Hingal na hingal akong sumandal sa pader habang nakatingin sa paligid. Ten minutes na yata akong tumatakbo dahil sa takot na maabutan ako nina Alexus at makuha na naman. Hindi ko na talaga matiyak kung anong gagawin nila kapag nakuha nila ako this time. Iba ang kutob ko sa lalaking iyon.
Hindi kaya may ginawa siya kay Aelice kaya tinataguan siya nito? Maybe he’s a secret mafia boss tapos may atraso sa kaniya ang babae? Pero mukhang malabo naman iyon. Baka arranged marriage sila tapos ayaw ni Aelice makasal sa kaniya kaya iniwan siya nito.
Napailing na lang ako sa mga naisip ko. Hindi yata matatahimik ang buhay ko hangga’t nakikita ako ni Alexus. Araw-araw magiging banta sa’kin ang presence niya sa paligid. Araw-araw akong tatakbo at magtatago dahil sa kaba. Bakit kasi ganito? Hindi ko tuloy ma-enjoy ang life ko kasi may doppelganger ako na sinisira ang tahimik kong buhay.
Aware kaya si Aelice na may doppelganger siya?
“Expert na ako sa tagu-taguan, Alexus. Hinding-hindi mo ako maiisahan.”
Matapos kong magpahinga ay naghanap na ako ng bagong apartment. May nahanap naman ako at kaagad na umuwi para kunin ang mga gamit ko. Nag-loan din ako sa lending company para mabayaran si Mrs. Santos. Alam kong hindi siya papayag na aalis akong hindi pa nababayaran ang 12,000 peros niya.
“Salamat naman at hindi mo tinakbuhan ang 12,000 na utang mo, Guevarra. Kun’di ipapabaranggay talaga kita,” sabi niya habang binibilang ang pera na ibinayad ko sa kaniya.
“Salamat din Mrs. Santos at makakaalis na ako rito,” sagot ko at nginitian siya nang matamis.
Tinaasan niya ako ng kilay na parang pinapahiwatig niya na wala siyang pakialam sa sinabi ko. Ma-attitude talaga ang landlady na ito. Kahit nananahimik ang bibig, nag-iingay naman ang kilay. Kaya malalaman kaagad kung anong totoong reaksyon niya. Ang plastik!
Matapos kong mag-empake ay umalis na ako sa apartment na iyon. Dumaan muna ako saglit sa matandang ale pero wala siya, kaya nagbantay na lang ako ng jeep. Pero habang naghihintay ako sa waiting shed ay nahagip ng mga mata ko ang dalawang tao na papalapit sa direksyon ko. Base sa suot nila ay mga tuta sila ni Alexus.
“Mukhang naamoy na naman nila ako,” bulong ko sa sarili at napahawak nang mahigpit sa strap ng traveling bag ko.
Hindi ako nag-panic. Hindi ako kumilos dahil kung gagawin ko iyon, malalaman nilang narito ako sa waiting shed. Kailangan ko ng perfect timing para matakasan sila.
“Excuse me, ma’am. Kilala niyo po ba ang babaeng ito?” rinig kong tanong ng isa sa mga bodyguard ni Alexus na kumidnap sa’kin.
Tinuro naman ng babae ang dadaan papasok sa dati kong apartment. Kinuha ko kaagad ang hoodie ko sa bag at sinuot, maging ang hood ay sinuot ko sa ulo at nagkunwaring may hinahanap sa bag. Ngumisi ako nang lampasan nila ang waiting shed na kinaroroonan ko. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa lumiko nga sila. Kaya nagmadali akong tumayo at binitbit ang traveling bag at ang maleta. Pinarahan ko ang jeep na dumaan at dali-daling sumakay. Natagalan pa ako ng kaunti sa pag-akyat pero nakaupo na rin ako. Nang lingunin ko ang crossing na pinuntahan nila ay saktong tumigil doon ang mga lalaki at tumingin sa direksyon ng jeep. Kahit naka-shades sila ay alam kong nakatingin na sila sa’kin. Pero nakaandar na ang jeep kaya tumakbo sila. Napahawak ako nang mahigpit sa strap ng bag.
