LOGINSamantala, sa Montellana Group… Nanatiling bakante ang posisyon ng CEO. Walang malinaw na lider na gumagabay sa direksyon ng kumpanya, kaya’t ang Board of Directors at ang Chairman lamang ang pansamantalang namamahala sa araw-araw na operasyon. Sa mga nagdaang linggo, ramdam ang epekto nito—bumabagal ang mga desisyon, nagiging hati ang opinyon ng bawat miyembro, at unti-unting naaapektuhan ang takbo ng negosyo. Kahit ang mga empleyado ay nagsisimula nang magtanong kung sino ba talaga ang may huling salita. Sa loob ng boardroom… “Masyado nang matagal na walang CEO ang Montellana,” seryosong saad ng isa sa mga directors habang nakapulupot ang kanyang mga daliri sa ibabaw ng mesa. “Hindi pwedeng ganito na lang tayo. Kailangan na nating magtalaga ng permanenteng mamumuno.” Sumang-ayon ang iba. Kita sa kanilang mga mukha ang pag-aalala. “Kung hindi tayo kikilos ag
Napayuko si Harvey, mariing napakuyom ang kanyang kamao habang pinipilit magdesisyon. Hindi pa pwede… mariin niyang sabi sa sarili. Kapag nalaman nila na buhay pa si Mama… siguradong hindi sila titigil hangga’t hindi nila siya tuluyang pinapatahimik. Dahan-dahan siyang huminga nang malalim bago muling tumingala kay Claire. Pilit niyang inayos ang ekspresyon ng kanyang mukha—tinakpan ang kaba, itinago ang katotohanan. “Wala na si Mama…” mahinang sagot niya, pilit pinapabigat ang tono. “H-hindi na siya umabot…” Nanlaki ang mga mata ni Claire. Napahawak siya sa kanyang bibig, tila hindi matanggap ang narinig. “Ano…? Hindi… hindi pwedeng…” nanginginig niyang sabi. “Kakausap ko lang sa kanya noong isang linggo… hindi pwedeng ganon na lang…” Napaiwas ng tingin si Harvey. Ramdam niya ang kirot sa dibdib—hindi dahil sa sinabi niya, kundi dahil sa pagsisinungaling niya sa taong maaaring kakampi niya. “May nangyari,” dugtong niya, mas pinili ang malabong paliwanag. “At… may mga taong aya
“Kaladkarin niyo siya palabas!” mariing utos ni Alexander sa mga tauhan, malamig ang tono ngunit punong-puno ng galit. Agad kumilos ang mga bantay, hinawakan ang magkabilang braso ng lalaki at pilit siyang hinila palayo. “Hindi niyo pwedeng gawin sa akin ‘to!” pilit niyang pumiglas, nanginginig ang boses sa takot at galit. “Makakarating ‘to sa ama ko! Hindi niya kayo patatawarin!” Napahagalpak ng tawa si Alexander, mababa at mapanlait. “Ang ama mo?” ulit niya, sabay iling na parang hindi makapaniwala. “Sa labas ka na lang magyabang! Wala kang kapangyarihan dito!” “Lapastangan!” sigaw pa niya, habang ang iba ay napangisi at napailing na lamang, pinapanood ang unti-unting paghila kay Harvey palabas ng silid. “Ituloy niyo na ang meeting…” saad ni Alexander sa lahat, kalmado ngunit may nakatagong pananakot ang kanyang boses. Isa-isa niyang tiningnan ang bawat miyembro ng board—at malinaw na walang sinuman ang handang kumontra. Dahan-dahan siyang bumaling sa kanyang asawang si Althe
Dahan-dahang huminga si Theariza bago nagsalita. “Harvey…” mahinahon niyang tawag, malumanay ang boses na tila pinipigilan ang emosyon. “Naiintindihan ko ang galit mo… at ang sakit na nararamdaman mo ngayon.” Ilang hakbang ang ginawa niya palapit dito, kontrolado ang bawat galaw. “Pero hindi pwedeng tumigil ang lahat dahil lang sa nangyari kay Mama,” dugtong niya, maingat ang pagpili ng salita. “Mas lalo nating kailangang panindigan ang iniwan niya… lalo na ang kompanya.” Napailing si Harvey, halatang hindi kumbinsido. “Panindigan?” bahagyang tumaas ang boses niya. “Ate, kakamatay lang ni Mama—at ang iniisip mo agad ay ang posisyon?” Bahagyang napabuntong-hininga si Theariza, saka yumuko nang kaunti—tila nasasaktan sa sinabi ng kapatid. “Hindi gano’n,” mahina niyang sagot. “Kung pwede lang… mas pipiliin kong manatili sa tabi ni Mama ngayon.” Tumigil siya sandali, saka muling tumingin kay Harvey—malungkot ang mga mata. “Pero may responsibilidad akong iniwan siya sa ak
