Share

Chapter 3

Sophia

“Laway mo uy!”

Napapitlag ako at napalingon at hindi nga ako nagkamali. Nakita ko si Trevor na tila my inis sa mukha niya habang nakasunod ang tingin sa papalayong kotse ni Sir Hendrix.

“Anong meron? Bakit kayo magkasama ng Presidente ng Bella?” tanong niya habang sinasabayan ako papunta sa apartment 

Ipinasa ko ang mga paper bag sa kanya para makuha ko ang susi sa bag ko.

“Nagshopping ka ata?” tanong uli nito pero hindi ko na sinagot at dere deretso na akong pumasok sa loob habang kasunod naman si Trevor.

“Sophia!” Inis na tawag nito dahil siguro sa hindi ko pagsagot sa kanya

“Ano?” sigaw ko din sabay upo sofa

“Ang sabi ko anong meron? Bakit ka hinatid ni Sir Hendrix?”

“Siguro naisip niyang mahihirapan akong mag commute kaya hinatid ako.”simpleng sagot ko dito

“Sophia, wag ka masyadong makipaglapit kay Sir Hendrix. Hindi mo kilala kung ano ang pagkatao niya!” Trevor warned kaya naman napaangat ang kilay ko

“Nagmagandang loob lang yung tao, Trev. Wala naman siguro masama dun.” sabi ko dito

“Pinapaalalahanan lang kita, Sophia. Malikot sa babae ang grupo ni Sir Hendrix. Baka mamaya ikaw na ang susunod na biktima niya.” kwento ni Trevor kaya nanlaki naman ang mata ko

“Trevor, hindi ako kagandahan para magustuhan ng isang Hendrix James Saavedra! Ang layo kaya namin? Malamang ang tipo nun ung mga modelo saka mga artista!” suway ko dito

“I’m just concerned, Sophia. Ayaw kong masaktan ka kasi kaibigan kita. Kaya ngayon palang draw the line!” ani nito

“Okay po, alam ko naman yun. Parang hindi mo naman ako kilala, Trev. Alam mo naman na allergic ako sa lalake!” paniniguro ko dito

“Hindi mo lang kasi alam kung gaano ka kaganda at kaakit akit kaya wala kang idea kung paano ka pagpatasyahn ng mga lalake dito sa lugar natin!” mabigat ang boses ni Trevor pero tinawanan ko lang ito.

“Wag ka ng mag-alala okay! Kaya ko ang sarili ko!” ngumiti ako dito para matigil na siya sa panenermon niya sa akin

“Cge! Basta wag mo kakalimutan ung bilin ko! Cge na aalis na ako, may lakad ako ngayon. I lock mo itong pinto at wag ka magpapasok ng kung sino sino.” sabi niya kaya bahagya akong natawa

“Para ka naman tatay ko! Cge na lumakad ka na ako na bahala!” pagtataboy ko dito

Pagkalabas ni Trevor at agad ko namang ni lock ang pinto. Kinuha ko ang mga paper bags at saka ako pumasok sa kwarto para iayos ang mga ito.

Nagulat pa ako ng may makita akong pitong pares na sapatos. Mayroon may takong at may flat din ang style. Namangha ako kasi ang gaganda nila at kung sa akin lang, hinding hindi naman ako makakabili nito.

Maingat kong inayos ang mga damit at sapatos sa kuwarto. Nakaramdam naman ako ng hiya kay Sir Hendrix pero wala naman ako magagawa at siya naman ang nagpumilit na kuhain ko ang mga binigay niya.

Sa sobrang pagkamangha ko ay di ko namalayang alas siyete na pala ng gabi. Kinuha ko ang phone ko na regalo sa akin ni Trevor noong graduation ko. Ingat na ingat ako dito dahil alam kong mahal ito. Ayaw ko pa ngang tanggapin pero nagagalit siya sa akin.

Ilang ring lang at agad namang sumagot si inay. 

“Hello, Phia?” 

“Hello nay? Kamusta po?”

“Mabuti naman kami dito anak. Ikaw kamusta ka naman diyan? Kamusta ang unang araw mo?” usisa ni inay

“Okay lang po inay! Maganda ho ang trabaho ko at pag nakapasa po ako, pipirma na po ako ng kontrata sa isang linggo!” masayang balita ko kay inay

“Salamat naman sa Diyos anak. Nagbubunga na ang lahat ng sakripisyo mo!” 

“Opo nga inay! Salamat po sa palaging pag suporta sa akin.” sagot ko naman dito

“Basta mag-ipon ka diyan anak. Wag mo kaming intindihin dito at nakakaraos naman kami. Magsisimula ng mamasukan si Jelai sa groserya ni ka Hapon. Kahit papano makakaros na kami. Maglaan ka din anak ng para sa sarili mo.” mahabang sabi ni nanay 

“Okay lang naman po yun inay. Siyempre po isang pamilya tayo kaya dapat lang po magtulungan tayo.” 

Nagkwentuhan pa kami hanggang sa magpaalam na kami ni nanay sa isa’t isa.

Kahit papano ay masaya naman ako at nakapasok na ng trabaho si Jelai. Maliit man ang sahod, kahit papano makakatulong ito sa pang araw araw na gastusin nila. 