Sh*t. Baka makahabol sila!
Pigil hininga kong tiningnan sila na kasalukuyang tumatakbo, kinakabahan na baka maabutan ako. Gano’n na lamang ang pasasalamat ko dahil hindi sila nakasakay ng jeep. Parang kalahati ng buhay ko ay nakasalalay sa jeepney driver. I mindedly thank him for helping me unknowingly. Makakahinga na ako nang maluwag.
—-
Tumigil ang jeep dahil sa signal ng traffic light na kulay red. Tumingin-tingin ako sa paligid at maraming sasakyan ang nakatigil din. Bigla na naman akong kinabahan dahil sa idea na baka nakasunod sila sa’kin at nakasakay lang sa mga sasakyan na malapit sa’min. Ba’t ang tagal kasi ng countdown? Maaabutan ako nito!
Kung saan-saan na ako tumingin-tingin dahil inaalala ko ang mga humahabol sa’kin. Wala yatang oras na hindi ako nag-aalala sa sarili ko. I may not see them as bad people physically but the way they act like obsessed clowns, it gives me goosebumps. Sana ay magpakita na sa kanila si Aelice dahil ako ang nahihirapan sa sitwasyon na ‘to.
Pagkarating ko ng apartment ay inayos ko ang mga gamit ko. Mahigit one hour din akong nag-ayos hanggang sa natapos ko lahat. Bagsak ang katawan ko sa kama at dahil sa sobrang pagod ay nakatulog ako. Past seven ay nagising ako dahil na rin sa gutom na nararamdaman ko. Ramdam ko pa ‘yong pagod pero pinilit kong bumangon para makapagluto. Pero nakakailang hakbang pa lang ako nang maalala kong, hindi pala ako nakabili ng panluto ng ulam ‘yong parang katulad ng rice cooker. Sa dati ko kasing apartment may mga gamit doon kaya hindi na ako bumili pa. At dito sa bago kong apartment ay walang halos na mga gamit, kaya kailangan ko pang bumili. Pero wala pa akong sapat ng pera para bilhin ang kulang na gamit.
“I guess bibili muna ako ng ulam sa labas.”
I grab my jacket and get some money in my wallet. Nilagay ko lang sa bulsa ng jacket ko ang phone ko para kunwari wala akong dala na gadget. Hindi ko na tiningnan pa ang sarili ko sa salamin dahil wala na akong pakialam kung anong hitsura ko ngayon. Bibili lang naman ako ng ulam at gabi naman na kaya hindi na nila masyadong makikita pa ang pagiging haggard ng mukha ko. Naglakad lang ako papunta sa karinderya na nakita ko kanina. Nasa kabila pa ito kaya kailangan kong tumawid. Pero natigilan ako nang huminto ang itim na van sa harapan ko. I sense danger pero hindi ako nakagalaw. Nagsusumigaw ang isip ko pero parang manhid ang katawan ko dahil ayaw nitong gumalaw.
“Sino kayo?” tanong ko at umatras, pero may nabunggo ako.
Lalo akong kinabahan nang hawakan ako nito at tinakpan ang ilong ko ng panyo. May naamoy ako na hindi ko maipaliwanag hanggang sa nahilo ako at unti-unting nawalan ng malay.
I woke up inside a van, the lights were dim, but the air conditioner was on. Hindi ako nilamig dahil may suot akong jacket. It’s not my concern anyway. Dahil ang inaalala ko ngayon ay kung bakit ako narito sa van. Pero isang tao lang ang alam ko na may ganitong motibo. Alexus…
“Good thing, you’re awake now,” sabi ng boses na kahit nakapikit pa ako ay makikilala ko pa rin.
