مشاركة

Chapter 189

مؤلف: Batino
last update تاريخ النشر: 2026-05-06 04:56:57

“Nakahanda na po ang lahat Madam Theariza. Aalis na po ba tayo?” tanong ng Montellana Guard, bahagyang kinakabahan habang pinupunasan ang pawis sa kanyang noo.

Huminga nang malalim si Theariza, ngunit hindi nito napawi ang kakaibang sikip na bumabalot sa kanyang dibdib. Marahan siyang tumango, pinipilit maging kalmado kahit tila may unos na unti-unting nabubuo sa loob niya.

“Yes, para naman maaga tayong makarating sa Holding's Company!” sagot niya, nakahanda na rin ba ang lahat ng mga tauha
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق

أحدث فصل

  • The Billionaire Who Watched me Die   Chapter 194. Muling nabuhay sa nakaraan si Alexander?

    “Hindi… hindi pa ako patay! Paano na ang kompanya ko? Paano na ang mga kayamanang itinago ko?! Theariza bakit ganyan ka na kalupit? Hindi ka naman dating ganyan.” hindi makapaniwalang sigaw ni Alexander sa dilim, habang nanginginig ang kanyang boses at ramdam ang desperasyon na kumakapit sa kanyang kaluluwa. Sa paligid niya, tanging katahimikan at kadiliman ang sumasagot, na para bang sinasakal ang bawat natitirang pag-asa niya. “Mga tauhan, pagkarating niyo sa bangin wag niyo munang ihahagis ang katawan niya. Hintayin niyo ako, para makita ko kung paano siya mahuhulog sa bangin katulad ng ginawa niya sa akin… ” kalmado na niyang sabi, ngunit sa likod ng kanyang malamig na tinig ay naroon ang matinding galit at paghihiganti na pilit niyang kinokontrol. Ang bawat salita niya ay tila hatol na walang kawala, isang utos na may bigat ng kamatayan. “Theariza! Hindi ka ganyan kalupit para gawin sa akin ang bagay na yan!” sigaw ni Alexander, mas lumakas ang takot sa kanyang tinig, halong

  • The Billionaire Who Watched me Die   Chapter 193. Ang B@ngkay ni Alexander

    Habang abala ang dalawang bata sa Mansion ng Montellana Mansion, abala naman si Theariza sa madilim na bodega kung saan nakagapos si Alexander. “Ano ba, Theariza?! Pakawalan mo ako rito!” sigaw ni Alexander habang pilit kumakawala sa pagkakatali ng kanyang mga kamay. Halatang takot na takot na ito, pinagpapawisan at namumutla habang nakatitig sa malamig na mukha ng babae. Ngunit isang mapait at halos nakakabinging tawa lamang ang isinagot ni Theariza. “Hahaha… nagmakaawa rin ako sa’yo noon, Alexander. Pero ano’ng ginawa mo?” malamig niyang sambit habang dahan-dahang lumalapit. “Mas pinili mong panoorin ako habang ang kabit mo, unti-unti akong pinapatay!” Napayuko si Alexander, nanginginig ang boses. “Wala akong magawa noon…” Biglang tumalim ang tingin ni Theariza. “Wala kang magawa?” mapait niyang ulit. “Baliw ka ba? Ikaw? Walang magagawa? Ang sabihin mo, nagpadaig ka sa kahinaan mo at sa kapusukan mo!” “Patawarin mo ako, Theariza…” halos maiyak na pagsusumamo ni Alexander. “N

  • The Billionaire Who Watched me Die   Chapter 192

    “Dad, anong pinagsasabi mo? Hindi ko siya kilala—at lalong hindi ko siya mommy! I want Mommy Althea back!” “Shut your mouth, Elina!” mariing sigaw ni Alexander, halatang pinipigil ang galit. “Ang tunay mong ina ay siya—hindi ang kriminal na si Althea na muntik na akong patayin kanina!” “No, Dad!” nanginginig ngunit matigas ang boses ni Elina. “Ang mommy ko lang ay si Mommy Althea. Wala nang iba!” Hindi na siya naghintay ng sagot. Agad siyang tumakbo, pilit na inaabot si Althea na kasalukuyang hawak ng mga tauhan ni Theariza. “Bitawan niyo siya! Mommy!” sigaw niya, halos mawalan ng boses. Tahimik na napabuntong-hininga si Theariza bago nagsalita, malamig ang tono. “Ganyan ka pa rin pala hanggang ngayon, Alexander. Wala ka pa ring pinagbago… sarili mo pa rin ang inuuna mo.” Saglit siyang tumingin sa mga tauhan niya. “Dalhin niyo si Alexander sa bodega. Doon siya nararapat.” Hindi na nakapalag pa si Alexander nang lapitan siya ng mga tauhan. Samantalang si Elina, pilit pa ring k

  • The Billionaire Who Watched me Die   Chapter 191.

