Share

The Billionaire and The Gangster
The Billionaire and The Gangster
Author: Adrian

PROLOGUE

This is my first time to study in the public highschool, dahil sa buong buhay nag-aaral ko ay sa private school lang ako napasok.

Naisipan ko kasing sumubok ng ibang mga bagay para magkaroon ako ng experience. Para hindi naman boring 'yung buhay ko. Kaya naman sinubukan ko ngayon na mag-aral sa public school. Nung nag-aaral pa kasi ako sa private school…….it was terrible. Maraming mayayabang akong nakasalamuha; Ayaw nila sa akin dahil tingin nila na weird at nerd ako. Which is medyo totoo dahil nga hindi ako masyadong nakikipag-interact; nakikipag-interact lang ako sa kanila kapag kinakausap nila ako. Pero hindi naman lahat ng estudyante sa mga private school na napasukan ko ay mapapangit ang ugali; karamihan sa kanila ay mga mababait, approachable, at tahimik lang din na katulad ko. But, some of the students on my previous school, most of them are so arrogant. Sila ang dahilan para umalis ako sa Clarinet. Kaya napilitan akong lumipat ng school during 2nd Quarter. 'tsaka isa pa, kayang-kaya kong lumipat ng iba't ibang paaralan kahit kailan ko gusto. Dahil sa sobrang daming pera na hawak-hawak ko ngayon; kaso nga lang ay wala na akong nga magulang na magmamahal sa akin.

Hays. Napakarami ko nang nasabi na problema ko sa inyo. So, I think ito na ang oras para ipakilala ko ang sarili ko sa inyo. Hi. My name is Spin Link Brint. Yes, it's a weird name, I know. Sapagkat, dahil sa pangalan na ito ay palagi akong nabubully. Kesyo: Spinny Will, Crazy Spin at kung ano-ano pa. Hindi ko alam kung saan ba nila hinuhugot ang mga 'yon. Parang mga elementary.

Kakarating ko lang sa classroom ngayon. Pagkapasok ko nga ay pinagtitinginan ako, eh. Akala ata nila ay nagkamali ako nang pinasukan na classroom, eh; Sino ba naman kasi ang papasok ng 2nd Quarter na, hahahaha.

Umupo ako sa isang upuan sa harapan kahit hindi ko alam kung may nakaupo ba rito. Marahan kong inikot ang paningin ko sa buong classroom. Isa-isa ko silang tinignan at nailang ako dahil halos lahat sila ay nakatingin pa rin sa akin kaya naman agad kong ibinalik ang tingin ko sa harapan. Sa tingin ko ay nailagay ako sa lower section. Hindi naman sa pagiging judgemental pero karamihan sa classmate ko ay walang itsura.

" Ayyyy! Ano ba huwag kang maingay! " napalingon ako sa mga babaeng nagtitilian sa likod ko.

Nagtitilian siguro sila dahil napakagwapo ko. Joke! Nang napalingon ako ay pinagmasdan ko sila nang kaunti. Para silang mga manikang minake-up-an ng bata dahil sa kapal ng mga make up na nakalagay sa kanila.

Nang ibinalik ko na sa harapan ang tingin ko para tanggalin sana ang bag ko ngunit nagulat ako dahil may tatlong babaeng nakatayo sa harapan ko.

" Gulat ka, 'no?? Ano ang ginagawa mo sa upuan ko? Hindi mo ba alam kung saan ang upuan mo? 'Tsaka, parang hindi ka taga rito, ah! Ang gwapo mo pa naman sana kaso parang tatanga-tanga ka. Alis ka nga riyan! " bungad na sabi sa akin nung isang babaeng nasa gitna.

Habang sinisigawan niya ako ay umupo ang dalawa niyang kasama sa tabi ko at inilapag ang mga bag nila sa upuan.

Lahat sila ay magaganda. Nung nasa kaliwa ko ay mas nakuha ang pansin ko. Napakaganda kasi niya. Malakas na kumabog ang dibdib ko. She's so different. Iba ang pananamit niya, parang pang maangas kaya lalo nitong pinakabog ang dibdib ko. Morena siya, wavy ang buhok at matangkad.

Ang isa naman na babae na nasa kanan ko ay maganda rin ngunit she's not my type. Medyo maputi siya at mas matangkad sa akin. Gano'n din manamit. Ito namang nasa harapan ko na nagsisisigaw ay gano'n din ang pananamit. Maganda rin kaso ang pangit ng ugali. Matagal ko siyang tinignan dahil nagtataka ako dahil sa inaasal niya sa akin. Ganiyan ba ang ugali ng mga public school kapag may umupo sa mga pwesto nila? Mabuti pa roon sa private ay hahayaan ka nilang umupo. Pero ang dahilan nila ay nadidiri sila sa akin kasi baka mahawaan ko raw sila ng pagiging weird ko.

" Ano ba ang tinitingin-tingin mo riyan, ha?! Umalis ka nga riyan! Pinagnanasaan mo ba ako?! " sigaw ulit sa akin nung babaeng nasa harapan ko.

" Aba, bastos ka, ah! Pinagnanasaan mo ba 'tong kapatid ko?! " sigaw naman sa akin nung babaeng maganda na nasa kaliwa ko.

" H-hindi…..Oh, sige na. " tumayo ako. " Umupo ka na,oh. Akala ko kasi ay walang taong nakaupo rito, eh. " agad akong lumipat ng upuan at hindi ko na sila nilingon pa. Magaganda sana kaso nga lang ang papangit ng ugali, eh. Sayang!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status