Share

Chapter 2

Sophia

Pumasok kami sa office ni sir habang hawak pa rin niya ang pulsuhan ko. Hindi ko naman magawang bawiin dahil baka magalit ito sa akin at sisantehin ako.

“Maupo ka.”utos niya sa akin kay sumunod na lang ako

Maya maya pa bumukas ang pinto at iniluwa nun ang sa tingin ko ay sekretarya ni sir Hendrix. May dala itong paper bags at base sa amoy, pagkain ang laman nito.

Inilapag niya iyon sa harap ko kasunod si Hendrix na naupo na din katapat na upuan. Inilabas niya ang mga nasa paper bags at inayos sa lamesa. Inabutan niya ako ng isang pack at kahit naman ayaw ko, napilitan akong kuhain.

“Eat that! Malamig na yung baon mo. Hindi magandang kumakain ng malamig.” utos niya sa akin

“Sayang naman kasi sir yun. Isa pa sanay po ako sa ganun. Hindi naman po kasi ako mayaman.” katwiran ko sa kanya

“Eat! Ang dami mong sinasabi.” 

He started to eat habang nakatingin pa rin ako sa kanya. Hindi ko talaga maintindihan ang trip ng amo kong ito.

“Kakain ka ba o susubuan pa kita?” Hindi naman siya nakatingin sa kin kaya napabuntong hininga nalang ako 

Nagsimula na din akong kumain habang naguguluhan pa rin ako sa kinikilos niya.

Masarap ang mga pagkaing binili niya. Sa totoo lang madalang ako makakain ng ganito dahil hindi ko naman afford. Nakakain lang ako ng ganito ng isama ako minsan si Trevor sa birthday ng co model niya at sa isang restaurant iyon ginanap.

Pagtapos naming kumain ay ako na ang nagpresintang magligpit ng kinainan namin. Nakakahiya naman ipaligpit ko pa sa sekretarya niya e nakikain na nga lang ako.

Bumalik na si Sir sa upuan niya kaya naman minabuti ko ng magpaalam.

“Mauuna na po ako sir. Salamat po sa lunch!” magalang na sabi ko 

“Masanay ka na!” maiksing sagot niya

Hindi ko na inintindi ang sinabi niya at agad na akong lumabas sa opisina niya. Nakahinga ako ng maluwag pagkalabas ko saka ako nagmadaling sumakay ng elevator.

Mabuti nalang  at wala pang tao sa opisina pag balik ko. Agad kong itinago ang baon ko sa bag sa nagsimulang tapusin ang trabaho ko hanggang sa naramdaman ko ang pag tabi sa akin ni Bev.

“Bukas sumama ka na sa cafeteria kahit may baon ka. Malungkot kumain mag isa!” anito sa akin

“Okay!” pagpayag ko dahil baka bukas hilahin nanaman ako ng amo kong may sayad. Mahirap na at baka mamaya matsismis pa kaming dalawa.

Mabilis na lumipas ang oras at eksaktong alas-singko dumating si Madam Andrada para kolektahin ang mga gawa namin.

Nag-aayos na ako ng gamit ng tawagin ako ni Ma’am.

“Follow me! Gusto kang nakausap ni Si Hendrix.”

Pinigil kong paikutin ang mga mata ko. Ano nanaman kaya ang trip ni sir.

“Gather your things, sumunod ka na.” sabi ni Ma’am kaya agad naman akong napatayo.

Tinanguan nalang ako ni Bev saka ako sumunod kay Ma’am. Sumakay kami ng elevator at tahimik lang naman kami hanggang marating ang office ni Sir Hendrix.

“Nandito na siya.” Ma’am Andrada announced kaya naman napatingin sa gawi namin si Sir. Nakasuot siya ng specs kaya naman lalong nadagdagan ang kagwapuhan niya.

“Sit down, Sophia.” ayan na naman siya sa utos mode niya at first name basis na lang kami ngayon ha

“This is her work.” abot naman ni Ma’am kay Sir Hendrix ng folder ko

Agad iyong binuklat ni Hendrix saka napatango pagkatapos itong tignan ng matagal.

“It’s beautiful, I’m impressed, for a starter like you, this is good.” puri niya sa gawa ko at natuwa naman talaga ako

“I told you she’s good!” sang ayon naman ni Ma’am Andrada

Lumipad ang tingin sa akin ni Hendrix. Ang gwapo lang talaga niya lalo at suot niya yung salamin niya.

‘luh?! Nggwapuhan ka na ngayon!’

Pilit kong winaksi ang nararamdaman ko. Gwapo siya oo pero un lang un!

“Simula bukas dito ka mago opisina sa tabi ko. I will let someone from the design team train you para mas mahasa ka.” sabi ni sir Hendrix habang nakatingin sa akin

“Po?” Nagulat ako sa sinabi niya at hindi ko ito inaasahan

‘did I just got promoted?’

“Ipapaayos ko ang kontrata mo after a week so I expect the best from you!”

“Po?” totoo ba yung narinig ko? Hindi ba ako nabibingi? Ibig sabihin may kontrata na ako sa Bella Philippines?

