MasukAdvance Happy New Year!!!
Nasa labas pa lamang si Czarina ng room kung saan naka-stay si Grandma ay naririnig niya na ang boses nito na pinagagalitan ang anak. "Ni hindi niyo magawan ng paraan na patigilan ang mga isyu na iyan? Ano na? Akala ko ba ay sosolusyonan niyo iyan? Zander, anak mo ang pulutan ng mga media na iyan, should you be faster covering it now than other issues?!" Huminga nang malalim ang matanda at maski ang pagbuntong-hininga nito ay dinig na ni Czarina kahit nasa pintuan pa lamang siya. "Ano na lang ang iisipin at mararamdaman ni Czarina kapag nabasa at nakita niya ang mga iyan?" tila problemado at nalulungkot pa na dagdag nito. Natigilan si Czarina. Parang may pumiga sa puso niya nang marinig ang huling linya na iyon ni Grandma. Alam niya na mahal siya ng matanda. Pero ngayon ay mas lalo niya lamang napatunayan iyon. Maski ang pagsasabi rito na hindi na niya gusto pa ang kasal na mayroon siya kay Zayden ay hindi magpapatapos sa pagmamahal na mayroon ang matanda sa kanya. But she
Habang nakatingin sa matandang nakahiga sa hospital bed ay hindi mapigilan ni Zayden na makaramdam ng hiya sa mga nangyari. Alam niya ng maysakit at may edad na ito ay nakipagtalo pa rin siya rito. That's why he hates being emotional. Walang nangyayaring maganda. Ang sabi raw ng doctor sa kanila, bagaman ligtas na ito sa ngayon, ay lumalala na raw ang sakit nito. He felt guilty even more. Gising na ang matanda at alam din nito na nasa kwarto lang din na iyon si Zayden pero sinadya nitong hindi tumingin sa kanyang apo. Sa halip ay dahan-dahan itong lumingon sa mommy ni Zayden at hinanap si Czarina. "Bumalik na sa trabaho si Czarina, mom," sabi ni Marissa Hart kay Grandma. "Babalik po iyon dito mamaya pagkatapos niya sa trabaho." Halata na nanghihina pa ito. Sa mga mata pa lang ng matanda ay alam na agad ni Zayden at ng mommy niya ang pinoproblema nito. Grandma loves the Hart Group so much. Hindi lang ang pamilya niya, kundi ang kumpanyang bumuhay sa kanya. Importante sa k
"Let's not jump to conclusions without evidence," malamig na sabi ni Zayden kay Chloe.Hindi nagustuhan ni Chloe ang responde na iyon ni Zayden. Dati isang sabi niya lang ng ganito ay naniniwala agad si Zayden kahit wala siyang pinapakitang ebidensya.Pero bakit hindi na ito epektibo sa lalaki ngayon?"Galit sa akin si Czarina at alam natin pareho iyon. Kaya kahit maghiwalay kayo ay hindi niya gugustuhin na maikasal tayong dalawa--""Chloe," pagputol ni Zayden sa mga sinasabi ni Chloe. Mariin niyang tinignan ang babae sa kanyang mga mata at tila pinapatigil na ito sa pagsasalita pa ng kung ano-ano.Pero hindi nagpatinag si Chloe. Mas lalo lang nanaig ang inis niya kay Czarina nang mapansin na parang pati ang simpatya ni Zayden ay naaagaw na nito."Hindi niya ako gusto para sa'yo, Zi. Gusto niya na masira tayo, na masira ako. Hindi pa ba sobra-sobra itong ginagawa niya? Matapos ang mga maliliit na pranks na ginagawa niya noon, ngayon naman ay isinisiwalat niya sa publiko ang mga p'wede
"All I need is a reason for all of this nonsense actions and decision of yours, Zayden!" sigaw ng matanda na halatang nanggagalaiti na sa galit. Gustong-gusto niyang sabihin ang tunay niyang dahilan sa kanyang pamilya nang sa gayon ay maintindihan din naman ng mga ito ang punto niya. Pero ibinilin at ipinakiusap ni Chloe na 'wag sabihin iyon maski na sa kanyang pamilya. Ayaw nito na may makaalam ng nangyari. Pero sa puntong ito ay punong-puno na rin si Zayden. "Chloe--" Subalit bago pa siya makapagsalita ay napahawak na sa dibdib ang matanda at halos matutumba na. "Mom!" sabay na bulalas ng mag-asawa at mabilis na umalalay sa matanda. Nanlaki ang mga mata ni Zayden. Nakaramdam siya ng matinding pagkataranta at hindi malaman ang gagawin. Tumakbo siya palapit kay Grandma, nanginginig ang buong katawan sa takot lalo na't siya ang dahilan ng matinding stress nito nitong mga nakaraan, isama mo na rin ang sagutang nangyari sa pagitan nila ngayon.. "Ready the car, Zayden!"
Lamig ang bumalot sa katawan ni Zayden nang pumasok siya sa kanilang bahay. Tahimik pero ramdam niya ang presensya ng mga tao. Pagpasok pa lang ay nakita niya na si Grandma na nakaupo, nasa tabi naman nito ang kanyang ina na tila umaalalay sa matanda na nag-aapoy sa galit. Medyo nagulat si Zayden nang makita ang isang tao pa roon na hindi naman gaanong nagpapakita sa mga ganitong sitwasyon, ang kanyang ama. "Zayden," sambit ng mommy ni Zayden sa kanyang pangalan nang makita na siya nito na pumasok. Nag-angat ng mukha ang matanda at marahas na tumayo. Kitang-kita ang pagkamuhi sa mukha nito. Mabilis ang naging pagkilos ng matanda na naglakad palapit kay Zayden at sinampal ang kanyang apo nang malakas. Zayden was stunned. Pero kahit ganoon ay hindi siya nag-react, hindi siya nag-angat ng mukha, hindi niya tinapatan ang mga mata ng kanyang Grandma o sinabayan ang galit nito. He's at fault. Aminado naman siya roon. "What the hell are you doing, huh?" mariing wika ni Grandm
'Hiwalayang Zayden Hart at Czarina Laude, mukhang totoo na nga!' Iyon ang title ng article na nabasa ni Chairwoman Hart nang buksan niya ang kanyang cellphone upang malaman kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga tao roon. "What do you think?" bulong ng isang babae roon sa kanyang katabi. "Ayaw ko na talaga mag-komento sa mga ganyan pero... pakiramdam ko totoo," sagot naman ng katabi nito. "Seems true to me, too," sabi naman ng babae sa kanilang harapan. "Doon pa lang sa dinala niya si Chloe Smith sa stage at hinarap sa maraming tao, alam mo na, eh." Nagkibit-balikat naman ang isa sa kanila. "But I don't think na totoo ang divorce. Hindi naman iyon ide-deny kung totoo." "Malay mo naman hindi pa nga hiwalay pero may plano na. That's just the same." "Look at these photos!" Nang marinig iyon ng Grandma ni Zayden ay saktong nakatingin din siya sa mga larawang lumabas. Halos lahat iyon ay mga larawan nina Zayden at Chloe na magkasama. Mayroon sa beach, sa mall, sa restaura







