Mag-log in“Kumusta po si Kovi?” tanong niya nang makalabas ang family doctor ng mga Bismonte.
Marahan namang inalis ng matandang lalaki ang suot nitong salamin tsaka inabot ang maliit na papel sa kanya. “He is fine. Kailangan nya lang ng nutrisyon sa katawan at vitamins. Nagsulat ako ng ilang reseta ng gamot na maaari niyang inumin.” “Salamat po,” aniya. Napahinga naman sya ng maluwag dahil sa narinig. Nagpaalam na rin ang doctor sa kanila matapos nito ipaliwanag ang tamang oras ng pag-inom ni Kovi ng gamot. Mga ilang minuto naman ang nakalipas ay humahangos na dumating si Lorean. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala kaya naman, kaagad niya itong nilapitan sabay abot ng panyo. “He’s fine. Doc. Reyes gave me the list of vitamins na pwede niyang inumin. Need lang daw ni Kovi ng nutrients sa katawan,” paliwanag niya. Napatango naman sa kanya ang asawa. “Okay. That's good.” “Tumakbo ka ba papunta rito? Pawis na pawis ka,” natatawa niyang saad. Napatango naman ito sa kanya. “Yes. Traffic sa may intersection. I got out of the car and run pauwi. I am worried.” Kinuha ni Amayah ang panyo na hawak ng asawa at pagkatapos ay siya na ang nagpunas ng pawis nito. Unti-unti namang bumalatay gwapo nitong mukha ang pagtataka at gulat. Hindi na lang niya iyon pinansin bagkus ay binigyan nya lang ito ng isang matamis na ngiti. “Natutulog na si Kovi. Pupuntahan ko lang si Syresse. Sobra syang umiyak kanina. Check ko lang,” aniya. Hindi na niya hinintay pa na makatugon ang asawa dahil mabilis na siyang naglakad palayo. Nagpunta sya sa silid ni Syresse upang tingnan ang lagay nito. Mahimbing naman nang natutulog ang anak nang makapasok siya sa loob kaya naman, hindi na niya ito inabala pa. Nagpunta na lang siya sa kusina upang kausapin ang mga katulong tungkol sa pagkain na ipapakain sa mga bata. Naabutan naman niya ang mga ito na nagchi-chismisan habang naglilinis sa may kusina. “May kakaiba kay Ma'am Elyse. Hindi ko na sya nakikita na nagwawala,” anang katulong na may maikling buhok. Napatango naman ang isa na may mahaba at kulot na buhok. “Sinabi mo pa. Pero ito na nga. Nagbunga na ang pagpapahirap niya sa mga bata. Nagkasakit na si Kovi dahil samkagagawan niya.” Napakunot naman ang noo ni Amayah dahil sa narinig. Hindi na rin niya napigilan pa ang sarili at tuluyan na nga siyang pumasok sa kusina. “Anong kasalanan ko?” “M-Ma’am Elyse. Wala po. Nagkamali lang po ng salita si Ate Dina,” pagtatanggol ng katulong na may maikling buhok sa kasama na ngayon ay nakayuko na. Napailing naman siya. “No. Tell me. Ano ang ginawa kong masama sa mga bata?” “P-Pinag-utos nyo po na isang beses lang sila pakainin sa isang araw. At sa halip po na ipakain sa aso ang mga natitira nyong pagkain ay iyon na lang po ang ibinibigay namin sa kanila,” mahabang paliwanag ni Dina. Napako naman siya sa kanyang kinatatayuan nang marinig ang kasamaan na ginawa ng bente-quattro anyos niyang katauhan. Para siyang pinana ng paulit-ulit sa sakit at awa para sa mga anak niya. Pero mas nasaktan pa siya nang makitang nakatayo si Lorean sa may pintuan ng kusina. Bakas sa gwapo nitong mukha ang galit at pagkagulat. “Kayong dalawa, tanggal na kayo. Ayaw ko nang makita ang mga pagmu-mukha nyo. Layas!” galit na sigaw nito. Napaluhod naman ang dakawa sa takot habang ilang beses na humihingi ng tawad. Pero hindi nagpatinag si Lorean at tumawag pa ito ng guard para