“Hindi mo manlang ba ako tatanungin kung pumapayag ako?” tanong ko habang mahigpit na hinahawakan ang documents.
Ayos din ‘tong boss ko eh, paladesisyon. Akala niya naman hindi ako papalag. His idea was impossible! Hindi pa rin talaga sumusuko. Sabagay, isa siyang Reale, lahat ng gusto nakukuha agad. Pero hindi niya ako matatakot. Hind niya ako makukuha sa pasimpleng document niya. Puwedeng-puwede ko ‘yong punitin eh.
“Alam mo paladesisyon ka,” prangka kong sabi pagkatapos ay tinaasan siya ng kilay.
Pero hindi nagbago ang expression ng mukha niya. Seryoso pa rin at malalamig ang mga mata. Kulang na lang talaga ay iisipin kong may emotional damage ang lalaking ‘to. Akala niya naman cool na siya sa lagay na ‘yan. Hello, he has only those cold eyes but he’s not cool… not in my eyes. Mas malamig pa ang halo-halo sa kaniya.
“I don’t need to. Papayag ka naman kahit hindi na kita tanungin. Hawak ko ang buong capital, isang message ko lang banned ka na sa lahat,” sabi ni Alexus na nagawa pa akong pagbantaan.
Kinuyom ko na lang ang mga kamay ko habang pinipigilan ang sarili na sampalin siya o sapakin. Anong karapatan niya para i-blackmail ako? I am not his toy pero kung makaasta siya ay parang laruan na niya ako. Hindi pa nga nakahawak ang kamay niya sa leeg ko ay nakabaon na ang mga kuko niya sa’kin. Gano’n katalas ang impluwensya niya sa lahat at sa paligid. A very dangerous claw.
“Ano ba kasing kailangan mo? Bakit mo ‘ko gustong maging fiancée mo?” sunond-sunod na tanong ko dahil gusto kong malaman kung ano talaga ang purpose niya at kung may hidden agenda ba siya maliban sa pagpapanggap ko bilang si Aelice.
“Correction, woman. You will never be my fiancée. But you will copy her… her moves, her style, all of her. You will be the clone for this plan.”
Hinagis niya sa’kin ang brown envelope na ang laman ay mga picture. Alam ko kaagad na mga picture iyon dahil naglaglagan ang iba nang ihagis niya sa’kin ‘yon. Kahit alam ko nang kamukha ko si Aelice, nagulat pa rin ako nang makita ko ang mukha niya. Hindi ko kasi in-expect, kahit kailan, na magkakaroon ako ng kamukha. Aware naman ako sa mga doppelganger. But dude, super accurate ng pagkakahawig namin. Para ko nang clone si Aelice. Is it even possible?
“You mean you will erase my identity… temporarily?” sabi ko at mas humigpit ang pagkakahawak ko sa documents, “Nasaan ba kasi ang fiancee mo? Ba’t bigla na lang siyang nawala? Anong ginawa mo sa kaniya? Nawala ba talaga siya?”
“Why do you keep asking, woman? Are you some kind of question fiend who can’t stop asking?” tanong niya na bakas na ang pagiging irita sa akin, “You are an annoying chatterbox.”
“Hoy, hindi ako chatterbox pero kaya kong mag-stalk ng taong nang-ghost,” confident ko pang sabi, at bumalik na naman ang expression niya sa pagiging cold.
I just rolled my eyes and crossed my arms. Siguro no’ng bata pa si Alexus, pinaglihi siya sa yelo kasi sobrang lamig ng pakikitungo niya sa iba. He’s nothing but a lunatic snowman in Winterland. Pathetic.
Isa-isa kong tiningnan ang mga picture. Kahit saang anggulo wala kang makikitaan na pagkakaiba sa’min. Naa-amaze ako pero at the same naccreepyhan. Ano kaya ang feeling na makatabi si Aelice at pareho kami ng damit? Kahit siguro si Alexus ay malilito sa’min kung sino si Aelice at si Elize. Nang matapos kong tingnan ang mga picture ay ibinalik ko rin ito sa kaniya. Tahimik lang siya pero ramdam ko ang matatalim na mga titig na unti-unting bumabaon sa’kin. Bakit pakiramdam ko may mali sa gagawin ko? Bakit pakiramdam ko mas malaki pa ang tasks na nakahain sa’kin? Tama kayang pagbigyan ko ang lalaking ito kahit kanina pa niya ako bina-blackmail?
“Huwag ka nang mag-isip ng decision dahil nakapagdesisyon na ako.”
“What the hell? Desisyon ka talaga kahit kailan. I can’t believe you!” komento ko at tinapon sa kaniya ang mga document.
