Masuk"Paul, ano ang sabi niya? Hindi ka raw kilala? Mukhang minamaliit ka, pre!" dinig ni Czarina na sabi ng katabi nito. "Paul Hunter mula sa Hunter Group, bulag ka ba o bingi?" galit na sigaw ng lalaki at binasag ang baso na gamit ni Czarina kanina. Sa halip na matakot ay tinapatan ni Czarina ang galit nito. "Bakit? Sino ka ba sana? Puro ka lang naman yabang!" Kinuha ni Czarina ang baso na may lamang tubig sa mesa at itinapon ang laman no'n sa mujha ng lalaki. "May pinainom kayong kung ano sa kaibigan ko at kung makaasta kayo ay parang napakaimportante niyong tao. Now, you're glaring at me, huh?" Kinuha nito ang wala ng laman na bote ng wine at ibinigay sa lalaki. "Gusto mo akong saktan? Go on! Ihampas mo sa ulo ko!" Gusto niyang bigyan siya nito ng mas matinding dahilan para gumanti. "Ano? Mahina ka pala, eh, puro kayo salita!" pag-po-provoke ni Czarina rito. Nagkatinginan ang mga lalaki, halatang hindi nila inaasahan iyon. Nasa kamay na ngayon ni Paul ang bote ng wine at hindi
"Woah! Drinking already? Hindi mo na ako nahintay," bungad ni Czarina nang mamataan ang kaibigang si Klarisse na umiinom na sa isang table sa gilid.Klarisse smiled when she saw her friend."Hi, gorg!" bumeso ito sa kaibigan. "Kumusta ang buhay?"Pabuntong-hininga na naupo si Czarina sa tabi ng babae."Ito, pagod. I just came from the airport, you know? Kaso wala rin akong napala."Tipid na ngumiti si Klarisse. "No luck, huh?""So, bakit ka ba nag-aya bigla dito? May problema ba?""Wala naman. Ibabalita ko lang sana sa'yo na tatanggapin ko na ang contract with the Jaos."Tumango-tango si Czarina."That's good. Nakita ko ang latest campaign nila tungkol sa mga product na ipo-promote mo at feeling ko bagay talaga iyon sa'yo."Pinaningkitan ni Klarisse ng mata ang kaibigan."Wala ka ba talagang nararamdaman kay Adrian? Kahit kaunti? At least something you can start with?"Wala pang dalawang segundo ay umiling na agad si Czarina. Hindi dahil sa ayaw niya kay Adrian kundi dahil sigurado si
Hindi mapigilang malungkot ni Kevin habang nakatingin kina Chloe ay Zayden. Sigurado siya na may nararamdaman ang boss niya kay Czarina at mas lalo niya lang napagtanto ang bagay na iyon kanina nang makita niya itong nakatitig kay Czarina na may sari-saring emosyon habang natutulog ang babae. Zayden has this familiar cold eyes. Iyon ang madalas na nakikita ng tao. Pero iba kapag si Czarina ang kaharap niya. Hindi blanko. Palaging may emosyon. Galit man o masaya ay nagpapakita ito ng emosyon. Hindi tulad ngayon na kaharap niya si Chloe, ang pilit niyang sinasabi na kailangan niyang pakasalan. Kevin's heart broke even more because he knew the very reason why Zayden is doing this. Alam niya na dahil iyon niligtas siya ni Chloe at malaki ang utang na loob niya rito. Pero hanggang saan at hanggang kailan ba siya magbabayad ng utang na loob sa babae? Czarina and Zayden's relationship were very okay then. Hindi naging sila pero kitang-kita na pareho silang may nararamdaman sa isa't isa.
