Share

Ang Simula ng Pagbabago

Author: RuruLouella
last update Huling Na-update: 2026-01-27 22:40:38

Hindi maalis ang mga ngiti ni Amayah sa kanyang mga labi habang paulit-ulit na iniisip ang pagtatanggol sa kanya ni Lorean sa school kanina. Kasalukuyan na silang nasa loob ng kotse upang umuwi ng bahay. Ang asawa niya ang nagmamaneho ng sasakyan samantalang nasa backseat naman ang kambal.

“Thank you,” aniya.

Hindi siya pinansin ni Lorean bagkus ay mas tinuon pa nito ang atensyon sa pagmamaneho. Kaya naman, napanguso na lang siya habang nag-iisip ng bagay na maaaring gawin. Paano kaya siya makakabawi sa asawa at mga anak niya? Hindi pa niya naipapasa sa korte ang divorce paper nila kaya naman, mag-asawa pa rin silang dalawa. Wala rin siyang balak na gawin iyon. Hindi niya pakakawalan ang oportunidad at second chance na binigay sa kanya ng tadhana.

Dahil sa malalimniyang pag-iisip ay hindi na niya napansin pa na nakarating na pala sila sa bahay. Natauhan lang si Amayah nang marahan siyang alugin ni Syresse.

“Daddy and Kovi were already inside the house, Mommy,” ani ng anak.

Napatawa naman siya. “Sorry. Let’s go, baby.”

Magkasabay nga silang pumasok sa loob ng bahay ng anak. Doon ay naabutan niya si Kovi na tahimik lang na nagbabasa habang nakaupo sa may sofa sa salas. Lalapitan sana niya ito pero mabilis na tumayo ang anak at tumakbo papunta sa taas. Napahinga naman siya ng malalim tsaka siya dumiretso sa kanilang kwarto upang magbihis. Tamad niyang inalis ang suot na cardigan at akmang pupunta sa sa may banyo nang bumukas ang pinto nito at lumabas mula roon ang asawa.

“L-Lorean,” sambit niya.

Katatapos lang maligo nito kaya naman, tumutulo pa ang tubig mula sa bagsak nitong buhok. Wala rin itong suot na damit pang-itaas at tanging tuwalya lamang ang nakabalot sa pang-ibabang katawan nito. Napalunok naman si Amayah habang dahan-dahang pinagmamasdan ang gwapo niyang asawa.

Napatikhim naman ito sa kanya. “I have to go back to the office.”

“A-Ang sexy mo naman, hubby. Pwedeng pahawak sa abs?” tila wala sa sariling anas niya habang nakatitig sa makisig na katawan nito.

Lumilipad ang isip ni Amayah dahil sa ang kasalukuyang katauhan na nasa katawan niya ay ang dise-otso anyos nitong pagkatao, ang makita sa ganoong ayos si Lorean ang matagal na niyang pinapantasya. Pero kaagad nanaputol ang kanyang malawak na imahinasyon nang hawakan ng asawa ang balikat niya. Sinandal siya nito sa may pader at matiim siyang tinitigan.

“D-Di’ba need ka sa office?” nauutal niyang anas.

Mas nilapit pa ni Lorean ang mukha nito kay Amayah. “Hindi ko alam kung ano itong laro na ginagawa mo. But I’m still a man, Elyse. Don’t tease me or else…”

Napalunok naman siya tsaka mabilis na napaiwas ng tingin. “B-Bakit? Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Isa pa, hindi naman ako naglalaro!”

Hinawakan ng asawa ang baba niya upang iharap siya sa kanya. Magkakasabay naman na nagwala ang puso, isip, at maging ang kalamnan niya sa tindi ng kaba na umusbong sa dibdib niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Itutulak ba niya si Lorean o hahayaan ito? Bilang dise-otso anyos na katauhan ay wala pa siyang experience sa mga romance at couple things. Para sa kanya ay bago ang lahat ng iyon.

“L-Lorean,” sambit niya.

Gusto pa sana niyang magsalita pero walang lumabas na tinig sa bibig nya. Hindi na rin gumana ang utak niya dahil napangibabawan na ito ng nagwawala niyang puso. Mas tumindi pa ang kabog ng dibdib niya nang biglang ilapat ni Lorean ang mga labi nito sa mga labi niya. Nanlaki ang kanyang mga mata kasabay ng kakaibang pakiramdam na biglang pumutok sa loob niya.

“Tell me to stop,” pabulong na anas ng asawa habang magkalapat pa rin ang kanilang mga noo at labi.

Hindi siya makatugon. Ano ba ang sasabihin niya? Kinakabahan siya at natatakot dahil first time pa lang iyon sa kanya. Pero gusto rin niyang magpatuloy. Matagal na nilang pangarap si Lorean at isa ang eksenang ito sa pinapantasya nya.

Malalim na pareho ang kanilang paghinga. Nakakaramdam na rin si Amayah ng kakaibang init at ganoon din naman si Lorean. Maya-maya pa ay muling naglapat ang kanilang mga labi. Pero sa pagkakataon na ito ay tila sumasayaw na ang mga labi nila. Wala siyang alam sa ganoong bagay pero pakiramdam niya ay may sariling isip ang kanyang katawan. Nakikisabay ito sa mga galaw ni Lorean.

