تسجيل الدخول“Congrats, Honey!” masayang saad ni Alexander habang mahigpit na hinahawakan ang kamay ni Theariza pagkalabas nila ng clinic. Hindi niya maitago ang saya sa kanyang mukha. “Sabi ko naman sa’yo, hindi mo na kailangang uminom ng mga gamot na bigay ni Mama.” Ngumiti si Theariza, ngunit bakas pa rin sa kanyang mukha ang pagtataka. “Parang may nagbago sa asawa ko…” bulong niya sa isip. Noong mga nakaraang araw lamang, si Alexander mismo ang halos nagpupumilit na araw-araw niyang inumin ang mga gamot na bigay ng mama nito. Pero ngayon, bigla itong nag-iba ng ugali at parang ayaw na nitong mapalapit pa siya sa mga gamot na iyon. Napapailing na lamang siya. “Pero kahit na gano’n… hindi pa rin naman ako buntis,” mahina niyang saad habang napapatingin sa kanyang tiyan. Agad namang hinawakan ni Alexander ang kanyang pisngi at marahang ngumiti. “Darating din tayo doon, Honey.” Makalipas ang ilang sandali ng katahimikan sa loob ng sasakyan, biglang nagsalita muli si Alexander.
“Hindi pwedeng mauwi na lang sa wala ang pinaghirapan namin ni Madam Alicia!” gigil na sigaw ni Althea habang mabilis na nagpupunas ng luha ng inis sa kanyang mukha. Agad siyang nagpara ng taxi sa labas ng airport. “Taxi!” malakas niyang tawag. Pagkasakay niya, agad niyang kinuha muli ang cellphone at tinawagan si Madam Alicia. Ilang segundo pa lamang ay mabilis na itong sumagot. “Oh, hello hija. Napatawag ka kaagad? Tapos na ba ang surrogation?” masayang tanong ni Alicia sa kabilang linya, halatang kampante na magtatagumpay ang plano nila. Ngunit mariing napapikit si Althea. “No, Madam… bigo ang plano.” “Ano?” agad nag-iba ang tono ng matanda. “Biglang nagbago ang isip ni Alexander. Sinamahan niya si Theariza sa OB ngayon. Pinakansela niya ang pagkikita namin.” “What?!” galit na saad ni Alicia. Halos manginig si Althea habang nagsasalita. “Paano kapag nalaman ito ni Master Rereio? Tiyak na malalagay tayo sa kapahamakan! Pati si Alexander madadamay! Kailangan matuloy ang p
“Tumayo si Alexander at mahigpit na niyakap si Theariza, na para bang ngayon niya lang ulit ito nasilayan matapos ang napakahabang panahon. “Honey… I love you. Mahal na mahal kita. Hinding-hindi kita ipagpapalit sa iba,” emosyonal niyang saad habang mahigpit pa ring yakap ang asawa. Napakunot-noo si Theariza ngunit napangiti rin. Dahan-dahan niyang hinaplos ang likod ni Alexander. “Alam ko naman ‘yan, Honey. Pero ano bang nangyayari sa’yo? Kung makayakap ka sa akin, parang wala nang bukas,” malambing nitong sagot bago siya hinalikan sa labi. Pagkalayo nila sa isa’t isa, muli itong nagsalita. “Ano, Honey? Sasamahan mo ba ako sa hospital ngayon?” Bahagyang natigilan si Alexander bago agad nagtanong. “Ano ba ang gagawin mo sa hospital, Honey?” “Uhm… diba napag-usapan na natin? Makikipagkita ako kay Althea ngayon,” mahinang sagot ni Theariza. Biglang nag-iba ang ekspresyon ni Alexander. Agad niyang hinawakan ang kamay ng asawa. “Huh? W-wag na, Honey… hindi na kailangan.
