Share

Chapter 5

Trigger warning: Violence, death. 

ARCHER'S POV

I put the cigarette between my lips before lighting it. I huffed and puffed the smoke as I boredly look at the unconscious man who's tied up in a chair. 

Kyle was back in the company. I let him in charge while I was gone for awhile. I want to take care of this guy on my own. 

Tsk, I'm getting bored. If I wait for this guy to wake up, it might take me a day. I don't have such precious time to waste. 

I stood up and marched to his direction. I held the cigarette with my thumb and index finger and pressed its tip to the guy's face. I watched as it slightly burned his flesh. 

Manuel screamed as he regain his consciousness. 

"Rise and shine fuckin' asshole," I sarcastically said. 

Masama ang tingin niya sa akin na agad ding nalusaw nang makita kung sino ako. Masamang tingin na napalitan ng pagtataka, at takot. That's it, he should be scared. 

"A-anong– anong ibig sabihin nito?" He tried to sound mad but his voice betrayed him. He's literally shaking. 

I mockingly laughed. "You know exactly what this is. Eventually, you– whom I am not aware of existence until I found what you did– have made a grave mistake of getting on my bad side. I was furious, honestly. The audacity of you for trying on ruining my name and sabotaging the project."

Nanlalaki ang mga matang nakatitig siya sa akin. "H-h-hindi ko a-alam ang s-sinasabi mo."

"Yeah yeah, I'm not expecting you to admit your sin. As they say, walang kriminal ang aamin. Unless, maybe, you're a righteous criminal. The irony, right?" Tinapon ako sa sahig saka tinatapakan ang sigarilyong hawak ko kanina. "Do you know what I hate the most?" I looked at him murderously. "Traitors."

I saw how he shake with fear. His eyes are wide, sweat is dripping from his face, and his lips quiver as he open it trying to defend himself. "W-w-wala a-akong alam s-sa s-sinasabi mo."

"May pamilya ka ba, Manuel?"

Doon siya natigilan. Ang kaninang nanginginig niyang katawan ay biglang nanigas. 

Mas lalong nanlaki ang kaniyang mga mata, mas lalong maraming pawis ang tumulo mula sa noo niya. 

"'Wag m-mo silang sasaktan." A threat, I know that's how he wanted his voice to sound like, but it sounded more like a plead. 

"I never said that," I chuckled. "I just asked whether you have a family. . . or not," I said, amused by his reaction. "On the other hand, maybe I will–"

Napatigil ako nang magpumiglas siya sa upuan at pilit na kumawala. Hindi ako gumalaw, hindi ako nagsalita. Pinanood ko lang siyang nahihirapang umalis sa higpit ng pagkakatali hanggang matumba siya sa maalikabok na sahig. 

That's my cue to cut the games and get straight my favorite part of meeting the traitors. I grabbed his collar and easily lift him like I lifted an empty box. Pinatayo ko pabalik ang upuan. 

My jaw tensed as my eyes met his teary ones.

"D-don't–"

"Don't what?" I cut him. I smirked seeing him scared. Seeing him shake with fear. That's what I like, they should know who to fear. But unfortunately, they just realize that after their souls left their body. 

I reached for my leg where a dagger was hidden. I saw how Manuel's eyes widen with shock as I lift it to his face. Sunod-sunod siyang umiling. 

I slide the tip of the dagger on his face. Not enough to make him bleed, but enough to make him feel that I am superior than him. Just one wrong move and he'll lie here, lifeless. 

But that's no fun. I wanna hear him scream. I wanna hear him beg for mercy, beg me to spare his life, even though I wouldn't. 

"You shouldn't have done that. Tsk tsk. Kung hindi ka lang espiya, baka humaba pa buhay mo."

Tears are slowly falling from his eyes. Pathetic. 

Hindi ako nagdalawang-isip na i*****k sa hita niya ang dagger.

"AAHHH!" Dumagundong ang malakas niyang palahaw sa warehouse kung nasaan kami ngayon. Nobody's here so no one will hear his scream. 