“Mommy, can we get some food?”

Dahil sa gulat ay naitulak niya si Lorean na mabilis namang tumakbo pabalik sa loob ng banyo. Malalaki naman ang hakbang niya na pumunta sa may kama upang doon maupo. Eksakto naman na naikalma na niya ang sarili nang bumukas ang pintuan at pumasok si Syresse.

“Are you hungry, baby?” tanong niya.

Tumango naman ang anak sa kanya. “Yes po.”

Tumayo siya mula sa kanyang pagkakaupo tsaka siya lumapit sa paslit. Hinawakan niya ang maliit nitong kamay at inakay ito palabas ng kwarto. Nagpunta sila sa kusina upang kumuha ng makakain. Dahil hindi naman siya magaling magluto ay mga prutas na lamang ang hinain niya. Eksakto naman na bumababa na ng hagdan si Lorean nang magpunta silang sala.

“I’ll be back later,” anito.

Kumaway naman dito ang anak ngunit nang magtama ang kanilang mga mata ay mabilis siyang umiwas at nakaramdam ng hiya. Hindi rin naman nagtagal si Lorean dahil umalis na rin ito kaagad. Naupo naman sila ng anak sa sofa habang nanonood ng T.V at kumakain ng hiniwa-hiwa niyang mga prutas.

Hindi na namalayan ni Amayah na nakatulog na pala siya sa sofa. Nagising na lang siya nang marinig niya ang pag-iyak ni Syresse kasabay ng marahang pagyugyog nito sa may balikat niya.

“Syresse, bakit? Anong problema, baby?” nag-aalala niyang tanong.

Tumuro naman sa may hagdanan ang bata. “Kovi. Mommy, Kovi is dying. Please, help him, mommy!” 

Nanlaki naman ang kanyang mga mata dahil sa narinig at kaagad na napatayo. Tumakbo sya kaagad paakyat ng hagdan at nagpunta sa silid ng anak. Pagbukas niya ng pintuan ng kwarto nito ay nakita niya ang bata na nakahiga sa kama at namimilipit sa sakit habang umiiyak.

“Kovi!” sigaw niya.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire Wife's Regret: Taming Him Again At Eighteen   Ang Pagpapalayas

    Pagkaalis ng asawa ay tinawagan kaagad ni Amayah si Donna upang humingi ng tulong. Pero sa kasamaang palad ay abala ang matalik na kaibigan sa trabaho kaya naman, wala siyang ibang pagpipilian kung hindi ang mag-isang mag-isip ng plano. Naupo siya sa may veranda bitbit ang isang notrbook. Doon ay sinulat niya ang lahat ng mga naaalala niya, bago at pagkatapos niyang mapunta sa future. Lorean Trey Bismonte, ang pinaka-hot at mayaman na lalaki sa campus. Halos lahat ng mga babaeng estudyante ay pinapantasya ito. Pero itong pinansin o pinatulan sa kahit na sino sa kanila. Kaya naman, upang mapansin ng binata ay ginawa ni Amayah ang lahat. Nag-aral siya ng mabuti, naging role model student, at consistent honor. Sumali rin siya sa student council at sa ibat-ibang club. Hindi niya alam kung paano sila naging mag-asawa ni Lorean. Hindi nya rin alam kung paano nagkagusto ang bente-quattro niyang sarili kay Nolan. Pero isa lang ang laman ng isip niya ngayon, kailangan niyang ayusin ang lahat

  • The Billionaire Wife's Regret: Taming Him Again At Eighteen   Ang Lugaw

    “Kumusta po si Kovi?” tanong niya nang makalabas ang family doctor ng mga Bismonte.Marahan namang inalis ng matandang lalaki ang suot nitong salamin tsaka inabot ang maliit na papel sa kanya. “He is fine. Kailangan nya lang ng nutrisyon sa katawan at vitamins. Nagsulat ako ng ilang reseta ng gamot na maaari niyang inumin.”“Salamat po,” aniya.Napahinga naman sya ng maluwag dahil sa narinig. Nagpaalam na rin ang doctor sa kanila matapos nito ipaliwanag ang tamang oras ng pag-inom ni Kovi ng gamot. Mga ilang minuto naman ang nakalipas ay humahangos na dumating si Lorean. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala kaya naman, kaagad niya itong nilapitan sabay abot ng panyo.“He’s fine. Doc. Reyes gave me the list of vitamins na pwede niyang inumin. Need lang daw ni Kovi ng nutrients sa katawan,” paliwanag niya.Napatango naman sa kanya ang asawa. “Okay. That's good.”“Tumakbo ka ba papunta rito? Pawis na pawis ka,” natatawa niyang saad.Napatango naman ito sa kanya. “Yes. Traffic sa may inters

  • The Billionaire Wife's Regret: Taming Him Again At Eighteen   Ang Simula ng Pagbabago

