Share

The Billionaire's Affair Bk.2  Make me Yours
The Billionaire's Affair Bk.2 Make me Yours
Author: Lianna

Chapter 1

Sophia

Napahinga ako ng malalim habang nakatingala ako sa gusali kung saan ako magsisimulang magtrabaho bilang junior designer ng kumpanya.

This is my first job at sobrang nakaka proud dahil sa isang malaki at kilalang kumpanya sa ibang bansa ako papasok.

Bata palang ako ito na nag pangarap ko. Kaya naman kahit hirap ay nagpursige akong makatapos ng pag-aaral. Pinagsabay ko ang pagt trabaho at pag-aaral dahil wala naman akong aasahan kundi ang sarili ko.

Nasa probinsya si inay at mahirap ang buhay kaya hindi option sa akin ang pagko kolehiyo pero nanindigan ako. Hindi pwedeng mapako ang buhay ko gaya ng inay. Kung hindi ako aalis, magiging kagaya niya lang ako.

Bella Philippines.

Napangiti ako. This is it, Sophia! Para sa pangarap! 

Naglakad na ako papasok ng gusali matapos kong isuot at company ID na binigay sa amin pagkatapos ng training namin.

 Alas otso ang pasok ko at pabor sa akin na malapit lang dito ang maliit na apartment na tinutuluyan ko kaya maaga ako ng trenta minutos. Dala na rin siguro ng excitement kaya napaaga ang gising ko.

Nasa twelfth floor ang opisina namin kaya agad kong nilapitan ang elevator at naghintay sa pagbaba nito.

“Sophia!” napangiti ako kasi kahit hindi ko lingunin, kilala ko ang boses na iyon.

“Trevor!” sagot ko dito 

“ Aga natin ah!” sabi niya at saka  pinitik ang noo ko

“Tsk! Wag nga!” inis na sabi ko. 

Gawi kasi niya iyon sa twing nagkikita kami. Anak si Trevor ng landlady namin at isa siyang ramp model na unti unti ng nakikilala.

Mabait siya at naging kaibigan ko na din. Siya ang takbuhan ko noon pag medyo short ako sa budget at palagi naman siyang handang tumulong.

“Teka! Anong ginagawa mo dito?” 

“May go see  ako dito!” masayang sabi niya kay naman natuwa ako para sa kanya

“Wow! Goodluck ha! Uy pag kumita ka, libre mo ko ha!”  biro ko dito kaya pinitik nanaman niya ang noo ko

“Oo na! Mapagsamantala ka talaga!” sakay naman niya sa biro

Napalingon kami sa elevator ng bumukas ito kaya sabay na kaming sumakay. Sa twentieth floor siya kaya mas nauna akong bumaba.

“Good luck, Sophia!” habol niya pa sa akin bago sumara ang pinto

Hinanap ko ang cubicle kung saan nakalagay ang pangalan ko at nakita ko naman agad iyon. May ilang kasamahan na akong nandon at nakupo na sila sa mga pwesto nila.

Unti unti ng nagdatingan ang iba pang kasamahan ko kaya nagsimula ng maging maingay. Yung iba matagal na sigurong magkakakilala bago napasok dito. Yung iba naman ngayon palang pinapakilala ang mga sarili nila.

“Sophia!” masayang tawag sa akin ng isang tinig at ng mag-angat ako ng tingin ay nakita ko si Bev. Kasabayan ko ito sa training noon.

“Bev!” tumayo ako nilapitan siya.

“Wow! Nakapasa ka din pala! Sabagay magaling ka naman talaga!” puri niya sa akin

“Ikaw din naman, mabuti nga at nandito ka! May makakasama ako.” sagot ko sa kanya

 

Magkatabi lang ang cubicle namin kaya naman sakto lang para may nakakausap ako.

Natahimik naman ang lahat ng pumasok si Mrs. Andrada. Siya ang incharge sa mga baguhang kagaya namin.

“Settle down everyone!” Utos niya kaya isa isang nagbalikan sa upuan ang mga kasamahan namin

“Okay, bilang parte pa rin ng training program niyo dito sa Bella Philippines, ibibigay namin sa inyo ang una niyong assignment. “ panimula ni Ma’am Andrada

“You will be asked to design outfits na pwede nating isama sa darating na Summer Collection. Dalawang design ang required at kailangan maipasa niyo iyon mamayang hapon, understood?” 

“Yes Ma’am!” sabay sabay na sagot namin

Hindi pa nakakaalis si Ma’am Andrada ng pumasok sa pinto ang tatlong lalake na naka suit. Malalakas ang dating nila at masasabi kong napaka gwapo. 

Nagbulungan ang mga kasamahan ko habang ako naman ay nanatili lang ang mata sa tatlong makikisig na lalake sa harap namin.

“By the way, juniors, this is Mr. Hendrix James Saavedra. Siya ang owner ng Bella Philippines at tagapagmana ng Bella International.” pagpapakilala niya sa lalakeng nasa harap. 

Nakapamulsa ito at dahan dahang iginala ang paningin sa amin. Nagsalubong ang mata namin for a brief moment, hanggang sa nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Napayuko naman ako dahil ayaw ko naman salubungin ang mga mata niya at masabihan ako ng bastos.