Maaga kasing nabuntis ang kapatid ko. Kakagraduate palang ng highschool ng madisgrasya at hindi naman pinanagutan ng lalake. Ang nanay ko dalawang beses iniwan ng lalake at kami nga ni Jelai ang naging bunga. Hindi ko nakilala ang tatay ko dahil sabi ni nanay hindi na daw siya binalikan ni tatay gaya ng pangako niya. Ang nakagisnan kong tatay ay si Tiyo Ramon, ang tatay ni Jelai pero gaya ng tatay ko, iniwan din kami at sumama sa iba. 

Si nanay ang nagtaguyod sa amin at ng hindi na ako makayang pag aralin ng kolehiyo, ay gumawa na ako ng paraan para makapag aral.

Sumama ako sa kaibigan kong si Aileen paluwas ng Maynila dahil mamamasukan ito sa isang club bilang waitress. Ipinakiusap niya ako at tinanggap naman ako ng boss niya.

Isang taon akong nag waitress at ng makaipon ako ay nag enroll ako sa college at kumuha ng Fashion Designing.

Mahirap sa umpisa pero dahil sa sipag at tyaga nagawa kong pagsabayin ang pag-aaral at pagt trabaho. Gumagawa din ako ng thesis at project ng ilang estudyante para may pandagdag ako sa panggastos.

Estudyante sa umaga, waitress sa gabi. Kahit papano ay kinaya ko naman at malaking bagay ang nakukuha kong tip sa mga customer namin.

Magkasama kami ni Aileen sa apartment ni Trevor pero kinailangan akong iwan nito dahil umuwi muna siya sa probinsya para alagaan ang nanay niya na nagkasakit.

Malungkot mag isa pero dahil nandyan naman si Trevor na palaging nangungulit ay hindi na din ako nainip. Mabait ito at palaging nakaalalay sa akin pag may kailangan ako. 

Magkaibigan lang naman talaga kami at dahil hindi ko siya nakitaan ng interes ay hinayaan ko nalang. Kasi kung manliligaw siya sa akin wala siyang aasahan. Para sa akin, manloloko lang ang mga lalaki. At wala pa sa prayoridad ko ang mga ganyang bagay.

Sa awa ng Diyos, nakatapos ako ng pag-aaral. Tinulungan akong mag-aaply ni Trevor sa mga kilala niyang kumpanya kung saan siya nagmo modelo at naswerte na ang Bella Philippines ang tumugon sa apllication ko.

Tinapos ko na ang mga ligpitin ko at saka ako nagpasyang kumain ng hapunan. Iinitin ko na lang ang baon ko kanina na hindi nagalaw dahil sayang naman yun at hindi naman napanis.

Isinangag ko ang kanin at ng nagtitimpla na ako ng kape ay nag-ring uli ang phone ko.

Hindi ko kilala ang numero pero sinagot ko pa rin at baka importante.

“Hello?” tanong ko sa kabilang linya

“Sophia?” 

Pakiramdam ko nagtindigan lahat ng balahibo ko sa pagkakabigkas ng pangalan ko. Kilala ko ang boses na iyon pero nagbakasakali pa rin ako na baka mali ako.

“Sino po ito?” tanong ko

“It’s me, Hendrix. Are you busy?” tanong nito. Kumalampag nanaman ang puso ko at mabilis na tumibok ng makumpirma ko na si Sir Hendrix nga ang kausap ko

“Ah. Hindi naman po sir. Bakit po?” 

“That’s good! Open the door, nangangawit na ako!” anito kaya nanlaki ang mga mata ko.

Ano naman ang ginagawa dito ng lalakeng ito? Sinilip ko pa ito sa bintana at nakita ko nga na nasa labas siya.

Pagbukas ko ng pinto ay lumapit agad si Sir Hendrix at may dala dala nanaman itong paper bag. Deretso itong pumasok at napatulala nalang ako sa nangyayari.

‘pinapasok ko na ba siya? grabe lang talaga si Sir’

Agad ko naman isinara ang pinto at sinundan si Sir Hendrix na dumeretso sa kusina. Nakatingin ito sa nakahain sa mesa.

“Nagawa mo pa talagng initin ito?” sabi niya sabay turo sa mga pagkaing nasa lamesa

“Ano po bang ginagawa niyo dito?” nakaramdam naman ako ng inis dahil bakit ba siya parang kabute na bigla nalang susulpot?

“I just want to check on you!” sagot nito at nagsimulang ilabas ang mga dala niya na sa tingin ko ay pagkain nanaman

“Sir, mawalang galang na po. Nagpapasalamat po ako sa mga tulong niyo sa akin pero po kasi, sobra na po ata ito?” 

Lumapit ako sa kanya pero tinuloy lang niya ang ginagawa niya

“Kumain na tayo. Hindi pa ako kumakain at wala akong kasabay kaya tara na. Lalamig pa to!” 

Napahinga ako ng malalim at saka ko uli siya hinarap.

“Sir?!” tawag ko dito

“What?” 

“Ano po ba kasi ang trip niyo sir? Bakit po may ganito?” tanong ko. 

Hindi ko naman maintindihan ang sarili ko. Naiinis ako at the same time kinakabahan pag nandyan lang si Sir sa malapit.

“Ilang taon ka na ba?” tanong nito kaya lalo ako naguluhan

“Twenty-three po.” 

“Hindi ka na pala bata. Malamang alam mo na ang ibig sabihin ng ganito?” naupo na siya sa upuan at inaya na ulit akong kumain

“Itatanong ko po ba sir kung alam ko?” sabi ko dito

Tinitigan ako ni Sir ng matagal. Ewan ko pero para aking hinihigop ng titig niya.

“I like you!” nakangiti niyang sabi sa akin

‘ano daw?’

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status