Share

CHAPTER 1

" Ito ang plano niyo, ah. Para hindi na tayo maghahagilap ng kakainin at gagastusin natin dito. Tutal ay sunud-sunuran naman sa inyo 'yung mga teachers at principal ng school niyo, eh. Una, tatakutin niyo ang bawat estudyanteng makikita niyo na parang mayaman. Pagkatapos ay kukunin niyo ang bawat baon nilang pera araw-araw. Kapag nagmakaawa ay hayaan niyo lang. Kung kailangan ay bugbugin niyo para hindi na magsalita pa. Pero lagi niyo ring tatandaan na huwag kayong kukuha ng pera sa mahihirap kasi alam natin ang pakiramdam ng isang mahirap! " pagpapaliwanag nanaman ni Bumper.

" Alam na ho namin 'yan,l. Ilang taon na kaya naming pinaggagawa 'yan. 'Tsaka, kahit isang beses ay wala pang nagtangkang magsumbong at labanan kami. Maliban lang doon sa malalanding mga kaibigan ni Caitlyn. " sabi ko kay Bumper

" Hays. Basta makinig na lang kayo sa akin at palagi niyong tandaan ang mga sinabi ko. 'Tsaka, huwag niyo ring hahayaan na mapasama kayo sa wanted list dahil hinding-hindi ko kayo dadalawin at papyansahan sa kulungan. "

" Oo. Alam na namin. 'Tsaka, hindi naman kami 'tanga' , 'no. Talagang mag-iingat kami dahil kailangan natin ng pambayad sa inuupahan nating bahay na 'to kahit ang pangit-pangit naman, " sabi ni Jillian.

" Pinapaalala ko lang. "

"Sinasabi ko rin lang. "

" 'Tsaka, Jillian. Kahit ang pangit nitong bahay na tinitirahan natin ay at least mabait naman si Aling Kuring! " ani Jillian.

" Pero, pangit pa rin 'yung bahay at hindi na mababago 'yon. "

" Hays. Tama na 'yan! Basta ang palagi niyo ring tatandaan na mag-iingat kayo dahil marami-rami na tayong nakalaban na ibang gang. Apat lang tayo kaya alam kong kahit na anong oras ay maaari nila tayong ambush-in. "

" Tayo?? Aambush-in?! " natatawa at sarkastikong tanong ni Denice. " Eh, nung dati nga ay napakarami nila, eh. Tatlo lang kami; pero tignan mo lahat sila 'yung na-ambush namin dahil sa lakas namin! "

" Dati at nung nakaraan 'yon ibang araw na ngayon baka malay mo ay hindi mo mamalayan na mas magaling na sila sa atin. Ayoko pa namang sugurin tayo ng magulang ni Ame— "

" Wala namang mga pakialam 'yung mga 'yon kung may nangyari sa akin. Hindi nga nila ako hinanap nung naglayas ako, eh. 'Tsaka, ilang taon na akong basag-ulo pero hindi ka pa rin sinusugod dahil sa pag-iimpluwensya sa akin. 'Tapos iisipin mo pa na susugurin ka pa niya kapag nakulong ako? Baka nga kahit mamatay na ako sa harapan nila ay titigan lang nila ako, eh. " walang reaksyong sabi ko.

" Pasensya na, Amelia….."

" Okay lang….. "

" Ammmmm…...sige, pwede na kayong pumasok ng school. "

" Hay, sa wakas! Makakasapak nanaman ako ng maraming mayayabang na babae at malalandi sa school. Hindi na ako makapaghintay na makipag-away at bungasan 'yung mga mahaharot na babaeng 'yon! Lalong-lalo na 'yung leader nila na si Caitlyn! " sabi ni Denice na halatang pinapabago ang atmosphere sa loob ng bahay. " Una na akong lumabas sa inyo, ah! " nagmamadaling lumabas ito.

" Alis na kami, Kuya. " kinuha ni Jillian 'yung bag niya sa upuan at naglakad na rin palabas ng bahay.

Agad ko ring kinuha ang bag ko at kinausap nang sandali si Bumper para paalalahanan.

