Masuk“So… magsho-shower muna ako, sweetheart,” malambing na sabi ni Althea habang marahang humiwalay sa pagkakayakap kay Alexander. “Tapos, mauuna na akong umuwi sa bahay natin…”
May diin ang huling salita. Bahay natin. Napangiti si Alexander habang pinagmamasdan ang hubog ng katawan ni Althea na dahan-dahang naglalakad patungo sa banyo. “Haha… okay, sweetie,” sagot niya. “Pero magpahinga ka muna sandali. Baka mapagod ka sa biyahe.” Huminto si Althea sa may pintuan ng banyo at lumingon sa kanya, may mapang-akit na ngiti sa labi. “Pagod?” mahina niyang ulit. “Mas napagod pa nga ako sa kakapanggap kanina kaysa sa ginawa natin ngayon.” Napatawa si Alexander. “That’s my girl,” sagot niya. “Magaling kang umarte. Kahit ako, minsan napapaniwala mo.” Bahagyang tumaas ang kilay ni Althea. “Minsan lang?” biro niya. Tumayo si Alexander at lumapit sa kanya mula sa likuran. Marahan niyang ipinalibot ang kanyang mga braso sa baywang nito. “Hindi…” bulong niya malapit sa tenga ni Althea. “Palagi.” Saglit na natahimik ang dalawa. “Alam mo,” muling sabi ni Althea, mas seryoso na ang tono, “kanina habang kausap ko siya… halos maramdaman ko kung gaano siya kasaya.” Hindi sumagot si Alexander. “Excited siya,” dagdag ni Althea. “Excited siyang tumira ako sa bahay ninyo. Excited siyang magdala ako ng anak ninyo.” Napangisi siya. “Hindi niya alam… na ang anak na iyon, hindi lang sa kanya.” Humigpit ang hawak ni Alexander sa kanyang baywang. “At hindi rin niya alam,” dagdag ni Alexander, “na matagal na kitang gustong ilagay sa bahay na iyon.” Luminga si Althea sa kanya. “Talaga?” Tumango si Alexander. “Simula pa lang noong una kitang makita ulit,” direkta niyang sagot. “Ikaw na ang gusto ko. Hindi siya.” “Pero pinakasalan mo siya,” malamig na sagot ni Althea. Saglit na natahimik si Alexander. “Dahil iyon ang gusto ng pamilya ko,” paliwanag niya. “Kailangan ko ng babaeng madaling kontrolin. Babaeng hindi lalaban.” “At nakuha mo nga,” sagot ni Althea, bahagyang natawa. “Masyado siyang mabait. Masyado siyang mapagtiwala.” “Hindi niya kayang mawala ako,” dagdag ni Alexander. Napatingin si Althea sa kanyang mga mata. “At kapag nabuntis na ako…” mahina niyang sabi, “ano ang mangyayari sa kanya?” Hindi agad sumagot si Alexander. Sa halip, hinaplos niya ang pisngi ni Althea. “Step by step,” sagot niya. “Hindi tayo pwedeng magmadali.” “Kailangan niyang manatili muna,” dagdag niya. “Para walang maghinala.” Napangiti si Althea. “Pero sa huli…” bulong niya. “Sa huli,” ulit ni Alexander, “ikaw ang nasa tabi ko.” Saglit silang nagkatitigan. Punong-puno ng lihim. Punong-puno ng panlilinlang. “Maligo ka na,” mahina niyang sabi. “At umuwi ka na. Baka naghihintay na ang ‘bestfriend’ mo.” Napangisi si Althea. “Oh, she is,” sagot niya. “At hindi niya alam… na ang babaeng pinaghahandaan niya ng silid sa bahay niya…” Huminto siya. At lumapit sa tenga ni Alexander. “…ang babaeng sisira sa buhay niya.” Pagkatapos noon, pumasok siya sa banyo at isinara ang pinto. Sa labas, nanatiling nakatayo si Alexander. Tahimik. Ngunit ang kanyang mga mata— Ay puno ng malamig na desisyon. ****************** PASADO alas-onse na ng gabi ngunit nananatiling gising si Theariza. Nakatanaw siya sa malapad na bintana ng kanilang sala, pinagmamasdan ang madilim na kalye na paminsan-minsan