"Do you now see what happens when you dare to challenge me? Huh?" Idiniin ko ang dagger sa hita niya dahilan para magpumiglas siya sa sakit at mas lalong lumakas ang sigaw. 

I pulled the dagger causing blood to ooze from his thigh. I didn't mind his blood that's in my hand. I raised the dagger to his face and laughed eerily. 

"Anong gusto mong sunod na mawala sa'yo?" Hindi na siya nakasagot dahil sa panghihina. Weak. "Ayaw mong pumili?" I grinned. "Sige, ako na lang." Mahigpit ko siyang hinawakan sa panga saka itinapat ang dagger sa kaliwang mata niya. 

Ang mga sumunod na nangyari, or rather narinig, ay ang pagmamakaawa at sigaw ni Manuel. 

ADELAIDE'S POV

Napatakip ako ng tenga dahil sa malakas na pagsigaw ni Manong Jerry sa mic. Pilit niyang inabot ang high note ng kanta ng air supply kahit hindi niya kaya. Tsk, parang araw-araw na lang lagi may videoke dito sa kanila, ah. Wala namang okasyon pero ang ingay akala mo laging new year. 

Mabilis akong naglakad papunta sa amin dahil masakit sa tenga ang ingay. Hindi na ako magtataka kung sa susunod na mga taon ay bingi na sila. 

As expected, naka-lock ang bahay. Huwebes ngayon kaya may pasok ang dalawa. Hay, dalawang araw na pala akong hindi umuuwi dito. Dalawang araw pa lang sa dami pa ng mga araw na hindi ako dito makakauwi. 

Nilapag ko ang bag sa sofa at kinuha ang pambayad kay Nanay Selia sa upa. Mas mabuting unahin ko munang bayaran ang bahay. Alam kong hindi magagawa ni Nanay Selia ang magpalayas ng dalawang bata pero nakakahiya na sa kaniya. Ayaw ko namang abusuhin ang kabaitan niya sa amin. 

Kumatok ako sa pinto ng bahay nina Nanay Selia pero pinagbuksan ako ng anak niyang babae. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa habang may nginunguyang bubblegum. 

Bakas pa sa mukha niya ang koloreteng hindi pa nabubura mula kagabi. Kalat ang make-up niya lalo na ang eyeliner. Magulo ang buhok at nakalaylay ang isang strap ng tank top na suot. Mas lalong humaba tingnan ang legs niya dahil sa short shorts na halos wala nang matakpan.

"'No kailangan mo?" pabalang niyang tanong.

"Nandiyan ba nanay mo?"

"Bakit?"

"Gusto ko lang makausap."

"Bakit? Manghihingi ka naman ng palugit sa utang niyo?" Lumingon siya pakaliwa at dinura ang bubblegum. "Tsk, wala nang lasa." Tumingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. 

Ayoko siyang patulan kaya hinayaan ko na lang. Naglakad siya paikot sa akin habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Nanatiling diretso ang tingin ko na para bang wala siya dito. 

"Hm, pwede." Kahit hindi ko kita ang kaniyang mukha ay ramdam ko ang pagtango niya. Tumigil siya sa harapan ko at sinalubong ang mga tingin ko. "Kung ako sa'yo tanggapin mo na ang alok ko. Noon pa man sinabihan na kita 'di ba? Eh di sana ngayon marami ka nang pera."

May pera nga, sa hindi naman tamang paraan. 

Sandy Aguilar, anak ni Nanay Selia. Kilalang p****k at bugaw sa lugar na 'to. Halos gabi-gabi nasa bar siya at iba-ibang lalaki ang nakakasama. Hindi ako sigurado kung anong nangyari ba't bigla siyang naging ganito, noon naman mabait at mahinhin na bata 'tong si Sandy. Mas matanda lang siya ng dalawang taon kay Andler kaya parang kapatid ko na din. Pero nagbago ang lahat ng isang araw naging ibang Sandy na siya.

