MasukHumakbang siya palayo, nanginginig ang mga kamay ngunit determinado ang isip.
“Hindi ’yon mangyayari, Theariza!” sigaw ni Althea. Sa isang iglap, mabilis na inabot ni Althea ang malaking base na nakapatong sa mesa. Kumalansing ito nang bahagya sa pagkakahawak niya—mahigpit, desperado. Kita sa kanyang mga mata ang takot at galit na pinagsamang emosyon. At bago pa man makaiwas si Theariza. Malakas na hampas. Isang mabigat at matinis na tunog ang umalingawngaw sa buong silid nang tumama ang base sa kanyang ulo. “Aaaarg…!” Napahawak si Theariza sa kanyang ulo. Nanlabo ang kanyang paningin, tila umiikot ang buong paligid. Nawala ang balanse niya, at ang kanyang mga tuhod ay unti-unting nanghina. Bumagsak siya sa malamig na sahig. Dumagundong ang katawan niya sa marmol, kasabay ng pagbagsak ng ilang piraso ng nabasag na salamin mula sa base. Ang mundo niya’y tila nabalot ng ingay na unti-unting napalitan ng nakakabinging katahimikan. Habang nakahandusay siya, ramdam niya ang init na gumuguhit mula sa kanyang ulo pababa sa kanyang sentido. Ang kanyang paghinga ay mabagal at mabigat, at ang kanyang paningin ay papadilim. Sa gitna ng lumalabong kamalayan, ang huling bagay na nasilayan niya ay ang anino nina Alexander at Althea na nakatayo sa kanyang harapan—walang pag-aatubili, walang pagsisisi. At ang silid na minsang naging tahanan niya… ngayon ay naging saksi sa pinakamasakit na pagtataksil ng kanyang buhay. “Alexander…” T-tulungan mo ako… please…” nagmamakaawang sabi ni Theariza. Halos hindi na lumalabas ang boses niya. Nanginginig ang kanyang kamay habang pilit niyang inaabot ang laylayan ng pantalon ni Alexander. Namumutla na ang kanyang mukha, at ang dugo mula sa kanyang ulo ay patuloy na dumadaloy, bumabasa sa malamig na sahig. Nakatingala siya kay Alexander—umaasang makikita niya ang kahit katiting na awa sa mga mata nito. Kahit kaunting bakas ng lalaking minsang nangakong poprotektahan siya. Ngunit nanatiling matigas ang mukha nito. Walang galaw. Walang salita. Ang katahimikan ni Alexander ang mas masakit kaysa sa sugat sa kanyang ulo. “Alexander… asawa mo ako…” halos pabulong na niyang dugtong, pilit kumakapit sa natitirang lakas. Ngunit bago pa man siya tuluyang makapagsalita— Mabilis na lumapit si Althea. Nanlilisik ang mga mata nito, punong-puno ng galit at takot na mahuli ang kanilang lihim. Sa isang marahas na galaw, muli niyang sinakyan si Theariza, pinigilan ang mahina nitong katawan. “Mamatay ka na! Mamatay ka na!” sigaw niya, paulit-ulit, tila nawawala na sa katinuan. Pilít niyang diniinan ang katawan ni Theariza laban sa sahig. Hirap na hirap itong huminga. Ang dibdib niya’y tila dinadaganan ng napakabigat na bato. Sinubukan niyang pumiglas, ngunit nanghihina na ang kanyang mga braso. Ang kanyang paningin ay tuluyan nang nanlalabo. Naririnig niya ang sariling tibok ng puso—mabilis… pagkatapos ay pabagal nang pabagal. “Alexander…” isang huling bulong ang kumawala sa kanyang labi. Ngunit walang sumagot. Unti-unting nawalan ng lakas ang kanyang katawan. Ang kamay na kaninang nakakapit ay dahan-dahang bumagsak sa sahig. At doon… nawalan ng hininga si Theariza. Naging ganap ang katahimikan sa silid—isang katahimikang mas mabigat pa sa anumang sigaw. ***************************** Makalipas ang ilang oras, dali-dali nilang inayos ang bangkay ni Theariza Huston bago ito dinala sa ospital. Pinunasan ang dugo, inayos ang buhok at damit—ginawang parang natulog lamang siya. Pagdating sa ospital, sinalubong sila ng doktor. “Ano pong nangyari sa kanya, Mr Huston?” tanong nito. Lumapit si Mr. Huston, malamig ang mukha ngunit bakas ang tensyon sa kanyang mga mata. "Doc. Allan" “Palabasin mong namatay