Share

Chapter 350

Author: Raine
last update Petsa ng paglalathala: 2026-05-18 21:45:18

"Zayden," iritadong tinignan ni Czarina si Zayden. Talagang dumadagdag pa ito sa init ng ulo niya ngayong araw. "Hindi na tayo mag-asawa at wala tayong kung anong relasyon para kumain ng magkasama. Ano ba ang trip mo sa buhay?"

"Chill, it's just a meal. Hindi ba ako p'wedeng kumain kasama ang sikat na tao?"

Mas lalong kumunot ang noo ni Czarina. Tinignan niya si Zayden na para bang minumura niya na sa isipan ang lalaki bagaman medyo naguguluhan sa tinuran nito.

Nakita ni Zayden iyon kaya napapa
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
LEEJS
but seryuso ms. A 1chap. lang talaga update after so many many years na hindi ka naka update hehehe charrr.. pero bakit po isa lang huhuhu more update ...
goodnovel comment avatar
LEEJS
thank u po sa update
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 350

    "Zayden," iritadong tinignan ni Czarina si Zayden. Talagang dumadagdag pa ito sa init ng ulo niya ngayong araw. "Hindi na tayo mag-asawa at wala tayong kung anong relasyon para kumain ng magkasama. Ano ba ang trip mo sa buhay?""Chill, it's just a meal. Hindi ba ako p'wedeng kumain kasama ang sikat na tao?"Mas lalong kumunot ang noo ni Czarina. Tinignan niya si Zayden na para bang minumura niya na sa isipan ang lalaki bagaman medyo naguguluhan sa tinuran nito.Nakita ni Zayden iyon kaya napapailing siyang natawa at binigay ang phone niya kay Czarina. Naguguluhan man ay kinuha iyon ng babae at halos malaglag ang mata niya sa gulat nang makita ang isang post na viral ngayon sa social media.Siya iyon na naka-side at may nakatalikod din kung saan kitang-kita ang tattoo niya na parang mas nagong dahilan pa para ma-curious sa kanya ang mga tao.Nang mapagtagpi-tagpi ang lahat ay na-realize din ni Czarina na kanina pa alam ni Zayden na siya iyon.At..."Ikaw ba ang nagpadala ng waiter kani

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 349

    Kinuha ni Czarina ang sunglasses mula sa bag niya at mabilis na nag-retouch ng ibang kulay ng lipstick. Inilugay rin nito ang buhok at nagsuot ng jacket. Maya-maya pa ay tumunog na ang alarm sa buong hotel at alam niya na agad na para iyon maharang siya. Medyo marami siyang nakasabay sa elevator at may mga guards na na nag-aabang sa kanya sa baba. "Have you seen a girl wearing a..." dinescribe siya ng isa sa mga ito. Mabuti na lang at naka-jacket siya at iba na ang istilo ng kabuuan ng suot niya ngayon. "No english," aniya at iwinagayway ang kamay sa harap ng mga ito. Nagkatinginan ang dalawang guwardya na naka-assign sa tabi niya, parehong hindi alam kung ano ang sasabihin at ano ang gagawin. "Boyfriend is waiting outside," aniya sa putol-putol na english. Sinadya niyang gawin iyon para hindi siya makahalata at para hindi na siya pagtuunan ng pansin ng mga ito. Hindi siya pwedeng magtagal dahil tiyak na pababa na ang nga tao ni Mr. Kauffman at kapag ang mga ito na ang bumaba

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 348

    "Boss, mag-ingat ka lalo na nasa ibang bansa tayo.""Nasa bansa man natin o hindi..." Czarina rolled her eyes. "Hell will pay for what he'd done."Inilagay ni Czarina ang needle na dala niya sa may suot niyang palda kung saan hindi iyon pansinin.Nakarating na ang dalawa sa hotel na kinaroroonan ni Mr. Kauffman. Hinatid ni Ichan ang boss niya, at medyo kabado ito na baka kung ano ang gawin ni Czarina."Hintayin kita dito sa labas, boss, kung magkaaberya ay sumakay ka na lang agad para makaalis tayo agad," bilin ni Ichan bago bumaba si Czarina. "At kung magkaroon ng problema o aksidente sa taas ay tawagan mo lang ako.""Oo, kumalma ka diyan," ani Czatina dahil halata niya na kinakabahan ang assistant hacker niya.Ichan sighed. "Mag-iingat ka, boss, 'wag kang magpadalos-dalos. Kapag medyo delikado na ay gawan mo ng paraan na makalabas. Hindi mo naman kailangang kunin ang cypress flowers na 'yan kung malalagay naman sa panganib ang buhay mo."Aminado si Ichan na kinakabahan siya dahil ti