Of course, I won’t forget the person who is deeply obsessed with Aelice. Buong araw niya yata akong pinahanap at pinasundan sa mga tauhan niya. Siguro nga nasundan nga nila ako sa jeep kanina. Naghintay lang sila ng pagkakataon para i-corner ako. At ngayon nakuha na naman nila ako.
“What do you need, moron?”
“Easy—”
“That’s bullsh*t! You kidnapped me, twice. You became my stalker. You always shows up every time I go to a certain place… ang creepy!” sabi ko na hindi na maitago ang pagiging iritado sa kaniya, “Ano ba kasi ang hindi mo maintindihan sa mga sinabi ko? I… AM… NOT… YOUR… AELICE! I’m just another girl whose name is similar to your missing fiancée.”
Saglit siyang tumahimik at bumuntong hininga na lang. Siguro naman ay na-realize na niya ang mga creepy action niya. Nagmumukha kaya siyang sindikato sa ginagawa niya. Ganitong words lang pala ang kailangan niya para matauhan siya eh. Ginugulo pa niya ang buhay ng iba.
“I’m sorry…”
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. So, after that kidnapping and stalking, sorry lang ang sasabihin niya? Walang hiya! Tinakot niya kaya ako! Natakot ako to the point na kada labas ko ng apartment hindi ako komportable kasi iniisip ko ang lalaking baliw kay Aelice.
“Hindi nga ikaw si Aelice,” dagdag pa niya at inangat ang mukha, “but you can be her.”
Anong ibig niyang sabihin? ‘Wag niyang sabihin na may pinaplano siya?
Naningkit ang mga mata ko para sana bawiin niya ang sinabi niya. Pero hindi iyon ang nangyari. May tinapon siyang documents sa lap ko na kaagad ko namang dinampot at binuksan. Tumambad sa’kin ang malaking picture ng babaeng kamukhang-kamukha ko? Kinalkal ko pa ang ibang papeles at nahawakan ko ang biodata ni Aelice.
Aelice Geronimo. Executive Secretary.
Teka, AG? Sh*t, halos magkatunog nga ng nickname ko na EG! Pero hindi talaga ako makapaniwalang nakikita ko ngayon ang mukha ni Aelice. Para kaming pinagbiyak na bunga. She could be passed as my twin sister. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako naka-encounter ng doppelganger na perfect ang pagkakapareho ng mukha, at sa case ko pa.
“Be like her. Be my Aelice.”
“Ano?! Baliw ka na ba? Naalog ba ‘yang ulo mo?! At sa tingin mo gagawin ko ‘yon? Ba’t ako magpapanggap na siya?”
“Yes… Because I want to.”
“Pero ayoko,” mariin kong sabi at nakipagtitigan sa kaniya.
“You have no choice then.”
“Bakit sino ka ba? Boss ba kita?” confident kong sabi at nag-crossed arms.
“Unfortunately, yes, Miss Guevarra.”
What the—
Paano niya nalaman ang apelyido ko? First name ko lang naman ang alam niya ah. Dakilang stalker talaga, ang pro ng galawan. Believe na talaga ako sa skills niya.
Pero ang hindi ko ma-gets ay bakit niya sinabi na boss ko siya at confident pa talaga siya sa lagay na ‘yan? Unless, he’s Mr. Reale.
Wait a second—
Mukhang hindi siya nagsisinungaling! Kanina nakita ko siyang bumaba ng kotse sa tapat ng ALera at ‘yong initials ng executive secretary ng president which is boss ko ay AG. Parehong-pareo sa AG na hinahanap niya.
“Don’t tell… nagsasabi ka ng totoo?” paniniguro ko dahil gusto kong makatiyak na tama ang sapantaha ko.
“Why would I lie? I’m the eldest son of Miller Reale, the CEO and former president of ALera Circuit.”
What the hell…
Sa kakaiwas ko sa kaniya, hindi ko na namalayang papunta na pala ako sa direksyon niya. Planado ba ‘to lahat? Kung oo, magre-resign agad ako.
