Share

CHAPTER 7

KINABUKASAN nang magising ako ay halos hindi ako magalaw sa sobrang sakit ng aking katawan. Hindi naman na ako bago sa mahihirap na trabaho pero ang energy ng mga batang ito ay iba. Pero hindi naman ako nagrereklamo, hindi ako magrereklamo.

"Oh, ano? Kaya pa ba? Unang linggo pa lang 'yan, ha!" Tumatawang puna ni Annie nang makita akong namimilipit sa sakit. "Ano ba kasing pinaggagawa ninyo kahapon? Bakit kayo umakyat doon sa likod?" Kamot sa ulong tanong pa niya.

"Eh, gusto kasi ni Irie na kumain ng star apple. May star apple naman sa ref pero ayaw niya raw niyon. Gusto raw niya iyong nasa puno pa dahil aniya, hindi na raw iyon fresh at may germs na raw!" Iling kong kuwento. "Kaya ayon, ako ang umakyat sa puno ng star apple gamit ang hagdan tapos nong pababa na ako, sabay nila iyong niyugyog kaya nahulog ako." Ngumiwi ako nang sinubukang bumangon.

Awang lamang ang bibig ni Annie.

"Pero ayos lang iyon, masaya naman sila, eh. Debale ng masakit ang katawan ko basta mapasaya lang ang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status