For the second thought, I was planning to escape and ghost this f*cking rich man. Naisip ko kasi bigla ang posibilities at consequences kapag tinanggap ko ang alok niya. What if may malaking problema si Aelice na kinakaharap kaya bigla siyang nawala at ito namang si Alexus ay pilit siyang pinagtatakpan kaya naghanap ng impostor para mapaniwala ang lahat na narito pa si Aelice? What if may natanggap na death note si Aelice kaya nanganganib ang buhay niya ngayon tapos ito naisip ni Alexus na paraan para maligtas ang fiancee niya sa nagbabadyang kapahamakan or worse, kamatayan?
“Whatever you are thinking, woman, I hope it’s not worse,” sabi niya at nag-smirk na lang sa’kin, kaya napataas ang isa kong kilay.
“Excuse me?”
Ako pa talaga ang pinag-isipan niya nang masama eh siya ‘tong manggagamit ng tao. Gagawin ang lahat para magawa ang gusto niyang mangyari. Sana naman mahiya siya sa lagay na ‘yan. Pero isa nga pala siyang Reale kaya wala siyang hiya. Nasa dugo na nila iyon.
Anong mangyayari kapag nagpanggap akong Aelice? Anong sitwasyon ang naghihintay sa’kin? Paano kaya ako makakatakas sa sitwasyon na ito nang hindi nilalagay ang sarili sa kapahamakan. Knowing Alexus has many connections, I bet he will do anything to blackmail me.
“Don’t deceive me, woman. Because I will be the first person who hunts you down if you do that to me,”
“Ano tingin mo sa’kin, manloloko?” hindi makapaniwalang tanong ko at tinaasan ulit siya ng kilay, para iparamdam sa kaniya na hindi ako guilty sa sinabi niya.
“Then, prove it.”
Aba’t hinahamon ako ng lalaking ‘to! Hindi niya yata kilala ang nag-iisang Elize Guevarra. Wala kaya akong inuurungan.
“Yeah, bring it on, snowman,” confident kong sabi nang hindi nagdadalawang-isip na tanggapin ang hamon niya.
Another day, another panloloko sa lahat. Simula nang araw na naging si Aelice ako, pinagdadasal ko tuwing magigising ako sa umaga na sana ay matapos nang maaga ang pagiging impostor ko. Nakaka-bother na kasi tuwing naaalala ko ang mga natuklasan ko tungkol kay Aelice. Hindi ako makatulog sa gabi at palagi ko siyang napapanaginipan na nakatingin sa’kin at tumatawa na parang baliw.Sa totoo lang ay natatakot ako tuwing nakikita ang mukha niya. Ang creepy kasi isipin na mukha ko ang dala-dala ng taong hindi ko alam kung tao pa ba o naging multo na. Kahit alam kong buhay pa siya, para na rin siyang multo para sa’kin.“Good morning, Miss Aelice.”“Good morning, Siena,” tugon ko sa kaniya at ngumiti.“Good morning, Mr. Alexus,” biglang sabi ni Siena na nakatingin na sa likuran ko.Hindi ko siya nilingon at dahan-dahan na lang na naglakad. Pero bigla niya akong hinila kaya napabilis ang paglakad ko. Napangiwi na lang si Siena sa nasaksihan. Alam kong awang-awa siya sa’kin. Pero wala siyang m
“AG, na-send ko na pala sa email mo ‘yong file na hinihingi mo sa’kin kahapon,” sabi ni Monique, nginitian ko lang siya at binalik ang tingin sa monitor.Ni-log in ko ang account ko sa Gmail at hinanap ang sinend ni Monique. Akmang iki-click ko na sana iyon nang biglang mag-pop up ang isa pang email. Walang nakalagay na subject sa email. At higit sa lahat walang sender name. Hindi kaya scammer ‘to tapos ang target ay ang ALera? Wala naman sigurong masama kung bubuksan ko ‘yong email. Gusto kong makatiyak.After many seconds of thinking, inopen ko ‘yong email. Napalunok ako nang wala sa oras at ayaw bumuka ng bibig ko. As if, nakakita ako ng multo.You're not me. Stop pretending.Tumigil talaga ang mundo ko sa nabasa. Wala talagang subject line. Walang sender name. Pero malinaw ang mensahe na natanggap ko. Parang binibigyan ako ng isang babala. Isang akusasyon na maging ang sarili ko ay sang-ayon sa sinabi ng sender. Nagpapanggap nga akong ibang tao.Hindi ako gumalaw. Parang may malam