“Hindi… hindi pa ako patay! Paano na ang kompanya ko? Paano na ang mga kayamanang itinago ko?! Theariza bakit ganyan ka na kalupit? Hindi ka naman dating ganyan.” hindi makapaniwalang sigaw ni Alexander sa dilim, habang nanginginig ang kanyang boses at ramdam ang desperasyon na kumakapit sa kanyang kaluluwa. Sa paligid niya, tanging katahimikan at kadiliman ang sumasagot, na para bang sinasakal ang bawat natitirang pag-asa niya. “Mga tauhan, pagkarating niyo sa bangin wag niyo munang ihahagis ang katawan niya. Hintayin niyo ako, para makita ko kung paano siya mahuhulog sa bangin katulad ng ginawa niya sa akin… ” kalmado na niyang sabi, ngunit sa likod ng kanyang malamig na tinig ay naroon ang matinding galit at paghihiganti na pilit niyang kinokontrol. Ang bawat salita niya ay tila hatol na walang kawala, isang utos na may bigat ng kamatayan. “Theariza! Hindi ka ganyan kalupit para gawin sa akin ang bagay na yan!” sigaw ni Alexander, mas lumakas ang takot sa kanyang tinig, halong
Habang abala ang dalawang bata sa Mansion ng Montellana Mansion, abala naman si Theariza sa madilim na bodega kung saan nakagapos si Alexander. “Ano ba, Theariza?! Pakawalan mo ako rito!” sigaw ni Alexander habang pilit kumakawala sa pagkakatali ng kanyang mga kamay. Halatang takot na takot na ito, pinagpapawisan at namumutla habang nakatitig sa malamig na mukha ng babae. Ngunit isang mapait at halos nakakabinging tawa lamang ang isinagot ni Theariza. “Hahaha… nagmakaawa rin ako sa’yo noon, Alexander. Pero ano’ng ginawa mo?” malamig niyang sambit habang dahan-dahang lumalapit. “Mas pinili mong panoorin ako habang ang kabit mo, unti-unti akong pinapatay!” Napayuko si Alexander, nanginginig ang boses. “Wala akong magawa noon…” Biglang tumalim ang tingin ni Theariza. “Wala kang magawa?” mapait niyang ulit. “Baliw ka ba? Ikaw? Walang magagawa? Ang sabihin mo, nagpadaig ka sa kahinaan mo at sa kapusukan mo!” “Patawarin mo ako, Theariza…” halos maiyak na pagsusumamo ni Alexander. “N
“Dad, anong pinagsasabi mo? Hindi ko siya kilala—at lalong hindi ko siya mommy! I want Mommy Althea back!” “Shut your mouth, Elina!” mariing sigaw ni Alexander, halatang pinipigil ang galit. “Ang tunay mong ina ay siya—hindi ang kriminal na si Althea na muntik na akong patayin kanina!” “No, Dad!” nanginginig ngunit matigas ang boses ni Elina. “Ang mommy ko lang ay si Mommy Althea. Wala nang iba!” Hindi na siya naghintay ng sagot. Agad siyang tumakbo, pilit na inaabot si Althea na kasalukuyang hawak ng mga tauhan ni Theariza. “Bitawan niyo siya! Mommy!” sigaw niya, halos mawalan ng boses. Tahimik na napabuntong-hininga si Theariza bago nagsalita, malamig ang tono. “Ganyan ka pa rin pala hanggang ngayon, Alexander. Wala ka pa ring pinagbago… sarili mo pa rin ang inuuna mo.” Saglit siyang tumingin sa mga tauhan niya. “Dalhin niyo si Alexander sa bodega. Doon siya nararapat.” Hindi na nakapalag pa si Alexander nang lapitan siya ng mga tauhan. Samantalang si Elina, pilit pa ring k
Sa kabilang dulo ng kalsada, halos hindi na makita si Theariza sa gitna ng malakas na ulan. Hindi niya namalayang nagsimula na palang bumuhos habang siya’y naglalakad palayo sa mansion. Basang-basa ang kanyang katawan. “Hahaha…” mahina ngunit baliw na tawa ang kumawala sa kanyang mga labi. “Ti
Dahan-dahang tumayo si Theariza mula sa pagkakatumba. Bahagya siyang napangiwi habang inaayos ang gusot niyang damit at ang magulong buhok. Halos nanginginig pa rin ang kanyang mga kamay. Sa harap niya ay tahimik lamang na nakatayo si Mrs. Montale, malamig ang mukha habang pinagmamasdan ang b
“Oh shit! Nakatulog ako, paano na ’to!” saad ni Theariza. Hindi na niya nabasa ang papel na iniwan sa kanya ng binata; binulsa na lang niya ito at mabilis na nilisan ang bodega. Sa mansion, pasado alas otso na ng umaga. Maagang nagising ang buong kabahayan. Aba
May mga “PULIS!” sigaw ng isa sa mga lalaki nang marinig ang malakas na tunog ng police patrol na umalingawngaw sa paligid ng eskinita. Biglang nagkagulo ang mga ito. “Ano?!” gulat na saad ng isa pa habang mabilis na lumingon sa kanto ng eskinita, tila inaasahang may paparating na sasakyan ng pul







