INICIAR SESIÓN“Sandali lang, Attorney…” agad na pigil ni Zamarha, bahagyang lumapit habang nanginginig ang boses. “Ku-kumusta na si Susan Manzano? Gising na ba siya? Ano na ang balita sa kaso ko? Pwede na ba akong lumabas ng isla… para makasama ang anak ko?” Sunod-sunod ang tanong niya, halatang matagal nang kinikimkim ang pag-aalala. Huminga nang malalim ang Attorney bago sumagot. Nanatiling seryoso ang kanyang mukha. “Hindi mo ‘yon pwedeng gawin, Zamarha,” diretso niyang sagot. “Hangga’t hindi nagigising ang tunay na CEO.” Napakunot ang noo ni Zamarha. “Siya lang ang makakapagligtas sa’yo,” dagdag pa niya, mabigat ang bawat salita. “P-pero si Susan—” pilit niyang singit. Umiling ang Attorney. “Kahit magkamalay pa si Susan, hindi ka niya maililigtas,” malamig niyang sabi. “Masyadong malakas ang Huston at Montale. Nagsanib-pwersa sila laban sa’yo.” Parang binuhusan ng malamig na tubig si Zamarha. “Kahit anong gawin natin… si Boss Darryl lang ang may kakayahang iligtas ka,” tulu
“D-Darry…” nanginginig ang tinig ni Zamarha habang marahan niyang hinawakan ang malamig na kamay ng binata. Sa sandaling iyon, bahagyang gumalaw ang mga daliri ni Darryl. Napasinghap siya at agad napalapit. “Darry… naririnig mo ba ako?” halos pabulong niyang sabi, puno ng pag-asa. Ngunit ilang segundo lang—muling nanahimik ang lahat. Hindi na ulit gumalaw si Darryl. Unti-unting napawi ang pag-asa sa kanyang mga mata, napalitan ng kaba at pangamba. Napakagat siya sa labi habang pilit pinipigilan ang luha. “Kailangang malaman ito ni Attorney…” bulong niya sa sarili, nanginginig ang paghinga. “Pero bakit hanggang ngayon wala pa rin siyang tawag? Sabi niya tatawag siya agad kapag may balita na siya…” Napayuko siya, napahawak sa noo. “Hindi kaya… wala pa rin siyang nalalaman?” dagdag pa niya, halos pabulong na. Sumagi rin sa isip niya ang isa pang pangalan. “Si Sec. Susan… kumusta na kaya siya? Bakit wala pa ring balita…” nagkamalay na kaya siya?”Ramdam niya ang paniniki
“Aalis na ako, kapatid ko… h-hindi ko kayang makita ang mama na wala na…” nanginginig na saad ni Althea, pinipigilan ang kanyang emosyon. Tumango lang si Harvey, mabigat ang tingin. “Mag-iingat ka…” pahabol niyang sabi. Hindi na sumagot si Althea. Dahan-dahan siyang tumalikod at naglakad palayo, habang patuloy ang kanyang pagpunas ng luha—isang perpektong anyo ng nagdadalamhating anak. Ngunit pagkalabas niya ng hospital… agad niyang kinuha ang kanyang telepono. Mabilis niyang dinial ang numero. “Hello… sweetheart? Nandiyan ka ba?” mahina ngunit sabik niyang tanong. “Oo, ako ito… napatawag ka? Anong balita diyan? Kumusta si Elina?” seryosong tanong ni Alexander sa kabilang linya. “Okay lang si Elina… nasa mansion siya. Ako paalis pa lang dito sa hospital,” sagot ni Althea habang naglalakad, palinga-linga sa paligid. “Bakit? Anong nangyari sa’yo?” nag-aalalang tanong nito. “Wag kang mag-alala… walang masamang nangyari sa akin…” bahagya siyang napangiti. “Pero may g
“Anong sinasabi mong wala na ang mama?!” halos mapasigaw si Harvey, namumula ang mga mata habang nakatitig sa doktor. “Ka—” akma pa sana siyang magsasalita, ngunit bigla siyang natigilan. Parang may kumurot sa isip niya. Naalala niya ang huling tawag ng kanyang ina. Ang boses nito… ang pangungulila… at ang hindi maipaliwanag na kaba. “N-Nasaan ang mama ko?!” mas mariin na ngayon ang tono niya, puno ng takot at galit habang hinaharap ang doktor na kakalabas lang ng operating room. Sandaling nag-alangan ang doktor bago sumagot. “Nasa loob pa po siya ng OR… pakihintay na lamang po kayo dahil inaayos pa ang… katawan niya,” maingat nitong saad, halatang pinipili ang mga salita. Ngunit hindi na nakinig si Harvey. “Hindi! Kailangan ko siyang makita!” sigaw niya, at bago pa siya mapigilan— sapilitan siyang pumasok sa loob ng operating room. “Sir! Hindi po pwede—!” habol ng nurse, ngunit huli na. — Sa labas… Tahimik na nakatayo si Althea. Nakatingin sa pintuan