kaladkarin palabas ang dalawa. Hindi naman alam ni Amayah kung ano ang gagawin at sasabihin sa asawa kaya naman, hinawakan na lang niya ang kamay nito. “S-Sorry. Pangako. Hindi na iyon mauulit. Hindi ko alam kung paano ito ipapaliwanag pero hindi ko maalala ang lahat ng nagawa ko noon. Wala akong alam sa mga pinag-gagagawa ko. Maniwala ka, please,” pakiusap naman niya. Napailing naman si Lorean. “Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko, Elyse. Pinipilit kong unawain at intindihin ka. Pero ito? Ang saktan at idamay ang mga bata na wala namang kaalam-alam sa mundo, hindi ko mapapalampas ito.” “Maniwala ka, Lorean. Hindi na ako gagawa ng mga bagay na ikapapahamak ng mga bata o ikagagalit mo. Promise. Please, maniwala ka. Bigyan mo pa ako ng pagkakataon,” pakiusap niya. Pero hindi siya pinansin ng asawa bagkus ay umalis na ito at umakyat sa taas. Naiwan naman siya roon na mag-isa, bagsak ang mga balikat habang pilit na pinipigilan ang sarili na umiyak. Naupo siya sa may sofa sa sala hapag tahimik na kinakastigo ang future self nya. Hindi na nagawa pang umakyat ni Amayah sa kwarto nilang mag-asawa dahil sa nahihiya siya kay Lorean. Wala siyang mukha na maiiharap dito dahil aminado naman siya na walang kapatawaran ang nagawa niyang kasalanan. Napaidlip na rin siya sa may sofa at nagising lang dahil nakaramdam siya ng panlalamig. “Kailangan kong ayusin ang lahat. Nakakainis naman!” inis na singhal niya sa sarili habang kumakamot at ginugulo ang buhok. Tumayo siya at nagpunta sa may kusina. Tiningnan niya ang laman ng refrigerator at naglabas ng ilang mga sangkap mula roon. Hinanda rin niya ang kaldero at ang iba pang mga gamit. “Gagawa ako ng lugaw. Nabasa ko sa internet na maganda raw iyon sa tiyan at sa kalusugan,” nakangiti niyang saad. Nagsuot siya ng apron at nagsimula na ring magluto. Sinabayan niya ang video na nakuha niya sa socmed upang maiwasan ang mga pagkakamali. Matiyaga siyang sumunod at naghintay habang taimtim na nananalangin na sana’y maging maganda ang kalabasan ng luto niya. Samantalang bumababa naman ng hagdanan si Lorean habang may bitbit na kumot at unan. Kahit pa galit siya sa asawa ay hindi pa rin niya ito matitiis. Napakunot naman ang noo niya nang makitang wala si Amayah sa sofa. Mas lumalim pa ang gatla sa noo niya nang makaamoy siya ng kakaibang aroma na nangmumula sa may kusina. Kaya naman, sinundan niya iyon at nakita ang asawa na abala sa pagluluto. “Nakakainis naman. Ano bang mali sa ginawa ko? Bakit ang pangit ng lasa?” tila nawawalan na nang pasensyang anas nito. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napangiti na lang si Lorean. Hindi rin niya ito inabala at tahimik lang niya itong pinanood at binantayan. Sa tuwing nagkakamali si Amayah ay pigil lang siyang natatawa. Pero naawa rin siya rito dahil kapag hindi nito nagugustuhan ang lasa ng niluto ay uulit na muliito mula sa simula. Dahil sa pagkaaliw ni Lorean sa panonood kay Amayah ay hindi na nila napansin ang oras. Inumaga na silang dalawa ng dahil sa pagluluto ng lugaw. Worth it naman ang naging paghihirap ng asawa niya dahil sa huli ay nakagawa rin ito ng maayos at masarap na lugaw. Napailing na lang siya tsaka siya nagpasyang bumalik sa itaas. “Sa wakas!” masayang saad ni Amayah. Sa labing-anim na beses na pag-ulit sa pagluluto ng lugaw ay sa wakas ay nakagawa na rin siya ng maayos at masarap na lugaw. Masaya niya