MasukIsang mahigpit na yakap ang sinalubong sa kanya ni Syresse nang makauwi si Amayah ng bahay. Humihikbi ito habang paulit-ulit siyang tinatawag. Kaagad naman niyang binuhat ang anak upang kargahin at patahanin ito.
“Ssshhh…Mommy is here. Tahan na ikaw, baby,” bulong niya rito. “I thought you already left us. Bakit ka pa bumalik?” singhal naman ni Kovi. Tumingin naman sa kanya ang anak na babae. “Mommy, don’t leave us, please.” “Hindi aalis si mommy, baby. Don’t worry,” tugon naman niya. Nagpunta sila sa may salas upang umupo sa may sofa. Nakakalong sa kanya ang anak samantalang tahimik lang na nakaupo malayo sa kanila si Kovi. Masama ang tingin nito sa kanya na para bang minamanmanan ang bawat kilos niya. “Kovi, behave,” suway ni Lorean na bumababa ng hagdan habang inaayos ang necktie nito. “May urgent meeting sa office. Can you take Kovi to his music lesson this afternoon?” “Sure. No worries,” tugon naman niya. Napatayo naman ang batang lalaki tsaka inis na lumingon sa ama. “No. Our driver can take me to school, Dad. Please, don’t let Mommy na ihatid ako doon.” “I said, behave. She’s your mom. I’m leaving,” anas naman ni Lorean tsaka dire-diretsong naglakad palayo. Nagmamaktol naman na tumakbo paakyat ng hagdanan si Kovi upang pumunta sa silid nito. Napapailing na lamang siya dahil sa pagkadismaya at sa naging reaksyon ng anak niya sa kanya. Nang kumalma na si Syresse ay dinala na rin niya ito sa silid nito. Hinanda na rin niya ang susuotin nitong damit dahil isasama niya ito sa paghahatid kay Kovi. “Can I help you take a bath, baby?” tanong niya. Mabilis naman na umiling ang bata sa kanya. “No need, Mommy. Syresse is a big girl na po.” Pero sinamahan pa rin niya ang paslit sa loob ng banyo. Sa umpisa ay ayaw pa nito na magpahubad ng damit pero ilang minuto pang pamimilit ay wala na itong nagawa pa. Para namang itak na tumusok sa kanyang puso ang sakit, galit, at pagkadismaya nang makita niya ang mga marka ng sugat ni Syresse sa katawan nito. “M-Mommy didn’t do anything wrong. This is Syresse’s fault,” mabilis na pagtatanggol ng anak sa kanya. Gusto niyang maiyak at saktan ang sarili dahil sa nagawa ng future self niya sa bata. Hindi niya lubos maisip kung ano ang tumatakbo sa bente-quattro anyos niyang pagkatao at nagawa nitong saktan ang paslit. “I’m sorry, baby. I promise na hindi na ulit kita sasaktan. I’m sorry,” sambit niya. Tumango at ngumiti naman sa kanya ang anak. “I trust, Mommy po.” “Sabay tayong maligo?” nakangiti niyang anas. Mabilis naman tumango sa kanya ang anak bilang tugon. Pagkatapos ay binuhat niya si Syresse upang lumipat sa kwarto nila ni Lorean. Pagkatapos niyang ihanda ang bath tub ay sabay silang naligo ng anak. Masaya silang nagkwentuhan hanggang sa makatapos sila at makapagbihis. Pagbaba naman nila sa may sala ay tahimik nang naghihintay si Kovi sa kanila. Sakay ng mamahaling kotse ay maingat na nagmaneho si Amayah papunta sa Music School. Nalaman niyang mahusay sa pagtugtog ng ibat-ibang mga music instrument ang anak kaya naman, sinuportahan ito ni Lorean at in-enroll doon. Pagkalipas naman ng ilang minuto ay nakarating na rin sila sa school. Ayaw ni Kovi na sumama siya sa loob pero nagmatigas siya at hinatid pa rin ang anak hanggang sa classroom nito. Naiwan naman sa loob ng sasakyan si Syresse na matiyaga lang naghihintay sa kanya. “Look who’s here. The desperate woman who was begging to be with my man,” anang boses ng babae mula sa may likuran. Nakapasok na