Masuk"Czarina..."Mabilis na lumapit si Chloe kay Zayden at niyakap ito mula sa likod. Pagkalingon ni Czarina sa tumawag sa kanya ay iyon ang nasaksihan niya.Buong lakas na inalis ni Zayden ang kamay ni Chloe at itinulak ang babae. Gusto niyang magalit dito pero inuna niyang lumingon kay Czarina upang magpaliwanag."N-no, it's not what you think, Cza--""Tara na sa loob, Kyle," malamig na sabi ni Czarina pero agad lumapit su Zayden upang pigilan ito."Czarina, please. Nagulat din ako sa ginawa niya at--"Czarina looked at him straight in the eye. Ngumiti ito pero hindi abot hanggang mata. Ngiti iyon na parang sinasabing wala siyang pakielam."Don't worry about it. I really don't mind," sabi ni Czarina sa kanya at muling inaya na si Kyle na umalis.Kung ano man ang nakita niya ay walang-wala iyon sa pinaramdam at ipinakita ng mga ito sa loob ng madaming taon. Ngayon pa ba magpapaliwanag si Zayden?Nanghihinang napaatras na lamang si Zayden at hindi na nangulit pa dahil baka magalit si Czar
Lumapit si Zayden sa may entrance kung saan nakaabang pa rin ang mga reporters sa pagdating ni Czarina. Usap-usapan kasi ang babae nitong mga nakaraan. After her divorce issues, her moving on, and now her career. At madami rin doon ang gusto talagang makiusyoso sa status nilang dalawa dahil iyon ang malakas makahatak ng atensyon ng mga tao. Daig pa nila artista.Tahimik lang din na nag-abang si Zayden habang tumitingin-tingin sa kanyang relo. Maaga pa naman at wala rin namang specific na time ang kailangan para pumunta rito. She can take her time.Nasa ganoong posisyon siya nang may lumapit."Zi," a cautious voice came from behind.Lumingon si Zayden at nakita si Chloe. Maganda naman ang suot nito at naka-full glam din subalit may kakaiba talaga sa dating nito ngayon. She looks so sad and broken. Ibang-iba sa Chloe noong mga nakaraang buwan.Hindi nagsalita si Zayden pero malamig niyang tinignan ang babae."A-alam kong mali ako at malaki ang pagkakamali ko, Zi," nanginginig ang boses
Halos mawalan ng balanse si Chloe nang marinig ang mga sinabi ni Calix at mabilis namang dumalo ang kapatid niya upang alalayan siya. Nang maka-recover sa pagkagulat ay nagsalita si Brent. "Huwag mo nalang pakinggan iyon," anito. Hindi makapagsalita si Chloe at naiyak na lamang. Hiyang-hiya siya kay Zayden, alam niyang kahit ano ang gawin niya ay ipagtutulakan siya palayo ng lalaki. He hates her to death now. Kailan kaya siya nito mapapatawad? Kaya dinala ni Brent ang kapatid dito sa jewelry exhibition ay upang malibang kahit papaano, at makapag-shopping na rin kung sakaling may magustuhan ito. Pero mukhang mahirap ito libangin sa lugar na iyon. "Let's just go to another place," saad nito at hinawakan ang kamay ng kapatid. Mabilis namang umiling si Chloe at mapupungay ang mga matang tinignan ang kuya niya. "Ayaw kong umalis, kuya. Dito nalang muna tayo. Ayos lang sa akin basta nakikita ko siya kahit papaano..." she bit her lower lip. "Kahit sa malayo." Hindi inaak
"Kumusta naman kayo ng ex-wife mo?" pa-cool na tanong ni Calix habang nakapamulsa ang dalawang kamay sa suot na pantalon. Gustong-gusto na niya tanungin at kulitin si Zayden pero ayaw niya namang magmukhang chismoso lang. Pagpasok ay sinalubong sila ng tahimik at napakagandang ambiance. It's elegance in all forms. "Sakto lang," sagot ni Zayden sa tanong ni Calix. Mabilis pa sa alas-kwatro na nilingon siya ng kaibigan. "Sakto lang?" halos mapalakas pa ang boses sa exaggerated nitong reaksyon. Lumingon siya sa paligid at medyo nahiya nang may mga ilang nakatingin na sa kanila. "Hindi ka basta-basta luluhod sa ibang tao at sasabihing 'sakto lang'." "Alam mo naman pala," sagot naman ni Zayden, kalmado at tila walang pakielam sa pakikiusyoso ni Calix. Abala ang mga mata niya sa pagtingin sa paligid at sa ilang mga jewelry na naka-display sa magkakaibang glass box na tila naka-display sa museum. May sulat ito sa baba at nakalagay rin ang description no'n. May QR din sa gilid kun