ang asawa ko sa cardiac arrest!” mariin niyang utos. Napaatras ang doktor. “B-bakit? May sugat siya sa ulo?” “Gawin mo na lang!” putol ni Mr. Huston, mariing titig ang ipinukol. “Wala ka nang ibang dapat malaman.” Natahimik ang doktor. Ramdam ang bigat ng sitwasyon. "Ayaw niyang kalabanin ang pamilyang Huston, dahil kung hindi sa pamilyang Huston , wala siya sa lugar niya ngayon. Sa loob ng silid, tuluyang ibinalot ang katawan ni Theariza—habang ang katotohanan ay unti-unting tinatabunan ng kasinungalingan. Nagpasya si Mr. Alexander Huston na sa mansion ibuburol si Theariza. Sa loob ng malawak at marangyang bulwagan, inilagay ang kanyang kabaong sa gitna—napapalibutan ng puting bulaklak at malalamlam na ilaw. Tahimik ang bawat sulok ng bahay na minsang naging saksi sa kanyang mga ngiti. Isa-isang dumating ang mga bisita. Hindi nagtagal, dumating ang mga magulang ni Alexander Huston. Mabigat ang kanilang mga hakbang habang papasok sa mansion. Nang masilayan ng ina ni Alexander ang kabaong, napahawak ito sa dibdib. "Bakit ngayon pa nangyari ang bagay na 'to?" bulong ni Mrs.Huston. “Hindi ito maaaring mangyari…” mahinang sambit niya, nangingilid ang luha. Ang ama naman nito ay tahimik, seryoso ang mukha, ngunit halatang pinipigilan ang emosyon. Lumapit sila sa kabaong at tumingin sa maputlang mukha ni Theariza—parang natutulog lamang, ngunit wala nang buhay. Sa kabilang panig ng bansa, isang tawag ang sumira sa katahimikan ng pamilya, Huston.". "Magandang umaga. Dito po ba nakatira si Theariza Montenegro Huston? “W-wala na po si Theariza…” Sino po ba sila? tanong ng ina ni Alexander. Parang bumagsak ang mundo ng mga magulang ni Theariza. Nabitawan ng kanyang ina ang telepono habang napasigaw sa iyak. Ang ama niya’y napaupo, tila nawalan ng lakas. “Ano’ng ibig mong sabihin na wala na ang anak namin?” nanginginig na tanong nito. “Ngayon lang namin nalaman na si Theariza ang anak namin… kaya kami tumawag sa inyo, tapos malalaman naming wala na siya?” Sa kabilang linya ng telepono, wasak ang boses ng mga magulang ni Theariza. Halo ang pagsisisi at panghihinayang—parang sinampal ng tadhana sa pinakamasakit na paraan. Ngayon pa lamang nila natuklasan ang katotohanan… ngayon pa lamang nila gustong bumawi… ngunit huli na ang lahat. Si Theariza—ang kanilang mahal na anak—ay hindi na makakauwi. At habang nagluluksa ang dalawang pamilya sa magkaibang lugar, ang mansion ng mga Huston ay nababalot ng lungkot… at ng isang lihim na pilit ikinukubli. Sa lamay, tahimik ang paligid. Ang tunog ng mahinang hikbi at bulungan ng mga bisita ang tanging maririnig. Nakapuwesto sa gitna ang kabaong ni Theariza, napapalibutan ng puting bulaklak. Lumapit ang ina ni Alexander at marahang bumulong, “Anong nangyari sa kanya, Alexander? Hindi mo ba alam na mayaman ang angkan ni Theariza?” Saglit na natigilan si Alexander. “Anong ibig niyong sabihin?” "Nalaman lang namin, kaya nga biglaan ang paguwi namin , pero hindi namin alam na ang madadatnan namin dito ay bangkay na ni Theariza. "mahina niyang bulong. Ngunit agad din niyang pinanatili ang kalmadong mukha. “Pero okay lang, Mama… may papalit sa kanya. Ang anak namin ni Theariza.” Napatitig sa kanya si Mrs. Huston. “Anak??” “Oo, Mama,” sagot niya, tila ipinagmamalaki pa. “Ang anak namin ay nasa sinapupunan ngayon ni Althea—ang surrogate mother na napili ng aking asawa.” “T-talaga?” gulat na tanong ni Mrs. Huston. Hindi niya malaman kung dapat ba siyang matuwa o mabahala. Sa gitna ng malamlam na ilaw at amoy ng insenso— “HINDI! HINDI KO ANAK ANG IPINAGBUBUNTIS NIYA!” sigaw ng kaluluwa ni Theariza. Nagngangalit ang kanyang espiritu habang pinagmamasdan ang sariling lamay. Ang sakit at