    Matagal ko nang alam… na siya ang pumatay sa akin nang paulit-ulit—at kasama ka roon. Mariing bumagsak ang bawat salita ni Theariza, punong-puno ng galit at katotohanang matagal niyang kinimkim. Ang dating mahina at tahimik na babae ay wala na—ang natira ay isang malamig at matatag na bersyon ng sarili niya. Dahan-dahan niyang itinuon ang tingin kay Althea. “Alisin siya sa harap ko. Dalhin si Althea sa kulungan.” malamig niyang utos, walang kahit anong pag-aalinlangan. Agad kumilos ang mga tauhan. Hinawakan si Althea sa magkabilang braso, pilit siyang pinipigilan habang nagpipiglas at nagngangalit. “Hindi niyo pwedeng gawin ‘to! Wala kayong karapatan—!” sigaw niya, ngunit walang ni isa ang naglakas-loob na sumuway sa utos ni Theariza. Ngunit bago pa siya tuluyang mahila palayo, bigla siyang yumuko pasulong—pinilit lapitan si Theariza kahit hawak na siya ng mga guwardiya. N

  • The Billionaire Who Watched me Die   Chapter 190

    “At sino ka naman para sabihin sa kanila na hindi ako makakarating sa sarili kong kompanya?” malamig ngunit matalim na bungad ni Alexander mula sa likuran ni Althea. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Althea. Dahan-dahan siyang napalingon, nanginginig ang mga mata habang nakatitig sa lalaking akala niya’y… wala na. “Paano…? Paano ka nakaligtas sa banggaan?” halos pabulong niyang tanong, halatang hindi pa rin makapaniwala. “Pak!” Isang malakas na sampal ang kumawala mula sa palad ni Alexander at dumapo sa pisngi ni Althea. Napaling ang mukha nito sa lakas ng tama. “Anong akala mo sa akin? Mahinang nilalang?” malamig ngunit puno ng galit ang boses ni Alexander, kasunod ang mapang-asar niyang tawa. “Hahahaha… baliw ka na! Akala mo siguro patay na ako dahil sa banggaan kanina?” Lumapit siya ng kaunti, nanlilisik ang mga mata. “Pwes, nagkakamali ka.” Sandaling tumigil ang hangin sa pagitan nila. “Ang sasakyang kinalululanan ko kanina… hindi ako ang nakasakay doo

  • The Billionaire Who Watched me Die   Chapter 189

    “Nakahanda na po ang lahat Madam Theariza. Aalis na po ba tayo?” tanong ng Montellana Guard, bahagyang kinakabahan habang pinupunasan ang pawis sa kanyang noo. Huminga nang malalim si Theariza, ngunit hindi nito napawi ang kakaibang sikip na bumabalot sa kanyang dibdib. Marahan siyang tumango, pinipilit maging kalmado kahit tila may unos na unti-unting nabubuo sa loob niya. “Yes, para naman maaga tayong makarating sa Holding's Company!” sagot niya, nakahanda na rin ba ang lahat ng mga tauhan?” Saglit na nag-alangan ang guwardiya, tila may gustong sabihin ngunit natatakot.Yes madam… “Pero Madam… meron lang akong mahalagang bagay na natuklasan at kailangan niyo itong malaman,” dagdag niya, mas mababa ang boses, halos pabulong. Unti-unting kumunot ang noo ni Theariza. May kung anong kaba ang gumapang sa kanyang sistema. “Ano ’yon?” tanong niya, mas naging malamig at mabigat ang kanyang tono. “Nabalitaan ko po na ang Rereio Holdings Company ay dating pagmamayari pala ng inyong tu

  • The Billionaire Who Watched me Die   Chapter 76. Arena!"

    “Beeep! Beeep! Beeep!” Malakas na busina mula sa labas ng bahay nina Theariza ang bumasag sa katahimikan ng umaga. “Mommy! Si Daddy Darryl!” sigaw ni Thearonna, sabay takbo sa maliit nilang bintana para sumilip. Napangiti si Theariza habang nagmamadaling ayusin ang damit sa harap ng salamin. “S

  • The Billionaire Who Watched me Die   Chapter 75. Elina M Husto / ELINA MH

    Kinagabihan…Halos hindi mapakali si Thearonna sa loob ng maliit nilang kwarto. Nakalatag sa kama ang ilang damit—mga simpleng bestida na halatang ilang beses nang nalabhan ngunit maingat na inalagaan. Paulit-ulit niyang pinipili at pinapalitan ang mga iyon, tila ba bawat detalye ay mahalaga. “

  • The Billionaire Who Watched me Die   Chapter 71.

    “Narito ang background check niya!” malamig ngunit matalim na saad ni Ginang Alicia habang iniunat ang makapal na brown envelope. Dahan-dahan niyang inilabas ang ilang papel at isa-isang ikinalat sa mesa sa harap nila. “Ang babaeng ‘yan ay mahilig pumatol sa mga mayayaman,” dagdag niya habang pin

  • The Billionaire Who Watched me Die   Chapter 69. Wag mong gawing inosente ang kabit mo!

    “A-anong ginagawa mo rito?!” gulat na tanong ni Alexander, ngunit sa halip na mandiri sa sinapit niya kay Theariza ay tila mas nangingibabaw pa ang pagkabigla sa kanyang mukha. Halos nanlaki ang mga mata ni Alexander habang nakatitig sa babaeng nasa harapan niya. Hindi na hinintay ni Alexander

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status