Share

Chapter 2

Author: Batino
last update publish date: 2026-02-23 11:03:13

PASADO alas-siyete na ng gabi, wala pa rin si Alexander.

Tahimik ang buong mansion. Tanging ang mahinang tik-tak ng orasan ang maririnig sa paligid.

Ganoon na ba siya ka-busy ngayon sa opisina? Ni hindi man lang niya ako magawang tawagan para i-update kung anong oras siya uuwi.

Napatingin ulit si Theariza sa orasan na nakasabit sa kanilang kusina, kung saan siya naghihintay upang may kasabay siyang kumain. Nakahain na ang pagkain sa mesa, ngunit unti-unti na iyong lumalamig.

Napabuntong-hininga siya.

Si Althea naman, hanggang ngayon wala pa rin. Hindi rin tumatawag. Anong oras kaya siya uuwi rito? Dapat mauna siyang umuwi bago ang asawa ko. Baka bigla siyang dumating na tulog na ako.

Saglit siyang napatingin sa pinto, parang umaasang anumang sandali ay bubukas iyon.

Ngunit nanatiling sarado ang lahat.

At mas lalong bumigat ang pakiramdam sa kanyang dibdib.

Agad siyang tumayo at kinuha ang kanyang cellphone na nakapatong sa sofa…

Dinial niya ang number ng kanyang asawa.

“Kring… kring… kring…” panay tunog lang ang phone.

*****************

“Isagad mo, Alex…” ungol ni Althea. 

“Oo… isasagad ko na!” Pagkasabi iyon ni Alexander, agad niyang isinagad ang alaga niya sa kepyas ni Althea.

Napapaungol nalang si Althea sa sarap na nararamdaman niya.

“Ang sarap mong kantut*n, Althea!” ungol ni Alexander.

“A-ang sarap mo rib kasing kumant*t, Alex…” bulong niya.

Biglang…

“Kring… kring… kring… kring…” tunog ng phone ni Alexander.

“M-may tumatawag…” mahinang bulong ni Althea.

“Hindi iyon mahalaga…” sagot ni Alexander, dahilan para dedmahin lang niya ang tawag sa phone niya.

Patuloy na nagri-ring ang phone niya.

“Kring… kring… kring…”

Ngunit mas pinili ni Alexander na huwag iyon pansinin.

Sa halip, mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa baywang ni Althea habang patuloy ang mararahas niyang galaw. 

Napakagat si Althea sa kanyang labi, pilit pinipigil ang malakas na ungol na gustong kumawala sa kanyang lalamunan.

“Althea…” pabulong niyang tawag, puno ng pagnanasa.

“Masarap ba?” bulong ni Alexander sa kanyang tenga, mabigat ang kanyang paghinga.

“Oo…” sagot ni Althea, sabay kapit nang mahigpit sa kanyang balikat. “Ikaw lang ang nakakapagbigay sa akin ng ganito…”

“Talaga?” 

Oo… ikaw lang.

Sa labas ng kama, patuloy ang pag-ilaw ng phone screen.

Nakasaad doon ang pangalan:

Wife Calling…

Ngunit walang pakialam si Alexander.

Para bang ang tawag na iyon

Ay walang halaga.

Sa kabilang banda…

Nakatayo pa rin si Theariza sa gitna ng kanilang sala, hawak ang cellphone sa kanyang kamay. Nakatutok ang kanyang mga mata sa screen habang hinihintay na sagutin ng kanyang asawa ang tawag.

Ngunit walang sumasagot.

Hanggang sa tuluyan na itong tumigil.

Unti-unti niyang ibinaba ang cellphone.

Siguro… busy lang talaga siya.

Siguro… nasa meeting pa.

Siguro…

Pinilit niyang kinukumbinsi ang sarili.

Ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso, may kung anong kirot na hindi niya maipaliwanag.

Isang pakiramdam na para bang may mali.

Napaupo siya sa sofa, dahan-dahang niyakap ang sarili.

Tahimik ang buong mansion.

Napatingin siya sa mesa kung saan nakahain pa rin ang pagkain na niluto niya para sa asawa.

Paborito pa naman iyon ni Alexander.

Ngunit ngayon…

Lumalamig na iyon.

Katulad ng pakiramdam sa kanyang puso.

Sa hotel…

Bumagal ang galaw ni Alexander.

Pareho silang hingal na hingal ni Althea habang magkadikit pa rin ang kanilang mga katawan.

Ngumiti si Althea habang marahang hinahaplos ang dibdib ng lalaki.