galit ay naglalagablab sa kanyang anyong hindi nakikita ng iba. Gusto niyang isigaw ang katotohanan. Gusto niyang wasakin ang kasinungalingang bumabalot sa kanyang pangalan. Ngunit walang makarinig. Sa isang iglap— Nagising siya. Malakas ang tibok ng kanyang puso. Habol ang paghinga. Pawis na pawis ang kanyang noo. Buhay siya. Nasa sarili pa rin niyang katawan. At ang lahat ng kanyang nasaksihan… ay mangyayari pa lamang.Nanlaki ang mga mata ni Alexander. “Ano…?!” paos niyang tanong, pilit hinahabol ang hininga habang nakayuko pa rin sa railings. Dahan-dahang yumuko ang lalaki upang pantayan ang kanyang mukha. Ramdam ang mabigat nitong presensya, at ang malamig na titig na tila kayang pumatay kahit walang hawak na armas. “Hindi mo na kailangang malaman,” bulong nito, halos pabulong ngunit sapat para marinig sa gitna ng hampas ng alon. “Pero sigurado ako…” bahagya itong ngumisi, “hindi mo magugustuhan ang ginawa ko.” Napangiwi si Alexander, pilit itinataas ang ulo kahit nanlalabo ang paningin. “A-anong ginawa mo kay Theariza?!” galit niyang sigaw, kahit halatang nanghihina na ang kanyang katawan. Ngunit hindi sumagot ang lalaki. Sa halip, tumayo ito nang tuwid at tumalikod—tila ba walang halaga ang mga tanong niya. “Sayang ka,” malamig nitong saad habang naglalakad palayo. “Kung ginawa mo lang sana ang trabaho mo noon… hindi na sana umabot sa ganito.” Kumunot ang noo ni Alexander.
“Ilang oras ang biyahe patungo sa kinaroroonan ni Master Rereio?” Mariing sabi ni Alexander sa kanyang sarili habang nakagapo sa gilid ng bangka, mahigpit ang pagkakahawak sa malamig na bakal na railings. Malalakas ang hampas ng alon, at ang hangin ay tila sumasalamin sa kaguluhan ng kanyang isipan. Ito na ang pagkakataon ko… “Pagkakataon ko na ito para tuluyang patayin si Theariza!” bulong niya sa sarili, halos matangay ng hangin ang kanyang boses. “Pagkakataon ko na para mapatunayan kay Master Rereio na karapat-dapat akong maging tagapagmana ng lahat ng maiiwan niya!” Ngunit sa likod ng kanyang matitigas na salita… may isang bahagi ng puso niyang pilit na lumalaban. Si Master Rereio—ang lalaking kinatatakutan at sinusunod niya… ngunit siya ring tunay na ama ni Theariza. Siya ang nag-iwan kay Theariza sa isang bahay-ampunan, na parang wala itong halaga. At higit sa lahat—siya rin ang may pakana ng lahat ng nangyari. Hindi aksidente ang pagkikita nina Alexander at Theari
“TUMIGIL NA KAYO! SASAMA NA AKO!” Bumiyak ang sigaw ni Theariza sa gitna ng putukan—matinis, nanginginig, pero sapat para mapatigil ang ilang segundo ng kaguluhan. Parang biglang huminto ang oras. Isa-isang bumagal ang galaw ng mga tao. May ilang putok pang pumutok—paulit-ulit na echo sa hangin—pero unti-unti rin itong nawala. “Anong—?” napalingon si Darryl, hindi makapaniwala. “Theariza, hindi—” Pero hindi na siya pinatapos. Dahan-dahang humakbang si Theariza palabas mula sa likod niya. Kita sa mukha niya ang takot… pero mas nangingibabaw ang desisyon. “Tumigil na kayo…” ulit niya, mas mahina na pero buo. “Ayokong may masaktan pa dahil sa akin…” “Hindi!” mariing sagot ni Darryl, hinawakan ang braso niya. “Hindi ito ang paraan—hindi ka pwedeng sumama sa kanila!” Tumingin si Theariza sa kanya. A