Sinubukan siyang pigilan ni Nanay Selia, halos nagmamakaawa na dati ang matanda na bumalik na siya sa dati pero wala, mas lalo lang siyang lumala. Napagod na din siya kinalaunan at hinayaan na lang ang anak sa gustong mangyari sa buhay niya. 

"Wala ka namang ibang gagawin kundi paligyahin ang customer," ngisi niya. "Easy money." Habang nakatingin sa babaeng kaharap ay hindi ko maiwasang manghinayang sa dating Sandy na kilala ko. 

Nakatingin ako sa mga mata niyang dati ay puno ng kulay, saya, at kainosentehan, na ngayon ay madilim, mapagpanggap, at alam kong maraming lihim na itinatago. Wala nang bakas ng dating siya. At kailan man ay hindi na babalik pa. 

"Masaya ka ba sa ginagawa mo?"

Sandali siyang natigilan bago nakabawi. "Oo, lalo pa't malaki ang kinikita ko gabi-gabi," malawak ang kaniyang ngisi. 

"Gaano ba kalaki? Sapat ba para makapagbagong buhay ka?"

Ngumiwi siya. "Hindi, pero sapat para mabayaran ang mga utang mo."

Gusto kong linawin na hindi akin ang utang na binabayaran ko ngayon pero hindi naman siya importanteng tao para ipaliwanag ko pa sa kaniya. 

"Malaki pala sweldo mo, bakit hindi mo magawang tulungan ang nanay mo? Balita ko palamunin ka pa rin hanggang ngayon. Asan na ang malaki mong kinikita." Pinipilit ko ang sarili na 'wag magalit nang sobra.

"Balita ko malaki ang utang na iniwan sa'yo ng nanay mo. Asan na ama mong kano para tulungan ka?"

"'Wag mong ibalik sa akin ang tanong. Ang sabihin mo masyado ka lang iresponsable. Oo nahihirapan ako, pero kailan man hindi ako naging bayaran! Hindi ko ibinenta ang dignidad at katawan ko para lang may pang tustos sa mga luho ko sa katawan!"

"Parehas lang kami ng nanay mo! Ang pinagkaiba lang namin, hindi ako nagpabuntis sa iba't ibang lalaki at aanak-anak nang hindi man lang kayang alagaan!"

Sinampal ako ng katotohanan. Totoo ang sinabi niya. Pero kung hindi nagpabuntis si nanay, edi wala ako ngayon, o si Andler, pati si Amber. 

"Pero hindi ako katulad mo na hindi lang mabigay ang gusto ay ibebenta na ang katawan!"

"Wala kang alam! 'Wag kang magsalita na para bang alam mo lahat! 'Wag kang magsalita na para bang alam mo lahat ng nangyari sa akin, dahil hindi! Hindi niyo alam, at walang may pakialam!" 

Nagbabadyang tumulo ang luha sa mga mata niya pero pilit niya itong pinigilan. Ilang sandali pa ay nagsalita siya para mabaling sa iba ang usapan. 

"Kung ayaw mo sa alok ko." Nakapamaywang habang nakataas ang kilay niyang sabi. "Pwede namang ang kapatid mo nalang. Ano nga ulit pangalan nu'n." Umakto siyang nag-iisip. "Ah, oo. Amber. Baka pumayag si Amber sa alok ko–"

Hindi niya na natuloy ang balak sabihin nang sugurin ko siya at malakas na sinampal. Muntik siyang mawalan ng balanse sa lakas ng sampal ko. Hinawakan ko siya sa leeg at wala sa sariling sinakal. Mas matangkad ako sa kanya kaya't nagmumukha siyang batang nagmamakaawa habang nakatingala sa akin. 

"'Wag na wag mong lalapitan ang mga kapatid ko, kung hindi. . ." Nanghihina niyang hinawakan ang kamay ko para alisin sa leeg niya. ". . . baka mapatay kita."

Padarag ko siyang binitawan nang makitang hindi na siya nakahinga. Natumba siya sa lupa habang habol ang hiningang nakahawak sa namumula niyang leeg. 

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang puso kong sobrang bilis ng pagtibok dahil sa galit. Nang kumalma ay doon ko napagtanto kung anong nagawa ko. 