Ilang minutong tinitigan ni Czarina ang invitation na hawak niya. Hindi na sana niya papansinin iyon at wala na siyang balak pumunta pero nakita niya kung sino ang organizer ng jewelry exhibition na iyon.Ford Group.Kyle Ford.Paano naman siya makakahindi doon?Nag-half day lang siya ngayong araw sa research institute at dumiretso sa hospital kung saan naka-confine ang lola niya.Masaya ang matanda nang makita siya at mukhang mas masigla na ito kumpara noong mga nakaraan. Umupo si Czarina sa upuang katabi ng kama at nagsimulang magbalat ng orange."Nakakapagod at nakaka-stress ang trabaho doon, ano?" pag-usisa ng matanda.Ilang segundong nag-angat ng tingin si Czarina rito."Hindi naman po ako pagod at stress pa."Bumuntong-hininga ang lola niya. Alam nito kung gaano nakakapagod ang trabaho roon, may mga pagkakataon na grabe ang stress lalo kung may mga experiment silang kalaban ay oras at kailangang bantayan.Pero kung kinaya niya nga, tiyak na kaya rin ni Czarina. They're both Laud
Samuel Laude looked at Zayden with disbelief in his eyes. Isa pang pagkakataon? Malamig na tawa ang pinakawalan nito na para bang isang katawa-tawang bagay ang narinig niya. It's full of sarcasm. At nakuha naman agad ni Zayden ang gusto nitong iparating. Samuel sighed after a minute... "Zayden," anito at tinignan sa mata ang lalaki. "Maiintindihan mo rin ako kapag nagkaroon ka ng anak na babae balang araw. Imagine this, you have this precious angel that you spoiled so much, love so much, yung tipong hindi mo padadapuin maski lamok sa balat niya, at hindi mo siya hahayaang masaktan sa abot ng makakaya mo. And then one day she just tells you she loves someone, so much that she wouldn't mind hurting. Hindi siya sanay sa sakit pero lulunurin siya sa sakit. Hindi mo siya pinapaiyak pero gabi-gabi na siyang umiiyak. Imagine throwing a non-swimmer to the deep ocean. Ano ang mangyayari? Mamatay siya ng walang kamalay-malay. At iyon ang ginawa mo sa anak ko, Zayden. She didn't die liter
"Czarina..." mahinang sambit ng ina ni Zayden, naninimbang pa rin sa dalawang kasama nila.Dahan-dahang nag-angat ng ulo si Zayden. Magsasalita na sana ito nang maunahan siya ni Czarina."Zayden," sambit ng babae. "Let's just get this over with. Iproseso na natin ang divorce na matagal mo na rin na
Nagkakagulo na ang lahat at dinig ang sigaw at pagpupumiglas ni Romeo Marquez mula sa kamay ng mga pulis. Samantalang si Czarina ay tulala at hindi halos maproseso ng utak niya ang nangyari. Divine saved her life. Bagay na hindi niya lubos na inaasahan. "Czarina!" sigaw ng kung sino sa mga na
Nakatanggap si Czarina ng message mula kay Dra. Garcia na nakabalik na ito sa kanyang opisina. Sumakay siya ng elevator at nakita ang repleksyon ng sarili roon. Napangiti siya ng mapait. Yung mga sinabi niya kanina sa babae, nakakatawa na maski siya ay hindi masunod iyon. Tinignan niya ang kan
Nagsilapitan na ang mga rescue, maging ang mga pulis, upang tumulong."Bakit niyo pa ba ako inililigtas? Mas okay na na mamatay na ako!" umiiyak at nagpupumiglas pa rin ang babae.Nagwawala ito at hindi halos makalapit ang iba pa na gustong umalalay. Sumasakit na ang kamay ni Czarina sa patuloy na







