LOGIN“Puro kayo kapalpakan! Wala na ba kayong magandang maitutulong sa akin?!” malakas na sigaw ni Althea, umalingawngaw sa buong conference room ng Montale Corporation. Napayuko ang lahat ng naroon. Walang sinuman ang naglakas-loob na sumagot agad. Ramdam ang bigat ng galit na bumabalot sa paligid—tila anumang maling salita ay maaaring maging sanhi ng mas malaking pagsabog. Nakatayo si Althea sa dulo ng mahabang mesa, nakapamewang, matalim ang tingin sa bawat isa. Halos manginig ang ilan sa kanyang presensya. “Pasensiya na po, Madam…” mahinang sabi ng isang Director na responsable sa pakikipag-ugnayan sa investors. “Hindi po namin inaasahan na ganoon ang mangyayari. Biglaan po ang pag-withdraw ng isa sa pinakamalaking investor natin…” “Hindi ninyo inaasahan?!” agad siyang sumingit, puno ng sarkasmo ang boses. “Ano kayo, mga dekorasyon lang dito?! Binabayaran ko kayo para mag-isip, hindi para magulat!” Napaatras nang bahagya ang Director, halatang kinakabahan. “Madam, sinubukan po nam
Agad nagtungo si Attorney sa Isla Mujeres matapos niyang ihatid ang magandang balita sa Montellana Group. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras—tila may kung anong kaba at pananabik na nagtutulak sa kanya na makarating agad doon. Sa buong biyahe, paulit-ulit niyang iniisip ang kalagayan ni Darryl. Ilang buwan na rin itong walang malay, at ngayon—ayon sa natanggap niyang balita—may pagbabago na. Ilang oras ang lumipas, sa wakas ay narating na niya ang isla. Pagkababa pa lamang niya, agad siyang nagtungo sa pribadong villa kung saan naka-confine si Darryl. Halos hindi na niya maramdaman ang pagod sa katawan dahil sa kaba at excitement na bumabalot sa kanya. Pagdating sa pintuan, sandali siyang huminto. Huminga siya nang malalim bago dahan-dahang pinihit ang doorknob. At nang bumukas ang pinto— Bumungad sa kanya ang isang eksenang hindi niya inaasahan. Nakatayo si Darryl sa harap ng malawak na bintana, tanaw ang napakagandang dagat ng Isla Mujeres. Ang liwanag ng araw ay tumatama sa
Samantala, sa Montellana Group… Nanatiling bakante ang posisyon ng CEO. Walang malinaw na lider na gumagabay sa direksyon ng kumpanya, kaya’t ang Board of Directors at ang Chairman lamang ang pansamantalang namamahala sa araw-araw na operasyon. Sa mga nagdaang linggo, ramdam ang epekto nito—bumabagal ang mga desisyon, nagiging hati ang opinyon ng bawat miyembro, at unti-unting naaapektuhan ang takbo ng negosyo. Kahit ang mga empleyado ay nagsisimula nang magtanong kung sino ba talaga ang may huling salita. Sa loob ng boardroom… “Masyado nang matagal na walang CEO ang Montellana,” seryosong saad ng isa sa mga directors habang nakapulupot ang kanyang mga daliri sa ibabaw ng mesa. “Hindi pwedeng ganito na lang tayo. Kailangan na nating magtalaga ng permanenteng mamumuno.” Sumang-ayon ang iba. Kita sa kanilang mga mukha ang pag-aalala. “Kung hindi tayo kikilos ag
Napayuko si Harvey, mariing napakuyom ang kanyang kamao habang pinipilit magdesisyon. Hindi pa pwede… mariin niyang sabi sa sarili. Kapag nalaman nila na buhay pa si Mama… siguradong hindi sila titigil hangga’t hindi nila siya tuluyang pinapatahimik. Dahan-dahan siyang huminga nang malalim bago muling tumingala kay Claire. Pilit niyang inayos ang ekspresyon ng kanyang mukha—tinakpan ang kaba, itinago ang katotohanan. “Wala na si Mama…” mahinang sagot niya, pilit pinapabigat ang tono. “H-hindi na siya umabot…” Nanlaki ang mga mata ni Claire. Napahawak siya sa kanyang bibig, tila hindi matanggap ang narinig. “Ano…? Hindi… hindi pwedeng…” nanginginig niyang sabi. “Kakausap ko lang sa kanya noong isang linggo… hindi pwedeng ganon na lang…” Napaiwas ng tingin si Harvey. Ramdam niya ang kirot sa dibdib—hindi dahil sa sinabi niya, kundi dahil sa pagsisinungaling niya sa taong maaaring kakampi niya. “May nangyari,” dugtong niya, mas pinili ang malabong paliwanag. “At… may mga taong aya