Pagsisisi kaagad ang bumalot sa akin habang nakatingin kay Sandy na nakadapa pa rin sa lupa at masama ang tingin sa akin. Pero sa likod ng matalim niyang mga titig ay ang takot at pagkabigla. 

Kahit ako ay nagulat sa nagawa ko sa kaniya. Kalakasan ko ang mga kapatid ko, pero sila rin ang kahinaan ko. Ayaw ko silang nahihirapan o malagay sa sitwasyon na wala siyang pagpipilian kundi gawin kahit hindi nila gusto. 

Alam kong hindi magagawang pumayag ni Amber sa alok ni Sandy dahil alam niya kung ano si nanay, alam niya kung ano ang tama at mali, maliban pa sa paniguradong hindi din makakapayag si Andler. Pero may parte sa akin hindi maiwasang mag-isip na paano kung dumating ang panahon na wala siyang ibang pagpipilian kundi pumasok sa ganoong klaseng trabaho? 

Paano kung wala na ako para gabayan siya? Paano kung wala si Andler para sawayin siya? Paano kung kulang pa lahat ng ginagawa ko para hindi na mapasa sa kanila ang suliranin na iniwan ni nanay?

Natatakot ako. Natatakot ako sa mga posibleng mangyari kung sakaling hindi sapat ang lahat ng ginagawa ko ngayon. Natatakot ako na baka mabigo ko sila. 

Kuyom ang mga kamaong iniwan ko si Sandy. Mamaya ko na lang iaabot ang bayad kay Nanay Selia kapag wala na si Sandy, mukha ding wala siya kasalukuyan sa bahay nila. 

Inilaan ko ang oras sa paglilinis ng bahay at paglalaba. Bumili din ako ng isang buong lechong manok para ihanda sa mga kapatid ko. Binigyan ako ng advance payment ni Madam kaya kahit paano ay may pera ako ngayon. 

Alam kong may mga dapat akong bayaran, pero deserve din ng mga kapatid kong makakain ng masarap matapos ang halos araw-araw na hindi kami nakakakain nang maayos. 

Babayaran ko muna nang paunti-unti ang mga utang ni nanay. Saka ko na aalalahanin ang isa't kalahating milyon na kailangan kong bayaran sa loob ng tatlumpung araw. Alam kong hindi ko madadala sa pakiusap ang lalaking ahas kaya naisip kong baka pwedeng mangutang muna ako ng pambayad kay Madam. Nakakahiya, pero kung kinakailangan kong lumuhod o humalik sa lupa, gagawin ko.

Hindi mababawasan ang utang ko, pero at least sa taong nararamdaman kong hindi ako gigipitin nang sobra. Magta-trabaho na lang ako sa kaniya ng libre hanggang mabayaran ko ang isa't kalahating milyon. 

At dahil ayaw naman ni Archer na magtrabaho ako sa kaniya bilang personal maid, pwede naman sigurong mag-apply ako sa iba habang ginagawa ko pa ring maglinis ng bahay. 

Unang dumating si Andler galing eskuwela. Alas kuwatro y media na pala. Huwebes ngayon at hanggang alas kuwatro lang ang klase niya. Kasalukuyang nasa kolehiyo si Andler at kumukuha ng kursong nursing sa kilalang unibersidad. Wala kaming binabayarang tuition kaya malaking bawas sa bayarin, pero hindi pa rin maiwasang gumastos eskuwela.

Tumango lang ako kay Andler nang pumasok siya. Alam kong nabigla siya bakit ako nandito pero hindi siya nagtanong, gumanti lang siya ng tango at umakyat na sa taas. 

Ilang sandali pa ay bumukas ulit ang pintuan. 

"'Ya! Naiwan ko pala ang project ko kanina!" Malakas na sigaw ni Amber pagkapasok niya sa bahay. "Nakit–" Natigilan siya nang mapansing nandito ako. Nanlaki ang mga mata niya at patakbong pumunta sa direksiyon ko. "Ate!"