" Oh, sige, Bump. Alis na kami. Paalala ko lang, ah. Dapat Ikaw ang mag-iingat dahil Ikaw ang maaaring ambush-in ng mga ibang gang dito dahil mag-isa ka lang. Lalo na 'yung pinaka-nakaaway natin nung nakaraan. 'yung grupo ni Leonel. " tinanguan lang niya ako kaya naman lumabas na rin ako at sa inuupahang bahay namin at sakto dahil pagkalabas ko ay binubuksan na ni Jillian 'yung ninakaw niyang motor doon sa kabilang Barangay nung nakaraan. Nakakagulat nga dahil hindi pa siya hinahanap, eh.

Habang pinapainit niya 'yung sasakyan ay agad na kaming sumakay ni Denice. Nasa gitna si Denice at ako naman sa likod.

Ang dami ko nang dinaldal. Oras na siguro para magpakilala na ako sa inyo.

Ako nga pala si Amelia Charlotte Allegra, 15 years old, morena, at medyo may katangkaran. Ang mukha ko ay hugis diamond, ang ilong ko ay matangos, at ang buhok ko naman ay kulay brown na may pagka-wavy. Isa kami nina Jillian at Denice sa isa sa mga pinakasikat sa pinakakinatatakutan na gangster dito sa aming Barangay. Ex-member kasi kami ng 'Black Feathers' noon. Isa itong pinakasikat na organisasyon ng mga Mafia sa buong Pilipinas. Halos lahat ng gangster at may mga krimeng ginagawa ay kilala sila. Ngunit ang mga normal na tao ay hindi sila kilala. Kaya kahit isang teacher at principal ay walang nagagawa kung hindi maging sunud-sunuran na lang sa amin.

Sinimulan nang paandarin ni Jillian nang napakabilis 'yung motor.

" Wooo!!! Sige pa! Bilisan mo pa! Hays, Jillian! Ang galing-galing mo talagang magpatakbo ng motor kahit pa napakabilis. " itinaas ni Denice 'yung kamay niya.

Ang likot-likot talaga nito kapag nakasakay kami sa motor. Kaya ang ginagawa ko palagi ay humahawak ako nang mabuti sa likod ng motor para hindi ako malaglag; napakabilis pa naman nung pagpapatakbo ni Jillian.

" Huwag ka ngang malikot! Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na kapag nagpapatakbo ako ng motor ay huwag ka masyadong maglikot! Kapag nabitawan ko itong handle dahil sa kakulitan mo at namatay tayo ay hahanapin ko talaga 'yang kaluluwa mo para patayin ulit! " malakas na sigaw ni Jillian kay Denice habang pinapaandar 'yung motor.

" Edi, wow!! "

" Feeling ko may bago nanaman tayong makukuhaan ng pera! Feel ko mas marami pa ata tayong makukuha sa kaniya dahil mas mayaman siya sa lahat ng kinuhaan natin ng pera noon! " singit ko sa usapan nilang dalawa.

" Sino naman?! Siguraduhin mong kada-araw ay mas mataas sa limang libo 'yung makukuha natin sa kanila, ha! " tanong ni Denice habang nakatakas pa rin ang mga kamay.

" Feel ko pa nga lang, eh! Pero si Spin 'yung tinutukoy ko! Feeling ko ay marami tayong makukuha sa kaniya. Pagkatapos kung titignan mo ay parang tatanga-tanga siya at duduwag-duwag. Kaya alam kong pagkakakitaan natin 'to! " pasigaw na sabi ko sa kanilang dalawa para marinig nila.

" Sa tingin ko rin ay mayaman siya, eh! Hmmmmmm……Pero ay pakiramdam ko ay may kakaiba sa lalaking 'yon, eh. Ang weird niya nga kahapon, eh. Sinisigawan ko siya pero deep inside ay gwapong-gwapo ako sa kaniya! Charot! Basta! Pakiramdam ko ay hindi agad natin siya matatakot! "

Ano raw?? Eh, kagahapon nga isang pananakot lang namin sa kaniya ay tumayo na ka agad siya para lumipat ng upuan. Pagkatapos ay sasabihin niyang hindi siya agad-agad matatakot?? Tsk. Makikita natin.