“Hello…” sagot ng isang kasambahay na kagagaling lang sa palengke, hinihingal pa habang inilalapag ang mga pinamili sa mesa. Pawisan ang noo niya, at bahagyang nanginginig ang kamay habang hawak ang telepono. Sa kabilang linya. “Si Thearonna? Nasaan siya?!” halos mapunit ang boses ni Zamarha, punong-puno ng kaba at takot. Napahinto ang kasambahay. “Madam…? Kayo po ba ’yan?” tanong niya, biglang bumaba ang boses, tila may kinatatakutan. Saglit siyang napalingon sa paligid, parang may nagmamasid. “Bakit po kayo tumawag?” halos pabulong niyang dugtong. “Diba kabilin-bilinan ni Attorney na huwag po kayong tatawag hangga’t hindi siya ang tumatawag sa inyo… baka po mapahamak kayo sa ginagawa niyo…” Mas lalo pang bumigat ang hangin. Sa kabilang linya, ilang segundo ring natahimik si Zamarha—ngunit ang mabilis niyang paghinga ay rinig na rinig. “Wala akong pakialam sa bilin niya!” mariin niyang sagot, nanginginig ang boses. “Sabihin mo sa akin—nasaan ang anak ko?!” Hindi a
“Kung ginawa mo lang akong CEO… hindi mangyayari sa’yo ito, Mrs. Montale!” Mariing saad ni Althea, ang kanyang boses ay malamig ngunit may bahid ng pinipigilang galit. Saglit siyang tumitig sa nakahandusay na katawan ng babae—walang malay, maputla, at halos hindi na gumagalaw. Sa isang iglap, tumalikod siya. KRRRK! Mariin niyang isinara ang pinto, halos umalingawngaw ang tunog nito sa buong hallway. Napasandal siya saglit sa pinto, ipinikit ang mga mata habang pinapakalma ang sarili. Ang mabilis niyang paghinga ay unti-unting bumagal, ngunit ang kabog ng dibdib niya ay tila ayaw pa ring tumigil. Lumipas ang ilang segundo. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang tumuwid. Wala na ang malamig na ekspresyon sa kanyang mukha. Pinalitan ito ng takot. Ng pag-aalala. Ng pagiging isang inosenteng anak. Makalipas ang trenta minuto, muling bumalik si Althea sa harap ng silid. Nanginginig ang kanyang kamay habang hinahawakan ang doorknob—parang ngayon lang niya napagtanto ang sitwa
Sa Montale Mansion… “Hindi ko talaga ginawa ’yon, Mama…” nanginginig ang boses niyang saad habang lumalapit. “Pinahiya ako ng CEO na ’yon sa harap ng maraming investors… Mama…” Tuluyan na siyang napahagulgol. Agad namang tumayo si Madam Ailyan mula sa kanyang kinauupuan. Ngunit imbes na yakap
Sa loob ng ospital “Madam CEO…” mahinang tawag ni Secretary Susan Manzano, bahagyang lumapit habang sinusuri ang paligid. Dahan-dahang lumingon si Zamarha, ngunit ang mga mata niya’y nananatiling puno ng pag-aalala. “Bakit?” tanong niya, pilit pinapatatag ang boses kahit ramdam ang kaba sa di
“First agenda, Madam CEO,” maingat na saad ni Secretary Susan Manzano habang inaayos ang mga dokumentong nasa harapan niya. “May ilang investor po na nag-aalala sa biglang pagbaba ng quarterly profit ng Montellana Group sa nakaraang dalawang buwan.” Agad na nagkaroon ng bahagyang bulungan sa pali
Nagkatinginan ang dalawang guard sa itaas ng hagdan. Pareho silang namumutla habang nakatitig sa katawan ni Darryl na walang malay sa pinakailalim ng service stairs. Sa tabi nito ay si Thearonna na patuloy na umiiyak habang yakap ang kanyang ama. “Daddy… gumising ka po… daddy…” nanginginig ni