iyong hinain sa lamesa tsaka siya nagpunta sa silid ng mga anak upang gisingin ang mga iyon at pakainin. “Wow. Mommy, cooked for us!” anas ni Syresse. “Baka may lason ito. Ayaw kong tikman. Mag-ingat ka, Syresse,” ani naman ni Kovi. Napatawa naman si Amayah. “Makakatulong ang lugaw para hindi na sumakit ang tiyan mo. Sige n. Kain na kayo.” Uapang mapanatag ang loob ng anak ay si Amayah muna ang unang kumain ng lugaw. Kaagad namang sumunod sa kanya si Syresse habang nagmamatigas pa rin ang kakambal nito. Eksakto naman na dumating si Lorean na nakabihis na at may bitbit na suitcase. “Eat. Your mother spent the night to cook that,” saad nito. Natigilan naman si Amayah dahil sa narinig. Paano nito nalaman na buong gabi siya nagluto ng lugaw?Pagkaalis ng asawa ay tinawagan kaagad ni Amayah si Donna upang humingi ng tulong. Pero sa kasamaang palad ay abala ang matalik na kaibigan sa trabaho kaya naman, wala siyang ibang pagpipilian kung hindi ang mag-isang mag-isip ng plano. Naupo siya sa may veranda bitbit ang isang notrbook. Doon ay sinulat niya ang lahat ng mga naaalala niya, bago at pagkatapos niyang mapunta sa future. Lorean Trey Bismonte, ang pinaka-hot at mayaman na lalaki sa campus. Halos lahat ng mga babaeng estudyante ay pinapantasya ito. Pero itong pinansin o pinatulan sa kahit na sino sa kanila. Kaya naman, upang mapansin ng binata ay ginawa ni Amayah ang lahat. Nag-aral siya ng mabuti, naging role model student, at consistent honor. Sumali rin siya sa student council at sa ibat-ibang club. Hindi niya alam kung paano sila naging mag-asawa ni Lorean. Hindi nya rin alam kung paano nagkagusto ang bente-quattro niyang sarili kay Nolan. Pero isa lang ang laman ng isip niya ngayon, kailangan niyang ayusin ang lahat
“Kumusta po si Kovi?” tanong niya nang makalabas ang family doctor ng mga Bismonte.Marahan namang inalis ng matandang lalaki ang suot nitong salamin tsaka inabot ang maliit na papel sa kanya. “He is fine. Kailangan nya lang ng nutrisyon sa katawan at vitamins. Nagsulat ako ng ilang reseta ng gamot na maaari niyang inumin.”“Salamat po,” aniya.Napahinga naman sya ng maluwag dahil sa narinig. Nagpaalam na rin ang doctor sa kanila matapos nito ipaliwanag ang tamang oras ng pag-inom ni Kovi ng gamot. Mga ilang minuto naman ang nakalipas ay humahangos na dumating si Lorean. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala kaya naman, kaagad niya itong nilapitan sabay abot ng panyo.“He’s fine. Doc. Reyes gave me the list of vitamins na pwede niyang inumin. Need lang daw ni Kovi ng nutrients sa katawan,” paliwanag niya.Napatango naman sa kanya ang asawa. “Okay. That's good.”“Tumakbo ka ba papunta rito? Pawis na pawis ka,” natatawa niyang saad.Napatango naman ito sa kanya. “Yes. Traffic sa may inters
Hindi maalis ang mga ngiti ni Amayah sa kanyang mga labi habang paulit-ulit na iniisip ang pagtatanggol sa kanya ni Lorean sa school kanina. Kasalukuyan na silang nasa loob ng kotse upang umuwi ng bahay. Ang asawa niya ang nagmamaneho ng sasakyan samantalang nasa backseat naman ang kambal.“Thank you,” aniya.Hindi siya pinansin ni Lorean bagkus ay mas tinuon pa nito ang atensyon sa pagmamaneho. Kaya naman, napanguso na lang siya habang nag-iisip ng bagay na maaaring gawin. Paano kaya siya makakabawi sa asawa at mga anak niya? Hindi pa niya naipapasa sa korte ang divorce paper nila kaya naman, mag-asawa pa rin silang dalawa. Wala rin siyang balak na gawin iyon. Hindi niya pakakawalan ang oportunidad at second chance na binigay sa kanya ng tadhana.Dahil sa malalimniyang pag-iisip ay hindi na niya napansin pa na nakarating na pala sila sa bahay. Natauhan lang si Amayah nang marahan siyang alugin ni Syresse.“Daddy and Kovi were already inside the house, Mommy,” ani ng anak.Napatawa na