“Nandito din si Mr. Lucian Philippe Segovia at Mr. Xavier Monteverde, mga co-owners din ng company.” dagdag pa ni Ma’am Andrada

“Good morning po.” bati namin pero nanatili akong nakayuko

Hindi naman nagtagal ay umalis na din ang tatlong boss namin kaya nagsimula na kaming magtrabaho.

Nag-isip muna ako kung anong concept ang gagawin ko bago ko simulan ang pag guhit. 

Balak kong mag design ng isang jumper suit na hindi maong ang tela. Gusto ko soft fabric tapos tinernuhan ko iyon ng shirt sa loob.

Sinimulan ko iyong iguhit at makalipas ang dalawang oras ay nakumpleto ko naman ito. Maganda naman ang resulta sa palagay ko. Well, depende iyon sa titingin talaga.

Inayos ko pa ang ilang detalye gaya ng kulay at kung anong tela ang babagay sa ganitong kasuotan.

Napahilot naman ako sa batok ko. Dalawang oras palang naman akong nakayuko pero nakakangawit na.

I continued scribbling hanggang sa nakaramdam ako ng pagka uhaw. Luminga ako sa opisina at natanaw ko ang sign na may pantry sa gawi na iyon. Kinuha ko ang lagayan ko ng tubig dahil naubos ko na pala ito.

“Kuha lang ako ng tubig.” bulong ko kay Bev at tumango lang naman ito

Dumeretso ako sa pantry at nakita ko naman ang water dispenser doon. Sinalinan ko ito ng tubig at dahil sa pag iisip sa susunod na design ko ay hindi ko namalayang may pumasok pala.

Muntik akong napahiyaw ng pagpihit ko ay nakita ko si Sir Hendrix na nakatayo at nakasandal sa pinto.

“Sir?” gulat na sabi ko pero ngumisi lang siya

Lumapit ito at umabot ng mug saka nagsimulang magtimpla ng kape kaya naman nagsimula na akong lumabas.

“Sinabi ko bang umalis ka?” sabi nito kaya automatic na napahinto ang paghakbang ko

“Ahm. Sorry po. May kailangan pa po ba kayo?” tanong ko sa kanya

“Taga-saan ka?” umikot ito paharap sa akin sabay higop ng kape niya

“Ahm. Dyan lang po ako sa malapit sir.” magalang na sagot ko

Tinitigan niya ako at hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng irita. Maraming masamang karanasan ang na encounter ko dahil sa mga lalaki kaya siguro buhat noon ay nakakaramdam ako ng inis sa mga lalaki lalo at nagpapakita sila ng interes sa akin.

I can be their friend pero pag may iba ng dahilan ang paglapit nila ay napapaso na ako. Man hater nga daw ako sabi ng mga kaklase ko dati noong college pero okay lang sa akin yun dahil totoo naman yon.

“How’s your design?” tanong nito sa akin. Required ba iyon sa mga boss namin? Ewan ko lang din

“Ongoing pa po sir. Mamaya po complete na” sagot ko sa kanya

“Okay. I will look forward to that. I saw your potential Ms. Sophia Angeles, kaya I am expecting a good one!” sabi nito at saka naunang lumabas sa akin

Alam niya ang pangalan ko? Full name pa! 

Nagkibit balikat nalang ako. Hindi naman siguro nakakpagtaka iyon.

Bumalik ako sa pwesto ko saka ko tinuloy ang pangalawang disenyo ko.

It was a white summer dress na may konting print sa gilid with red and yellow colors. Manipis ang tirante nito at mahaba hanggang sakong, which is perfect pag nasa summer outing ka.

Plaided ang baba nito at garterized ang bewang para lalong ma emphasize ang bewang ng magsusuot. 

Finishing touches nalang ang kailangan hanggang sa tawagin na ako ni Bev. 

“Lunch na tayo!” aya nito sa akin. Tumango lang ako sa kanya at sinabing may baon ako kaya dito nalang ako kakain

“Sure ka?” tanong niya kaya tumango naman ako

Ilang saglit pa mag-isa nalang ako sa opisina. Inilabas ko naman ang baon ko at nagsimulang hawiin ang mga gamit ko sa cubicle.

Ngayon palang ako nagsisimula magtrabaho kaya kailangan kong magtipid. May nanay, kapatid at pamangkin  pa akong binubuhay sa probinsiya kaya kailangan maghigpit ng sinturon.

Hindi pa man ako nagsisimulang kumain ay may nagsalita sa likod ko kaya napapitlag ako.

“Why are you here alone?” tanong niya habang nakasandal sa desk at naka cross ang kamay sa dibdib niya

“Kumakain po ng tanghalian?” obvious naman e tinatanong pa

“May cafeteria sa baba, bakit hindi ka kumain dun?” tanong uli niya at kung diko lang amo ito makakatikim na sa akin ito

“May baon po ako sir. Okay na po ako dito!”sabi ko

Nagulat nalang ako ng kuhain niya ang baon ko at takpan. Tapos ay hinila niya ako sa kung saan.

“Hala sir, sorry po! Bawal po ba ang kumain dito? Di naman po kasi nasabi sa akin!” Tuloy tuloy na sabi ko sa takot na sisantehin ako ngayong first day ko.

Hindi naman kumibo si sir at deretso lang sumakay hanggang sa marating namin ang elevator. Hindi naman niya binibitiwan ang kamay ko kaya naiilang talaga ako.

Pinindot niya ang letter P pero hindi namn siya nagsasalita.

‘Ano ba trip ni sir?’

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status