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 347

    Napasinghap na lamang si Ichan nang marinig ang offer na iyon ni Czarina. Doble ang kaba niya sa mga nangyayari, saan naman nila kukunin iyon?"Bakit ba kasi nakikipag-bid pa iyon?"Napaisip din si Czarina. Hindi niya akalaing ganoon ito kainteresado sa halaman na iyon para makipag-bid ng ganito kalaki."Can we take a moment to pause first?" pahayag ni Mr. Kauffman na tinanggap naman ng host.Binigyan sila ng sampung minuto para mag-break. Ang ilan ay nagpunta sa CR, ang ilan lumabas upang kumuha ng makakain, ang iba ay may tinawagan. Pero sina Czarina at ang kasama niyang si Ichan ay nanatili sa loob ng auction assigned room nila, parehong kinakabahan at hindi alam ang gagawin.Wala pang dalawang minuto ay may kumatok na sa pintuan ng auction room nila.Binuksan iyon ni Ichan at sa labas ay naroon si Mr. Kauffman, diretso ang tingin kay Czarina, may ngisi sa mga labi na tila siguradong nasa kanya ang upper hand."I heard you have limited funds right now?" Dinilaan nito ang ibabang la

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 346

    Nagkatinginan si Mr. Kauffman at si Zayden matapos tapusin ni Zayden ang bidding na iyon para sa necklace. Ngumiti si Zayden kay Mr. Kauffman pero seryoso lang siyang binalingan nito. Hindi ito natuwa sa ginawa niya. "Nevermind that necklace, sir, what's important for tonight is the cypress flowers that you've been eyeing for months now," sabi ng kasama nitong lalaki na pinapakalma ng kaunti ang kanyang boss dahil mukhang nainis talaga ito kay Zayden. Mr. Kauffman sighed. Tama naman ito. Hindi naman ang necklace ang ipinunta niya rito. "Mr. Kauffman, will you really help Mr. Hart penetrate the outside asia countries if he gave you the cypress flowers?" kuryosong tanong ng assistant niya dahil para sa kanya ay simpleng bagay lang naman iyon. Ngumisi ang lalaki. "Of course! I have to own that cypress flowers!" Maya-maya pa ay ipinakita na ang pinakahihintay ni Mr. Kauffman at maging ni Czarina. Nasa isang clear na glass iyon at napakaganda. Magpakita ng close up na video

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 345

    Sa loob ng maliit na room ay may upuan, may foods and drinks sa mesa, may computer na maliit sa harapan, at may camera rin sa gilid. "Welcome to our auction event for the night, bidders! We wish you all the best luck so you can go home with the things you were eyeing for!" sabi ng host na nagpakita sa maliit na computer. May maliit na bintana rin ang kwarto kung saan makikita ang mga nasa labas na dumadaan sa kwarto na iyon, dalawang bintana, isa sa kanan, at isa sa kaliwa. At hindi nakatakas sa paningin ni Ichan at ni Czarina si Mr. Kauffman na pumasok sa kabilang kwarto sa kaliwang banda ng kanila.Ganoon din ang kwarto ni Mr. Kauffman, may bintana rin kaya naman kitang-kita pa rin nila, bagaman maliit, ang isa't isa kung lilingon ito ng sadya sa gawi niya. "Makiki-bid din si Mr. Kauffman?" tanong ni Ichan at tiningnan ang boss niya. Gustong masuka ni Czarina pagkarinig pa lamang ng pangalan na iyon. Bakit sa dinami-dami ng pwedeng makatabi ay ang manyak pa na iyon? Pagli

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 60

    Tahimik ang buong bahay nang pumasok si Zayden. Sinuyod niya ang buong sala, ni walang fresh na bulaklak doon, napalitan na ng mga plastic flowers. Dati, pagkadating niya galing trabaho ay naaamoy niya agad ang natural na amoy at bango ng mga sariwang bulaklak. Malalim na buntong-hininga ang pina

    last updateHuling Na-update : 2026-03-20
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 64

    Paglabas ay agad inalis ni Czarina ang kamay sa kanya ni Zayden. Natigilan si Zayden at tiningnan ang babae pero nilagpasan lamang siya ni Czarina. Wala siyang nagawa kung hindi ang sundan ito. "Saan ka pupunta?" "Hindi mo na ako kailangang ihatid," walang emosyong sabi ni Czarina. Sa ilang tao

    last updateHuling Na-update : 2026-03-20
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 57

    "Hindi ako si Chloe, Zayden," pag-uulit ni Czarina nang ayaw pa rin siya pakawalan ni Zayden.Kinakabahan siya. Nasa proseso siya ng pagmo-move on at ang mga ganitong galawan ni Zayden ay hindi makabubuti sa puso niya."I..."Bago pa maituloy ni Zayden ang gustong sabihin ay malakas na bumukas ang

    last updateHuling Na-update : 2026-03-20
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 69

    Malakas ang ulan nang lumabas ng bar si Czarina. Napangiti siya at niyakap ng bahagya ang sarili dahil sa malakas na simoy ng hanging dumapo sa kanyang balat.Pero agad siyang napaigtad sa gulat nang biglang kumulog at kumidlat ng napakalakas. Halos mangiyak-ngiyak niyang nilakad ng mabilis ang daa

    last updateHuling Na-update : 2026-03-20
Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status