyado sa lobby nang marinig ang malakas na pagtawa mula sa direksyon ng hallway na papunta sa boardroom floor.

Ngunit karamihan sa kanila ay muling nagbalik sa kani-kanilang ginagawa.

Sa isang bahagi ng lobby—nakikipag-usap si Secretary Manzano sa tatlong kilalang foreign investors na bagong dating lamang mula sa ibang bansa.

Nakasuot siya ng maayos na charcoal gray suit, at hawak ang isang tablet kung saan nakalagay ang schedule ng araw. Kilala si Sec. Manzano sa ku
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • The Billionaire Who Watched me Die   Karen o Angela 9

    Mariin kong kinagat ang labi ko hanggang sa malasap ko ang bahagyang alat ng dugo. Tama si Angela—sa paningin nina Mama at Papa, ako ang may kasalanan. Ang pagiging agresibo ko sa pag-imbestiga ay ginamit niya para palabasing ako ang kontrabida at siya ang api. Pero habang inaalalayan nina Mama at Papa si Angela pabalik sa main house para malapatan ng yelo ang noo nito, nakatayo pa rin ako sa dilim ng silid, hawak ang puting sobre na naglalaman ng katotohanan. Hindi nila alam na ang ebidensyang hawak ko ay may kopya na naka-save din sa cloud storage ng personal kong laptop—isang bagay na hindi kayang burahin o sirain ng kahit anong arte ni Angela. Mag-iyakan muna kayo,sa isip ko. *Bukas, sa harap ng buong Monteverde Foundation charity gala, sabay nating sasalubunin ang karma. Kinabukasan, naging abala ang buong mansyon sa pag-aayos para sa taunang charity gala. Ang Monteverde Foundation ang pinakamalaking philanthropic organization sa lungsod, at dinaluhan ito ng mga kilalang nego

  • The Billionaire Who Watched me Die   Karen o Angela 8

    "Dahil natural lang sa akin ang maawa, Karen," mahinahong depensa ni Mama, bagamat may bahid na ng pagod at irita ang kanyang boses dahil sa paulit-ulit kong pag-ungkat. "Hindi ko sinasabing kinalilimutan kita. Pero isipin mo rin ang kalagayan niya. Kung ikaw kaya sa posisyon niya?"Hindi na ako sumagot. Alam ko na ang isusunod niya. Sa paningin nila ngayon, ako ang nagiging masama—ang madamot, ang insecure, at ang takot na mawalan ng atensyon at posisyon.Dahil sa nakaraang buhay ko, alam na alam ko ang takbo ng laro ni Angela.Habang nagpapanggap siyang anghel sa harap ng mga magulang ko, sa likod ay unti-unti niyang pinuputol ang koneksyon ko sa pamilya. Ipinapalabas niya sa mga kasambahay at maging kay Papa na kinakaawaan niya ako pero palihim ko siyang sinusungitan. Madalas ko siyang makitang nakangisi nang palihim tuwing tatalikod si Mama pagkatapos nitong maglabas ng sama ng loob sa akin.Mag-enjoy ka muna sa pagpapanggap mo, Angela, bulong ko sa aking sarili habang pinapanood

  • The Billionaire Who Watched me Die   Karen o Angela 7

    Habang nakatayo sila sa guest lounge, nakita ko ang mabilis na pagbabago sa ekspresyon ni Helda at Angela. Pinalitan ng isang kampanteng ngiti ang kaninang takot at pangamba sa kanilang mga mukha. "Sige," malamig na panggagaya ni Helda, pilit na ibinabalik ang kanyang kunwaring dignidad. "Kung 'yan ang gusto ninyo, papayag kami sa DNA test ng pamilya Monteverde. Wala kaming itinatago. Ang katotohanan ay katotohanan." Tumingin sa akin si Angela nang may patagong pagmamayabang. Bahagyang umangat ang sulok ng kanyang labi habang nakatitig sa akin. Napakunot ang noo ko. Bakit bigla silang naging kumpiyansa? Sa unang buhay ko, mabilis na lumabas ang resulta na nagpapatunay na si Angela ang tunay na Monteverde at ako ang anak ni Helda. Akala ko noong una ay aksidente o purong swerte lang ang lahat. Ngunit sa pagbabago ng kanilang mood ngayon, biglang pumasok sa isip ko ang isang napakalaking katotohanan: May malakas na taong nasa likod nila. May kasabwat sila—isang taong may sapat na