" Makikita natin. Baka nga isang salita at sapak ko pa lang sa lalaki na 'yon ay magreklamo na ka agad sa guidance o kaya sa principal, eh! " ani Jillian.

" Hay, na 'ko! Alam kong may kakaiba talaga sa lalaking 'yon! Nung tinignan ko nga 'yung katawan niya kahapon, ahhhh!!!! Basta! Sinasabi ko talaga sa inyo! Huwag niyo small-in 'tong instinct ko, 'no! "

" Ang ingay mo naman at ang landi mo! Manahimik ka na nga lang diyan! "

Patuloy silang nagbardagulan habang nakasakay kami sa motor at nang makarating na kami sa school ay agad kong sinubukan hanapin si Spin para malaman kung matatakot agad siya sa akin. Pasimpleng humiwalay muna ako kina Denice at Jillian. Mabilis akong nakaalis dahil may isang estudyante nanaman silang hinihingan ng pera at pinagtitripan.

Habang hinahanap ko si Spin ay may mga nakakasalubong akong mga estudyante na ang sama ng tingin sa akin. Kaya nilapitan muna ang mga ito at binantaan.

Napakalakas talaga ng mga loob ng mga itong tignan ako nang masama…...

" Ano ang tinitingin-tingin niyo sa akin?! May dumi ba ako sa mukha, ha?! Gusto niyo bang pamagain ko ang mga mata at bunganga ninyo para hindi na kayo makapagtsikis at makakita nang maayos, ha?? " pagkasabi ko no'n ay agad silang nagtakbuhan kaya naman agad akong napailing habang ngumingisi nang kaunti.

Mga duwag. Sigurado ako na duwag din 'yung lalaking 'yon.

Ilang minuto na akong naglalakad upang hanapin si Spin ngunit hindi ko pa rin siya nakikita.

Nababadtrip na ako. Saang lupalok ba kasi ng school nagsusuot 'yung lalaking 'yon??! Hindi kaya ay hindi pa siya nakakapasok?? Pero, imposible naman kasi ang alam ko kapag bago pa lang sa school ay hindi nagpapa-late, eh. Siraulo din 'yung lalaking 'yon, eh. Nag-transfer sa school kung kailan second grading na?? Tsk. Kaya ang kutob ko talaga ay mayaman 'yon, eh.

Teka…...Saan nga ba nagsusuot ang mga bagong salta?? Tsk. Trll

TeTeka.......Mukhang alam ko na kung nasaan siya ngayon…. Bakit hindi ko ba agad na isip 'yon?? Para tuloy akong tanga ritong naghahanap.

Agad akong naglakad papuntang classroom namin. Syempre 'yung mga taong bagong salta ay bait-baitan sa una maya maaga silang pumupunta sa classroom.

Nang makalapit na ako sa classroom namin ay nakita ko sina Spin at Machete na nakaupo sa sahig.

Tama nga ako. Maagang pumapasok ang mga bagong salta sa school na 'to. Maganda rin 'to para palagi ko siyang mapagtitripan.

Mukhang nadagdagan ang mga estudyanteng mababait sa school na ito, ah….. Feeling mababait.

Mukhang maganda 'to dahil may makikita kung paano ko siya pagsasapakin sa mukha…..

Dahan-dahan ko siyang nilapitan ngunit sa pagkakataon na ito ay parang may naramdaman akong mali. Iba ito dahil hindi ko pa ito nararamdaman noon.

Nang tuluyan na akong nakalapit ay marahan siyang tumingin sa akin na may halong pagtataka. Sa pagtingin niya sa akin ay lalong tumindi ang kakaibang nararamdaman ko. Hindi naman ito ang naramdaman ko nung una ko siyang nakita, ah!

Lalong niya akong tinignan nang may halong pagtataka sa kaniyang mga mata. Ngunit hindi ko pa rin alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya at kung ano ang gagawin ko.