“Kaladkarin niyo siya palabas!” mariing utos ni Alexander sa mga tauhan, malamig ang tono ngunit punong-puno ng galit. Agad kumilos ang mga bantay, hinawakan ang magkabilang braso ng lalaki at pilit siyang hinila palayo. “Hindi niyo pwedeng gawin sa akin ‘to!” pilit niyang pumiglas, nanginginig ang boses sa takot at galit. “Makakarating ‘to sa ama ko! Hindi niya kayo patatawarin!” Napahagalpak ng tawa si Alexander, mababa at mapanlait. “Ang ama mo?” ulit niya, sabay iling na parang hindi makapaniwala. “Sa labas ka na lang magyabang! Wala kang kapangyarihan dito!” “Lapastangan!” sigaw pa niya, habang ang iba ay napangisi at napailing na lamang, pinapanood ang unti-unting paghila kay Harvey palabas ng silid. “Ituloy niyo na ang meeting…” saad ni Alexander sa lahat, kalmado ngunit may nakatagong pananakot ang kanyang boses. Isa-isa niyang tiningnan ang bawat miyembro ng board—at malinaw na walang sinuman ang handang kumontra. Dahan-dahan siyang bumaling sa kanyang asawang si Althe
Dahan-dahang huminga si Theariza bago nagsalita. “Harvey…” mahinahon niyang tawag, malumanay ang boses na tila pinipigilan ang emosyon. “Naiintindihan ko ang galit mo… at ang sakit na nararamdaman mo ngayon.” Ilang hakbang ang ginawa niya palapit dito, kontrolado ang bawat galaw. “Pero hindi pwedeng tumigil ang lahat dahil lang sa nangyari kay Mama,” dugtong niya, maingat ang pagpili ng salita. “Mas lalo nating kailangang panindigan ang iniwan niya… lalo na ang kompanya.” Napailing si Harvey, halatang hindi kumbinsido. “Panindigan?” bahagyang tumaas ang boses niya. “Ate, kakamatay lang ni Mama—at ang iniisip mo agad ay ang posisyon?” Bahagyang napabuntong-hininga si Theariza, saka yumuko nang kaunti—tila nasasaktan sa sinabi ng kapatid. “Hindi gano’n,” mahina niyang sagot. “Kung pwede lang… mas pipiliin kong manatili sa tabi ni Mama ngayon.” Tumigil siya sandali, saka muling tumingin kay Harvey—malungkot ang mga mata. “Pero may responsibilidad akong iniwan siya sa ak
Napalingon ang ilang empleyado sa lobby nang marinig ang malakas na pagtawa mula sa direksyon ng hallway na papunta sa boardroom floor. Ngunit karamihan sa kanila ay muling nagbalik sa kani-kanilang ginagawa. Sa isang bahagi ng lobby—nakikipag-usap si Secretary Manzano sa tatlong kilalang foreign
Napahigpit ang hawak ni Thearonna sa laylayan ng damit ni Darryl matapos marinig ang tanong ni Althea. Bahagyang nanginig ang kanyang maliliit na kamay. “Mama…” mahina niyang bulong. Napatingin sa kanya si Darryl, ngunit bago pa siya makapagsalita— Muling n
Pagkapasok kay Theariza sa bartulina, agad na nagsalita si Althea. Bahagyang nakakunot ang noo nito, tila may bumabagabag sa isipan. “Totoo ba ang narinig ko… na papunta ngayon dito si Darryl at kasama ang batang ’yon?” tanong niya, may halong kaba at pagtataka. Sandaling natahimik si Alexander b
“So kayo na naman!” galit na saad ni Althea habang matalim ang tingin kay Theariza at sa kanyang anak. “Kayong mag-ina na naman ang sumira sa araw ng anak ko?!” Napatingin ang ilang taong nakapaligid sa kanila. Halatang nagiging sentro na ng eksena ang dalawang pamilya. Sandaling natahimik si Th