Pagkatapos ng maikling pag-uusap namin ni Alexus ay nagpaalam akong umuwi nang maaga. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko simula nang pumasok ako ng boardroom. ‘Yong pressure na naramdaman ko kanina ay dala-dala ko nang lumabas ako ng room na iyon. At hanggang ngayon ay hindi ako nilulubayan. Parang nasu-suffocate ako sa lugar na kinaroroonan ko. Might as well leave this place for a while.Paglabas ko ng elevator, may receptionist na kaagad na lumapit sa akin. Medyo nagulat pa ako ng kaunti pero hindi ko na lang pinahalata. May hawak siyang isang bagay na kaagad kong napansin.“Miss Aelice, may pinabibigay po si Mr. Alexus para sa inyo,” sabi nito at inabot sa’kin ang bagay na kanina ko pa napansin.Hindi kaagad ako nakapagsagot. Hindi dahil sa nagulat ako kun’di naririnig ko ang echo ng salitang Miss Aelice sa tenga ko. Tinanggap ko ang maliit na envelope na gawa sa gold foil. May naka-embosed na initials dito. It’s A.G. Basically, it’s for her, not for me.Pagbukas ko ng envelope
“Miss Aelice, we’re ready for you.”Tumayo ako habang pilit na tinutuwid ang likod kahit nanginginig ang tuhod ko. Hindi dahil sa first time ko mag-present sa harap ng mga important people ng ALera. Sa pagkakaalam kasi nila ako si Aelice at hindi ibang tao. Kaya batid kong malaki ang expectation nila sa meeting ngayon.Ang tunog ng heels ko sa marmol na sahig ay parang martilyo sa dibdib. Pakiramdam ko may pumupukpok din dito. You need to relax, Elize. Hindi dapat nila mapansin na hindi ako confident sa gagawin ko. Malaki ang expectation nila, lalong-lalo na si Alexus na narito rin sa boardroom.Lahat ng mata ay nakatutok sa’kin na parang sinusuri ang bawat hakbang na ginagawa ko. Ang mga investors, board members, at analysts na present ngayon ay mga taong kilala si Aelice. Hindi si Elize. Hindi ako. Kaya doble ang kabang nararamdaman ko ngayon. Paano kung pumalpak ako? Paano kung hindi maganda ang kalalabasan ng meeting na ‘to? Mapapahiya si Alexus ‘pag nangyari iyon. At mas lalong
“Congratulations,” bati ni Alexus, habang nakatayo sa harap ng glass wall ng opisina ko. Nakasuot ngayon ng black suit ang magaling kong boss, pero naka-half smirk siya sa’kin na parang nang-aasar. Paano ba naman bigla akong na-promote ng wala manlang ginagawa so far. Wala pa nga akong one month sa ALera ay tumaas kaagad ang posisyon ko. Ganito ba katanga si Alexus kay Aelice?“AG, in my office.”Tinalikuran na niya ako at lumabas ng opisina, kaya dinampot ko ang phone ko at nagmadaling sumunod sa kaniya. Mainipin pa naman siya. Baka umepal na naman ang mood swings niya at imbes promotion ang mangyari ay demotion ang ibibigay niya. Ayoko pa naman maging janitor. Pang-secretarial kaya ‘tong skills ko.Narating ko ang office niya nang ilang minuto lang dahil binilisan ko talaga ang paglakad. Naabutan ko siyang nakaupo na sa swivel chair at nilalaro ang sign pen sa table. Napalunok ako ng wala sa oras dahil iba ang kabang ibinibigay niya sa’kin. ‘Yong tipo na pinapagalitan ako ng strict
Tahimik na ang buong opisina. Siguro nga ay nag-iisa na lang ako rito sa building, maliban sa security guard na nasa lobby. Sa tantiya ko ay alas otso na ng gabi. Ito ang unang beses na inabot ako ng ganitong oras sa opisina na mag-isa lang dito sa part na ‘to ng ALera. Siguro nga ay wala rin dito si Alexus dahil hindi ko pa siya nakikita kanina pa at hindi pa siya bumabalik sa office niya.Nakatayo ako ngayon sa harap ng salamin, hawak ang files na may pangalan ni Aelice. I know simpleng information lang ang nasa loob nito. But the fact that I discovered the truth about her missing is the thing that I couldn’t swallowed. May ginagawa kayang hakbang si Alexus para mailigtas siya? Siguro naman, oo. Kasi fiancee niya ang kinuha sa kaniya imbes na ang kumpanya. Pero hindi ko pa rin ma-imagine na babagsak ang future ng ALera sa kamay ng iba. Alam na kaya niya kung sino ang traidor sa kumpanyang ito?Tiningan ko ang sarili, pero ang nakita ko ay hindi ako. Hindi si Elize. Hindi rin si Aeli