Hayop ka, Amelia! Ano ba ang nangyayari sa 'yo, ha??! Hindi ka naman ganito dati, ha! Suntukin mo! Bilisan mo!

" H-hoy!! " dinuro ko siya. " Ikaw, 'yung bago rito, 'di ba??? Ikaw 'yung taong pinagnanasaan 'yung katawan ng kaibigan ko, 'di ba?! A-ano ba ang gusto mo, ha?! Gusto mo ba na bangasan ko 'yang mukha mo??! "

Sa wakas at may lumabas ng salita sa bibig ko. Hindi ko alam kung bakit…..pero talagang may kakaiba akong naramdaman sa kaniya.

Tinitigan niya lang ako nang masama at parang may halong galit, at inis ang mga mata nito.

Gago to, ha!!

Agad akong lumapit pa sa kaniya at yumuko nang kaunti at marahas na hinablot 'yung kwelyo ng uniform niya.

" Bakit ang sama ng tingin mo riyan, ha?! Bakit ganiyan ka makatingin sa akin??! " galit kong sigaw sa kaniya.

" Ano ba ang ginagawa mo ba?? Nababaliw ka na ba?? " sagot niya sa akin na siyang lalo kong kinainis!

Aba, Ang tapang ng lalaking 'to, ah!!

" Ano??! Gago ka, ha?! " agad kong inihanda ang kamao ko at sasapakin ko na sana siya nang napakalakas ngunit hindi ko alam dahil talagang may pumipigil sa akin.

Dahil sa inis at galit, malakas ko na lamang siyang itinulak at galit na galit na naglakad at mabilis na pumunta sa canteen para puntahan sina Jillian at Denice dahil alam kong nandoon sila kapag ganitong oras.

Ano ba ang problema mo, Amelia??! Bakit hindi mo na itinuloy 'yung pagsapak mo sa kaniya??! Natatakot ka ba sa bwiset na lalaking 'yon??!

Nang makita ko sina Jillian at Denice na nakaupo roon sa pwesto namin palagi sa canteen na kumakain ay inis akong naglakad nang mabilis papunta sa kanilang dalawa.

Hinila ko nang napakalakas 'yung upuan at malakas na umupo room.

" Problema mo? May nangyari ba?? Sino ang umaway sa 'yo?? " tanong ni Denice habang kumakain siya ng french fries.

Hindi ako sumagot. Ano ba kasing mga tanong 'yan?? Ano ako bata para tanungin kung sino ang umaway sa akin?? Tsk.

" Edi, huwag, " sabi ni Jillian habang kumakain ng siomai. " Saan ka nga ba Kasi pumunta kanina?? Bakit ka ba humiwalay sa amin?? "

" Basta— "

" Sasabihin mo o hindi kita bibigyan ng french fries ko at hindi rin kita papansinin ng isang araw?? Isang araw lang kasi ang kaya ko, eh! " banta ni Denice habang nakain ng french fries.

Hays. Ayan palagi 'yung sinasabi nila sa akin kapag may hindi ako sinasabi sa kanila.

" Sige na nga. Nung humiwalay kasi ako kanina sa inyo no'n….balak ko kasing hanapin at pagtripan si Spin; Para sana makakuha ng pera at matakot siya sa akin. Pero….Nung nahanap ko na siya ay may kakaiba akong naramdaman…. Pagkatapos nung sasapakin ko na sana siya dahil napakasama ng tingin niya sa 'kin ay napatigil ako. Kaya tinulok ko na lang siya nang malakas. Hindi ko nga alam kung bakit, eh. Kaya nababanas ako ngayon, " paliwanag ko sa kanila.

" Baka naman kasi may gusto ka na sa kaniya!! " natatawang sabi ni Denice.

Ano??! Gago ba siya??!

" Kadiri ka naman! Putangina mo, " malutong na sabi ko sa kaniya.

" Luh! " kumuha nanaman si Denice ng french fries at kinain ito nang mablis.

Takaw naman nito.

" Ano ang gusto mo? Sugurin natin 'yung kumag na 'yon at bugbugin?? " tanong sa akin ni Jillian.