“Hindi mo ba sasagutin ang tawag?” tanong niya, kahit alam na niya ang sagot.

Umiling si Alexander.

“Hayaan mo siya.”

Isang simpleng sagot.

Ngunit sapat iyon para mapangiti si Althea.

“Ako na lang ang tatawag sa kanya para hindi siya magduda, sweetheart…” nakangiting sabi ni Althea habang inaabot ang kanyang cellphone mula sa ibabaw ng kama.

May kakaibang kislap sa kanyang mga mata.

Hindi iyon inosente.

Kundi puno ng plano.

“Sure… no problem, sweetie,” sagot ni Alexander habang inaayos ang kanyang suot at nakatingin sa kanya nang may paghanga. “Malapit na rin naman tayong magsama sa iisang bubong, diba? Bilang tunay na pamilya…”

Ngumiti si Althea. Isang ngiting puno ng kahulugan.

“True…” mahina niyang sagot, saka idinial ang number ni Theariza. “Wait… huwag ka munang magsalita. Nagri-ring na.”

“Krang… krang… krang…”

Sa kabilang linya, agad namang sinagot ni Theariza ang tawag, halos hindi na pinatagal pa, tila ba kanina pa niya hinihintay iyon.

“Hello… best?” mahina ngunit may halong pag-aalala ang boses ni Theariza.

Agad nagbago ang ekspresyon ni Althea. Napalitan ng lambing at pagpapanggap ang malamig niyang mga mata.

“Best… pauwi na ako diyan,” malambing niyang sabi, kahit nakatingin siya kay Alexander habang nakangiti. “Pasensya ka na talaga… medyo ginabi ako. Kinuha ko pa kasi lahat ng gamit ko. Alam mo naman… lilipat na ako diyan hanggang sa maipanganak ko ang baby ninyo ng asawa mo.”

Sa kabilang linya, bahagyang natahimik si Theariza.

Hindi niya alam kung bakit, pero may kung anong kirot siyang naramdaman sa kanyang dibdib.

Ngunit agad niya iyong pinigilan.

“Okay lang, best… naiintindihan ko,” sagot niya, pilit pinananatiling kalmado ang kanyang boses. “Gising pa naman ako. Hinihintay kita.”

Napangiti si Althea, saka dahan-dahang hinaplos ang dibdib ni Alexander habang patuloy na nakikipag-usap.

“Talaga?” sagot niya, kunwari’y natuwa. “Best… ang bait bait mo talaga. Hindi ko alam kung paano kita mapapasalamatan.”

“Tsk… best naman,” sagot ni Theariza, bahagyang natawa. “Para saan pa at magkaibigan tayo? At saka… ginagawa mo ito para sa amin.”

Isang malamig na ngiti ang sumilay sa labi ni Althea.

Para sa amin?

Kung alam mo lang, best…

“Oo nga, best,” malambing niyang sagot. “Gagawin ko ang lahat para sa inyo. Para matupad na ang pangarap mong maging ina.”

Sa tabi niya, napangisi si Alexander, tila natutuwa sa naririnig.

“Malapit na akong umalis,” patuloy ni Althea. “On the way na ako diyan. Excited na rin akong tumira kasama ka.”

“Okay… ingat ka, Althea,” sagot ni Theariza, ramdam ang kakaibang halo ng saya at kaba. “Mag-drive ka nang maayos.”

“Salamat, best,” mahina niyang sagot. “At best…”

“Hmm?”

“Thank you… sa pagtitiwala mo sa akin.”

Napapikit sandali si Theariza, saka ngumiti.

“Always, best.”

Pagkababa ng tawag—

Agad nawala ang lambing sa mukha ni Althea.

Napatingin siya kay Alexander.

At pareho silang napangiti.

“Ang dali niya talagang lokohin,” mahina niyang sabi.

Lumapit si Alexander at hinawakan ang kanyang baba.

“Dahil mahal niya ako,” malamig nitong sagot.

“Hindi…” bulong ni Althea. “Dahil mahal ka niya nang higit sa sarili niya.”

