Share

Chapter Forty One

Mabilis akong umayos ng pagkakatayo nang marinig ang sinabi ng babaeng bagong dating sa akin. Ako? Kabit? Kailan pa?

“Miss, nagkakamali ka yata ng pinasukang baha—“

“What the fuck are you doing here, Margaux?”

Naputol ang kung ano mang dapat na sasabihin ko nang magsalita si Preston. Lumapit siya papunta sa gawi namin at pumagitna sa aming dalawa ng babaeng sumampal sa akin. Kunot-noo ko siyang tiningnan.

Margaux? Magkakilala silang dalawa?

“Why are you asking me that question, Preston? Of course, nandito ako dahil bahay ko ‘to. Bahay natin ‘tong dalawa at hindi bahay niyo niyang kabit mo!”

Tila naestatwa ako sa aking kinatatayuan nang marinig ang sinabi ng babae kay Preston. Naramdaman kong hinawakan ni Preston ang palapulsuhan ko ngunit hindi iyon sapat para pakalmahin ako.

Bahay nila? Ibig bang sabihin…

“Wala ka nang karapatan pa sa bahay na ‘to, Margaux. Noong umalis ka, sinabi ko na sa ‘yo na kahit kailan, hindi ka na makakatapak pa sa pamamahay na ‘to, naiintindihan mo ba?” se
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status