Isang mahigpit na yakap ang sinalubong sa kanya ni Syresse nang makauwi si Amayah ng bahay. Humihikbi ito habang paulit-ulit siyang tinatawag. Kaagad naman niyang binuhat ang anak upang kargahin at patahanin ito.“Ssshhh…Mommy is here. Tahan na ikaw, baby,” bulong niya rito.“I thought you already left us. Bakit ka pa bumalik?” singhal naman ni Kovi.Tumingin naman sa kanya ang anak na babae. “Mommy, don’t leave us, please.”“Hindi aalis si mommy, baby. Don’t worry,” tugon naman niya.Nagpunta sila sa may salas upang umupo sa may sofa. Nakakalong sa kanya ang anak samantalang tahimik lang na nakaupo malayo sa kanila si Kovi. Masama ang tingin nito sa kanya na para bang minamanmanan ang bawat kilos niya.“Kovi, behave,” suway ni Lorean na bumababa ng hagdan habang inaayos ang necktie nito. “May urgent meeting sa office. Can you take Kovi to his music lesson this afternoon?”“Sure. No worries,” tugon naman niya.Napatayo naman ang batang lalaki tsaka inis na lumingon sa ama. “No. Our dr
“Mommy, are you angry? Please, don’t be angry with Syresse,” anang maliit na boses mula sa kanyang likuran.Abala si Amayah sa pagsusuklay ng mahaba niyang buhok kaya naman, hindi na niya napansin ang pagpasok ng kanyang anak. Mabilis naman siyang huminto sa ginagawa upang humarap sa batang babae. Sumenyas siya rito na lumapit at kaagad din namang sinunod ng paslit.“Mommy is not angry. Pasensya na sa lahat ng nagawa ni Mommy. I promise na simula ngayon ay magiging good na si Mommy sa inyo, okay ba iyon?” anas niya.Nagliwanag naman ang mukha ng bata tsaka ito mabilis na tumango sa kanya. “Hindi na rin po kayo aalis? Ibibigay po ni Syresse ang gusto ni Mommy na bone marrow for Owen para hindi na po kayo magalit.”Napakunot naman ang noo niya. “Bone marrow? No. Kalimutan mo ang bagay na iyan. Hindi ako aalis at hindi mo need ibigay ang bone marrow mo sa iba.”Gusto niyang kastiguhin ang sarili dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagawa ng future self niya ang ganoong bagay sa pas
Masakit ang ulo na naalimpungatan si Amayah mula sa kanyang pagkakatulog. Habang nagkukusot ng mga mata gamit ang kanyang kamay ay unti-unti niyang inaalala ang mga nangyari kagabi. Nasa bahay sila ng kanilang class president upang mag-celebrate ng kanilang pagkapanalo bilang kampyonato sa naganap na patimpalak sa kanilang paaralan. Nakailang shot na siya ng tequilla nang mag-yaya ang matalik niyang kaibigan na si Donna sa may swimming pool. Nakipagsayaw silang dalawa sa mga kaklase nila na lango na rin sa alak at dahil sa kalikutan niya ay nahulog siya sa pool.“Donna, ang sakit ng ulo ko,” aniya tsaka tamad na bumangon mula sa kanyang pagkakahiga.Dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata. Ilang saglit siyang natigilan nang makitang wala siya sa kwarto ni Donna. Napakunot din ang kanyang noo nang makita ang dalawang bata na tahimik lang na nakaupo sa may sofa na ilang hakbang lang ang layo mula sa kama.“N-Nasaan ako?” tanong niya.Tumayo ang batang babae mula sa pagkakaupo ni