Muntik na akong mawalan ng balanse dahil sa biglaan niyang pagyakap. Mahina akong natawa at ginantihan siya ng yakap. 

"Miss na miss na kita, ate." Umangat ang tingin niya sa akin at halos madurog ang puso ko nang makitang naiiyak na siya. Marahan kong hinaplos ang kaniyang buhok. 

"Miss na miss na din kita, kayo ng kuya mo. Pero alam mo naman 'di ba bakit kailangan kong umalis? At saka bibisita naman ako lagi kagaya nito. Konting tiis lang, magsasama-sama din ulit tayo."

Marahang tumango si Amber. Ilang sandali lang ay bumalik na siya sa normal na Amber, ang maingay at masiyahing Amber. 

Umalis din ako kinagabihan pagkatapos ng hapunan dahil tinawagan ako ni Madam. Bago ako umalis ay binigyan ko ng pera si Andler para sa pang-araw araw nila na gastos, ayaw niya pa sanang tanggapin pero pinanlakihan ko lang siya ng mata at ayun tinanggap na. Dumaan din muna ako kila Nanay Selia para magbayad ng upa. Mabuti at wala doon si Sandy nang bumalik ako. Hindi ko alam kung kaya ko ulit siyang harapin matapos ang nangyari. 

Nagi-guilty ako sa ginawa ko sa kaniya kasi kahit ako hindi ko akalain na magagawa ko iyon. Pero mas lamang ang parte sa akin na ayokong humingi ng tawad dahil may kasalanan din siya. 

"MARUNONG KA DIN palang magluto?" Manghang sabi ni Madam habang nakamasid sa kung paano ako gumalaw sa kusina.

Kanina pagdating ko sa bahay ni Archer ay naabutan ko kaagad si Madam na nasa sala at nanonood ng TV. Inaya niya agad akong magluto ng hapunan at namangha nang malamang marunong talaga ako magluto. 

"Opo, ako na kasi nagluluto mula bata pa ako." Kinuha ko ang chopping board at mga sangkap na kailangan hiwain. 

"Gaano kabata?" Naka-upo lang si Madam habang nakamasid sa akin na para bang ako ang pinakainteresanteng bagay na nakikita niya. 

Umangat ang tingin ko sa kisame para mag-isip. "Mga 8? 9? Hindi ako sigurado, pero elementary pa lang ako na nag-aasikaso sa bahay."

Mas lalo siyang nagulat sa sinabi ko. "Bata pa lang naaasahan ka na sa bahay, ang swerte siguro ng magulang mo."

Sandaling umangat ang tingin ko sa kaniya bago malungkot na ngumiti. 

"Pero seryoso, hinayaan ka lang ng mga magulang mo na magtrabaho sa ganoong edad?" dagdag niya. 

"Wala naman po kasing ibang gagawa kung hindi ako kikilos." Masikip ang dibdib ko habang inaalala ang mga panahong literal na wala akong masasandalan. 

Napilitan akong maging mature kaysa sa ibang mga kaedaran ko. Hindi ako nakakapaglaro sa labas kasi may mga trabaho ako sa bahay. Ang sakit isipin na maagang nawala ang kamusmusan ko. Ang sakit isipin na ninakaw ang karapatan kong maging bata.

"Bakit?"

Sandali akong natigilan sa paghiwa ng sibuyas nang magtanong si Madam. Ang nakaraan ko ang isa sa mga bagay na ayaw kong i-kwento kahit kanino. Nasasaktan kasi ako para sa sarili ko habang inaalala ang mga pagkakataon na nanakaw sa akin. 

Mababaw kung iisipin ng iba. Pero para sa akin napakalaking bagay lalo pa't ni minsan hindi ko naramdaman na naging bata ako. 

Apat na taon ako nang ipinanganak si Andler at limang taon ako nang simula ko siyang alagaan dahil laging wala si nanay. Wala akong kamag-anak na kilala pero alam kong itinakwil si nanay ng pamilya niya matapos ang nangyaring insidente noon. Hindi ko din kilala ang tatay ko kaya't wala akong ibang mahingan ng tulong. 