" Hmmmm…..gusto ko na siya ang pinaka-main target natin ngayon. Si Machete lang ang nakakita kanina pero feel na feel ko na napahiya ako, eh. Bwiset. "

" Kalma, uy. Hayaan mo, Amelia. Kami ang bahala sa 'yo nitong si Jillian. "

Kumuha ako ng french fries at agad itong kinain. Pagkatapos naming kumain ay agad kaming pumunta ng classroom para pumasok sa first subject namin.

Kahit naman ganito ang inaasal namin sa school ay hindi naman kami masyadong lumiliban sa class, 'no. Hindi rin namim pinapabayaan ang grades namin na bumaba dahil isa rin ito sa pwede naming maipagmalako balang araw; at syempre, hindi nila kami masasabihan na bobo dahil sa tataas ng grades namin. Kaso nga lang ay minsan ay na-gaguidance kami dahil may mga nagtatangkang magsumbong na may kaya ang magulang.

TIME CHECK: 9:30 A.M

Recess na namin ngayon. Mahigpit naming binabantayan at tinititigan si Spin.

Apat na subject na ang nagdaan ngunit hindi man lang niya kami nilingon. Kanina naman nung ESP time ay kausap niya su Machete; siya 'yung 'nerd' na palaging natakbo kapag papalapit na kami. Minsan nga ay hindi ko na 'yon sinasaktan dahil naaawa ako sa katawan niya, eh.

" Hoy, Ikaw na babae ka! Bilihan mo nga kami ng tatlo ng tig-iisang chicken w/rice at 50 pesos na french fries! Ikaw na ang magbayad! Huwag mo ring subukang umangal kung ayaw mo masaktan, " utos ni Jillian sa babae.

Agad namang sumunod 'yung babae. Syempre 'yung tinatakot ni Jillian ay 'yung alam niyang mapepera. Ano ba kasing maibibigay ng walang pera, diba?? Edi, wala.

" Ano ba 'yan! Dapat nagpabili ka rin ng iced tea! Hindi mo pa sinulit! " kunyaring sumimangot si Denice.

" Okay na 'yon. Papabili na lang ako mamaya sa iba. "

" Yehey!! "

Habang hinihintay namin 'yung pagkain ay lumingon ulit ako kay Spin at Machet para bantayan sana sila pero ngayon ay nakatingin sila sa amin at tingin ko ay parang pinag-uusapan kami.

Kakapal talaga.

Agad akong tumayo sa aking kinauupuan at galit at naiinis na naglakad nang mabilis papunta sa kanila. Kita ko sa mukha ni Machete ang takot ngunit si Spin ay nakatingin ulit sa akin nang masama na may halong pagtataka.

Bwiset talaga 'tong Spin na 'to!!

" Hoy, Amelia! Saan ka pupunta??! Andito na 'yung chicken 'tsaka 'yung french fries, oh! " tawag sa akin ni Denice ngunit hindi ko siya pinapansin.

Dire-diretso lamang akong naglakad nang mabilis papunta sa kanila at nang makarating na ako ay galit ko silang sinigawan.

Humanda ka sa akin, Spin. Sisiguraduhin kong matatakot ka da akin ngayon.

" Ano ba ang problema niyong dalawa, ha??! " sigaw ko sa kanila kaya naman agad kaming pinagtinginan ng mga estudyante sa loob ng canteen.

" Ano ang tinitingin-tingin niyo sa akin, ha?! "

" W-wala po— "

" Wala?!! " putol ko kay Machete. " Eh, para ngang pinagbubulungan niyo ako, eh! "

" H-hindi po…..m-mali po ang iniisip— " bigla ko siyang sinampal nang napakalakas.

" Go, Amelia!! Kaya mo 'yan!! " si Denice.

" At Ikaw namang lalaki ka! " baling ko naman kay Spin. " Kabago-bago mo pa lang dito pero ang yabang-yabang mo na kaagad! Hoy! Pinapaalala ko lang sa 'yong lalaki na kilalanin mo muna kun sino ang binabangga mo! " sigaw ko kay Spin ngunit tinignan niya lang ako nang masama.