“I don’t like repeating myself, Sophia.” Inayos nito ang folder ko at saka tumayo kaya napatayo na din ako

“I’ll go ahead Sir.” paalam ni Ma’am kaya naman pumihit na din ako kasunod nito

“Mauuna na din po ako sir. Salamat po! Pangako po, pagbubutihin ko po!” nakangiti kong sabi sa kanya

“Sinabi ko bang pwede na?” masungit na mang tanong nito sa akin

Napaharap uli ako kay Sir Hendrix. 

Kinuha niya ang coat niya at sinuot pagkatapos hubarin ang salamin niya. He got his phone at car keys at saka ako hinila palabas ng opisina niya.

“ Sir teka lang po ha. Saan na naman po ba tayo pupunta?” tanong ko pero hindi naman siya nagsalita

Deretso lang kami sa isang silid na nandito din sa floor na ito. Halos itulak na nga niya ako papasok.

Pagpasok namin ay nakita ko na nasa showroom pala kami ng Bella Philippines. Binitawan naman ako ni Sir kaya malaya akong nakapaglakad sa loob. 

Nahipo ko ang mga damit na nasa mga mannequin. Ang gaganda nila kaya naman naisip ko sana balang araw makita ko din ang mga disenyo ko na naka display din dito.

Mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko si Sir Hendrix na kumukuha ng mga damit na nasa rack. Madami siyang kinuha pagkatapos ay ibinigay niya sa akin.

“Ano po to sir?” nagtatakang tanong ko pero hindi naman ito nagsalita at pinihit ako para itulak papunta sa fitting room. Matipid ba talaga itong magsalita?

“Teka po!” pigil ko pero pilit niya akong tinulak sa loob

“Isukat mo ang lahat ang mga yan!” Utos niya

“Wala naman po ako pambayad sa mga ito!” sabi ko saka ko pilit inaabot sa kanya ang mga damit

“Are you going to try it on or ako ang maghuhubad sa yo?” nanlaki ang mata ko saka ko siya sinimangutan

“Good! Now go!” saka niya isinara ang pinto 

Wala akong nagawa kundi sundin siya at nagulat naman ako dahil kasya lahat sa akin ang mga damit na binigay niya. 

Paglabas ko ay nasa labas na siya ng pinto at matiyagang naghihintay.

“How is it?” he asked at sinabi ko naman na kasya ito sa akin.

 Kinuha niya ang mga damit saka niya tinawag ang babaeng nandun sa lamesa.

“Wrap this up “ anito at saka bumaling sa akin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa pagkatapos ay bumalik sa mukha ko ang tingin niya.

“Size 7? Right?” 

“Ang alin po?” nahihirapan talaga akong sundan ang trip nito

“Your feet! Size 7 right? ulit niya kaya wala sa loob ko na napatango ako

Tumango lang siya at saka lumapit sa babaeng nagbabalot ng mga damit na sinukat ko kanina.

May sinabi siya dito at hindi nagtagal ay bitbit na niya at ang mga damit na sinukat ko kanina.

Inabot niya agad sa akin yun at ng palabas na kami ay inabot naman sa kanya ng babae ang ilan pang nakabalot sa bag na hindi ko tiyak kung ano.

“Let’s go Sophia!” anito kaya sumunod na ako dito matapos kong tumango sa babae at ngitian ito

Sumakay uli kami ng elevator at sa basement kami ng building nakarating. Tumunog ang alarm ng sasakyan saka ipinasok ni Sir Hendrix ang bitbit niya sa loob ng kotse. Kinuha din niya ang mga hawak ko saka ako pinasakay sa passenger seat.

Nagugulat at clueless ako sa inaasta ng amo ko dahil mabilis ang mga pangyayari at hindi ko na magawang magtanong kanina kung ano ba ang ibig sabihin ng ginagawa niya.

Nang makapasok siya sa loob ay napapikit ako ng lumapit siya sa akin. Jusko super lapit ng mukha namin na akala mo ba ay hahalikan ako pero ikakabit lang pala niya ang seatbelt ko. 

‘assuming ba ako? Siyempre hindi!’

Binuhay na niya ang sasakyan at saka nagmaneho palabas ng basement. 

“Sir?” finally nagawa kong magsalita para sana tanungin kung ano ba ang nangyayari

“Hmm?” medyo tamad niyang sabi sa akin

“Sir wala po ako ibabayad sa mga damit na yan.” matapat kong sabi at kung ikakaltas naman sa sahod ko baka abutin ako ng taon para mabayaran ang mga yun. 

“Wala akong sinabi na bayaran mo. Use that habang pumapasok ka sa kumpanya. You are a designer, dapat may class ang mga damit mo.”

Para naman akong napahiya sa sinabi niya. Pero hindi naman pangit ang suot ko ngayon ah. Ukay ukay nga lang dahil iyon lang naman ang afford ng budget ko.

“Nasaan ang lugar mo?” he asked kaya naman itinuro ko nalang sa kanya ang direksyon at dahil malapit lang naman kami sa opisina ay nakarating kami agad.

Agad siyang bumaba ng sasakyan kaya sumunod na din ako. Kinuha niya ang mga paper bags at inabot agad sa akin.

“I’ll see you tomorrow. Mag report ka kay Ma’am Andrada bukas, alam na niya ang gagawin niya.” bilin nito

“Sige po sir, salamat po.”

Ngumiti siya at kumabog agad ang puso ko pagkakita ko sa ngiti niya. First time na nakita ko iyon at lalo talaga siyang naging gwapo sa paningin ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status