  • The Billionaire Who Watched me Die   Karen o Angela 6

    Pov- Karen Monteverde Habang pinagmamasdan ko ang kanilang mga peke at kasinungalingang luha, unti-unting lumabo ang paligid. Ang galit, sakit, at matinding panghihinayang ay naghalo sa aking dibdib. Nabalot ng matinding dilim ang buong silid hanggang sa maramdaman kong unti-unting nahihila ang aking kaluluwa palayo. Hindi... Hindi ako papayag! Kung may pagkakataon lang sana... Hinding-hindi ko na hahayaang tapak-tapakan at linlangin ninyo kaming muli! "Karen... Karen, anak, gising na." Naramdaman ko ang marahang paghaplos ng isang mainit at malambot na kamay sa aking pisngi. Kasabay nito ang napakalambing na boses na matagal kong kinalakhang marinig muli. Mabilis akong napabalikwas nang bangon. Hingal na hingal ako at basang-basa ng malamig na pawis ang noo ko. Mabilis kong hinawakan ang aking leeg, balikat, at ulo. Walang dugo? Walang sakit? Inilagay ko ang aking kamay sa aking dibdib—mabilis at buhay na buhay ang tibok ng aking puso. "Nabangungot ka ba, anak?" alalang t

  • The Billionaire Who Watched me Die   Karen O Angela 5

    Aakyat na sana ako papunta sa aking silid nang bigla kong narinig ang nagmamadaling yabag ni Helda sa likuran ko. Bago pa ako tuluyang makahakbang sa susunod na baitang ng hagdan, mariin niyang hinablot ang aking pulsuhan. "Bastos kang bata ka!" galit niyang sigaw. "Kahit si Angela ang pinalaki ko sa loob ng labing-anim na taon, ikaw pa rin ang anak ko!" Napangiwi ako sa higpit ng pagkakahawak niya. "Bitiwan mo ako!" sigaw ko habang pilit binabawi ang aking kamay. Ngunit lalo lang niyang hinigpitan ang hawak. Sa gitna ng aming paghihilahan, nawalan ako ng balanse. Nadulas ang paa ko sa gilid ng hagdan. Napabitaw si Helda sa gulat, ngunit huli na. Nagkandamali ang aking mga hakbang habang pilit akong kumakapit sa handrail upang hindi tuluyang mahulog. Hindi ko na naabot ang handrail. Dumulas ang mga daliri ko habang tuluyan akong nawalan ng balanse. "A-ahh!" Sunod-sunod na tumama ang likod, balikat, at ulo ko sa bawat baitang ng hagdan. Malalakas na kalabog ang umalingawn

  • The Billionaire Who Watched me Die   KAREN O ANGELA 4

    POV: Karen Nang makita ng babae na wala na sina Mama at Papa, kasama si Angela, ang anak na matagal na nilang hinahanap, dahan-dahang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Ang kanina'y nag-aalalang tingin ay napalitan ng matinding galit. Mabibigat ang hakbang niyang lumapit sa akin habang nakatayo ako sa may hagdan. Napaatras ako nang bahagya nang makita kong nanginginig sa galit ang kanyang mga kamay. Huminto siya sa tapat ko at mariing itinuro ako. "Alam mo ba kung ano'ng ginawa mo kay Angela?!" sigaw niya, halos mawalan ng boses. Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataong magsalita. "Inalagaan ko si Angela sa abot ng makakaya ko! Siniguro kong wala siyang kahit isang sugat sa katawan. Pero ikaw..." napailing siya habang pinipigilan ang galit at pagkadismaya. "Isang tulak lang ang ginawa mo para mahulog siya sa hagdan dahil alam mong mawawala ka na sa pamilyang matagal mo nang nakasama!" Nanatili akong nakatayo habang sunod-sunod na tumama sa akin ang bawat salitang ibi

  • The Billionaire Who Watched me Die   Chapter 155. POv: Theariza/Zamarha

    “Akala niyo ba hindi ko alam na ninakaw niyo na ang lahat ng investor ko sa kompanya ng aking namayapang ina!” Umalingawngaw sa buong bulwagan ang boses ni Althea. Hindi ko agad siya nakita, pero ramdam ko ang bigat ng presensya niya habang papalapit siya sa entablado. Isa-isang napalingon ang

  • The Billionaire Who Watched me Die   Chapter 154

    Muling umalingawngaw ang boses ng emcee sa buong bulwagan, puno ng diin at awtoridad— “Mga binibini at ginoo… ihanda po ninyo ang inyong mga sarili sa pagdating ng taong matagal ninyong hinihintay…” Bahagyang huminto ang emcee, pinatagal ang tensyon habang nakatutok ang lahat sa malalaking pintua

  • The Billionaire Who Watched me Die   Chapter 153

    “Boss… Sir Raven, hindi pa po ba kayo lalabas? Hinihintay na po kayo ng mga bisita,” muling paalala ng isang tauhan na nagmamadaling lumapit mula sa harapan ng entablado. Napatingin si Raven kay Zamarha, parehong may bahid ng pag-aalala ang kanilang mga mukha. “Mommy… Daddy,” biglang sabat ni The

  • The Billionaire Who Watched me Die   Chapter 148. Mr.Villareal

    Sa loob ng conference room... Tahimik ang paligid, ngunit hindi dahil sa takot—kundi dahil sa kontrol. Walang nagtatangkang magsalita nang wala sa oras. Lahat ay eksaktong gumagalaw ayon sa gusto ng mga taong nakaupo sa unahan. Nakatayo ang investor sa gitna ng silid, halatang tensyonado kahit

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status