si Kovi sa loob ng room samantalang papasok na rin sana siya nang marinig niya ang tawanan ng ibang magulang kasunod ng mataray na litanya ng isang babae. Wala sana siyang balak na pumatol sa mga ito pero nang marinig niya ang iyakan sa loob ng classroom at nakitang nakasalampak na sa sahig ang anak ay hindi na niya napigilan pa ang sarili. Pumasok siya sa loob at kaagad na tinayo si Kovi. “What happened? Are you okay, Kovi?” tanong niya sa paslit. Pero sa halip na anak niya ang sumagot ay matapang na humarap sa kanya ang isang batang lalaki. “What’s this? Hindi ba dapat ay ako ang kinakampihan mo? Kasalanan ito ng anak mo. Kaya naman, make him apologize for me at baka matuwa pa ako at maisingit kita sa schedule ng Daddy ko. Hindi ba’t you’re his dog?” Nag-init ang kanyang mga tainga dahil sa narinig. Naiinis man siya sa paslit ay may kontrol pa rin niya itong sinampal sa may kanan nitong pisngi. Sino bang matinong magulang ang hahayaan na lumaking bastos at walang respeto ang kanilang anak? Pero kahit pa alam niya na hindi naman masakit ang sampal niya ay malakas pa ring umiyak ang bata. Maya-maya pa ay pumasok na ang ibang mga magulang kasama ang nanay nito na siya pa lang nagsalita rin ng masama sa kanya kanina. “How dare you hit my son?!” singhal ng babaeng may mapulang labi at nakasuot ng dilaw na dress. Napangiti naman siya. “Kaya pala bastos ang bata dahil may pinagmanahan. Like mother, like son.” “Wow. Sa’yo pa talaga nagmula, ehh, aso ka lang naman ni Nolan. Sa tingin mo ba ay palalampasin nya ang ginawa mo sa anak namin?!” sigaw nito. Napatango naman siya nang marinig ang panagalan ni Nolan. “Simula ngayon ay wala na akong pakialam sa walang kwentang Nolan na iyon. Sayong-sayo na sya.” “Bakit? Ano pang maipagmamalaki mo? Divorce na kayo ni Lorean Trey Bismonte. Isa ka na lang pulubi ngayong wala ka na sa puder ng mga Bismonte,” mataray at mapang-uyam nitong saad. Mapait naman siyang napatawa. “Sino namang nagsabi sa’yo na divorce na kami ng mahal kong asawa?” Pero sa halip na tugunin siya nito ay mabilis itong lumapit sa kanya sabay hila sa mahaba niyang buhok. Sinabunutan siya nito habang walang tigil sa pagpapaulan ng mga masasamang salita. Isang tipid na ngiti naman ang kumawala sa kanyang labi kasunod nang paghawak niya sa kwelyo ng damit at baiwang ng babae. Sa isang iglap ay umangat sa ere ang babae at mabilis na sumalampak sa sahig. “What the hell?!” sigaw nito sa kanya. Inayos ni Amayah ang kanyang sarili habang mapang-uyam na nakatingin sa babaeng nakaupo na sa sahig. Malas lang nito dahil ang kaharap nito ay ang kanyang dise-otso anyos na katauhan. Upang tuluyang mangibabaw sa lahat sa buong campus ay nagsikap siyang maging black belter sa judo at taekwando. Kaya naman, walang kahirap-hirap lang niyang napabagsak ang maingay na babae. Susugod pa sana ito nang dumating ang guro at ang principal ng school. Dahil sa hindi naman hinahatid at sinusundo ni Amayah ang mga bata ay hindi siya kilala ng mga ito at napagkamalan pa siyang may sayad sa ulo. “Hangga’t maaari ay ayaw namin ng gulo kaya naman, pwede bang umalis na kayo?” anang gurong babae. “Banned her from entering the school at pakitanggal na rin ng anak nya rito. Hindi sila bagay sa prestihiyosong paaralan na ito,” mayabang na anas ng babaeng mapula ang labi at nakasuot ng dilaw na dress. “Sino ka naman para gawin ang bagay na iyan? Baka nakakalimutan mong Bismonte ang anak ko!” singhal naman niya. Napatawa naman ito