ay nasisinagan ng ilaw ng mga dumaraang sasakyan. Tahimik ang buong bahay—tanging tik-tak ng orasan sa dingding ang maririnig. “Masyado nang late para umuwi ang asawa ko… Nag-overtime kaya siya?” bulong niya sa sarili. “At si Althea… alas-nuwebe pa siya tumawag kanina. Magtu-two hours na, wala pa rin siya.” Napahikab siya. Mabigat na ang kanyang mga mata ngunit pilit niyang nilalabanan ang antok. Ayaw niyang maabutan ng tulog ang pagdating ng dalawa—lalo na ng kanyang asawa. Makalipas ang ilang minuto, sumuko rin ang kanyang katawan. Umupo siya sa sofa at doon ipinagpatuloy ang paghihintay. Ngunit hindi nagtagal, tuluyan na siyang nakatulog, nakasandal ang ulo sa braso ng upuan. Ding dong… Ding dong… Ding ding ding… Sunod-sunod ang tunog ng doorbell. Ngunit hindi pa rin nagising si Theariza. Sa labas ng gate, nakatayo si Althea, may dalang dalawang maleta. Sa di-kalayuan ay naroon si Alexander, tahimik na pinagmamasdan ang eksena. Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan papasok sa garahe at bumusina nang malakas, paulit-ulit. BEEEEEP! BEEEEEP! Napabalikwas ng bangon si Theariza. “Naku! Ang asawa ko… dumating na!” gulat niyang sabi, sabay tingin sa orasan. “Nakatulog ako sa paghihintay…” Mabilis siyang bumaba upang buksan ang gate. Wala kasi ang kanilang katulong—nagpaalam ito para umuwi sa probinsya dahil graduation ng anak sa high school. Pagbukas pa lamang niya ng pinto ay sinalubong agad siya ng galit na boses ni Alexander. “Bakit ang tagal mo? Kanina pa may tao sa labas!” Napatingin si Theariza sa maliit na gate. Doon niya nakita si Althea—nakangiti ngunit halatang pagod, hawak ang dalawang maleta. “Naku… I’m sorry, best…” mahina niyang sabi. “Okay lang,” mabilis na sagot ni Althea, ngunit bakas sa mga mata nito ang kakaibang kislap. “Hindi ‘yan okay! Gabing-gabi na!” galit na dagdag ni Alexander. “Naku sir, huwag po kayong magalit sa asawa ninyo. Kasalanan ko po, natagalan ako sa daan,” agad na sabat ni Althea, tila ipinagtatanggol si Theariza. “Pasensya ka na, best…” muling sabi ni Althea, sabay hawak sa braso ni Theariza. Ngunit sa likod ng maamong boses at inosenteng ngiti ni Althea, may ibang kwentong nakatago. Habang naglalakad sila papasok ng bahay, palihim na nagkatitigan sina Althea at Alexander. Isang mabilis ngunit makahulugang tingin—isang senyas na tila may lihim na sila lamang ang nakakaalam. Si Theariza naman ay abala sa pagkuha ng isang maleta. “Pagod na siguro kayo. Maghahanda ako ng pagkain,” malambing niyang alok. “Hindi na,” malamig na tugon ni Alexander. “Kumain na ako sa office.” “At sino ba siya?” tanong ni Alexander, mababa ang boses ngunit halatang may halong pagkainis at pagod. Bahagya pa niyang sinipat si Althea mula ulo hanggang paa. “Ah—sorry, nakalimutan kong sabihin sa’yo, honey,” medyo kinakabahang sagot ni Theariza. “Siya ‘yung sinasabi ko sa’yo na… best friend ko. Si Althea. ‘Yung nabanggit ko tungkol sa plano natin.” Saglit na natahimik si Alexander. “Plano?” may diin niyang tanong, tila pinipigilan ang kung anong emosyon sa dibdib. “Oo… tungkol sa baby,” mahina ngunit puno ng pag-asa ang boses ni Theariza. “Siya ‘yung pumayag tumulong sa atin.” Sandaling nagtagal ang tingin ni Alexander kay Althea. Si Althea nama’y bahagyang yumuko, kunwari’y