Mabuti na lang talaga at nandiyan sa Nanay Selia para tumulong. Siya ang nagbabantay kay Andler kapag nasa eskuwela ako, siya ang nagbibigay sa amin ng pagkain kapag hindi umuuwi si nanay magdamag kapag nasa bar siya. Siya ang nag-aalaga sa amin kapag nagkakasakit kami lalo na kapag busy si nanay sa trabaho. Sa totoo lang, mas mukhang nanay ko pa siya kaysa sa totoong nanay ko.

Natahimik ako ng ilang minuto bago napagtanto ni Madam na ayaw ko magsalita kaya iniba niya ang topic. 

"Nagka-boyfriend ka na ba?"

"Wala po akong panahon sa mga ganiyan."

"Eh manliligaw?"

Umiling ako. "Wala din po."

Hindi makapaniwalang tiningnan niya ako. "Weh? Sa ganda mong 'yan wala ni isa?"

"Siguro kasi natatakot sila sa akin. Mukha daw kasi akong laging galit kapag kaharap ang mga lalaki. Mas mabuti na din pong ganoon, wala akong oras na pwedeng i-aksaya sa kanila."

Tumango si Madam. "Sa bagay, you have to set your priorities din. Pero maiba ako, anong lahi mo? Green mga mata mo eh. Matangkad ka pa, saka maganda. Ba't hindi ka mag-model?"

Pansin ko lang, sa paraan ng pakikipag-usap sa akin ni Madam para niya lang akong ka-edad. Hindi dahil parang matanda ako magsalita, kundi dahil alam niya kung paano makipag-usap sa mas bata sa kaniya na mararamdaman mong hindi matanda ang kausap mo. 

"Italyano daw ang ama ko sabi ni nanay, pero hindi ko pa siya nakilala. Ayaw ko ding mag-model kasi. . . hindi ko gusto." Kasi iyon ang sumira kay nanay. Pero ayaw kong sabihin sa kaniya ang bagay na 'yon. 

Walang nagsalita. Ang tanging maririnig lang ay ang tunog ng pagluto at paggalaw ko sa kusina. 

"Alam mo bang. . . " putol niya sa matagal na katahimikan. ". . . isa lang ang naging kasintahan ng apo ko. Pero noong high school pa siya nu'n. Tumagal sila hanggang mag-college at alam mo bang boto ako sa kanila ng babaeng 'yon. Ayos naman kasi siya, magalang, maganda, mabait, matalino, galing sa mayamang angkan." Biglang lumungkot ang boses niya. "Kaso ang inaakala kong magpapasaya sa apo ko ang siya palang mananakit sa kaniya. Nagloko ang babae, nahuli ni Achie na may ibang lalaki ang kasintahan niya. Ang malala kasi hindi tumanggi ang babae, inamin niya pa na matagal na sila ng lalaki niya."

Nakikinig ako sa kwento niya habang patuloy na nagluluto. 

Malakas siyang napabuntong hininga. "Nga naman, kahit ang pinakaunang taong inaakala mong hindi ka sasaktan ay siya mismong dudurog sa'yo. Dudurugin ka nang pinong-pino na hindi mo na kayang ayusin pa ang sarili mo. Sinasabi ko 'to sa'yo kasi alam kong may mabuti kang puso. Alam kong hindi mo siya sasaktan."

Hindi ka sigurado. Gaya nga ng sinabi niya na 'kahit ang pinakaunang taong inaakala mong hindi ka sasaktan ay siya mismong dudurog sa'yo', paano pa ako na hindi ko naman siya kaano-ano? Hindi ko maipapangako na hindi ko siya nasasaktan sa kahit anong paraan lalo na kung maulit ang nangyari noong una kaming magkita. 

"Hindi magtatagal at lilisan na din ako sa mundong ibabaw. Paano na ang apo ko kapag wala na ako? Kaya sana alagaan mo nang mabuti ang apo ko. Pinapaubaya ko na siya sa'yo, Adelaide."

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status