“Don’t you dare resign, my dear secretary. You’ve already signed the contract, remember?”
Bumagsak ang balikat ko dahil naalala kong nagpirma nga pala ako ng kontrata kanina kay Monique. Wala na talaga akong takas sa kaniya!
Hingal na hingal akong sumandal sa pader habang nakatingin sa paligid. Ten minutes na yata akong tumatakbo dahil sa takot na maabutan ako nina Alexus at makuha na naman. Hindi ko na talaga matiyak kung anong gagawin nila kapag nakuha nila ako this time. Iba ang kutob ko sa lalaking iyon.Hindi kaya may ginawa siya kay Aelice kaya tinataguan siya nito? Maybe he’s a secret mafia boss tapos may atraso sa kaniya ang babae? Pero mukhang malabo naman iyon. Baka arranged marriage sila tapos ayaw ni Aelice makasal sa kaniya kaya iniwan siya nito. Napailing na lang ako sa mga naisip ko. Hindi yata matatahimik ang buhay ko hangga’t nakikita ako ni Alexus. Araw-araw magiging banta sa’kin ang presence niya sa paligid. Araw-araw akong tatakbo at magtatago dahil sa kaba. Bakit kasi ganito? Hindi ko tuloy ma-enjoy ang life ko kasi may doppelganger ako na sinisira ang tahimik kong buhay.Aware kaya si Aelice na may doppelganger siya?“Expert na ako sa tagu-taguan, Alexus. Hinding-hindi mo ako maiisa
“Wait, Aelice! Where are you going?!”Napalingon ako sa limang lalaking humahabol sa’kin, kasama na si Alexus, na baliw na baliw kay Aelice na hindi ko naman alam kung saang lupalop ng mundo hahanapin. Nang dahil sa babaeng ‘yon hinahabol ako ng mga taong hindi ko naman kilala, at ayaw na ako tigilan.Pagkatapos kong magsalita kanina sa engagement party ay nakahanap ako ng pagkakataong makatakas. Pero natunugan nila ang ginawa ko kaya ngayon hinahabol nila ako. Nagmumukha tuloy akong wanted sa ginagawa nila. Ano ba kasing mayroon kay Aelice at ulol na ulol siya sa babaeng ‘yon? At bakit ako ang pinagkamalan nila?“Aelice, don’t leave me again!”“Neknek mo! Hanapin mo ang orig mong Aelice! ‘Wag ako!” ganti kong sigaw.Dumaan ako sa eskinita para hindi nila ako masundan. Liko dito, liko roon, hanggang sa hindi ko na marinig ang mga humahabol sa’kin. Siguro naiwala ko sila nang panandalian.Tumigil ako saglit at sumandal sa pader. Hingal na hingal ako at masakit na ang paa. Pero ayos lan
Aligaga kong kinuha ang tatlong folder na may lamang mahahalagang documents sa loob nito. Male-late na naman ako. Kung hindi lang ako natagalan kanina sa karinderya ay baka mas maaga akong nakabalik ng office. Isa pang late ay mabubugahan na ako ng apoy ng boss kong pinaglihi sa dragon. Mainitin pa naman ang ulo niya at palaging ako ang pinagbubuntungan niya ng galit. Palagi niya ring sinasabi sa akin na wala akong karapatan na magreklamo dahil boss ko siya at secretary niya lang ako. That’s why, I always end up in the comfort room, with messy hair or a stained skirt because of her anger issues. Pero kahit kailan hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kaniya. Naiintindihan ko siya. Alam ko ang pinagdadaanan niya. Kaya imbes na galit ang maramdaman ko sa kaniya, ay napapalitan na lang ng awa. “Elize, pinapatawag ka raw ni Ma'am Reigna.”Nilingon ko ito at tumango na lang. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Sana lang ay hindi ko siya maabutang badtrip dahil manganganib ang trabaho ko.Mata