nahihiya. “Good evening po,” mahinang sabi nito. Napabuntong-hininga si Alexander at pinisil ang sentido, parang lalong sumakit ang ulo niya. “Pagod ako. At gabi na,” putol agad niyang sabi, malamig ang tono. “Bukas na natin pag-usapan ‘yan. Matutulog na ako.” Bahagyang nalungkot ang mukha ni Theariza pero pinilit ngumiti. “O-okay, honey. Sasamahan ko lang si Althea sa kwarto niya.” “Si Althea, lihim na nakangiti. “Good sweetheart, ganyan ang gusto kong makita. “bulong ni Althea. “Napangiti rin ng palihim si Alexander ,tila may koneksyon silang dalawa para maramdaman ang isip ng bawat isa sa kanila.“Kung gano’n, hindi na natin patatagalin pa ang procedure, Mr. Huston,” mahinahong saad ni Doc Allan habang inaayos ang mga dokumento sa mesa. “Kompleto na rin naman ang medical results ninyo, kaya puwede na nating simulan ang proseso kung sigurado na kayo.” “Yes,” sagot ni Mr. Huston habang tinitingnan ang kanyang relo. “Kaya mo bang gawin ngayong araw na ’to? Busy kasi ako sa kompanya namin. Darating pa ang parents ko galing UK mamaya, kaya we need to rush the surrogacy.” Bahagyang napalingon si Theariza sa asawa. “Darating sila, mama at papa mo, honey?” gulat na tanong niya. “Yes,” sagot ni Mr. Alexander Huston. “Hindi naman puwedeng tayong dalawa lang ang may alam sa plano natin. Sinabi ko na rin sa kanila ang tungkol sa surrogacy.” “Talaga?” bahagyang napataas ang kilay ni Theariza. “Akala ko ba gusto mo munang tahimik lang ito.” Akala ko sasabihin lang natin sa kanila pagkatapos manganak ni Althea? “Akala ko rin,” sagot ni Alexander habang bahagyang ngumiti. “Pero noon
“Hello…” sagot ni Theariza sa kabilang linya. Mahina ang kanyang boses, tila ba nagmula pa sa malalim na pag-iisip. “Oy, best! Nasaan ka na?” agad na bungad ni Althea, “okay kana? Tumawag sa akin si Mr.Alexander na nahimatay ka raw kanina kaya hindi ka nakarating sa usapan natin,bakas ang bahagyang pagaalala sa kanyang tono. “Nandito na ako sa hospital. Tuloy pa ba tayo sa surrogacy? Baka naman pauwiin mo pa ako sa States. Naku, magtatampo na talaga ako sa’yo niyan, best.” Sinubukan niyang gawing magaan ang kanyang boses, ngunit sa likod nito ay may halong pananabik—at tila may mas malalim pang dahilan na siya lamang ang nakakaalam. Saglit na natigilan si Theariza. Napatingin siya sa kawalan, parang may kung anong bumigat sa kanyang dibdib sa simpleng salitang iyon. Surrogacy. Ang salitang magbibigay ng pag-asa sa matagal na niyang pinapangarap. “Huh?” bahagya siyang napa buntong hininga. “P-papunta na ako… wait mo na lang ako sa loob ng lobby.” Hindi na niya hinintay ang s
“Honey! Gising… gising! Binabangungot ka!” malakas at nag-aalalang sigaw sa akin ni Alexander habang marahan niya akong inaalog, bakas sa kanyang mukha ang matinding pag-aalala.Napasinghap ako, tila kinapos ang hininga nang bigla akong magising. Pawis na pawis ang noo ko at mabilis ang tibok ng puso ko.“B-buhay ako? Buhay na buhay ako?” nanginginig kong bulong habang hinahaplos ang sarili kong dibdib. “Panaginip ko lang ba ang lahat…?”Napatitig ako sa asawa ko habang abala siyang nagpapalit ng damit para sa kanyang pagpasok sa kanyang opisina. Maingat niyang inaayos ang kurbata sa harap ng salamin, seryoso ang mukha, parang ang mundo niya ay umiikot lang sa trabaho.Si Alexander Huston ay CEO ng H. Company, isang malaking insurance firm na halos araw-araw niyang inuuwian kaysa sa akin. Sa bawat kumpas ng kamay niya, ramdam ko ang awtoridad at distansyang unti-unting namamagitan sa amin.Wala naman akong masabi sa kanya, ramdam na ramdam kong mahal na mahal niya ako, kaya imposeblen