    Hindi maalis ang mga ngiti ni Amayah sa kanyang mga labi habang paulit-ulit na iniisip ang pagtatanggol sa kanya ni Lorean sa school kanina. Kasalukuyan na silang nasa loob ng kotse upang umuwi ng bahay. Ang asawa niya ang nagmamaneho ng sasakyan samantalang nasa backseat naman ang kambal.“Thank you,” aniya.Hindi siya pinansin ni Lorean bagkus ay mas tinuon pa nito ang atensyon sa pagmamaneho. Kaya naman, napanguso na lang siya habang nag-iisip ng bagay na maaaring gawin. Paano kaya siya makakabawi sa asawa at mga anak niya? Hindi pa niya naipapasa sa korte ang divorce paper nila kaya naman, mag-asawa pa rin silang dalawa. Wala rin siyang balak na gawin iyon. Hindi niya pakakawalan ang oportunidad at second chance na binigay sa kanya ng tadhana.Dahil sa malalimniyang pag-iisip ay hindi na niya napansin pa na nakarating na pala sila sa bahay. Natauhan lang si Amayah nang marahan siyang alugin ni Syresse.“Daddy and Kovi were already inside the house, Mommy,” ani ng anak.Napatawa na

  • The Billionaire Wife's Regret: Taming Him Again At Eighteen   Pangakong Pagbabago

    Isang mahigpit na yakap ang sinalubong sa kanya ni Syresse nang makauwi si Amayah ng bahay. Humihikbi ito habang paulit-ulit siyang tinatawag. Kaagad naman niyang binuhat ang anak upang kargahin at patahanin ito.“Ssshhh…Mommy is here. Tahan na ikaw, baby,” bulong niya rito.“I thought you already left us. Bakit ka pa bumalik?” singhal naman ni Kovi.Tumingin naman sa kanya ang anak na babae. “Mommy, don’t leave us, please.”“Hindi aalis si mommy, baby. Don’t worry,” tugon naman niya.Nagpunta sila sa may salas upang umupo sa may sofa. Nakakalong sa kanya ang anak samantalang tahimik lang na nakaupo malayo sa kanila si Kovi. Masama ang tingin nito sa kanya na para bang minamanmanan ang bawat kilos niya.“Kovi, behave,” suway ni Lorean na bumababa ng hagdan habang inaayos ang necktie nito. “May urgent meeting sa office. Can you take Kovi to his music lesson this afternoon?”“Sure. No worries,” tugon naman niya.Napatayo naman ang batang lalaki tsaka inis na lumingon sa ama. “No. Our dr

  • The Billionaire Wife's Regret: Taming Him Again At Eighteen   Ang Katotohanan

    “Mommy, are you angry? Please, don’t be angry with Syresse,” anang maliit na boses mula sa kanyang likuran.Abala si Amayah sa pagsusuklay ng mahaba niyang buhok kaya naman, hindi na niya napansin ang pagpasok ng kanyang anak. Mabilis naman siyang huminto sa ginagawa upang humarap sa batang babae. Sumenyas siya rito na lumapit at kaagad din namang sinunod ng paslit.“Mommy is not angry. Pasensya na sa lahat ng nagawa ni Mommy. I promise na simula ngayon ay magiging good na si Mommy sa inyo, okay ba iyon?” anas niya.Nagliwanag naman ang mukha ng bata tsaka ito mabilis na tumango sa kanya. “Hindi na rin po kayo aalis? Ibibigay po ni Syresse ang gusto ni Mommy na bone marrow for Owen para hindi na po kayo magalit.”Napakunot naman ang noo niya. “Bone marrow? No. Kalimutan mo ang bagay na iyan. Hindi ako aalis at hindi mo need ibigay ang bone marrow mo sa iba.”Gusto niyang kastiguhin ang sarili dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagawa ng future self niya ang ganoong bagay sa pas

  • The Billionaire Wife's Regret: Taming Him Again At Eighteen   Travel

    Masakit ang ulo na naalimpungatan si Amayah mula sa kanyang pagkakatulog. Habang nagkukusot ng mga mata gamit ang kanyang kamay ay unti-unti niyang inaalala ang mga nangyari kagabi. Nasa bahay sila ng kanilang class president upang mag-celebrate ng kanilang pagkapanalo bilang kampyonato sa naganap na patimpalak sa kanilang paaralan. Nakailang shot na siya ng tequilla nang mag-yaya ang matalik niyang kaibigan na si Donna sa may swimming pool. Nakipagsayaw silang dalawa sa mga kaklase nila na lango na rin sa alak at dahil sa kalikutan niya ay nahulog siya sa pool.“Donna, ang sakit ng ulo ko,” aniya tsaka tamad na bumangon mula sa kanyang pagkakahiga.Dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata. Ilang saglit siyang natigilan nang makitang wala siya sa kwarto ni Donna. Napakunot din ang kanyang noo nang makita ang dalawang bata na tahimik lang na nakaupo sa may sofa na ilang hakbang lang ang layo mula sa kama.“N-Nasaan ako?” tanong niya.Tumayo ang batang babae mula sa pagkakaupo ni

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status