sa kanya. “Ako si Lovelle Jianna Royo, one of the shareholders ng school. Also, ako na ang magiging reyna ng pamilya Aureda kapag naikasal na kami ni Nolan. Kumpara sa pulubing kagaya mo na iniwan na ng asawa, kayang-kaya kong gawin ang lahat ng gusto ko.” “Who the hell hurt my son and my wife?” Tila nabingi si Amayah sa sobrang kabog ng kanyang dibdib matapos marinig ang pamilyar na boses na iyon. Ang kanyang knight in shining armor ay dumating na upang sumaklolo sa kanya.Naabala si Arthuro sa ginagawa nang biglang may lumapit na isang staff sa kanya. Kasalukuyan niyang kausap sa telepono si Lorean at pinag-uusapan ang mga papeles tungkol sa binigay nitong property at dalawang projects. "Boss, si Ma'am Elyse! May napag-initan na naman po si Mrs. Torres at sa kasamaang palad ay si Ma'am Elyse po iyon," anang empleyado. Natigilan naman siya nang marinig iyon. "Ano?!" "What happened to my wife?!" anang boses naman ni Lorean mula sa cellphone na hawak niya. "M-Mr. Bismonte, Mrs. Torres is a crazy woman. Ma'am Elyse is in trouble. I-I will handle this," tugon naman niya. Hindi naman na tumugon pa sa kanya si Lorean dahil binaba na nito ang tawag. Kakaibang kaba naman ang bumalot kay Arthuro. Hindi na siya nagdalawang isip pa na tumakbo pabalik sa kanyang opisina kung saan niya iniwanan si Amayah kanina. Kapag may nangyaring masama ay baka siya pa ang mapag-initan ni Lorean. Natatakot siya para sa kanyang kompanya. Samantalang kaharap pa rin ni A
Hindi pa na-start ni Amayah ang kotse nang tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya iyon mula sa loob ng kanyang bag at walang pag-aalinlangan na sinagot. "Miss. Semera, are you still somewhere here in the perimeter?" anang boses mula sa kabilang linya. "Yes, I am," tugon naman niya. "That's good. Pwede bang bumalik ka rito sa loob? Let's meet inside my office again," anito. Napakunot naman ang noo niya. "May problema ba?" "You are hired," tugon nito. "Okay. I'll be there in a minute," mabilis niyang saad. Pagkababa ng tawag ay mabilis na lumabas si Amayah ng sasakyan at muling pumasok sa loob ng kompanya. Nagpunta siya sa top floor kung saan nandodoon ang opisina ni Arthuro Mendoza, ang may-ari ng Mendoza Enterprise. At dahil wala pa roon ang kausap ay naupo muna siya sa may couch at uminom ng tubig mula sa may water dispenser. Sa kabilang banda naman ay abala si Arthuro sa pakikipag-usap sa asawa nito. Matapos sabihin na walang pakialam at nasa kanya ang desisyon a
Kinabukasan ay magkasunod lang na umalis ng mansion sina Amayah at Lorean. Kailangan niyang humanap ng trabaho para makapag-ipon at mabuhay ang sarili kapag naghiwalay na sila ng asawa. "I already told my friend na may ire-recommend ako na tao. Punta ka na lang doon and take the interview," anang boses ng kaibigan mula sa kabilang linya. Napangiti namn siya. "Thank you, Donna." Kahit saang bagay ay maaasahan talaga ang kanyang matalik na kaibigan. Wala itong pinapalampas na kahit na ano at halos lahat ng pabor na hingin niya rito ay walang pagdadalawang isip na ibibigay nito. Kaya naman, kapag nakaangat na siya at tapos na ang lahat ng problema na kanyang hinaharap ay sisiguraduhin niya na makakabawi siya rito. Suot ng kanyang puting formal dress ay nagpunta nga si Amayah sa kompanya na sinabi ni Donna. Hindi iyon kalakihan at wala rin sa listahan ng mga matatagumpay sa industriya pero, kukuhanin pa rin niya ang pagkakataon na iyon. Sa ngayon ay pera ang mas mahalaga sa kanya.