Humakbang siya palayo, nanginginig ang mga kamay ngunit determinado ang isip. “Hindi ’yon mangyayari, Theariza!” sigaw ni Althea. Sa isang iglap, mabilis na inabot ni Althea ang malaking base na nakapatong sa mesa. Kumalansing ito nang bahagya sa pagkakahawak niya—mahigpit, desperado. Kita sa kanyang mga mata ang takot at galit na pinagsamang emosyon. At bago pa man makaiwas si Theariza. Malakas na hampas. Isang mabigat at matinis na tunog ang umalingawngaw sa buong silid nang tumama ang base sa kanyang ulo. “Aaaarg…!” Napahawak si Theariza sa kanyang ulo. Nanlabo ang kanyang paningin, tila umiikot ang buong paligid. Nawala ang balanse niya, at ang kanyang mga tuhod ay unti-unting nanghina. Bumagsak siya sa malamig na sahig. Dumagundong ang katawan niya sa marmol, kasabay ng pagbagsak ng ilang piraso ng nabasag na salamin mula sa base. Ang mundo niya’y tila nabalot ng ingay na unti-unting napalitan ng nakakabinging katahimikan. Habang nakahandusay siya, ramdam niya
“Best, ito yung magiging kwarto mo… at sa isang pintong ’yan, ’yan yung magiging kwarto ng magiging baby namin ng asawa ko.” Mahinahon ngunit may awtoridad ang tinig ni Theariza habang itinuturo ang pintuang nasa loob ng maluwang na silid. Malaki ang kwartong iyon—may mataas na kisame, kristal na chandelier, at malalambot na carpet na kulay garing. Halatang pinaglaanan ng panahon at pagmamahal ang bawat detalye. Tahimik na napalunok si Althea habang iniikot ang paningin sa paligid. Hindi niya maikakaila ang lawak at ganda ng bahay. Ang lahat ng ito—kayamanan, pangalan, respeto—pagmamay-ari ni Theariza. “Wow… ang ganda naman ng silid na ’to,” plastikan niyang sabi, pilit ang ngiti. Hindi niya ipinahalata ang bahagyang inggit na kumurot sa kanyang puso. “Gusto mo bang kumain?” tanong ni Theariza, mahinahon at magalang pa rin sa kabila ng pagiging amo ng bahay. “Busog na ako, best. Kumain ako sa bahay ng parents ko bago ako umalis doon. Magpapahinga na ako… ’di ba bukas na gagawin a
“So… magsho-shower muna ako, sweetheart,” malambing na sabi ni Althea habang marahang humiwalay sa pagkakayakap kay Alexander. “Tapos, mauuna na akong umuwi sa bahay natin…” May diin ang huling salita. Bahay natin. Napangiti si Alexander habang pinagmamasdan ang hubog ng katawan ni Althea na dahan-dahang naglalakad patungo sa banyo. “Haha… okay, sweetie,” sagot niya. “Pero magpahinga ka muna sandali. Baka mapagod ka sa biyahe.” Huminto si Althea sa may pintuan ng banyo at lumingon sa kanya, may mapang-akit na ngiti sa labi. “Pagod?” mahina niyang ulit. “Mas napagod pa nga ako sa kakapanggap kanina kaysa sa ginawa natin ngayon.” Napatawa si Alexander. “That’s my girl,” sagot niya. “Magaling kang umarte. Kahit ako, minsan napapaniwala mo.” Bahagyang tumaas ang kilay ni Althea. “Minsan lang?” biro niya. Tumayo si Alexander at lumapit sa kanya mula sa likuran. Marahan niyang ipinalibot ang kanyang mga braso sa baywang nito. “Hindi…” bulong niya malapit sa tenga ni Althea. “Pal