“Nasaan na ang sarili kong tauhan? Bakit hindi sila ang nakabantay?” dagdag pa niya, halos sa sarili lang, pero sapat para maramdaman ni Theariza ang bigat ng sitwasyon. Biglang—gumalaw ang isa sa mga bantay. Bago pa makareak si Darryl, mabilis na lumapit ang hindi kilalang tauhan at may iniabot kay Theariza—isang maliit na bagay na malamig sa palad—bago sila agad umatras. Sa isang iglap—wala na sila. Parang usok na naglaho sa hangin. “Hoy—!” akmang hahabulin sana ni Darryl, pero napahinto siya. Mas mahalaga si Theariza. “What the hell…” bulong niya, mariing nakatingin sa direksyon kung saan naglaho ang mga tauhan. Nangilabot si Theariza. Dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang palad. Isang maliit na piraso ng papel. Nakatupi. At tila may bahid ng kung anong hindi niya maipaliwanag—parang may kasamang lamig na dumadaloy sa kanyang balat. “D-Darryl…” mahina niyang tawag. Agad lumapit si Darryl, mabilis pero maingat, parang bawat segundo ay maaaring sumabog sa
Nanatiling nakapako si Theariza sa kama, parang ang buong mundo’y huminto sa pagitan ng bawat pintig ng kanyang puso. “Hah… hah…” Hindi pa rin maayos ang kanyang paghinga. Parang may unsinong kamay na nakadagan sa dibdib niya—hindi sapat para pumatay… pero sapat para ipaalala na may panganib na paparating. Dahan-dahan niyang itinaas ang kamay at hinawakan ang kanyang leeg. Mainit. Pero bakit parang may bakas ng lamig? Parang may humaplos doon… kanina lang. Napapikit siya sandali, pilit binabalikan ang narinig. Isang boses. At punong-puno ng galit. “Ako na mismo ang magtatapos sa kanya ngayon…” Biglang nagmulat ang kanyang mga mata. “Hindi…” mahina niyang bulong, nanginginig ang labi. “Hindi iyon normal na panaginip…” “Isa iyong babala.” Dahan-dahan siyang bumaba sa kama, kahit nanlalambot pa ang tuhod niya. Naglakad siya papunta sa bintana at bahagyang itinulak ang kurtina. Sa labas—tahimik ang gabi. Parang may nagkukubli sa bawat anino, naghihintay lang ng tamang sand
“Master Rereio!” Hingal na hingal ang tauhan nang sumugod sa loob, tila may humahabol na bangungot sa kanyang likuran. “Kumilos na si Darryl… lahat ng tauhan natin na ipinadala sa isla para kunin ang son-in-law ninyo… bumaliktad.” Nilunok niya ang takot bago nagpatuloy. “Kumampi silang lahat kay Darryl. Ano po ang gagawin natin ngayon, Master Rereio?” Saglit na nanahimik ang silid. Hindi sumagot agad si Rereio. Nakaupo lang siya sa madilim na sulok, kalahati ng mukha’y nilalamon ng anino, kalahati’y tinatamaan ng malamlam na ilaw. Unti-unti, gumuhit ang isang ngiti sa kanyang labi—ngiting walang bahid ng awa. “Ganoon ba…” malamig niyang tugon, tila yelong dumidikit sa balat. “Kung ganoon… ligtas pa rin si Theariza sa mga kamay ng lalaking iyon?” Dahan-dahang tumango ang tauhan, pero hindi niya magawang salubungin ang tingin ng kanyang amo. At doon— biglang tumawa si Rereio. Hindi iyon normal na tawa. Isa iyong mababa, garalgal, parang may kasamang galit na matagal nan
Dahan-dahang lumingon si Theariza at naglakad palabas ng silid.Tahimik niyang isinara ang pinto sa likuran niya. Saglit siyang tumigil sa gitna ng mahabang pasilyo ng mansyon. Ang ilaw mula sa kristal na chandelier ay maliwanag, ngunit pakiramdam niya ay parang napakadilim ng paligid. Mahigpit ni
Sa loob ng silid ay muling nagsalita si Mrs. Alicia. “Tama lang yan, anak,” madiin niyang sabi. “Matagal mo na dapat ginawa yan sa kanya.” “Limang taon na kayong kasal ni Theariza pero hanggang ngayon wala pa rin kayong anak. Ano pa bang silbi niya sa buhay mo?” Tahimik si Alexander. Nguni
Tahimik ang kusina matapos magsalita si Mrs. Alicia. Para bang pati ang hangin ay natakot na gumalaw. Si Theariza ay nanatiling nakayuko. Bahagyang nanginginig ang kanyang mga kamay habang hawak pa rin ang bulak na hindi niya nagamit. Hindi niya alam kung saan niya ilalagay ang sarili niya sa san
“Tulungan na kita, best. Gutom na kasi talaga ako,” masiglang saad ni Althea habang papalapit kay Theariza. “Ganito pala ang pakiramdam kapag buntis… grabe, nakaka-excite pala, best.” May halong tuwa ang kanyang boses habang marahang hinahaplos ang sariling tiyan, na para bang ipinapakita kung