Nagpatuloy sa pag-uusap sina Kevin at Zayden tungkol sa trabaho. Kapag nasa ibang bansa sila ay madalas na ito ang kasama niya at nagiging secretary na rin kaya parang dalawa ang secretary ni Zayden: si Kevin at Jax. Pero kapag nasa Pinas na at para sa mga opisyal na na bagay at dokumento ay si Jax ang para roon dahil personal driver naman at personal assistant ang role ni Kevin. Ilang minuto pa ang nagdaan bago natapos ang usapan ng dalawa. Lumingon sa kabilang gilid niya si Zayden upang silipin si Czarina. Nakapikit na ang babae at mahimbing ang tulog. Napakaamo ng mukha nito, hindi mo aakalaing magagawa niya ang bagay na iyon kay Mr. Kauffman. Zayden sighed. Bumalatay ang pait sa sistema niya. Pakiramdam niya kapag nakikita niya si Czarina ay naaalala niya ang mga payapang araw na may inuuwian siyang asawa. Pero hindi p'wede. Hindi siya p'wedeng magpadalos-dalos at magpaagos na lamang sa sariling emosyon. Hindi niya maaaring mahalin si Czarina. At hindi na rin naman si
Hinihingal na huminto si Kevin sa gilid ni Zayden. Kaaalis pa lang nila Czarina at ang mga mata ni Zayden ay nasa pintuan pa. Mahigpit ang hawak nito sa baso na tila doon ibinubuhos ang emosyon. "Sir..." hinihingal at medyo malakas na sambit ni Kevin. Tamad na nag-angat ng mukha si Zayden. "Ano?" kalmado niyang sabi bagaman madaming laman ang kanyang isipan. "Hindi po pinirmahan ni Mr. Kauffman ang contract agreement." Tumango si Zayden. Hindi naman kabigla-bigla na bagay iyon. They expected that much after what happened. "P'wede na tayong bumalik ng Manila," dagdag pa ni Kevin. Hindi sumagot si Zayden, tumayo lamang ito at dire-diretsong naglakad palabas. "Sir, tapos na po ba kayong kumain? Mula nang dumating ako rito ay parang hindi pa kita nakitang nakakain ng maayos," sabi ng nakasunod na driver ni Zayden sa kanya. "Hindi ko type ang pagkain nila," sagot ng lalaki. Nakakain naman siya nang kaunti kanina pero ngayon ay nawalan na siya ng gana. Sinulyapan ni Kevin ang mes
Napabuntong-hininga si Zayden dahil sa babae sa kanyang harapan na tila hindi mapakali. Gusto niyang pitikin ang noo nito at pagsabihan dahil gagawa-gawa ng bagay na ikakakaba niya pagkatapos. "Hindi iyon magtatawag ng pulis kaya p'wede ka ng mag-relax diyan," sabi ni Zayden bago nagtawag ng waiter upang kunin ang order nila. Nagulat si Czarina sa sinabi ng lalaki. Paano nito nalaman ang iniisip niya? Mind reader na ba ito ngayon? Hindi sumagot si Czarina pero tinitigan niya ang lalaki. Hindi naman iyon nakaligtas sa paningin ni Zayden kaya ibinaba niya ang menu at nagtaas ng kilay. "Ano?" Sumimangot si Czarina at nahagip ng paningin niya ang waiter na tila bato na nakatayo lang sa gilid ni Zayden at naghihintay sa sasabihin nito."Padagdag ako ng rice," sabi niya rito.Pero hindi iyon ang gusto niyang sabihin. Gusto niyang tanungin ito kung paano ito nakasisiguro na hindi magtatawag ng pulis si Mr. Kauffman. Pero ayaw niya rin namang kumpirmahin dito na iyon nga ang nasa isip n
Mas lalong naguluhan ngayon si Zayden. May nakakita sa kanila na magkasama doon sa mismong lugar ng insidente ng araw na iyon. Ano ang ginagawa ni Czarina doon? Naalala niyang muli ang sinasabi ng halos lahat ng nasa paligid nila, na laging nakasunod sa kanya si Czarina. Dumagdag pa na wala ito s
"Tito, ano po ang sabi ng doctor? May kailangan bang gawin kay lolo?" tanong ni Adrian sa ama ni Czarina.Nasa loob na sila ng hospital room ngayon, nakatayo sa gilid ng mahimbing na natutulog na matanda."Wala naman. Medyo um-okay na siya ngayon." Nagbuga ng hininga si Samuel Laude. "Ang kailangan
Sa kagustuhan at pagpipilit na makasal kay Zayden ay nasaktan niya ng sobra ang kanyang pamilya. Bilang nag-iisang anak, prinsesa talaga siya tulad ng sinabi ng kanyang ama. Hindi siya pinagagalitan, sinisisi, o ipinapahiya. Pero lahat iyon ipinadama ni Zayden sa kanya. Gusto niya ring magsumbo
Habang nasa loob ng sasakyan ay umilaw ang phone ni Czarina. May nag-send sa kanya ng isang article na naglalaman ng tungkol sa nangyari sa lolo niya. 'The Chairman of the Laude family had a sudden heart attack and is currently in the hospital' Dumoble ang kaba ni Czarina nang mabasa iyon. Hindi