At iyon—

Ang pinakamadaling klaseng sirain.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire Who Watched me Die   Karen o Angela 9

    Mariin kong kinagat ang labi ko hanggang sa malasap ko ang bahagyang alat ng dugo. Tama si Angela—sa paningin nina Mama at Papa, ako ang may kasalanan. Ang pagiging agresibo ko sa pag-imbestiga ay ginamit niya para palabasing ako ang kontrabida at siya ang api. Pero habang inaalalayan nina Mama at Papa si Angela pabalik sa main house para malapatan ng yelo ang noo nito, nakatayo pa rin ako sa dilim ng silid, hawak ang puting sobre na naglalaman ng katotohanan. Hindi nila alam na ang ebidensyang hawak ko ay may kopya na naka-save din sa cloud storage ng personal kong laptop—isang bagay na hindi kayang burahin o sirain ng kahit anong arte ni Angela. Mag-iyakan muna kayo,sa isip ko. *Bukas, sa harap ng buong Monteverde Foundation charity gala, sabay nating sasalubunin ang karma. Kinabukasan, naging abala ang buong mansyon sa pag-aayos para sa taunang charity gala. Ang Monteverde Foundation ang pinakamalaking philanthropic organization sa lungsod, at dinaluhan ito ng mga kilalang nego

  • The Billionaire Who Watched me Die   Karen o Angela 8

    "Dahil natural lang sa akin ang maawa, Karen," mahinahong depensa ni Mama, bagamat may bahid na ng pagod at irita ang kanyang boses dahil sa paulit-ulit kong pag-ungkat. "Hindi ko sinasabing kinalilimutan kita. Pero isipin mo rin ang kalagayan niya. Kung ikaw kaya sa posisyon niya?"Hindi na ako sumagot. Alam ko na ang isusunod niya. Sa paningin nila ngayon, ako ang nagiging masama—ang madamot, ang insecure, at ang takot na mawalan ng atensyon at posisyon.Dahil sa nakaraang buhay ko, alam na alam ko ang takbo ng laro ni Angela.Habang nagpapanggap siyang anghel sa harap ng mga magulang ko, sa likod ay unti-unti niyang pinuputol ang koneksyon ko sa pamilya. Ipinapalabas niya sa mga kasambahay at maging kay Papa na kinakaawaan niya ako pero palihim ko siyang sinusungitan. Madalas ko siyang makitang nakangisi nang palihim tuwing tatalikod si Mama pagkatapos nitong maglabas ng sama ng loob sa akin.Mag-enjoy ka muna sa pagpapanggap mo, Angela, bulong ko sa aking sarili habang pinapanood

  • The Billionaire Who Watched me Die   Karen o Angela 7

    Habang nakatayo sila sa guest lounge, nakita ko ang mabilis na pagbabago sa ekspresyon ni Helda at Angela. Pinalitan ng isang kampanteng ngiti ang kaninang takot at pangamba sa kanilang mga mukha. "Sige," malamig na panggagaya ni Helda, pilit na ibinabalik ang kanyang kunwaring dignidad. "Kung 'yan ang gusto ninyo, papayag kami sa DNA test ng pamilya Monteverde. Wala kaming itinatago. Ang katotohanan ay katotohanan." Tumingin sa akin si Angela nang may patagong pagmamayabang. Bahagyang umangat ang sulok ng kanyang labi habang nakatitig sa akin. Napakunot ang noo ko. Bakit bigla silang naging kumpiyansa? Sa unang buhay ko, mabilis na lumabas ang resulta na nagpapatunay na si Angela ang tunay na Monteverde at ako ang anak ni Helda. Akala ko noong una ay aksidente o purong swerte lang ang lahat. Ngunit sa pagbabago ng kanilang mood ngayon, biglang pumasok sa isip ko ang isang napakalaking katotohanan: May malakas na taong nasa likod nila. May kasabwat sila—isang taong may sapat na

  • The Billionaire Who Watched me Die   Karen o Angela 6

    Pov- Karen Monteverde Habang pinagmamasdan ko ang kanilang mga peke at kasinungalingang luha, unti-unting lumabo ang paligid. Ang galit, sakit, at matinding panghihinayang ay naghalo sa aking dibdib. Nabalot ng matinding dilim ang buong silid hanggang sa maramdaman kong unti-unting nahihila ang aking kaluluwa palayo. Hindi... Hindi ako papayag! Kung may pagkakataon lang sana... Hinding-hindi ko na hahayaang tapak-tapakan at linlangin ninyo kaming muli! "Karen... Karen, anak, gising na." Naramdaman ko ang marahang paghaplos ng isang mainit at malambot na kamay sa aking pisngi. Kasabay nito ang napakalambing na boses na matagal kong kinalakhang marinig muli. Mabilis akong napabalikwas nang bangon. Hingal na hingal ako at basang-basa ng malamig na pawis ang noo ko. Mabilis kong hinawakan ang aking leeg, balikat, at ulo. Walang dugo? Walang sakit? Inilagay ko ang aking kamay sa aking dibdib—mabilis at buhay na buhay ang tibok ng aking puso. "Nabangungot ka ba, anak?" alalang t