“Wag kang mag-alala, D-Darryl… tatawagan ko si Attorney at sasabihin kong gising ka na.” nanginginig ang boses ni Zamarha, pero pilit niyang pinatatag ang sarili. Ngunit natigilan siya. Dahan-dahan niyang ibinaba ang cellphone na kanina’y mahigpit niyang hawak. “Pero… hindi pala ako pwedeng tumawag sa kanya…” halos pabulong niyang saad, puno ng pag-aalinlangan. Napakagat siya sa ibabang labi habang naguguluhan. “Anong gagawin ko ngayon…?” Napatitig siya kay Darryl. Nakahiga lang ito sa kama—maputla, pawisan, at halatang nanghihina pa rin ang buong katawan. Ang kanyang paghinga ay mabagal at hindi pantay, na para bang bawat paghinga ay may kasamang hirap. Ang mga mata nito ay bahagyang nakabukas, ngunit tila walang malinaw na pinagtutuunan. Unti-unting lumapit si Zamarha sa gilid ng kama. Maingat niyang hinawakan ang kamay ni Darryl—malamig. “T-talaga bang wala kang maalala, D-Darryl?” tanong niya muli, mas mahina na ngayon ang boses, tila natatakot sa maaaring maging sagot. I
“Sandali lang, Attorney…” agad na pigil ni Zamarha, bahagyang lumapit habang nanginginig ang boses. “Ku-kumusta na si Susan Manzano? Gising na ba siya? Ano na ang balita sa kaso ko? Pwede na ba akong lumabas ng isla… para makasama ang anak ko?” Sunod-sunod ang tanong niya, halatang matagal nang kinikimkim ang pag-aalala. Huminga nang malalim ang Attorney bago sumagot. Nanatiling seryoso ang kanyang mukha. “Hindi mo ‘yon pwedeng gawin, Zamarha,” diretso niyang sagot. “Hangga’t hindi nagigising ang tunay na CEO.” Napakunot ang noo ni Zamarha. “Siya lang ang makakapagligtas sa’yo,” dagdag pa niya, mabigat ang bawat salita. “P-pero si Susan—” pilit niyang singit. Umiling ang Attorney. “Kahit magkamalay pa si Susan, hindi ka niya maililigtas,” malamig niyang sabi. “Masyadong malakas ang Huston at Montale. Nagsanib-pwersa sila laban sa’yo.” Parang binuhusan ng malamig na tubig si Zamarha. “Kahit anong gawin natin… si Boss Darryl lang ang may kakayahang iligtas ka,” tulu
3 YEARS LATER… “MOMMY!” Masiglang tinig ng isang batang babae ang biglang umalingawngaw sa maliit ngunit maayos na sala ng kanilang bahay. “Mama, kilala mo ba si Elina MH?” Napangiti si Theariza habang abala sa pagtitiklop ng mga damit. Huminto siya sandali at napatingin sa kanyang anak. Si T
Humahangos na pumasok sa loob ng Huston Mansion sina Ginang Ailyn at Althea. Halos hindi na napansin ng ginang ang mga katulong na nagulat sa bigla niyang pagdating. Deretso siyang naglakad papunta sa malaking sala habang mahigpit ang hawak sa kanyang handbag. “Nasaan si Harvey?!” matalim niyang
“Narito ang background check niya!” malamig ngunit matalim na saad ni Ginang Alicia habang iniunat ang makapal na brown envelope. Dahan-dahan niyang inilabas ang ilang papel at isa-isang ikinalat sa mesa sa harap nila. “Ang babaeng ‘yan ay mahilig pumatol sa mga mayayaman,” dagdag niya habang pin
“A-anong ginagawa mo rito?!” gulat na tanong ni Alexander, ngunit sa halip na mandiri sa sinapit niya kay Theariza ay tila mas nangingibabaw pa ang pagkabigla sa kanyang mukha. Halos nanlaki ang mga mata ni Alexander habang nakatitig sa babaeng nasa harapan niya. Hindi na hinintay ni Alexander







![Captured By Ninong Hades [SPG]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)