Share

Chapter Forty Two

Para akong tinakasan ng hininga nang marinig ang boses ni Chantal sa hindi kalayuan. Hindi ako nakagalaw at walang kahit na anong lakas ng loob na tumingin sa kaniya dahil sa labis na kaba.

Nang tingnan ko ang dating asawa ni Preston ay agad na lumiwanag ang mukha niya at malapad na ngumiti sa anak. Kinagat ko naman ang aking ibabang labi at wala sa sariling bumitaw sa pagkakahawak ko sa braso ni Preston.

Mukhang napansin ni Preston ang reaksiyon ko kaya’t agad niyang hinuli ang aking kamay at mahigpit iyong hinawakan.

“Nandito pala si Chantal pero hindi ka man lamang nahiya na dalhin dito at ibahay ‘yang kabit mo. Wala ka na ba talagang galang at respeto sa amin ng anak mo, huh, Preston?” tanong ng dating asawa ni Preston sa kaniya kaya’t wala sa sarili akong nagbaba ng tingin.

Alam ko naman na hindi ako ginawang kabit ni Preston dahil alam ko at malinaw naman na hiwalay na silang dalawa. Pero kahit na pagbali-baliktarin man ang mundo, nanay siya ni Chantal at isa pa rin silang p
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status