Makalipas ng dalawang araw ay nakatanggap si Amayah ng mensahe mula kay Nolan. Pinapapunta siya nito sa condo dahil may mahalaga raw itong sasabihin sa kanya. Isang ngiti naman ang kumawala sa kanyang mga labi. Alam na niya kung bakit. Katulad ng dati ay ganoon pa rin ang routine niya para makapunta sa Greenhills condo. Magta-taxi, magre-rent ng VIP room sa Sunrise Cafe, at magpapalit ng damit, bago tuluyang pumunta sa kanyang destinasyon. Pagdating naman niya sa unit ni Nolan ay nadatnan niya ito na masayang nagbibilang ng limpak-limpak na pera habang nakaupo sa may sofa. "Saan naman galing iyan? Ang dami, ahh," aniya. Tumango naman sa kanya ang lalaki. "Binantayan ko ang paggalaw ng mga stocks. Bumagsak kagabi pero bumawi naman habang nag-uumaga na." "Ibig sabihin ay matagumpay ang pag-i-invest mo. Doble ba ang nakuha mo?" patay malisyang tanong niya. Pinakita naman sa kanya ng lalaki ang tatlo nitong daliri. "Triple." Napapalakpak naman siya. "Magandang balita iyan. An
"Sigurado ka ba sa gagawin mo?" tanong ni Donna. Napatango naman si Amayah. "Yes. Iyon naman ang gusto ni Lorean, ang pagbayarin si Nolan sa lahat ng nagawa nito sa amin." "Pero risky itong plano mo, Elyse. Paano kapag nalaman ito ng asawa mo at kung ano na naman ang isipin? Ang bilis pa naman manghusga ni Lorean. Na-trauma na kasi sa mga pinaggagagawa mo," saad naman ng matalik niyang kaibigan. Napahinga naman siya ng malalim. "Mag-iingat na lang tayo, Donna." Magkasama sina Amayah at Donna ngayon. Dumalaw si Donna sa mansion ng mga Bismonte upang hindi maghinala si Lorean. Hindi naman pwede na gamitin palagi ni Amayah na dahilan ang kaibigan sa tuwing aalis ito. Kailangan nito na kumpirmahin na magkasama nga sila ng kaibigan kaya naman, pinapunta niya si Donna. "Ninang, Syresse really loves the cookies po," anang anak na babae. Napangiti naman ang kaibigan. "Ninang baked those. Buti naman at nagustuhan nyo." "Mommy is trying to bake, too. But she is....nah..." natatawang anas
“You seems happy lately,” anang asawa habang bumababa ng hagdanan. Napakibit-balikat naman siya. “Am I? I don’t know. Parang ang gaan ng pakiramdam ko nitong mga nagdaang araw.” “Mommy, you look more radiant than before,” puna naman ni Syresse. “Because Mommy had a lot of rest. Also, it is because of my two precious angels. Thank you for giving Mommy a second chance,” aniya. “I will be home before midnight. Take care of the kids,” anang Lorean tsaka ito lumabas ng mansion. Napatango naman siya tsaka niya kinuha ang kanyang cellphone. She texted someone bago siya tumayo mula sa pagkakaupo niya sa may sofa. Nagpaalam siya sa mga anak tsaka siya nagpunta sa silid nilang mag-asawa upang maligo at magbihis. “Mommy will going out for a while. Riego will be here any minute,” aniya habang naglalakad pababa ng hagdan. “Bring some sweets home,” anas naman ni Kovi. Napatango naman siya. “I will buy some later.” “Mommy, can we have some chicken, too?” ani naman ng anak na babae. Napangi