  • The Billionaire Who Watched me Die   Karen O Angela 5

    Aakyat na sana ako papunta sa aking silid nang bigla kong narinig ang nagmamadaling yabag ni Helda sa likuran ko. Bago pa ako tuluyang makahakbang sa susunod na baitang ng hagdan, mariin niyang hinablot ang aking pulsuhan. "Bastos kang bata ka!" galit niyang sigaw. "Kahit si Angela ang pinalaki ko sa loob ng labing-anim na taon, ikaw pa rin ang anak ko!" Napangiwi ako sa higpit ng pagkakahawak niya. "Bitiwan mo ako!" sigaw ko habang pilit binabawi ang aking kamay. Ngunit lalo lang niyang hinigpitan ang hawak. Sa gitna ng aming paghihilahan, nawalan ako ng balanse. Nadulas ang paa ko sa gilid ng hagdan. Napabitaw si Helda sa gulat, ngunit huli na. Nagkandamali ang aking mga hakbang habang pilit akong kumakapit sa handrail upang hindi tuluyang mahulog. Hindi ko na naabot ang handrail. Dumulas ang mga daliri ko habang tuluyan akong nawalan ng balanse. "A-ahh!" Sunod-sunod na tumama ang likod, balikat, at ulo ko sa bawat baitang ng hagdan. Malalakas na kalabog ang umalingawn

  • The Billionaire Who Watched me Die   KAREN O ANGELA 4

    POV: Karen Nang makita ng babae na wala na sina Mama at Papa, kasama si Angela, ang anak na matagal na nilang hinahanap, dahan-dahang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Ang kanina'y nag-aalalang tingin ay napalitan ng matinding galit. Mabibigat ang hakbang niyang lumapit sa akin habang nakatayo ako sa may hagdan. Napaatras ako nang bahagya nang makita kong nanginginig sa galit ang kanyang mga kamay. Huminto siya sa tapat ko at mariing itinuro ako. "Alam mo ba kung ano'ng ginawa mo kay Angela?!" sigaw niya, halos mawalan ng boses. Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataong magsalita. "Inalagaan ko si Angela sa abot ng makakaya ko! Siniguro kong wala siyang kahit isang sugat sa katawan. Pero ikaw..." napailing siya habang pinipigilan ang galit at pagkadismaya. "Isang tulak lang ang ginawa mo para mahulog siya sa hagdan dahil alam mong mawawala ka na sa pamilyang matagal mo nang nakasama!" Nanatili akong nakatayo habang sunod-sunod na tumama sa akin ang bawat salitang ibi

  • The Billionaire Who Watched me Die   Chapter 67.

    “Anong karapatan mong sumabat sa usapan naming mag-iina! Sampid ka lang sa pamamahay na ito!” galit na saad ni Mrs. Montale kay Riza. Halos manginig ang hangin sa bigat ng boses ng ginang. Matalim ang kanyang tingin, para bang kayang hiwain ang pagkatao ni Riza anumang oras. Agad namang siniko

  • The Billionaire Who Watched me Die   Chapter 65. Ang Mga Walang hiya,nandito na sila!"

    “Ituloy mo lang ang ginagawa mo, Sweetheart… iisipin nilang tulog na tayo kapag hindi tayo sumagot sa katok nila,” anas ni Althea sa tenga ni Alexander, halos pabulong at may halong pang-aakit ang kanyang tinig habang mabilis ang tibok ng kanyang puso. Dahil doon, tila lalo pang nag-init ang dugo

  • The Billionaire Who Watched me Die   Chapter 62.

    “Sweetheart… grabe ang ganda rito. Parang ayaw ko nang umalis sa building na ito…” mahina ngunit puno ng paghanga ang boses ni Althea habang dahan-dahan niyang iniikot ang paningin sa buong silid. Kumikinang ang mga ilaw mula sa malalaking chandelier, at ang malawak na glass wall ay nagpapakita ng

  • The Billionaire Who Watched me Die   Chapter 54

    May mga “PULIS!” sigaw ng isa sa mga lalaki nang marinig ang malakas na tunog ng police patrol na umalingawngaw sa paligid ng eskinita. Biglang nagkagulo ang mga ito. “Ano?!” gulat na saad ng isa pa habang mabilis na lumingon sa kanto ng eskinita, tila inaasahang may paparating na sasakyan ng pul

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status