Share

Chapter 21

Nakarating na kami sa San Rafael. Paano ako nakakasiguro? Nakita ko ang malaking arko na gitna ng kalsada na may nakasulat na "Welcome to San Rafael" sa taas nito. Unlike sa siyudad kung saan kami nanggaling na matataas at moderno ang mga gusali, iilan lang ang nakikita kong commercial buildings dito.

Karamihan ay palayan, kabahayan, at iilang mga maliliit na establisyemento. Ang pinakataas na nakita ko pa lang ay limang palapag na gusali. Magaganda at sementado naman ang ibang mga bahay na nakikita ko, pero hindi pa talaga ganoon ka sibilisado ang buong bayan.

Ilang sandali pa ay nakarating kami sa harap ng isang gusaling under construction. Ito na yata ang site na sinasabi ni Archer.

Pinarada niya ang sasakyan sa gilid saka pinatay ang makina nito. Nauna akong bumaba sa kaniya at hinintay siyang makalabas.

Nakasunod lang ako sa kaniya habang naglalakad siya papasok sa site. Mayroong pader na sinadyang ginawa para ipangharang sa harap ng ginagawang gusali. Sa labas nito ay nakapa
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status