" Aba, Gago ka, ha! Ano ba ang tinitingin-tingin mo riyan?! " agad kong winasiwas ang kanang kamay ko para sampalin siya ngunit pinigilan niya ako.

Hayop talaga 'to!!!

" Woooooooo! " rinig kong bulungan ng mga estudyante sa canteen.

" Hoy! Manahimik kayo kung ayaw niyong pasabugin ko isa-isa 'yang mga bibig niyo, ah!! " pananakot ni Jillian sa mga estudyante sa canteen.

" Ano ba ang problema mo?! " pilit kong hinihila 'yung kamay ko para tanggalin sa mga kamay niya kaso nga lang ay hindi ko ito matanggal dahil sa mahigpit na pagkakahawak niya.

" Ako pa talaga ang may problema?! Hindi ba't ikaw ang naunang sumugod rito sa amin ni Machete??! Kahit wala naman kaming ginagawa sa 'yo??! 'Tsaka, Ikaw rin 'yung sumugod sa amin kaninang umaga, diba??! At mabuti na lang ay hindi mo ako sinapak. Mabuti na lang ay inambahan mo lang Ako dahil kung hindi ay pinatulan na kitang babae ka! " sigaw sa akin ni Spin.

Bwiset talaga 'to g lalaki na 'to!!!

"Bwiset ka— "

" What a wonderful surprise! " putol sa akin ni Caitlyn. " Akalain niyo 'yon?? Si Amelia ay pinatulan ng isang transferee?? At kanina ay hindi niya pa tinuluyang sapakin ang napakagwapong transferee na ito?? So, Ang ibig sabihin ay naduduwag siya at natatakot sa gwapo at kaakit-akit na lalaking ito! " lumapit si Caitlyn kay Spin at malanding hinawak-hawakan ang likod nito.

Napuno ng bulungan ang buong loob ng canteen dahil sa sinabi ni Caitlyn.

Wala talagang nagagawang maganda 'tong babae na ito!

" Ano ang mga ibinubulong niyo riyan??! Gusto niyo ba na bangasa— "

" Ano nanaman, Jillian?? " putol ni Caitlyn sa sinasabi ni Jillian. " Palagi mo na lang ba sasabihin na: 'bubungasan ko 'yabg mga bunganga niyo' Wala na bang bago, Jillian?? "

Lagot ka ngayon, Caitlyn. Nagkakamali ka nang binabangga mo.

" Manahimik kang, Gago ka! " biglang sinugod ni Jillian si Caitlyn.

" Oh, sige! Subukan mo lang nasaktan si Caitlyn at ipopost ko sa social media ang mga pinaggagawa ninyo para sumikat kayo at makulong, " banta ni Kim habang hawak-hawak 'yung cellphone niya; mukhang nag-vivideo.

Nang maramdaman kong hindi na masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin dahil naka-focus ni Spin sa mga kamay ko ay agad kong sinipa 'yung mga paa niya at inikot 'yung kamay niya na para bang nababali ito at malakas na sinapak siya sa mukha.

" Aray!! " hinawakan ni Spin 'yung mukha niya.

" Wooo!! Nice, Amelia! Galing mo talaga! " sigaw ni Denice habang kumakain ng french fries.

" Ayy, bakit mo binasag 'yung cellphone ko?! " napalingon ako sa pagsigaw ni Rin. " OMG! Yari ako nito kay Mommy! Bayaran mo 'to Jillian! " naiiyak na kinuha ni Rin 'yung basag na cellphone niya sa sahig.

Hindi ko nakita kung paano binasag ni Jillian 'yung cellphone ni Rin pero mabuti na lang at nabasag niya ito dahil ayaw naming makita kami sa social media at maging wanted o makulong.

" Aray! " sabi ko dahil hindi ko namalayang bigla akong itinulak ni Spin sa lamesa at inilapit niya 'yung mukha niya malapit sa kanang tenga ko.

" Hindi ako pumapatol sa babae, pero kung isa lamang na katulad mo ay papatulan ko, " bulong niya sa akin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status